Share

CHAPTER 5

Halos mahinto ang paghinga ni Hexy nang sabihin niya iyon.

"Are you serious?" Tanong ni Vanessa saka napatakip sa kaniyang bibig. 

Napakamot naman ng batok si Hexy saka dahan-dahang tumango.

Nagpigil naman ng tili si Vanessa saka humawak sa magkabilang kamay ni Hexy at pinisil ito.

"Alam mo, excited na ako sa inyo. Wait. May plano ka bang sabihin sa kaniya?" Tanong ni Vanessa saka napatingin sa direksyon nina Brix.

Umiling naman si Hexy.

"What? Bakit hindi? Eh mukhang nanliligaw na nga siya sa'yo," kunot-noong tanong nito sa kaniya.

"Gusto ko lang siya. Tsaka hindi ba parang masyadong mabilis? Kasi mag-iisang linggo ko pa lang siyang nakakasama. Tapos 'yong first encounter pa namin, hindi maganda," mahinang saad ni Hexy.

"Sa bagay, everything takes time," nakangiting sabi ni Vanessa kaya napangiti na lang din si Hexy.

"Ano'ng pinag-uusapan niyo? Mukhang magandang tsismis 'yan ah?" Tanong ni Shantal nang makalapit sa kanila. Inilagay nito ang kaniyang shades sa kaniyang damit saka ipinulupot ang kaniyang kanang braso sa braso ni Hexy.

Sinenyasan naman ni Vanessa si Hexy na sabihin ang sinabi nito sa kaniya.

"Ano 'yan? Ayaw niyong mag-share?" Taas-kilay na tanong ulit ni Shantal.

Bumuntong-hininga naman si Vanessa at umayos ng tayo.

"Okay. Si Hexy, sinabi niya sa'kin na she likes Sir Brix," mahinang saad ni Vanessa.

Nanlaki naman ang mga mata ni Shantal.

"OMG! Really?" Eksaheradang tanong nito at ginalaw-galaw pa ang braso ni Hexy.

Napangiti naman si Hexy at tumango.

Napatili nang malakas si Shantal kaya agad na tinakpan ni Vanessa ang bibig niya.

"You're so loud," sabi ni Vanessa at isinenyas ang direksyon nina Brix na nakikipag-usap kina Rio.

"I'm sorry. Na-excite lang ako," wika naman ni Shantal saka umayos ng tayo.

"Tsaka, mabuti naman, Hex. Para makalabas ka na sa one-sided love na 'yan," mataray na dagdag niya saka lumingon sa gawi ni Maverick na abala sa pagsindi sa panibagong yosi.

"Pero ayaw niya raw sabihin kay Sir Brix na she has feelings for him," sambit ni Vanessa.

"What? Ano ka ba naman, Hex. It's your chance—"

"Mag-dinner na raw tayo," pamumutol ni Aldrin sa usapan nila saka inakbayan sina Shantal at Vanessa.

"Medyo dumistansya tayo kay Mrs. Royale," natatawang wika naman ni Rio saka umusog nang kaunti palayo.

"Ang OA naman," natatawang sambit ni Hexy.

"Ako na ang tatawag kay Maverick. Mukhang may sariling mundo na naman sa gilid, eh," wika ni Shantal saka tinanggal ang pagkakaakbay ni Aldrin sa kaniya saka lumapit kay Maverick.

"Kausapin ko lang din si Sir Brix, mag-isa na siya ro'n eh," sabi ni Vanessa kaya napatingin si Hexy sa kaniya.

"Kalma," mahinang sambit nito saka kumindat sa kaniya.

"Ehem!" Pangangantsaw naman ni Aldrin sa kaniya nang maiwan silang tatlo.

"Alam mo, bagay kayo," sabi ni Aldrin saka humalukipkip at tatango-tango.

"Oo nga. Bagay din naman kayo ni Maverick, pero kakaiba ang chemistry niyo ni Sir Brix," komento naman ni Rio. 

Bigla namang nawala ang ngiti ni Hexy saka sumulyap na naman kay Maverick at seryoso itong nakikipag-usap kay Shantal.

"Sus! Mas lamang naman si Sir Brix kahit kaibigan natin 'yon. Mas malaki nga lang ang katawan ni Maverick," dagdag pa ni Aldrin.

Natatawa na lang din si Hexy sa kanila at pinag-iisipan kung sasabihin nga ba niya kay Brix ang nararamdaman niya.

"Kung magiging kayo, baka puwedeng umutang na sa kaniya, 'no?" Bulong ni Aldrin sa kaniya. Hinampas naman niya ito sa braso.

"Baliw!"

"Let's go," aya ni Shantal sa kanila habang nakasunod si Maverick sa kaniya.

Umayos naman si Hexy ng tayo saka tumabi sa kanila. Hindi pa rin umiimik si Maverick habang naglalakad.

Nang makalapit sila sa lamesa ay biglang namawis ang mga kamay ni Hexy at hindi mapakali nang makitang nakikipagtawanan si Brix kay Vanessa.

‘Gusto ko na nga siya. Pero wala akong karapatang mainis.’

"Wow! Seafoods!" Bulalas ni Shantal nang makita ang nakalapag sa lamesa.

"Kaso may isang ayaw sa crabs diyan," dagdag pa niya saka tumingin kay Vanessa.

"Hindi naman. Allergy ko lang kasi," sagot naman ni Vanessa saka umupo sa pagitan nina Aldrin at Rio.

"Really? Allergy ko rin," wika naman ni Brix kaya napatingin si Hexy sa kaniya.

Nagngitian naman sina Vanessa at Brix.

Nang makaupo silang lahat ay napatingin muna si Hexy sa mga pagkain bago kumuha ng tahong at shrimp. Habang tinatanggal niya ang balat ng shrimp ay napatingin siya sa nasa kanan niyang si Maverick na nakatingin lang sa kaniya.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Mahinang tanong ni Hexy sa kaniya.

"Parang ayokong kumain," sagot naman nito.

Bumuntong-hininga naman si Hexy saka kumuha ng shrimp na wala nang balat at inilagay sa plato ni Maverick. Napakunot-noo naman si Maverick.

"Kunwari ka pa. Eh, pareho nating favorite 'to," wika ni Hexy saka nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay hindi naman maiwasang tumingin ni Hexy sa kaniyang kaharap na si Brix at katabi nito si Vanessa.

Habang nagkukuwentuhan sila ay tahimik lamang si Hexy habang kumakain.

Siniko naman siya ni Shantal na nasa kaliwa niya kaya napatingin siya.

"Bakit ang tahimik mo na?" Tanong nito.

"Bigla lang sumakit ang ulo ko," sagot naman niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos silang kumain ay nagpa-serve si Brix ng kape na agad naman nilang ininom.

Natahimik naman si Hexy at napakagat sa loob ng bibig niya.

Naglapag din ang mga servers ng iba't ibang juice kaya napangiti si Hexy.

Bago pa man siya kumuha ng baso ay inilapag na ni Maverick ang baso na may cucumber juice sa harap niya.

Napangiti siya nang malapad at kinuha ang baso.

"Thanks, Mavs!" 

Tumango naman si Maverick at saka uminom sa sarili niyang baso.

"What did you call him?" Tanong ni Brix kaya napatingin si Hexy sa kaniya.

"Mavs. Short for Maverick," sagot naman niya saka sumulyap kay Maverick na seryosong nakatingin sa mga ilaw sa gilid ng dagat.

"Ah. I thought it's 'Loves'," wika ni Brix saka seryosong tumingin kay Maverick. 

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Hexy.

‘Nagseselos ba siya?’

Palihim siyang ngumiti habang umiinom. 

"Maganda ang ilaw sa city kapag nasa gitna ka ng dagat," komento ni Brix saka siya tumayo at nagtungo sa harap upang pagmasdan ang mga ilaw.

Sumunod naman silang lahat ngunit nawala ang ngiti ni Hexy nang makitang magkatabi sina Vanessa at Brix.

Bumuntong-hininga na lang si Hexy saka lumingon sa gawi ni Maverick na nakaupo pa rin at nakatingala sa mga bituin.

Sumulyap saglit si Hexy kay Brix na nakipagtawanan kina Vanessa saka lumapit kay Maverick at naupo ulit sa tabi niya.

"Bakit bumalik ka?" Tanong ni Maverick sa kaniya saka naglabas ng yosi sa bulsa niya.

Napatakip naman agad ng ilong si Hexy bago pa man sindihan ni Maverick iyon.

Nang mapansin iyon ni Maverick ay tumigil siya at ibinalik ulit ang yosi sa kaha.

"Wala lang," sagot niya saka umiwas ng tingin. 

Tumingala naman ulit si Maverick at pinagmasdan ang kalangitan. May mga ilang eroplanong dumadaan at walang masyadong ulap.

Napatingin din si Hexy doon saka nagpangalumbaba.

"Mabuti pala at sumama ka," mahinang sabi ni Hexy.

"Pinilit mo ako," sagot naman ni Maverick. Lumabi naman si Hexy nang marinig iyon.

"Bakit kaya ang ganda ng mga tala, 'no? May mga nagpapasaya sa kanila?" Sambit ni Hexy saka bumuntong-hininga.

"Tsk! Seryoso ka ba?" Seryosong tanong naman ni Maverick.

Inis namang lumingon si Hexy sa kaniya.

"Syempre nagbibiro ako. Alam mo, wala kang sense of humor," komento nito habang masama ang tingin niya kay Maverick na abala pa rin sa pag-obserba sa itaas.

Nang hindi umimik si Maverick ay ibinalik niya ulit ang paningin sa mga bituin.

"Pero para sa'yo, maganda ba ang mga bituin?" Tanong ulit ni Hexy.

"Yeah," maiksing sagot nito sa kaniya. 

"Kasama na si Tita sa mga stars," nakangiting wika ni Hexy saka lumingon sa kaniyang katabi.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang nakangiti si Maverick habang nakatingin sa kalangitan.

‘Mahal kita. Pero gusto ko na rin si Brix. Bakit kasi hindi mo ako itrato ng gaya sa pagtrato niya sa'kin?’

"Hexy."

Nabalik sa reyalidad si Hexy nang tawagin siya ni Brix. Nakatayo ito sa harap nilang dalawa Maverick habang nakangiti.

"Can I talk to you?" Tanong nito. Agad naman siyang tumayo at sumama sa kaniya.

Napasulyap siya saglit kay Maverick at abala na ito sa kaniyang cellphone.

"You're ignoring me," wika ni Brix.

Napalingon naman si Hexy sa kaniya habang nakahawak sa taffrail.

"H-Hindi, ah!" 

Natawa naman nang bahagya si Brix sa kaniya kaya napatungo siya.

"I have something to tell you kahapon, pero umalis ka na agad," dagdag pa ni Brix.

"M-May pinuntahan kasi ako," sagot naman ni Hexy saka inayos ang kaniyang buhok na inililipad ng hangin.

"I'm happy, Hexy. Napapasaya mo ako," saad ni Brix kaya napatingala si Hexy sa kaniya.

"Napapasaya niyo ako," dagdag pa nito kaya napaiwas ulit siya ng tingin.

‘Akala ko sa'kin lang.’

"Pinuntahan kita sa restaurant kanina, pero lunch break mo raw," malambing na sambit ni Brix at mas lumapit sa kaniya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang magkiskis ang kanilang mga braso.

"Bakit ka naman nagpunta sa restaurant?" Tanong ni Hexy saka pinigilang mapangiti.

"I just wanted to see you," sagot nito.

Palihim namang napangiti si Hexy at kinurot ang kaniyang sarili upang siguraduhing hindi siya nananaginip.

Biglang nahinto ang paghinga niya nang ilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa railings at ipinatong din ni Brix ang kaniyang kaliwang kamay.

Napalingon si Hexy sa kaniya ngunit nasa tabing-dagat ang paningin ni Brix.

Napalunok siya saka pinagmasdan ang kanilang mga kamay.

"Sana hindi na matapos ang araw na 'to," mahinang wika ni Brix.

"B-Bakit?" Kabadong tanong naman ni Hexy.

Lumingon ito sa kaniya habang nakapatong pa rin ang palad niya sa kamay ni Hexy. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hexy.

"I don't wanna go home. My Dad don't want me to be happy like this," sagot nito. Nakaramdam naman ng kirot sa puso ni Hexy nang makitang naging malungkot si Brix.

"Are you tired?" Tanong ni Brix sa kaniya.

"H-Huh? Medyo," kabadong sagot niya.

"Ihahatid na kita pauwi," wika ni Brix at saka binitawan ang kamay niya. 

Naglakad palayo si Brix at nilapitan ang mga kasama nila.

Hindi naman napigilan ni Hexy ang ngumiti habang hinahaplos ang kaniyang kanang kamay.

"I'll give you a ride, guys," sambit ni Brix. Napatigil naman sa pag-uusap sina Vanessa at tumingin sa kaniya.

"Si Hexy lang ang walang car sa'min. Nag-kotse po si Aldrin kanina habang sumusunod sa'tin, kaya sasabay na lang kami sa kaniya pabalik sa mga sasakyan namin," saad naman ni Shantal saka kumindat kay Hexy.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy.

Bumaling naman si Brix sa kaniya kaya napaayos siya ng tayo.

"So, ihahatid na ba kita pauwi? May pupuntahan ka pa ba?" Tanong nito sa kaniya.

"W-Wala na," nauutal niyang sagot saka kinuha ang bag niya sa upuan.

"Thank you ulit, Sir," pagpapasalamat ni Vanessa at ngumiti pa ito kay Brix.

"Sana maulit pa po," natatawang dagdag naman ni Aldrin. Natawa rin si Brix sa kaniya saka tumango-tango.

"I gave you my number. Text me anytime. Pupunta ako kapag may oras ako," sagot ni Brix. 

"Yieeee! Nakakatuwa namang makipagkaibigan sa inyo, Sir," komento naman ni Shantal.

"I'm also happy," sabi ni Brix saka napatingin kay Hexy. Siniko naman siya ni Shantal at nagpigil ito ng ngiti.

Habang nasa sasakyan sina Hexy at Brix ay hindi mapigilan ni Hexy na mapangiti.

"Brix," wika niya.

"Wow! Tinawag mo ako sa pangalan ko," natatawang sabi ni Brix habang nagmamaneho.

Napakamot naman ng ulo si Hexy.

"Salamat nga pala," dagdag niya.

"No worries," nakangiting sagot ni Brix saka lumingon sa kaniya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya kaya napaiwas siya ng tingin.

"Turn right?" Tanong ni Brix habang nagmamaneho papunta sa apartment ni Hexy.

"Oo."

Nang matapat sila sa apartment niya ay tinulungan pa siyang bumaba ni Brix.

"Pasok ka muna," aya ni Hexy sa kaniya saka binuksan ang gate. 

Nang makapasok silang dalawa sa gate ay agad na inilahad ni Brix ang bouquet na kinuha niya sa likod ng kaniyang sasakyan.

Nakailang kurap naman si Hexy bago kunin iyon. Napatingin siya sa mga bulaklak na kaniyang hawak at hindi pa rin siya makapaniwala.

"Para saan 'to?" Alanganing tanong niya habang pinagmamasdan ang pinaghalong pula at puting rosas.

"For making my day," nakangiting sagot naman ni Brix. 

Napalunok siya nang lumapit si Brix sa kaniya.

At ilang segundo siyang napamulagat at hindi makahinga nang mabilis siyang hinalikan ni Brix sa kaliwang pisngi.

"B-Bakit...I-Ikaw..."

Hindi maituloy ni Hexy ang kaniyang sasabihin habang nakatingin sa mga mata ni Brix.

"I don't have any regrets," sambit ni Brix na mas lalong ikinahina ni Hexy.

"B-Bakit ka ganito? I mean, bakit ka ganiyan? Naguguluhan ako," wika ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa bouquet.

"What do you mean?" Tanong ni Brix pabalik habang nakangiti.

"Para kasing—"

"I'm flirting with you?" Pamumutol ni Brix sa sasabihin niya.

Napalunok siya saka dahan-dahang tumango. Mas lumapit si Brix sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang bewang. Halos matumba siya dahil sa panginginig ng kaniyang mga tuhod kaya hindi niya napigilang mailapat ang kaniyang kanang kamay sa dibdib ni Brix.

Pilit niyang nilalabanan ang titig ni Brix sa kaniya.

"That's what I'm trying to do," mahinang wika ni Brix.

"H-Huh?" Tanong ni Hexy.

"I like you, Hexy. I really do."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status