Nawala sa kaniyang pagmumuni-muni at pagkakatitig si Calynn sa mamahaling singsing na hawak-hawak nang maulinigan niya ang pagbukas ng main door ng apartment nila.
At hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang dumating. Alas dyes y media na, ganoong oras nakakauwi ang kaniyang kapatid kapag weekends ang pasok nito sa school. Working student kasi ito kapag Sabado at Linggo. Tinutulungan siya sa pagpapaaral dito kahit sa simpleng pamamaraan lang na kaya nito.
“Ate, kumain ka na?” malakas ngang boses ni Gela sa ibaba.
Nagmadali na siyang bumaba sa kama. Tinakbo niya ang vanity mirror. Sa isang drawer na alam niyang hindi nila madalas buksan na magkapatid niya isinuksok ang jewelry box.
Kilala niya si Gela. Pumapasok iyon bigla-bigla sa silid niya nang walang katok-katok. Ayaw niya muna na makita ng kaniyang kapatid ang singsing.
“Dito ka muna, ha?” aniya sa singsing na animo’y bata na pinagsabihan.
“Ay, palaka!” Ngunit katulad nga ng kaniyang inisip, biglang bungad si Gela sa pinto. At hustong pagpasok nito ang patulak niyang pagsara sa drawer.
Buking!
Nagmaang-maangan siya at inayos-ayos ang sarili sa salamin. Alam niyang nakita ni Gela ang hindi normal niyang ikinilos at siguradong mag-uusisa ito. Umasa lang siya na sana mali siya. Sa loob-loob niya ay sana… sana talaga ay hindi pairalin ngayon ng kapatid ang kakulitan.
“Ano iyong itinago mo, Ate?” ngunit usisa na nga ni Gela.
Napangiwi siya’t nakapakamot sa ulo. Wala talaga siyang lusot. Ay, naku naman talaga!
“Ano’ng sekreto mo, ha?”
“Anong sekreto? Wala. Itinago ko lang ang suklay,” alibi niya’t mabilis niyang iniharang ang sarili sa drawer. Puprotektahan niya ang kaniyang singsing. Ngayong nagbalik na ito sa kaniya at pag-aari na niya, hindi na niya hahayaang mawala pa.
“Anong wala? May nakita akong itinago mo at hindi iyon suklay.” Ayaw maniwala ni Gela. Hinila siya sa braso.
“Wala nga. Pagkain lang,” pagsisinungaling niya pa kahit confirmed na niya na hindi talaga siya magaling magsinungaling. Tinatagan niya ang sarili upang hindi siya mahila ng kapatid. Ayaw niya talagang makita ni Gela ang singsing dahil paano niya ipapaliwanag na nagkaroon siya ng ganoong kamahal na singsing. Sino ang maniniwala na ibinigay lang sa kaniya iyon kung kahit siya mismo sa sarili niya’y hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon?
Baliw kasing Reedz na ‘yon, eh!
Napahalukipkip si Gela. “So, nagdadamot ka na kung gano’n? May dala rin akong pagkain para sa ’ting dalawa dahil sumahod ako kanina. Nandoon sa baba. Naisip ko kasi na baka hindi ka pa kumain kasi concern ako sa ‘yo pero tinataguan mo pala ako ng pagkain mo. Ang bad mong kapatid,” pagkuwa’y nagdrama na.
Nabahalang ikinampay-kampay ni Calynn ang mga kamay. “Hindi sa gano’n. Hindi mo lang puwede kasi na makita.”
“Hindi ko puwedeng makita ang pagkain mo? Ano bang pagkain ‘yan?” Tumaas ang isang kilang ni Gela. Kahit mas bata ito sa kaniya ay mas mataray na talaga ito sa kaniya noon pa. Gayunman, kapag seryosong usapan na’y syempre takot din naman ito sa kaniya bilang nakakatandang kapatid. Sa mga tulad nitong senaryo lang talaga na para lang silang magbarkada.
Katulad lang din sila ng ibang magkapatid na nagbabangayan, nagkakasakitan, at minsan halos magpatayan na, pero bandang huli mahal pa rin nila ang isa’t isa.
“Ano, uhm...” Umasim na talaga ang kaniyang mukha.
“Damot mo!” Kasabay nang sabing iyon ay walang anu-anong hinila siya ni Gela at hindi niya iyon napaghandaan. Nagmistula siyang papel na walang lakas kaya nahila siya.
Wala na siyang nagawa. Nakangiwing napayuko na lamang siya nang mabuksan ni Gela ang drawer. At katulad ng kaniyang inasahan. Takang-taka na inilabas nito ang jewelry box mula roon.
“Ang ganda!” Namilog ang mga mata ni Gela nang makita ang laman niyon na singsing.
Pahablot na kinuha Calynn ang box at singsing. “Hindi ka dapat nangingialam ng gamit ng may gamit,” saka pantatakip niyang sermon sa kapatid.
Subalit ayaw patalong tinaasan siya nito ng kilay. “At kailan pa nagkaroon ng batas na ganyan dito? Eh, kahit underwear mo nga ginagamit ko?”
“Iba naman ‘yon!” Napalatak niyang tiningnan ng masama ang kapatid, pagkatapos ay maayos na ibinalik ang singsing sa box. “Alam mo ba kung magkano ang halaga nito?”
“Bakit magkano ba ‘yan? 1K? 2K?” Nga lang ay hinalukikipan siya nito. Palibhasa ay walang alam sa mga alahas na fake at hindi.
“Hindi mo na dapat malaman,” pagtataray na rin niya.
“Ano ba’ng meron diyan sa singsing na ‘yan at ayaw mong makita ko? Napulot mo ba ‘yan o ano?” subalit ay pangungulit pa rin nito.
Kung buhay lang ang magulang nila, tatanungan na talaga niya sila kung ilang beses ipinanganak si Gela. Ang kulit-kulit talaga, eh.
“Huwag mong sabihing may nagbigay sa ‘yo? Wala ka namang jowa since birth? Ang pangit mo kasi!” at talagang panlalait pa sa kaniya nito.
Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga upang kumalma bago sumagot. “Ibinigay nga sa akin.”
“Weh? Sino naman?” Mas hindi makapaniwala si Gela. “Patingin nga ulit niyan.” At inagaw pa ang box sa kamay niya.
Hinayaan naman niya. Pero nang akmang isusuot nito sa daliri ay iyon ang pinigilan niya. “Oy, huwag.”
“Bakit?” maang si Gela.
“Kasi si Miss Avy lang ang tingin ko ang may karapatan na isuot ‘yan,” tugon niya. Na-realize na niya kasi kanina pa na kahit hindi tinanggap ni Miss Avy ang proposal ni Reedz ay may karapatan pa rin ito sa singsing. Binili ni Reedz ang singsing para sa dalaga kaya kahit masakit ay tanggap na niya na pag-aari na ni Miss Avy ang singsing.
Makapal lang talaga ang kaniyang mukha kaya sinasabi niya pa rin na ‘singsing ko’.
“Hindi ko gets, Ate. Sino si Miss Avy? At bakit nasa sa ‘yo ang singsing na ito kung kaniya pala ito?” mga tanong pa ni Gela. Kita na sa noo ang guhit ng mga wrinkles nito patotoo na naguguluhan na rin ito dahil sa singsing.
Calynn took a deep breath. Paghahanda sa tingin niyang mahabang paliwanagan na gagawin niya para maintindihan nang mabuti ng kaniyang kapatid ang tungkol sa singsing.
“Tapos iyon bigla na lang ibinigay sa akin. Sabi niya na sa ’kin na lang daw. Gusto kong ibalik sa kaniya pero pinaharurot na niya ang kotse niya. Ano pa’ng habol ko?” pagtatapos niya sa kaniyang kuwento.
Unti-unting naghulas ang pagdududa o anuman sa mukha ni Gela. Napatitig na naman ito sa singsing. Singsing na alam na nito na milyon ang halaga at hindi 1k at 2K na hula nito kanina dahil totoo pala na diamond.
“Hoy! Buhay ka pa?” kalabit ni Calynn rito.
“Oo naman. Iniisip ko lang kasi kung bakit ang suwerte mo, eh, malayong mas maganda naman ako sa ’yo. Kamukha ko kaya si Nanay,” paingot nitong sagot. Umiral na rin ang pagiging ingitera. Palibhasa, bata pa lang sila ay madami nang nagsasabi na mas maganda siya. Binabaliktad lang nito.
Iningusan niya ito. “Seryoso kasi.”
“Seryoso naman ako, ah,” giit ni Gela sa kamalditahan.
Rolling her eyes, dinampot ni Calynn ang box ng singsing. Isinilid na niya sa kanyang bag.
“At bakit diyan mo inilagay?”
“Dadalhin ko at baka bukas magkita kami ulit. Natitiyak ko na bukas ay maalala na ni Sir Reedz ang nangyari at babawiin niya itong singsing. Lasing iyon kanina kaya baka kapag nahimasma`san siya ay maalala niya ang ginawa. Hahanapin ako niyon panigurado,” kanyang paliwanag.
“Kahit kailan ay shunga ka talaga, Ate!” Subalit hinablot ni Gela ang kaniyang shoulder bag at kinuha roon ang jewelry box.
“Ano’ng ginagawa mo?” saway niya.
“Umayos ka nga, Ate. Ibinigay na nga sa ’yo, ibabalik mo pa? Alalahanin mo kailangan natin ng pera. Hindi pa tayo nakakabayad ng upa dito sa bahay at hindi pa ako nakakabayad ng tuition. Isangla o ibenta na lang natin ito.”
“Hindi ka naman seryoso diyan, ano?”
“Seryoso ako, Ate. Ang laking tulong na nito sa atin kung totoong milyon nga ang halaga nito,” paninindigan ni Gela sa masamang binabalak sa singsing.
“Ano ka ba? Isipin mo kasi, Gela. Sino ang matinong tao ang magbibigay ng million-peso worth na diamond ring sa hindi niya kilala? Sige nga?”
“Kasalanan niya nagpakalasing-lasing siya. Walang bawian kamo,” giit pa rin ng kaniyang kapatid.
“Lasing nga, ‘di ba? Gusto mo ba mapahamak tayo dahil lang diyan sa singsing? Mayaman pa naman ‘yong Reedz na ‘yon.”
Kikibot-kibot ang mga labi na sandaling pinag-aralan ni Gela ang hawak-hawak na jewelry box. “Sayang naman kasi ‘pag ibabalik pa. Pero tama ka, Ate. Delikado nga na mang-angkin ng ganito kamahal na bagay.”
“’Di ba? Kahit gustong-gusto ko ang singsing na ‘yan ay nakakatakot namang angkinin. Isa pa ay nakakakonsensya. Paano kapag nagbago ang isip ni Miss Avy at tanggapin na ang proposal ni Sir Reedz?”
Animo’y nakakadiri na ang jewelry box na ibinalik na ni Gela sa kaniya. “Bahala ka na, Ate. Malaki ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin.”
Ngumiti na siya sa kapatid.
“So, ano’ng balak mo talaga diyan?”
“Dadalhin ko sa Lux Fine tapos hihintayin ko si Sir Reedz doon.”
“Worth million-pesos ilalagay mo lang sa bag mo na parang bato lang? Huwag ka ngang shunga, Ate!”
Nagdikit ang mga kilay niya. “Ano naman?”
“Oo nga’t suwerte ka ngayon dahil napakadaling nagkaroon ka ng singsing na ganyan. But what if tyempong malasin ka naman bukas? Ma-holdap ka gano’n, eh, di wala na? Baka imbes na maibalik mo, eh, babayaran mo pa.”
“Huwag ka ngang nega.” Nag-knock on the wood siya sa maliit na lamesa na sa may gilid ng kama. Kahit magtrabaho siya ng buong buhay niya ay alam niya na hindi siya makakaipon ng higit isang milyon.
“Aba’y hindi mo alam ang mangyayari. Buti sana kung may pambayad ka,” pananakot pa rin ni Gela.
Kumibot-kibot ang kaniyang mga labi. May punto nga ang kaniyang kapatid. “So, ano’ng gagawin ko?”
“Simple lang, iwanan mo lang dito sa bahay at hintayin sa shop ang lalaking iyon. Kadali lang naman puntahan dito kapag dumating nga ang Reedz na ‘yon,” ideya ni Gela.
Kagat-kagat ang kuko ng kaniyang hintuturo ay nag-isip si Calynn. Tinimbang niya sa isip niya kung ang mas tamang gawin.
“Alam ko na kung saan itatago.” Muli ay kinuha ni Gela ang jewelry box sa kaniyang kamay. Tumayo at tinungo ang lagayan ng mga labahin nila.
“Bakit diyan?” nakangiwing tanong ni Calynn nang makitang isinuksok ng kapatid ang jewelry box sa mga madumi nilang damit.
“Ikaw, Ate? Kung ikaw ang magnanakaw? Maiisip mo ba na may bagay na nagkakahalaga ng milyones sa mga labahan?”
Napalabi siya. “Sabagay, hindi siguro.”
“See,” proud na ani Gela.
“Sure ka diyan?”
“Oo naman.”
“Okay, sige. Sinabi mo, eh,” isang daang porsyentong sang-ayon na niya. Kung meron mang tao na kaniyang pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaan, syempre ang kaniyang kapatid iyon.
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel