Share

CHAPTER 5

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2024-01-26 19:17:33

Ano ba ang dapat niyang gawin upang maibalik na niya ang singsing na para kay Miss Avy? Paano kaya magkukurus ulit ang landas nila ni Reedz Rovalez? Kahit naman kasi tinanong na niya si Belle sa Lux Fine Jewelry ay wala naman siyang nakuhang impormasyon. Tulad niya, pangalan lang ni Reedz ang alam ni Belle.

Kinakabahan na si Calynn. Apat na araw na ang nakakaraan, ngunit nasa kaniya pa rin kasi ang singsing. Hindi na niya alam kung anong hakbang ang dapat niyang gawin. Inip na inip na siya, at higit sa lahat, nadaragdagan ang pangamba niya bawat araw na lumilipas ukol sa napakamahal na singsing na nananatili sa kanilang bahay.

Gustong-gusto na niyang mawala sa kaniya ang singsing. Pakiramdam niya ay hindi normal ang buhay niya kapag alam niyang nasa pag-iingat pa rin niya iyon. Feeling niya ay may bigla na lang papasok sa kanilang bahay at kunin ang singsing. Kung hindi naman, pakiramdam niya ay biglang may darating na subpoena para sa kaniya na nagsasabing ninakaw niya ang singsing.

Yay! Paktay siya kapag gano’n.

Gusto niya pa rin naman ang singsing. Pero gusto niya na hindi sana sa paraan na bigay lang para sana magaan ang loob niya na i-keep iyon o isuot. Hindi ganito na nakakakaba.

Kanina ay kung anu-anong plano ang naisip niya bago siya pumasok sa trabaho.

Una, what if mag-hire siya ng detective na hahanap kay Reedz Rovalez? Mabilis nga lang iyon na na-cross-out-an sa kaniyang listahan dahil saan naman siya kukuha ng pera para pambayad sa isang detective?

Pangalawa, ang magtambay siya sa San Juan River at maghintay. Naisip niya na baka pupunta ulit doon si Reedz. Inalis nga lang din niya iyon sa isip niya dahil sa tingin niya ay papapakin lang siya ng lamok doon o lalamigin.

At pangatlo, ang itanong niya sa may-ari ng Lux Fine Jewely kung saan ang address ni Reedz. Naalala niya kasi na nabanggit ng binata na kakilala nito ang mga may-ari ng Lux Fine. Subalit binura niya rin iyon nang naunahan siya ng hiya. Hindi sila close. Ni hindi nga siya kilala ng mag-asawa. Baka masabihan lang siya ng ‘who you’ at mapahiya.

Napahugot si Calynn ng malalim na buntong-hininga. Malapit na at mababaliw na siya kakaisip ng paraan. Ang stress talaga.

“May sales na ba at tulala ka d’yan?” Speaking of stress, dumating na ang isa pang stress sa buhay niya. Ang kanilang manager. Charot.

“Good afternoon, Ma’am,” nahihiya niyang bati kay Miss Yvonne.

“Trabaho!” mataray nga lang na mando nito kaysa ang batiin din siya.

“Opo,” mabait naman niyang sagot. Simula nang ma-late siya noong nakaraang araw ay bait-baitan mode na talaga siya. Ayaw niyang ma-badshot ulit at baka tanggalin na siya talaga ng bruha.

Ewan ba niya kung bakit mainit ang dugo sa kaniya ni Miss Yvonne. Wala naman siyang ginagawang masama sa trabaho maliban sa pagkakataon na ma-late siya minsan.

“Baka may period?” bulong sa kaniya ni Yeyet.

“Menopause na kamo,” sabi niya rin kaya naghagikgikan silang dalawa.

May pumasok na dalawang dalagita, kaya't natigil agad sila ni Yeyet sa kulitan. Siya ang nag-assist nang sa window niya sila lumapit. Magsasangla pala ang dalawa. Ibinigay sa kaniya ang isang singsing. Kinalatis niya naman iyon at ibinigay ang presyo ng sangla.

“Ang baba naman? Sagad na ba iyon?” maarteng reklamo ng isa. Na-OA-an siya, pero dahil kailangan nila ng sales ay nakangiti niyang ipinaliwanag kung bakit ganoon lang ang appraisal niya. Binalewala niya rin ang pag-ismid nito.

Sa limang taon na niya sa Golden Pawn, sanay na siya mga mapanliit na tingin sa kaniya ng mga mayayaman. Meron pa nga noon ay gusto siyang ipatanggal dahil lang sa maliit na pagkakamaling nagawa niya.

“Look at this, besty,” sabi ng isa sa kasama. May ipinakita ito ang mamahaling cellphone.

“Oh, em, geh, nahanap mo ang Photogram Account ni Aken? Ang galing mo talaga, besty,” reaksyon naman ng isa na kinilig.

Ang gumagawa ng resibo na si Calynn ay animo’y tsismosa na gumalaw-galaw naman ang tainga. Sa magic word na ‘Nahanap’ ay naging interesado siya sa usapan ng dalawa.

“And guess what, sa Antipolo pala sila nakatira, besty.”

“Ang lapit lang nila.”

“Oo, besty.”

Mas lalong kinilig ang dalawa.

“Excuse me,” agaw-pansin na ni Calynn sa isa. “Pakipirmahan po ito.”

“Saan po?”

“Dito,” mabait na assist niya. Sinamantala na niya iyon upang magtanong. “Uhm, Miss, puwedeng magtanong?”

“Opo?” anang dalaga. Kahit mukhang maarte ay mabait naman pala.

“Ano kasi itatanong ko sana kung paano niyo nahanap iyong Aken na pinag-uusapan niyo," tanong na nga niya.

Rumihestro ang pagtataka sa mukha ng dalawang dalaga. Nagkatinginan pa sila.

“Sinearch ko lang po sa mga social media,” mabuti na lang at matinong sagot ng mas mabait kahit shunga na ang tingin sa kaniya.

“Ah, okay.” Nang marinig iyon ni Calynn ay muntik na niyang sapakin ang sarili. “Oo nga naman, saan ba ngayon hinahanap ang mga tao? Eh, di sa social media. Ay, t*nga!”

“May hinahanap po ba kayo? Puwede namin po kayong tulungan,” sabi pa ng mabait.

“W-wala naman. Salamat,” nahihiya niyang pasalamat na lang sa magkaibigan. Mabilisang tinapos na niya ang transaction. Muli siyang nagpasalamat nang umalis na sila.

Ito ang napapala ng hindi active sa social media. Nagmumukhang taong shunga-shunga. Pero hindi naman niya masisisi ang kaniyang sarili. Para kasi sa kanya, payabangan lang naman ang ginagawa ng mga tao sa social media. Wala siyang maipagyayabang, kaya feeling niya, walang silbi kung gugugulin niya ang oras sa pag-browse browse lang.

Mabibilang lang sa daliri ang pagbukas niya ng kanyang PhotoGram Account pati na F*. Malapit na nga niyang makalimutan ang kaniyang mga password. Hindi rin kasi siya pala-post. Katibayan iyong profile picture niya sa F* na inaamag na sa tagal ng panahon na hindi niya pinapalitan.

Napabuntong-hininga na lamang siya sa kaniyang katangahan. At nang hindi na matanaw ng kaniyang tingin ang dalawang dalaga ay tinakbo niya agad ang kaniyang locker room.

“Oh!” Muntik pa silang magkabanggaan ni Miss Yvonne na galing sa comfort room.

“Break time ko na po, Ma’am,” mabilis na sabi niya bago niya ito lampasan upang hindi na naman siya bungangaan. Dalawang oras pa bago niya break pero hayaan na. Mas mahalaga ang gagawin niyang pag-search kay Reedz online. Sa wakas, matatapos na ang kaniyang pag-aalala na baka manakaw ang singsing sa kanilang bahay. Maibabalik na niya ang singsing oras na malaman niya kung saan ito makikita.

Kulang na lang ay makalas ang pinto ng kaniyang locker nang kaniyang buksan at kunin roon ang kaniyang cellphone. Nasa locker room ang kanyang phone dahil bawal silang mag-cellphone kapag oras ng trabaho.

Inuna niya ang F*. Natataranta ang kaniyang daliri na itinipa sa touchscreen keypad ang kompletong pangalan ni Reedz. At unti-unti ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi nang lumabas ang mukha ni Reedz. Sa display picture nito ay naka-suit ito at napakapormal ang dating. Nakaka-intimidate ang fierce nitong mukha. Kahit sa larawan ay parang bawal rito ang ngumiti.

Saglit lang siyang kinilig dahil nang buksan niya ang profile nito, agad niyang nabasa ang CEO of Regal Empire Real Estate Company.

Sa isip niya, “Kung gano’n, hindi nga basta-bastang mayaman si Reedz. Apat na M pala ito; mayaman na mayaman na mayaman na mayaman. Gosh!”

Brinowse niya pa ang account ni Reedz. Naloka siya lalo dahil puros English ang laman ng mga post, halos hindi niya maintindihan. May mga article din about sa company, mga awarding nights at interview ang mga video. Tingin niya ay hindi para sa kaek-ekan lamang ang account ni Reedz. May kinalaman pa rin sa kumpanya nila, na malamang hawak ng ibang tao at hindi mismo si Reedz.

Napadpad pa siya sa G****e. Doon ay nakita niya naman ang G****e profile bio ng binata.

Name: Reedz Rovalez

Position: Chief Executive Officer, Regal Empire.

Biography: Reedz Rovalez is the young Chief Executive Officer of Regal Empire Real Estate Company. Born on June 10, 1990 in Montalban, Rizal.

Madami pang nabasa si Calynn tungkol sa binata pero hindi na niya masyado pinagbigyang pansin. Ang nagpabilog kasi sa mga mata niya ay ang nabasa niyang net worth ng binata na 3 billion US dollars.

Dahan-dahan ay natutop ni Calynn ang napangangang mga bibig. Paulit-ulit na binibigkas ng kaniyang utak ang 3 billion US dollars dahil alam niya na kapag ita-times niya iyon sa peso ay hindi magkakasya sa screen ng calculator ang sagot.

Nawindang talaga siya. Ganoon kayaman si Reedz? Goodness!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HER SUFFER RING   LAST CHAPTER

    Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 77

    Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 76

    “Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 75

    “Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 74

    Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi

  • HER SUFFER RING   CHAPTER 73

    “Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status