Kumilos si Reedz. Nanlilisik ang mga matang hinarap na talaga siya. “When I purchased this ring a while ago, you assured me that no woman would refuse my proposal. So, why did Avy reject me? Umamin ka, binola mo lang ba ako para mabentahan mo lang ako?”
Bumuka ang kanyang bibig, gusto niyang magpaliwanag, pero walang salita na gustong lumabas sa kaniyang bibig. Ngayon pa yata talaga nagkahiyaan ang bibig at dila niya. Ngayon pa talaga ayaw magsalita. Dati naman ang daldal niya, eh. Naman, oh!
Napalunok siya, pero syempre ay nilabanan niya ang takot. Hindi siya humakbang upang umatras. Ikinuyom niya lang nang sobrang higpit ang kaniyang mga kamao. Hitsura ng taong hinihintay na lang na sakmalin ng halimaw ang kaniyang ulo.
Ganito ang napapala ng pakialamera, at talagang tukso pa sa kaniya ng konsensya.
Napangiwi siya. Pakialamera na pala ang tawag sa gusto lamang tumulong? Malay ba niya kung gusto ng taong ito na magpakamatay. At least, nailayo niya ito sa kapahamakan.
Ikaw naman ang mamamatay! ayaw patalong saad pa rin ng kaniyang konsensya. Epal.
Animo’y gusto na siyang lamunin ni Reedz ng buhay nang humakbang ito upang mas maglapit pa sila. Ang mga mata niya’y namumula na tulad ng mga demonyo.
“I won't forgive you for deceiving me!” dikawasa’y madiing sabi nito.
Napausal na talaga si Calynn ng, ‘Juskolord’.
“Ang lakas ng loob mo! Do you not know who I am? I am Reedz Rovalez of Regal Empire! I can even buy you if I desire!” malapit na sa kaniyang mukha na sabi pa ng binata. Amoy na amoy na niya ang mainit nitong hininga.
“Lasing ka po?” bigla ay tanong niya. Hindi niya pinansin ang pagpapakilala nito. Wala siyang pake kung sino itong poncho pilato. Ang naging pake niya ay ang naamoy niyang amoy chiko na hininga ng lalaki. Kaya naman pala parang wala sa sarili.
Mas inunawa na niya ito. Heartbroken na lasing, syempre wala sa ayos ang utak nito.
“I’m not drunk!” ngunit ay bulyaw nito sa kaniya.
“Sir!” Kung hindi niya naibaling ang kaniyang ulo at itinulak ito sa dibdib ay sure si Calynn na nagdikit ang kanilang mga labi. Muntik na ang kaniyang first kiss. Yikes!
Ang nakapagtataka ay biglang nagtatawa si Reedz. Umayos na ito ng tayo at parang nabaliw na ng tuluyan.
“Kaya ko kayong bilhin lahat! Name your price, b*tches!” sigaw nito ng malakas ulit sa kawalan, na sa sobrang lakas ay lumabas pa ang litid nito sa leeg, kasama na ang ugat nito sa mga kamao nito dahil sa higpit ng pagkakawak sa kahon ng singsing.
Hindi nabahala si Calynn sa pinagsasabi ni Reedz. Ang ikinabahala niya ay ang singsing. Baka mayupi. Akmang kukunin niya sa kamay ni Reedz ang kahon pero hindi naman niya magawa kaya nakakagat na lamang niya ang kuko ng hintuturo niya.
Paulit-ulit siya na ganoon habang nakangiwi.
“Ang tataas ng tingin niyo sa sarili niyo, you sons of b*tches! You don't deserve to be loved!” sigaw pa ni Reedz.
Napapangiwi na lang si Calynn.
“Even you! I'm aware that you also have high standards for men! You're quite a drama queen too, acting all high and mighty! Admit it!” ang hindi niya inasahan ay nanlilisik ang mga matang baling sa kaniya ng binata.
Speechless siyang napamulagat. Luh, ba’t siya nadamay?!
Nagtatawa na naman ang lalaking lasing. Nagyuko ng ulo tapos maangas na tumingala habang nakabukol ang dila sa pisngi.
Wala na nabaliw na nga.
Napakagat-labi si Calynn habang pinapanood ito. Nayayabangan na siya sa binata, pero kasabay niyon ay naaawa rin siya. Wasak ang puso nito kaya normal lang siguro ang ikinikilos nito at pinagsasabi… kahit mesheket!
Masakit dahil siya pinagbintangan na siyang malas, nasabihan pa siyang kasama sa mga b*tch. Eh, di wow.
“Damn you, Avy! I swear, you will regret that you rejected my proposal!” saglit ay kay lakas na sigaw na naman ni Reedz. Animo’y nandoon sa may abot-tinging bahagi ng ilog ang Avy na minumura nito.
“Sir, huwag!” At grabe ang panic ni Calynn nang akmang itatapon ni Reedz ang hawak na box ng singsing.
Tumigil sa ere ang kamay ni Reedz. Natigilan. Pagkuwa’y pabiglang tumingin sa kaniya.
“Sayang po, Sir. Milyon po ang halaga niyan, eh. Huwag mo pong itapon please,” paliwanag niya. “Saka singsing ko po ‘yan, eh!” dagdag pa nga niya pero syempre ay sa loob-loob na lang niya iyon.
Maang na napatitig sa kanya si Reedz. Pagkuwan ay nagpakawala ito ng nakakalokong tawa. Mayamaya ay pinaikot-ikot nito sa kamay ang box na ibinaba. Tila may pinag-iisipan habang palipat-lipat ang tingin nito sa mukha niya at sa box.
“Sir, kung anuman po ang problema niyo ni Miss Avy ay naniniwala akong maaayos niyo po. Huwag niyong itapon ang singsing kasi sigurado na kapag handa na siyang magpakasal ay YES na ang isasagot niya po sa proposal niyo. Itago niyo na lang po muna habang—“
“Oh, sa 'yo na,” ngunit ay pamumutol ni Reedz sa kanyang mahaba-habang litanya dapat. Inilahad nito ang box ng mamahaling singsing sa harapan niya na parang tag-piso lang na candy.
Ang lakas ng naging “Po?” ni Calynn.
“Kunin mo. Sa ‘yo na lang,” seryoso ang mukhang panlilinaw ni Reedz.
Umiling naman siya. “Ayoko, Sir.”
“Kukunin mo o pupunta ako kina Kabhy at Eyrna at sasabihin ko sa kanila na ini-scam mo ako para lang makabenta?” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang damit, damit na uniform nila sa Golden Pawn.
Madali niyang tinakpan ang logo ng company nila sa bandang taas ng kaliwang dibdib niya.
“Hindi ka sales associate ng Lux Fine?” Naningkit na naman ang mga mata ni Reedz.
Umasim ang mukha ni Calynn. Paktay na talaga siya!
Minsan pa ay parang baliw na nagtatawa si Reedz. Pero hindi nagtagal ay kinuha nito ang kamay ni Calynn at inilagay roon ang box. “Good night,” saka parang wala lang na sabi.
“Sir!” tawag ni Calynn rito nang makita niya na patungo na ang binata sa sasakyan nito. Iniwan na siya, kasama ang singsing.
“Sir! Ang singsing mo po!” Habol niya pa rin sana sa mayamang lalaki, ngunit kay bilis na pinasibad na ni Reedz ang sports car nito.
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel