HMH-10
"Good day, mr. Ching!" bati ni Xander sa matanda. Kilala sya ng matanda dahil ilang beses na niya itong nakaharap sa ilang pagtitipon.
"Mr. Montero, long time, no see, huh?" ganting bati nito na nakipagkamay pa sa kanya.
"Yeah!" aniya saka lumingon sa babaeng nakaupo sa tabi nito. Nahuli niya ang tingin ng babae na nakamasid sa kanya habang nakikipag usap siya sa matanda. "By the way, who's this beautiful lady besides you?" ani Xander na nakatuon ang mga mata kay Yanna habang nagsasalita.
Mabilis na nag iwas ng tingin si Yanna at sandaling sumulyap sa matanda bago ito na rin ang naunang sumagot.
"I think, It's none of your business, mr?" taas kilay at mataray na sagot ni Yanna.
Biglang nanliit ang mga mata ni Xander na nakatunghay kay Yanna. Hindi nga yata at may katarayan din ito? Hamak naman na mas maganda siyang lalaki kesa sa matandang gurang na ito.
"Oh, really?" patay malisyang sagot niya sabay kibit balikat. "I am just curious about what your business is, with mr. Ching?" aniya.
"Anyway, nice to see you again, mr. Montero. I would like to extend my time with you, but we need to go!" ani mr. Ching at tumayo na. Inilahad nito ang palad sa harapan ni Yanna na kaagad naman nitong tinanggap na may ubod tamis na ngiti sa labi. "See you around, mr. Montero." ani mr. Ching at nakangising lumayo habang naka abrisiyete rito si Yanna.
Matatalim ang mga mata ni Xander na nakasunod sa mga ito. Kung pwede nga lang makapatay ang tingin, baka nangyari na.
Tahimik na sinundan niya ang mga ito nang lumabas sa auction hall. Magkasama sa iisang sasakyan ang dalawa na halos ipag puyos ng loob ni Xander sa galit. Kaagad na tinungo niya ang kinapaparadahan ng kanyang kotse at sumunod sa mga ito.
Nagulat siya ng pumasok ang sasakyan nito sa isang kilala at mamahaling motel. Mas lalo tuloy siyang hindi mapakali habang nasa labas. Halos pukpukin niya ang manibela sa sobrang nararamdamang inis.
Sari-sari na ang pumasok sa kanyang isip. Paano kung magkasama sa iisang silid ang dalawa? Kilala niya ang ugali ng matandang gurang na iyon. Hayok ito sa laman at walang patawad kahit sa mga menor de edad. Bago pa masira ang kanyang isip sa pag iisip ng mga hindi maganda ay kaagad na siyang lumabas sa kanyang kotse at nagpasyang pumasok sa loob ng motel.
YANNA
Pagpasok pa lang niya sa auction hall ay iisa lang ang aninong kanyang hinahanap. Si mr. Ching. Ito ang kanyang misyon ngayong gabi. Hindi naman siya nabigo at kaagad itong nakita mula sa kumpol ng mga tao. Nakaupo ito sa gawing gitna at napapalibitan ng mga bantay nito. Mukhang sa seguridad pa lang ay mahirap na itong i-approach.
Baon ang malaking kumpyansa sa sarili ay nilapitan niya ito. Hinanda niya ang napakatamis na ngiti at malambing na tinig para rito. Hindi niya ito binati paglapit, bagkus ay umupo siya sa katabing upuan nito na nabakante matapos na umalis ang isang tauhan nito. Hindi naman siya nabigo na mapansin nito. Nagulat pa siya nang mas lumapit ito mula sa isang agwat ng upuan na pagitan nila at binati siya.
"Anong maipaglilingkod ko sa isang magandang binibini na nasa harapan ko ngayon?" matamis na salitang sabi nito.
Nilingon ito ni Yanna at nginitian ng buong lambing. Bahagyang binasa niya ng kanyang dila ang kanyang labi na halatang inaakit ang mukhang manyak na lalaki.
Kita ni Yanna ang pagnanasa sa mga mata nito lalo na ng kunin nito ang kanyang palad at hinalikan. Kahit pakiramdam niya ay diring-diri sa ginagawa nito ay hindi niya iyon pinansin. Parte na ng plano niya na akitin ang matandang gurang.
Mas lalong umusod palapit sa kanya ang matanda at mabilis na idinantay nito ang palad sa kanyang makinis na hita. Ngunit kaagad din niyang inangat ito.
"Opps! Masyado ka naman mabilis, mr. Ching. Hindi pa nga ako nakakapag bid, eh!" pabirong aniya.
"I can't wait to have you!" paanas na bulong nito sa kanyang tainga na ikinatayo ng balahibo niya.
Ngumisi siya, "Easy lang, mr. Ching. Baka nakakalimutan mo kung nasaang lugar tayo?"
Mabilis na umayos ito ng upo. Mayamaya lang ay may lumapit na isang lalaki at bumati rito. Ewan niya, ngunit tila nahipnotismo siya ng lalaki at nagawa niyang mapatitig rito habang abala ito sa pakikipag-usap sa matandang gurang. Kaya naman ng balingan siya nito ay hindi niya naiwasan na tarayan ito upang maitago ang pagmamasid na ginagawa niya rito.
Ngunit habang tinititigan niya ito ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pag-iinit. Bakit ba parang ang lakas ng appeal nito sa kanya? Marami na siyang nakikilalang gwapo at mayaman pero hindi ganito ang epekto sa kanya, lalo na ng titigan siya nito na tila ba hinahalukay ang kung anong nasa loob niya. May kung anong biglang nabuhay sa dugo niya sa paraan ng mga titig nito.
Ramdam din niya na tila hindi nito gusto na makita siyang kasama ang matanda? o guni-guni lang niya ang bagay na iyon? Masyado lang siyang nag assume gayong hindi naman niya ito kilala.
At para makaiwas sa mga mata nitong mapanuri ay kaagad siyang sumunod sa matanda ng ayain siyang lumabas ng auction hall. Hindi rin siya tumutol ng isama siya nito sa isang motel. Alam niya na may nakasunod sa kanila ngunit nagkunwari siyang walang nakita.
Pagpasok nila sa isang kwarto, mabilis na inilock ng matanda ang silid. Taas kilay na pinakiramdaman ni Yanna ang gagawin ng matanda hanggang sa maghubad ito ng damit nito. Nagpaalam sandali si Yanna na magbabanyo, at iniwan ito. May dinukot siya mula sa loob ng kanyang damit bago muling lumabas.
Paglabas niya sa banyo ay may nag doorbell. Mabilis na pinagbuksan iyon ng matanda at inabot ang order nitong alak.
Inilapag nito sa mesa ang bote ng alak at kopita. Nilapitan naman ito ni Yanna at siya na nag nag alok na magsasalin sa baso. Nang tumalikod ito para pumasok sa banyo ay kaagad niyang binudburan iyon ng lason para ipa-inom sa matanda.
Lumapit siya sa bintana upang silipin ang paligid niya at nalaman na masyadong mataas ang kinaroroonan nila. Pagharap niya ay nagulat pa siya ng lingkisin siya ng matanda mula sa likuran at pinaghahalikan. Pinilit niyang iiwas ang sarili na paraang hindi nito mahahalata na ayaw niya at hindi makaka-offened dito.
"Ang bango-bango mo! Titiyakin ko sa 'yo na hindi ka magsisisi ngayong gabi. Paliligayahin kita nang husto." hayok na hayok na sabi nito habang pilit siyang nililingkis.
"H-Hey! wait! Naghihintay ang drinks natin! I want to play first, okay?"
"Oh, hayaan mo na muna iyon! Mamaya na! Ikaw ang gusto kong kainin!" anito. "Nakakapanggigil ka!" gigil na sabi pa nito.
"Napapikit siya sa pandidiri sa ginagawa nito. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagkunwaring ayaw na.
"Kapag pinilit mo ang gusto mo! Iiwan kitang mag isa rito!" aniya. Biglang natigilan ang matanda at nag li-low. Mukhang effective naman ang pagiging masungit niya.
Lumapit siya sa table kung saan naroon ang kanilang inumin. Kinuha niya ang isa at magiliw na inabot sa matanda.
"Cheers?" aniya
Inabot nito ang baso, "Cheers!" anito. Hindi muna nito ininom ang alak nito. Kaya nauna na si Yanna na uminom sa alak niya. Mayamaya lang ay ito naman ang uminom. Lihim na napangiti si Yanna. Mayamaya ay bumalik siya sa kama at naupo sa gilid n'on. Sinadya pa niyang inililis ang laylayan ng suot niyang skirt. Kita niya ang naglalaway na tingin sa kanya ng hayok na matanda. Mayamaya ay kaagad na humakbang palapit sa kanya. Ilang sandali lang at napasubsob ito sa mismong harapan niya dahilan para mapahiga siya at madaganan nito.
Matagal muna siyang hindi kumilos kahit bigat na bigat na siya rito. Pinakiramdaman muna niya ito at ng maramdamang hindi ito humihinga ay saka pa lamang niya ito inangat at inayos ng higa. Inayos niya ang sarili.
Palabas na sana siya ng makaramdam siya ng tao sa labas ng silid kaya kaagad siyang nagkubli sa likod ng dahon ng pinto. Hanggang sa maramdaman niya ang pagbukas niyon at pumasok ang isang malaking pigura.
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man