Share

CHAPTER 9

HMH-9

1 YEAR LATER

        Kasalukuyang nasa loob ng bangko si Yanna. Maraming costumer na nakapila ng araw na iyon. Kahit isa siyang VIP at mauna sa mga ito ay hindi niya ginawa. Alam niya ang hirap na dinadaranas nang mga pumipila kaya dapat lang na maghintay rin siya sa pila niya. 

         Matiyagang naghintay siya sa isang sopa roon. Mayroon siyang bagong business na ila-lunch kaya mangangailangan siya ng malaking pondo, at iyon ang sinadya niya ngayon para personal na ayusin at mapondohan. Personal niyang kailangan na makausap ang direktor ng bangko. 

        Malapit na siya sa kanyang pila nang matuon ang pansin niya sa tatlong lalaki na pumasok. Matapos iyon ay may tumawag sa guard ng bangko at sandali itong pinalabas. Kasunod ang mabilis na pagsara sa pintuan ng bangko. Masama ang naramdaman ni Yanna, subalit nanatiling kalmado at lihim na pinagmamasdan ang tatlong lalaki. Pumuwesto ang isa malapit sa mismong cashier, habang ang isa pa ay nakiupo kasama nang mga tao sa loob. At ang isa ay pumwesto sa mismong kasasarang entrance. 

        Nagsimulang mag panic ang ibang naroon sa loob. Nasa mga mata ng mga ito ang takot habang pinagmamasdan ang mga kilos ng mga lalaki. 

        "Hold-up 'to! Kung ayaw ninyong masaktan, mas mabuting ibigay na lamang ninyo ng maayos ang mga hinihingi namin!" sabi ng isa na tila lider ng mga ito. Isa isang kinuha ang lahat ng mga gamit ng mga taong nasa loob. Cellphone, pera, alahas at kung ano-ano pang mapapakinabangan. 

         Kampante si Yanna habang palihim na tinitingnan ang mga ito. Mayamaya pa ay lumapit sa kanya ang pinakalider at pilit na kinukuha ang kanyang dalang purse. Tila bale-walang inabot niya ang gamit niya dito. Ngunit bago pa man nito mahawakan iyon ay mabilis ang kanyang mga kamay na hiniklas ito at pinilipit ito patalikod. Wala siyang pakialam sa laki ng katawan nito. Pinilit niyang ipitin ang ulo nito habang nakasakal ang isa niyang braso sa leeg nito kaya hindi ito makakilos. Mabilis din niyang inagaw ang hawak nitong baril at itinutok mismo sa ulo ng kanyang hawak na lalaki.

       "Mukhang maganda yatang iputok ito rito, ah? Ano sa tingin mo?" pabulong na anas ni Yanna sa lalaki.

         "H-Huwag! Baka makalabit mo iyan!" 

        "Talagang sasabog ang bungo mo kapag hindi ninyo nilubayan ang ginagawa nyo. Hala, utusan mo ang mga alipores mo at ibalik lahat ang mga kinuha ninyo. Kundi, ikaw ang unang sasabog." utos niya na mas lalo pang diniinan ang pagkakasakal dito. 

        "O-oo, o-oo. Narinig nyo ba yon? Ibalik nyo yan at ibaba ang mga baril!" mabilis na utos nito.

       "Pero boss-" 

       "Anong pero-pero! Gawin nyong sinabi ko!" galit na sabi nito. Walang nagawa ang mga kasama nito kundi sumunod.

         Sinenyasan ni Yanna ang clerk na tumawag ng pulis na agad nitong ginawa. Matapos ay sinenyasan ang ibang kasama ng lalaki na pumunta sa gitna at ipinababa ang mga baril palayo sa mga ito. Mayamaya ay sinipa ni Yanna ang lalaking hawak sa likuran ng paa nito dahilan para mapaluhod ito. Kinuha niya ang isang necktie ng isa sa mga naroon at ginawang panali sa lalaki.

          Hindi nagtagal at dumating ang mga pulis na may kasama pang media. 

        "Ah, Ma'am, maari po bang makahingi nang kaunting statement bilang paglilinaw lang sa nangyari?" sabi ng isang reporter kay Yanna at itinutok pa sa kanya ang kamera.

         "You can ask them!" ani Yanna sabay turo sa ibang taong naroon at umalis palayo.

        "Pero, Ma'am-" habol ng reporter ngunit hindi na niya pinansin pa. Dismayadong humarap sa ibang tao ang reporter ng hindi talaga niya ito pansinin.

XANDER

         Kasalukuyang kadarating niya galing sa isang business meeting, pakiramdam niya ay wala siyang gana kahit pa nga maayos niyang na close ang deal kanina. Natuon ang kanyang pansin sa kanyang mesa na marami pa ring tambak na papeles na naghihintay sa kanya.

        Lumapit siya sa sopa at naupong pasandal. Mayamaya ay inabot ang remote at binuksan ang tv. Subalit hindi niya inasahan ang nakita. Ang mukha ng babaeng matagal nang gumugulo sa kanyang alaala.

         "It's her!" bulalas niya na nakatitig sa tv screen.

        "What?" bulalas ng kapapasok na si Dindo. Nagtaka pa siyang nagsasalita ang amo mag-isa habang nakatitig sa screen ng tv. 

         "It's her! I saw her!" hindi makapaniwalang sabi niya. Lumapit si Dindo upang tingnan ang tv screen at natulala matapos makilala ang babaeng pilit gustong kunan ng interview ng isang reporter. Si Yanna!

         "I need to go! Please cancel my appointment this afternoon!" 

        "W-Where do you go?" habol ni Dindo bagaman at malakas ang kutob niya na pupuntahan nito ang lugar kung saan naroon si Yanna.

         "I'm going to find her!" anito at dire-diretsong lumabas sa opisina nito. 

          Natarantang napasunod si Dindo rito, "I'll go with you, Sir!" 

         "No need! I can manage!" sabi nito. Hindi tuloy malaman ni Dindo ang gagawin. Mabilis niyang inilabas ang phone at kaagad idinayal si Yanna. Nakailang dial na siya ngunit hindi naman ito sumasagot. Kaya wala siyang nagawa kundi sumunod sa lugar kung saan nagkaroon ng hold-up-an.

          Subalit bigong makita ni Xander ang babae roon. Wala rin ito sa paligid.

1 WEEK LATER

          Dumalo sa isang gaganaping auction si Xander, hindi para maging bagong sponsor kundi subaybayan ang isang taong naroon. Si mr. Ching na isang malaking lider ng mga sindikatong kumukuha ng mga menor de edad na bata para gawing messenger sa kanilang ipinupuslit na mga droga. Talamak ang bentahan ng droga sa lansangan kaya isa ito sa hina-hunting ng grupo. 

         Pumuwesto sa gawing likuran si Xander upang malaya niyang makita ang mga taong naglalabas-masok sa loob. Inilibot niya ang tingin at wala pa rin ang taong pakay niya. Unti-unti na ring kumakapal ang mga bisitang naroon. 

         Matiyaga pa siyang naghintay hanggang sa mag announce na ang host para sa pagsisimula ng bidding. Saka lamang niya napansin ang lalaking nasa middle age na habang papasok at may mga kasamang alalay. Mataba at maliit na lalaki ito na may malaking tiyan. Pumuwesto ito sa may gawing gitna. 

         Nagsimula ang palabas at naging abala ang paligid. Nang nasa kalagitnaan na ang programa ay akmang tatayo na si Xander para lapitan sana ang taong pakay niya. Ngunit hindi niya nagawa matapos makita ang isang pamilyar na mukha na papalapit. 

         Ang babaeng hinahanap niya ay heto ngayon sa harapan niya at larawan ng isang tunay na dyosa sa kagandahan. Nakasuot ito ng skirt na above the knee ang taas kaya litaw ang mapuputi at mabibilog na mga hita nito. Nakalugay ang mahaba at itim na itim nitong buhok. May puting gloves ang mga kamay at may bitbit na maliit na purse. 

        Tumayo siya para salubungin sana ito ngunit umikot ito palayo sa direksyon niya at palapit ngayon sa direksyong tatahakin sana niya kanina.

         Kumunot ang kanyang noo ng makitang lumapit ito kay mr. Ching at hinalikan naman ng gurang na matanda ang mga kamay ng babae. 

         Tuluyang napatayo si Xander na nagtatagis ang bagang at kuyom ang dalawang kamao, para lapitan ang mga ito. Bakit ba pakiramdam niya ngayon ay hindi niya gusto ang ideyang may ibang kamay na humahawak sa babae? Gustong mandilim ng kanyang paningin sa nakikita.

         Ilang taong ginulo ng babaeng ito ang kanyang isipan, at ngayon bigla naman niya itong makikita sa ganitong sitwasyon. Sino ba talaga ito? Salubong ang mga kilay at madilim ang anyo na mas lumapit pa siya sa gawi ng mga ito.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang expiring ng part na ito magkita na sila ni Xander
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
ay exciting part na, thanks Ms A ganda ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status