홈 / Romance / HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT) / Chapter 3: Pagkatapos Ng Lahat

공유

Chapter 3: Pagkatapos Ng Lahat

작가: MR.ROMANTICO
last update 게시일: 2026-10-08 17:24:24

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Lilac Babe Hermosa ang magulo at masakit na buhay sa Maynila. Sa tahimik na lalawigan ng San Agustin, nagbago ang lahat para sa kanya. Ang dating senior marketing associate na palaging nakatakong at nakasuit ay pinalitan ng simpleng ina na masipag na nagtatrabaho para sa kapakanan ng kanyang dalawang taong gulang na anak na si Gabriella.

Si Gabriella ang naging liwanag sa madilim na kabanata ng kanyang buhay. Ang malalaking kulay-tsokolate nitong mga mata, ang matangos na ilong, at ang matalim na hugis ng panga ay palaging nagpapaalala kay Lilac Babe sa isang taong pinilit niyang burahin sa kanyang alaala sa loob ng dalawang taon—si Gabriel Simon Valderama. Ngunit sa tuwing tinititigan niya ang musmos na kumakain ng almusal sa kanilang maliit na kusina, nakakalimutan niya ang lahat ng takot. Ang mahalaga, ligtas sila at tahimik ang kanilang pamumuhay.

Subalit habang lumalaki si Gabriella, lumalaki rin ang kanilang mga pangangailangan. Ang kita ni Lilac Babe sa pagbebenta ng mga pastry at sa maliliit na online freelance gig ay hindi na sapat para sa gatas, vitamins, at sa paghahanda para sa nalalapit nitong pag-aaral.

Dito pumasok sa buhay nila si John.

Si John Arnaiz ang nag-iisang matalik na kaibigan at naging tagapagligtas ni Lilac Babe mula nang lumipat siya sa lalawigan. Isang mabait, maunawain, at responsableng senior supervisor si John sa Morales Group—ang pinakamalaking regional logistics at marketing firm sa lalawigan.

“Lilac, naghahanap ng Senior Project Coordinator ang kumpanya namin,” bungad ni John habang nakaupo sa beranda ng bahay ni Lilac Babe habang nilalaro si Gabriella. “Alam ko ang kakayahan mo noong nasa Maynila ka pa. Sobrang qualified ka. Inirekomenda na kita sa HR Manager, at gusto ka nilang makausap bukas para sa final approval.”

Natuwa ngunit nabahala si Lilac Babe.

“John, siguraduhin mo lang na walang koneksyon diyan ang mga kumpanya sa Maynila. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong tsansa na mahanap ako.”

Umayos ng upo si John at ngumiti nang tapat. “Huwag kang mag-alala. Ang Morales Group ay lokal na kumpanya rito sa lalawigan. Pamilya Morales ang may-ari nito at matagal nang hiwalay sa mga malalaking korporasyon sa Maynila. Safe ka rito, Lilac. At tsaka, ako ang magiging direct supervisor mo. Ako ang bahala sa 'yo.”

Dahil sa tiwala kay John at sa matinding pangangailangan sa pera, tinanggap ni Lilac Babe ang oportunidad.

Kinabukasan, magaan ang loob na pumasok si Lilac Babe sa modernong limang-palapag na gusali ng Morales Group sa bayan. Sa tulong at rekomendasyon ni John, naging mabilis at maayos ang kanyang aplikasyon. Hangang-hanga ang HR head sa kanyang kahanga-hangang resume at mga nakaraang karanasan sa corporate world. Agad siyang natanggap at pinapirma ng kontrata bilang bago nilang Senior Project Coordinator.

Para kay Lilac Babe, tila isa itong bagong simula. Ang panatag na trabaho, magandang sweldo, at ang pagkakaroon ng kaibigang tulad ni John ay parang sagot sa kanyang mga dasal.

Sa kanyang unang araw sa trabaho, maagang dumating si Lilac Babe na nakasuot ng simpleng cream-colored blouse at slacks. Katabi niya si John habang ipinapakilala siya nito sa mga bagong makakasama sa departamento.

“Lilac, pambihira ang galing nito,” pagmamalaki ni John sa mga katrabaho habang nakatayo sila sa tabi ng main elevator hall. “Kaya ayusin niyo ang mga trabaho niyo dahil napakahusay ng bago nating coordinator.”

Natawa nang kaunti si Lilac Babe at bahagyang tinapik ang braso ni John.

“Sobra ka naman sa papuri, John. Baka isipin nila na mahigpit ako.”

“Totoo naman, ah?” ngumiti si John, at sa isang mabilis na pagkilos ay marahang hinawakan nito ang kamay ni Lilac Babe para magbigay ng suporta.

“Masaya ako na kasama na kita rito, Lilac. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang stay mo.”

Magalang na ngumiti si Lilac Babe at dahan-dahang binawi ang kanyang kamay, ngunit bago pa man siya makapagsalita, biglang naging napakatahimik ng buong lobby.

Ang mga empleyadong mabilis na naglalakad kanina ay biglang huminto at napatayo nang maayos sa magkabilang gilid ng hallway. Ang dalawang security guards sa pintuan ay mabilis na yumuko bilang paggalang.

“Anong nangyayari?” pabulong na tanong ni Lilac Babe kay John, habang nagtataka sa biglang pagbabago ng kapaligiran.

Bumulong si John pabalik, halatang kinakabahan.

“Nagkaroon ng emergency buyout at restructuring noong nakaraang linggo, Lilac. Nabili ng isang higanteng conglomerate galing Maynila ang limapu’t limang porsyento ng stocks ng Morales Group. Ngayong araw ang dating ng ating bagong Head Director at Managing Partner mula sa mother company. Balita ko, napakahigpit at walang patawad ang taong 'yon.”

Lumakas ang kaba sa dibdib ni Lilac Babe nang marinig ang salitang Maynila. Subalit pinayapa niya ang sarili. Malaki ang Maynila. Libo-libo ang mga negosyante doon. Walang dahilan para maging siya ang makatagpo nito.

Bumukas ang mga grand glass sliding doors ng kumpanya.

Unang pumasok ang tatlong nakasuit na personal bodyguards, kasunod ang dating President ng Morales Group na halatang abot-langit ang pag-s****p at paggalang. At sa gitna nila... naglalakad ang isang matangkad at napakagwapong lalaki.

Nakasuot ito ng isang imported tailored charcoal gray suit. Ang maikling buhok nito ay maayos na nakatabi, ang matalim na panga ay nakakulong sa isang malamig na ekspresyon. At ang buong kaanyuan nito ay naglalabas ng napakalakas at nakakatarantang aura ng kapangyarihan saka karangyaan.

Nang makita ng malapitan ni Lilac Babe ang mukha ng lalaki, para siyang pinutulan ng hininga. Ang dugo sa kanyang mga ugat ay tila nagbago at naging yelo.

Nawalan ng lakas ang kanyang mga binti, at muntik na siyang mapasandal sa semento kung hindi lang siya bahagyang naalayan ni John sa balikat.

Ang matangos na ilong. Ang manipis ngunit peligrosong mga labi. Ang amoy ng mamahaling cedarwood at mamahaling pabango na kailanman ay hindi niya malimutan na agad dumaan sa hangin.

Gabriel Simon Valderama.

Si Gabriel. Ang lalaking pinagtaguan niya sa loob ng dalawang taon. Ang lalaking pilit niyang tinalikuran. At ang biological na ama ng kanyang anak na si Gabriella.

Gulat na gulat si Lilac Babe. Sa dinami-rami ng bayan sa buong bansa, at sa dinami-rami ng kumpanyang pwede nitong bilhin... bakit dito pa? Bakit sa mismong kumpanyang kakapasok lang niya ngayong araw?

In short, magiging boss na naman niya si Gabriel Simon Valderama.

Nanalangin si Lilac Babe nang taimtim sa sarili.

Panginoon ko, pakiusap... huwag Niyo siyang papatinginin sa gawi ko. Yumuko ka, Lilac. Yumuko ka!

Mabilis na iniyuko ni Lilac Babe ang kanyang ulo, pilit na ginagamit ang kanyang mahabang buhok upang itago ang kanyang mukha habang mabilis na dumadaan ang delegasyon ng mga opisyal sa kanilang harapan.

Habang naglalakad si Gabriel kasama ang board of directors, malamig at walang pakialam nitong sinusuri ang mga empleyado sa paligid. Ngunit nang dumating ito sa tapat nina John at Lilac Babe, biglang huminto ang mga hakbang ng bilyonaryo.

Natahimik ang lahat. Napatigil din ang buong grupo ng executives sa likod nito.

Naramdaman ni Lilac Babe ang matinding presensya na tumigil sa mismong harapan niya. Ang sapatos nitong makintab at mamahalin ay ilang pulgada lamang ang distansya mula sa kanyang mga paa. Ang tibok ng puso ni Lilac Babe ay naging napakalakas na tila maririnig ng buong silid.

Dahan-dahang ibinaling ni Gabriel ang kanyang malamig na mga mata sa kamay ni John na nakapatong pa rin sa balikat ni Lilac Babe. Naningkit ang mga mata ni Gabriel, at isang mapanganib na dilim ang dumaloy sa mga mata nito.

Mula sa kamay ni John, dahan-dahang itinaas ni Gabriel ang kanyang tingin patungo sa nakayukong si Lilac Babe.

“Raise your head,” ang malamig, baritono, at authoritative na boses ni Gabriel ay muling narinig sa buong lobby.

Walang nagawa si Lilac Babe. Nanginginig ang buong katawan na dahan-dahan niyang itinataas ang kanyang mukha hanggang sa tuluyang magkasalubong ang kanilang mga mata.

Isang munti, peligrosong ngiti ang dahan-dahang gumuhit sa mga labi ni Gabriel nang makilala ang mukha ng dalaga. Walang bakas ng pagkagulat sa kanyang mga mata sa halip, naroon ang kislap ng isang predator na matagal na naghintay para sa tamang sandali.

Inayos ni Gabriel ang cufflinks ng kanyang amerikana at humakbang nang isang beses pabalik kay Lilac Babe, bago nagsalita nang may kakaibang diin sa bawat salita.

“It seems... fate loves playing games with us, Ms. Hermosa,” bulong ni Gabriel na sapat lang para marinig ni Lilac Babe at ni John. “Or should I say... my new employee?”

Hindi pa man nakakasagot si Lilac Babe sa matinding shock, muling nagsalita si Gabriel habang nakatitig nang diretso sa naluluhang na mata ng dalaga.

“Director’s office. Now,” utos ni Gabriel bago muling humarap sa board. “And bring your personal file, Ms. Hermosa. We have a lot of... unfinished business to catch up on.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 5: Magkatrabaho Ulit

    Naging impyerno ang bawat araw ni Lilac Babe Hermosa sa ilalim ng pamumuno ni Gabriel Simon Valderama. Ang dating trabahong inaakala niyang pagsisilbi lamang bilang tagapag-ayos ng iskedyul at mga dokumento ay naging isang sadyang pagpapahirap.Walang oras na hindi siya tinatawag ng bilyonaryo. Pinapagawan siya nito ng mga ulat na halos walang kaugnayan sa kanyang posisyon, pinababalik-balik sa magkakahiwalay na palapag para sa maliliit na bagay, at pinagtitimpla ng kape na paulit-ulit nitong itinatapon sa sink dahil hindi daw timplado ayon sa kagustuhan nito. Madalas ay inaabot si Lilac Babe ng hatinggabi sa opisina habang si Gabriel ay tahimik lamang na nakaupo sa kanyang swivel chair, nakatitig sa bawat kilos ng dalaga na tila isang lawin na naghihintay ng pagkakamali ng kanyang huli.Alam ni Lilac Babe na sinasadya ng CEO na pahirapan siya. Iyon ang parusa nito sa kanyang pag-alis dalawang taon na ang nakararaan. Subalit sa kabila ng matinding pagod, puyat, at pananakit ng katawa

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 4: Muling Pagkikita

    Nanginig ang mga tuhod ni Lilac Babe Hermosa habang nakatayo sa loob ng napakalawak na Director’s office. Ang amoy ng mamahaling leather, wood polish, at ang pamilyar na cedarwood at mamahaling pabango na amoy ni Gabriel Simon Valderama ay agad na sumakop sa kanyang mga buong sistema.Nakatayo si Gabriel sa harap ng malaking glass window, nakatitig sa tanawin ng buong bayan habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Ang pananahimik nito ay mas nakakatakot kaysa sa kahit anong sigaw o galit.“M-Mr. Valderama...” nanginginig ang boses na panimula ni Lilac Babe. “Nandito na po ang personal file ko. Kung may problema man sa mga dokumento o sa background check ko, pwede naman po kitang iwan sa HR—”“Sino ang lalaking kasama mo kanina?” putol ni Gabriel sa kanya nang hindi man lang lumingon.Napatigil si Lilac Babe. “S-Si John? Kaibigan ko siya. Siya ang nag-rekomenda sa akin sa kumpanyang ito.”Dahan-dahang humarap si Gabriel. Ang kanyang mga mata ay tulad ng isang madil

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 3: Pagkatapos Ng Lahat

    Dalawang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Lilac Babe Hermosa ang magulo at masakit na buhay sa Maynila. Sa tahimik na lalawigan ng San Agustin, nagbago ang lahat para sa kanya. Ang dating senior marketing associate na palaging nakatakong at nakasuit ay pinalitan ng simpleng ina na masipag na nagtatrabaho para sa kapakanan ng kanyang dalawang taong gulang na anak na si Gabriella.Si Gabriella ang naging liwanag sa madilim na kabanata ng kanyang buhay. Ang malalaking kulay-tsokolate nitong mga mata, ang matangos na ilong, at ang matalim na hugis ng panga ay palaging nagpapaalala kay Lilac Babe sa isang taong pinilit niyang burahin sa kanyang alaala sa loob ng dalawang taon—si Gabriel Simon Valderama. Ngunit sa tuwing tinititigan niya ang musmos na kumakain ng almusal sa kanilang maliit na kusina, nakakalimutan niya ang lahat ng takot. Ang mahalaga, ligtas sila at tahimik ang kanilang pamumuhay.Subalit habang lumalaki si Gabriella, lumalaki rin ang kanilang mga pangangailang

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 2: Pagkakamali

    Nagsimula ang bulungan sa loob ng grand board room nang bitawan ni Gabriel Simon Valderama ang mga salitang iyon. Naramdaman ni Lilac Babe ang pagbaling ng tingin ng lahat sa kanya, lalo na ang nagtatakang titig ni Mikael na bahagyang nakakunot ang noo.Subalit hindi na makarinig nang maayos si Lilac Babe. Ang dugong umaagos sa kanyang mga tainga ay parang mabilis na alon sa dagat. Ang lalaking pinagbalingan niya ng sama ng loob, ang stranger na hinalikan niya sa bar, at ang nakasama niya sa kama buong gabi ay si Mr. Valderama.Walang iba kundi ang makapangyarihang CEO na may hawak ng kanyang karera at kinabukasan.“M-Mr. Valderama...” nautal na usal ng Vice President. “Magsisimula na po ba tayo sa meeting matapos ang pag-uusap ninyo?”“Cancel the morning meeting,” malamig na utos ni Gabriel nang hindi inaalis ang titig kay Lilac Babe. “Move it to three in the afternoon.”Dahan-dahang tumayo si Lilac Babe na may halong panginginig ng tuhod nito. Pakiramdam niya ay gawa sa tingga ang k

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 1: Pait Ng Sakit

    Malamig ang hanging nagmumula sa exhaust fan ng club, ngunit mas malamig ang pakiramdam na lumalason sa dibdib ni Lilac Babe Hermosa. Nakatitig siya sa basong hawak, pinapanood ang pagtunaw ng mga piraso ng yelo sa ibabaw ng amber na likido. Isang shot pa. O dalawa. O tatlo. Hanggat hindi na niya maramdaman ang kakaibang kirot sa kanyang puso.Noong gabing iyon, nagbihis siya nang maayos. Isang pulang cocktail dress, maayos na makeup, at paboritong pabango. Umalis siya ng bahay na may matamis na ngiti sa mga labi dahil sa pangakong dinner ni Mikael Yunson—ang lalaking kasama niya sa loob ng limang taon. Limang taon na puno ng pangarap, ng sakripisyo, at ng pangakong binuo nila mula noong mga pangarap pa lamang ang hawak nila sa buhay. Kampante si Lilac Babe. Kampante siyang ang gabing ito ang magiging simula ng panibagong kabanata ng kanilang buhay. Inaasahan niyang sa gitna ng hapunan, luluhod si Mikael at ilalabas ang isang maliit na pelus na kahon.Subalit tadhana na mismo ang suma

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status