Share

Chapter 2: Pagkakamali

Author: MR.ROMANTICO
last update publish date: 2026-10-08 17:23:41

Nagsimula ang bulungan sa loob ng grand board room nang bitawan ni Gabriel Simon Valderama ang mga salitang iyon. Naramdaman ni Lilac Babe ang pagbaling ng tingin ng lahat sa kanya, lalo na ang nagtatakang titig ni Mikael na bahagyang nakakunot ang noo.

Subalit hindi na makarinig nang maayos si Lilac Babe. Ang dugong umaagos sa kanyang mga tainga ay parang mabilis na alon sa dagat. Ang lalaking pinagbalingan niya ng sama ng loob, ang stranger na hinalikan niya sa bar, at ang nakasama niya sa kama buong gabi ay si Mr. Valderama.

Walang iba kundi ang makapangyarihang CEO na may hawak ng kanyang karera at kinabukasan.

“M-Mr. Valderama...” nautal na usal ng Vice President. “Magsisimula na po ba tayo sa meeting matapos ang pag-uusap ninyo?”

“Cancel the morning meeting,” malamig na utos ni Gabriel nang hindi inaalis ang titig kay Lilac Babe. “Move it to three in the afternoon.”

Dahan-dahang tumayo si Lilac Babe na may halong panginginig ng tuhod nito. Pakiramdam niya ay gawa sa tingga ang kanyang mga binti habang sumusunod sa matangkad na bulto ng kanyang boss patungo sa silid nitong nasa pinakadulong bahagi ng executive floor.

Pagpasok nila sa napakalawak at modernong opisina, mabilis na isinarado ng secretary ang p***o mula sa labas. Naiiwan silang dalawa sa gitna ng nakatutulig na katahimikan.

Inalis ni Gabriel ang kanyang suit jacket at isinabit ito sa likod ng kanyang swivel chair. Inayos niya ang kanyang mga cufflinks bago dahan-dahang humarap kay Lilac Babe. Lumapit ito, bawat hakbang ay may dalang kakaibang banta at kapangyarihan.

“Tumakas ka,” wika ni Gabriel. Ang boses nito ay tulad ng kagabi malalim, baritono, at may kakaibang lambing na nagpapatindig ng balahibo ni Lilac Babe. “Walang pasabi. Walang sulat. Iniwan mo lang ako sa kama nang napakaaga.”

“M-Mr. Valderama, I... I’m sorry,” nanginginig na pahayag ni Lilac Babe, nakatitig lamang sa makintab na sapatos ng lalaki dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. “Lasing ako kagabi. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Nawa’y... nawa’y kalimutan na lang natin ang nangyari. Maging propesyonal tayo sa trabaho.”

Mahinang tumawa si Gabriel, isang mababang tunog na punong-puno ng sarkasmo. Tumigil ito nang ilang pulgada na lamang ang distansya sa kanya. Inabot ng matitigas na daliri ng lalaki ang baba ni Lilac Babe at dahan-dahan itong itinataas upang magkatapat ang kanilang mga mata.

“Kalimutan?” bulong ni Gabriel, nakatitig sa nanginginig na mga labi ng dalaga. “Tingin mo ba madaling kalimutan ang ginawa mo sa akin kagabi, Ms. Hermosa? You used me to forget someone else. And now you expect me to act like nothing happened?”

Nanlamig ang buo niyang katawan. Ang kahihiyan at takot ay nagsama-samang gumagapang sa bawat sulok ng kanyang pagkatao. Hindi niya kayang magtrabaho sa ilalim ng lalaking ito. Bawat tingin, bawat utos, at bawat pagkikita nila sa opisina ay magiging paulit-ulit na paalala sa kanyang pinakamalaking pagkakamali at sa pagtataksil ni Mikael. Napapikit si Lilac Babe at mabilis niyang itinulak si Gabriel at patakbo na siyang lumabas mula sa opisina.

Pagkalabas na pagkalabas ni Lilac Babe sa opisina ni Gabriel matapos ang maikling pag-uusap, dumiretso siya sa kanyang desk. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nagta-type sa keyboard ng laptop nito.

Resignation Letter.

Walang Notice Period. Walang Turn-over. Agad-agad.

Iniwan niya ang dokumento sa ibabaw ng mesa ng Human Resources Department bago pinal na kinuha ang kanyang mga personal na gamit sa cubicle. Hindi na niya hinintay ang alas-tres ng hapon. Hindi na niya hinarap si Mikael para magpaliwanag. Tumakbo siya palabas ng gusali ng Valderama Holdings nang hindi na lumingon kailanman.

Isang buwan ang mabilis na lumipas.

Ang buhay ni Lilac Babe ay naging tahimik ngunit puno ng lungkot. Nakahanap siya ng maliliit na online freelance writing jobs para sustentuhan ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang maliit na apartment. Deleted at blocked na din niya ang numero ni Mikael, na ilang beses na nagtangkang tumawag at magpadala ng mensahe upang magpaliwanag. At umiwas siya sa lahat ng dating kakilala sa lumang kumpanya maging ang kanyang mga kaibigan.

Ngunit may isang bagay na hindi nawawala, ang patuloy na pagkahilo at pagsusuka niya tuwing umaga.

Sa simula, inisip ni Lilac Babe na baka epekto lamang ito ng matinding stress, pagbabago ng pangkain o simpleng gastritis dahil sa hindi regular na pag-kain. Subalit nang lumipas ang apat na linggo nang hindi dumarating ang kanyang buwanang dalaw, nagsimula nang gumapang ang totoong takot sa kanyang dibdib.

Nakatayo si Lilac Babe sa loob ng maliit na banyo ng kanyang apartment. Sa ibabaw ng sink ay nakalapag ang tatlong pregnancy test kits na katatapos lang niyang gamitin.

Nakatitig siya rito habang binibilang ang mga segundo.

Isang minuto... dalawang minuto... tatlong minuto.

Dahan-dahang lumabas ang dalawang pulang guhit sa unang kit. Pagkatapos ay sa pangalawa. At sa pangatlo.

Positive. Tatlong positive.

Naihulog ni Lilac Babe ang kanyang phone sa sahig. Napahawak siya sa kanyang tiyan na sa labas ay tila wala pang pagbabago, ngunit sa loob ay may umuusbong nang bagong buhay.

“Hindi!  Hindi maaari 'to,” hagulgol ni Lilac Babe habang napapaupo sa malamig na semento ng banyo.

Buntis siya. Nagdadalang-tao siya sa anak ni Gabriel Simon Valderama—ang bilyonaryong CEO na nakasama niya sa loob lamang ng isang gabi.

Pumasok sa utak niya ang mga posibleng mangyari. Kapag nalaman ito ng mga tao, tutuksuhin siyang isang babaeng madaling makuha. Kapag nalaman ito ni Mikael o ng pamilya nito, sasabihin ng mga ito na gumawa siya ng paraan para makaganti. At higit sa lahat, paano kung isipin ni Gabriel na ginawa niya ito para lang pilitin itong magbayad o pakasalan siya? O mas malala, baka agawin nito ang bata sa kanya kapag nalaman nitong nagdadalang-tao siya?

Ang takot na kutyain, husgahan ng lipunan, at mawalan ng karapatan sa sariling anak ang nagtulak kay Lilac Babe sa isang marahas na desisyon.

Nagi-empake ng mga damit sa malaking luggage si Lilac Babe bago sumapit ang madaling-araw. Isinuko niya ang kontrata sa apartment, ibinenta ang ilang gamit na hindi kailangan, at bumili ng isang one-way bus ticket patungo sa isang malayong lalawigan sa Hilaga. Isang tahimik na bayan sa tabing-dagat kung saan walang nakakakilala sa kanya at walang makakahanap sa kanya.

Iwananan niya ang lungsod. At upang makalimutan niya ang nakaraan.

Limang buwan ang lumipas.

Sa pampangin ng maliit na baryo sa San Agustin, humahalik ang malamig na hangin ng dagat sa mukha ni Lilac Babe. Malayo na ito sa maingay at magulong Maynila. Dito, simpleng pamumuhay ang kanyang kinaharap. Nagtayo siya ng isang maliit na online craft shop at nagbebenta ng mga baked goods sa mga kapitbahay para mabuhay.

Hawak ni Lilac Babe ang kanyang lumalaking tiyan habang nakaupo sa duyan sa beranda ng kanyang inuupahang bahay. Anim na buwan na ang kanyang pagdadalang-tao. Bagaman mahirap at madalas ay kinakapos sa pinansyal na pangangailangan, may kakaibang kapayapaan siyang nararamdaman sa tuwing nararamdaman ang munting sipa sa loob ng kanyang tiyan.

“Lalaki kang ligtas at minamahal anak,” bulong ni Lilac Babe habang hinahaplos ang kanyang tiyan. “Kahit tayong dalawa lang, kakayanin natin.”

Tumingin si Lilac Babe sa malawak at bughaw na karagatan habang dahan-dahang lumulubog ang araw. Malayo man sa karangyaan at nakasanayang buhay, nakahanap siya ng tahimik na kanlungan para sa kanyang sarili at sa batang dinadala niya. Walang nakakaalam kung nasaan siya, at walang makakatagpo sa kanila rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 5: Magkatrabaho Ulit

    Naging impyerno ang bawat araw ni Lilac Babe Hermosa sa ilalim ng pamumuno ni Gabriel Simon Valderama. Ang dating trabahong inaakala niyang pagsisilbi lamang bilang tagapag-ayos ng iskedyul at mga dokumento ay naging isang sadyang pagpapahirap.Walang oras na hindi siya tinatawag ng bilyonaryo. Pinapagawan siya nito ng mga ulat na halos walang kaugnayan sa kanyang posisyon, pinababalik-balik sa magkakahiwalay na palapag para sa maliliit na bagay, at pinagtitimpla ng kape na paulit-ulit nitong itinatapon sa sink dahil hindi daw timplado ayon sa kagustuhan nito. Madalas ay inaabot si Lilac Babe ng hatinggabi sa opisina habang si Gabriel ay tahimik lamang na nakaupo sa kanyang swivel chair, nakatitig sa bawat kilos ng dalaga na tila isang lawin na naghihintay ng pagkakamali ng kanyang huli.Alam ni Lilac Babe na sinasadya ng CEO na pahirapan siya. Iyon ang parusa nito sa kanyang pag-alis dalawang taon na ang nakararaan. Subalit sa kabila ng matinding pagod, puyat, at pananakit ng katawa

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 4: Muling Pagkikita

    Nanginig ang mga tuhod ni Lilac Babe Hermosa habang nakatayo sa loob ng napakalawak na Director’s office. Ang amoy ng mamahaling leather, wood polish, at ang pamilyar na cedarwood at mamahaling pabango na amoy ni Gabriel Simon Valderama ay agad na sumakop sa kanyang mga buong sistema.Nakatayo si Gabriel sa harap ng malaking glass window, nakatitig sa tanawin ng buong bayan habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Ang pananahimik nito ay mas nakakatakot kaysa sa kahit anong sigaw o galit.“M-Mr. Valderama...” nanginginig ang boses na panimula ni Lilac Babe. “Nandito na po ang personal file ko. Kung may problema man sa mga dokumento o sa background check ko, pwede naman po kitang iwan sa HR—”“Sino ang lalaking kasama mo kanina?” putol ni Gabriel sa kanya nang hindi man lang lumingon.Napatigil si Lilac Babe. “S-Si John? Kaibigan ko siya. Siya ang nag-rekomenda sa akin sa kumpanyang ito.”Dahan-dahang humarap si Gabriel. Ang kanyang mga mata ay tulad ng isang madil

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 3: Pagkatapos Ng Lahat

    Dalawang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Lilac Babe Hermosa ang magulo at masakit na buhay sa Maynila. Sa tahimik na lalawigan ng San Agustin, nagbago ang lahat para sa kanya. Ang dating senior marketing associate na palaging nakatakong at nakasuit ay pinalitan ng simpleng ina na masipag na nagtatrabaho para sa kapakanan ng kanyang dalawang taong gulang na anak na si Gabriella.Si Gabriella ang naging liwanag sa madilim na kabanata ng kanyang buhay. Ang malalaking kulay-tsokolate nitong mga mata, ang matangos na ilong, at ang matalim na hugis ng panga ay palaging nagpapaalala kay Lilac Babe sa isang taong pinilit niyang burahin sa kanyang alaala sa loob ng dalawang taon—si Gabriel Simon Valderama. Ngunit sa tuwing tinititigan niya ang musmos na kumakain ng almusal sa kanilang maliit na kusina, nakakalimutan niya ang lahat ng takot. Ang mahalaga, ligtas sila at tahimik ang kanilang pamumuhay.Subalit habang lumalaki si Gabriella, lumalaki rin ang kanilang mga pangangailang

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 2: Pagkakamali

    Nagsimula ang bulungan sa loob ng grand board room nang bitawan ni Gabriel Simon Valderama ang mga salitang iyon. Naramdaman ni Lilac Babe ang pagbaling ng tingin ng lahat sa kanya, lalo na ang nagtatakang titig ni Mikael na bahagyang nakakunot ang noo.Subalit hindi na makarinig nang maayos si Lilac Babe. Ang dugong umaagos sa kanyang mga tainga ay parang mabilis na alon sa dagat. Ang lalaking pinagbalingan niya ng sama ng loob, ang stranger na hinalikan niya sa bar, at ang nakasama niya sa kama buong gabi ay si Mr. Valderama.Walang iba kundi ang makapangyarihang CEO na may hawak ng kanyang karera at kinabukasan.“M-Mr. Valderama...” nautal na usal ng Vice President. “Magsisimula na po ba tayo sa meeting matapos ang pag-uusap ninyo?”“Cancel the morning meeting,” malamig na utos ni Gabriel nang hindi inaalis ang titig kay Lilac Babe. “Move it to three in the afternoon.”Dahan-dahang tumayo si Lilac Babe na may halong panginginig ng tuhod nito. Pakiramdam niya ay gawa sa tingga ang k

  • HIDING MY BOSS HEIR (A SECRET NIGHT)   Chapter 1: Pait Ng Sakit

    Malamig ang hanging nagmumula sa exhaust fan ng club, ngunit mas malamig ang pakiramdam na lumalason sa dibdib ni Lilac Babe Hermosa. Nakatitig siya sa basong hawak, pinapanood ang pagtunaw ng mga piraso ng yelo sa ibabaw ng amber na likido. Isang shot pa. O dalawa. O tatlo. Hanggat hindi na niya maramdaman ang kakaibang kirot sa kanyang puso.Noong gabing iyon, nagbihis siya nang maayos. Isang pulang cocktail dress, maayos na makeup, at paboritong pabango. Umalis siya ng bahay na may matamis na ngiti sa mga labi dahil sa pangakong dinner ni Mikael Yunson—ang lalaking kasama niya sa loob ng limang taon. Limang taon na puno ng pangarap, ng sakripisyo, at ng pangakong binuo nila mula noong mga pangarap pa lamang ang hawak nila sa buhay. Kampante si Lilac Babe. Kampante siyang ang gabing ito ang magiging simula ng panibagong kabanata ng kanilang buhay. Inaasahan niyang sa gitna ng hapunan, luluhod si Mikael at ilalabas ang isang maliit na pelus na kahon.Subalit tadhana na mismo ang suma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status