Share

MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET
MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET
Author: Xiakni Aicap_20

Chapter 1

last update publish date: 2026-07-19 20:44:59

KIARAH'S POV

Maaga akong umuwi ngayon galing sa opisina. Sinabi ko sa aking boss na special day namin ni Rafael ngayon kaya napaaga ako ng uwi. Gusto ko siyang sorpresahin, mabuti na lang pinayagan ako ng istrikto kong boss. Akala ko kanina ay hindi niya ako papayagan dahil ang tagal niyang sumagot, at tiningnan niya pa ako nang matiim. Lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.

"Tomorrow, no more excuses." Iyon ang huling sabi niya sa akin.

Masaya na rin ako kahit papaano, dahil bibihira talaga itong pumapayag maliban kung talagang emergency. Mabilis lang akong nakarating sa condo ni Rafael, maykaya ang pamilya niya kaya doon ito nakatira. Dalawang taon na rin kaming magkasintahan at labas-masok na ako sa kanyang condo. Kaya alam ko ang password ng condo niya at tig-isa rin kami ng swipe card. Subalit ang pasorpresa ko sa kanya ay nauwi sa hindi inaasahang pangyayari.

"Ang sarap mo naman... hindi katulad ni Kiarah, madamot!"

Iyon ang narinig ko agad pagpasok ko pa lang sa loob ng condo.

"Ahhh... bilisan mo pa, Raf! Ughhh~ Ahhh! Sige pa!"

"Ang sarap mo talaga!"

Pakiramdam ko'y buong langit na ang bumagsak sa akin. Hindi ko na kailangang silipin kung kaninong mga ungol iyon dahil kilalang-kilala ko na sila.

"Sana, ikaw na lang ang girlfriend ko, ang sarap mo!" dinig kong ungol pa ni Rafael.

Dahan-dahan kong inilapag ang mga pinamili ko sa mesa. Halos mapaupo ako doon nang maramdaman ko ang biglang panghihina ng mga binti ko.

Mga hayop sila!

Pinunasan ko ang mga luha kong kanina pa pala tumutulo, pagkatapos ay walang lingon-lingon na lumabas. Mabilis kong nilisan ang condo ni Rafael habang nagsisikip ang dibdib ko sa aking nasaksihan. Malaki ang tiwala ko kay Raf, kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ko aakalaing magagawa nila akong pagtaksilan ng aking step-sister na palaging playing safe at pa-victim.

Gusto kong makalimot!

Napadpad ako sa pinakasikat at pinakamaingay na bar sa siyudad. Agad akong umorder ng tequila, iyon kasi ang palaging naririnig ko na pangalan ng isang alak. First time kong mag-inom kaya wala akong ideya kung ano ang magiging epekto nito sa akin.

At wala akong pakialam! Basta gusto kong maglasing sa gabing iyon!

Napangiwi ako nang aking malasahan ang pait ng alak sa aking lalamunan. Subalit sinundan ko pa iyon ng isa pa... at isa pa. Naramdaman ko ang pag-ikot at panlalabo na ng aking paningin.

"Drinking alone here?"

Papikit na sana ako sa kinauupuan kong sofa nang may magsalita sa aking tabi. Dahil doon ay napilitan kong imulat ang mga mata ko.

"S-Sino ka?" tanong ko, sinubukang titigan ang mukha ng lalaki pero sa labo ng mga mata ko ngayon ay hindi ko siya makilala.

"Lasing ka na. Kaya mo pa bang tumayo?" tanong ng lalaki.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang kaboses niya si Sir.

"L-lasing na nga siguro a-ako. P-Pero kaya ko pa namang tumayo," sagot ko na para nang pa-slang.

Narinig kong tumawa ang lalaki. Napakunot-noo ako, dahil pati pagtawa ng lalaki ay parang kay Sir din.

Bakit ko ba naalala si Sir Sungit?

"Nag-break ba kayo ng boyfriend mo?"

Nagsalubong ang aking mga kilay nang tumingin sa lalaki.

"Ano namang pakialam mo? Magkakilala ba tayo? Close ba tayo?" mataray kong sagot.

Nakita ko siyang ngumisi. Sinubukan kong tumayo para iwan siya pero bigla akong naliyo. Mabuti na lang at napaupo ulit ako sa sofa.

"D*mn. You're kinda heavy sa liit mong iyan," ani ng lalaki.

Doon ko lang napagtanto na sa kandong niya pala ako lumanding. Aalis na sana ako kahit na palabo nang palabo ang paningin ko, pero hindi ako hinayaan ng lalaki. Sa halip ay naramdaman ko ang pagsandal niya sa akin sa backrest ng sofa.

Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na nasundan dahil tuluyan nang umikot ang paningin ko hanggang sa basta na lang akong nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mabigat na brasong nakadagan sa bandang dibdib ko. At sa pagmulat ko ng mga mata ay ganoon na lang ang aking pagkabigla nang mukha ni Sir ang bumungad sa akin.

Ano itong nagawa ko, Diyos ko naman!

Gusto kong sumigaw pero parang may bumara sa aking lalamunan. Mas nanlaki pa ang aking mga mata nang makita kong kapwa kami walang mga saplot. Maingat kong inalis ang kamay niyang nakadagan sa aking dibdib. Nakangiwi akong bumangon dahil sa sakit ng aking katawan, pinulot ko ang aking mga damit na nagkalat sa sahig. Binilisan ko ang aking pagbibihis, kinuha ko ang aking shoulder bag at binitbit ko ang aking sandals. Patingkayad akong naglakad palabas ng kwarto habang ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Pagkalabas ko, kusang bumalong ang aking mga luha. Nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali kagabi. Imbes na masolusyunan ang aking problema ay nadagdagan pa.

Papaano ko haharapin si Sir bukas sa kanyang opisina?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat bhe
goodnovel comment avatar
Marylou S. Fernando
Dedma Ka lang.Kunwari di mo alam.Lasing Ka ih Hihi.
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
love it....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 74: Oras Na

    Magsasalita pa sana si Lucas upang ipagtanggol ang kanyang asawa at patigilin ang walang habas na pag-akusa ng kanyang ama, subalit mariin siyang sinaway ni Don Luke."Manahimik ka, Lucas!" maawtoridad at dumadagundong na sigaw ng Don habang itinuturo ang anak. "Hayaan mo siyang magsalita sa sarili niya, no need to defend her! Kahit isang salita!Hayaan mong ang babaeng 'yan ang magpaliwanag sa harap natin!"Nagbabaga ang mga mata ng Don habang nakatitig kay Kiarah. Ang dalaga ay patuloy na lumuluha habang nakatunghay sa mga larawan at iba pang mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng glass table—mga patunay at ulat ng kanyang naging buhay sa probinsya limang taon na ang nakararaan. Ang mga litratong iyon, na pinalabas ni Tylane bilang katibayan ng pagtataksil, ay naglaman ng mga alaala ng kanyang pinakamadilim at pinakamahirap na mga araw.Mariing pinalapit ni Don Luke ang kanyang mukha, ang boses ay punong-puno ng galit at hinala."Explain yourself, Kiarah!" malamig at matigas na utos

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 73: Ang Galit Ng Don

    Ang bawat tawag mula sa ancestral home ng mga Mondragon ay may katumbas na matinding bigat, subalit ang tawag na natanggap ni Lucas noong hapon na iyon ay ibang-iba. Ang boses ng sekretarya ng kanyang ama ay pormal, mabilis, at may kasamang kakaibang panginginig—isang tahimik na babala na ang matandang Don ay kasalukuyang nasa gitna ng napakatinding galit.Hindi na nag-aksaya ng panahon ang CEO ng Mondragon Group. Kahit na nakapila ang ilang mahahalagang executive meetings at mga kasunduan sa negosyo para sa hapon na iyon, walang alinlangan niyang ipinag-utos sa kanyang personal assistant na ikansela ang lahat."Sir, paano po 'yung kontrata sa mga foreign investors?" tanong ng kanyang assistant habang mabilis na sumusunod sa mga hakbang ni Lucas patungong elevator."Ipagpaliban mo," malamig at maawtoridad na utos ni Lucas habang inilalagay ang kanyang suit jacket. "May mas importanteng bagay na kailangan kong ayusin sa ancestral home."Mabilis na nagmaneho si Lucas patungo sa kanilang

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 72: Panlilinlang Ni Tylane

    Bago tuluyang lumipad pabalik ng Maynila mula sa lalawigan, hindi pa rin lubos na tanggap ni Tylane ang naging maanghang na pagtanggi ni Dr. Kent. Sa loob ng kanyang pribadong sasakyan habang nakatigil sa gilid ng highway, muli niyang ipinatawag ang kanyang private investigator. Ang galit sa kanyang mga mata ay pinalitan ng isang malamig at determinadong pagnanais na baluktutun ang katotohanan ayon sa kanyang kagustuhan."Makinig kang mabuti," utos ni Tylane sa investigator habang mariing nakahawak sa telepono. "Huwag mong titigilan ang pagsubaybay sa Kent na 'yan. Magsaliksik ka pa! Maghanap ka ng kahit anong anggulo, dokumento, o saksi na mag-uugnay sa kanila ni Kiarah. Kailangan kong mapatunayan sa mundo na ang doktor na 'yan ang tunay na ama ni Sky at walang alam ang tangang si Lucas sa kalokohang ito!"Inipon ni Tylane ang lahat ng mga kinuha ng kanyang investigator—mga lumang larawan at mga dokumento na nagpapatunay na sa loob ng limang taon sa probinsya ay magkasama at madalas

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 71: Tylane's Step

    Napakunot ang noo ni Dr. Kent habang matalim na nakatitig sa babaeng bigla na lamang pumasok sa kanyang silid. Ang bawat salitang binitiwan ng hindi kilalang bisita ay nagdulot ng matinding pagtataka sa kanyang isipan. Sa kabilang banda, napakalapad ng ngiti ni Tylane—isang ngiting punong-puno ng sigurado at arroganteng kumpiyansa. Bago pa man siya yayain ng doktor, kusa nang umupo si Tylane sa tapat na upuan ng mesa, dahan-dahang nagkrus ang kanyang binti, at inayos ang kanyang mamahaling jacket."Diretsuhin na kita, Dr. Borromeo," pormal at may kasamang yabang na panimula ni Tylane habang itinutukod ang kanyang mga siko sa mesa. "Name your price. Maglabas ka ng halagang gusto mo—isang milyon, limang milyon, o higit pa—para lang magsalita ka ng pawang katotohanan. Ang kailangan ko lang ay sagutin mo nang buong tapat at walang pag-aalinlangan ang mga itatanong ko sa 'yo."Mas lalong naguluhan si Kent sa inasal ng dalaga. Hindi siya sanay sa mga taong gumagamit ng pera upang pilitin an

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 70: Natuklasan

    Isang napakalakas at punong-puno ng kagalakang halakhak ang umalingawngaw sa loob ng pribadong opisina ni Tylane noong umagang iyon. Ang matinding bigat, galit, at kabiguang naramdaman niya noong mga nakaraang araw matapos siyang sampalin ng katotohanan ng mga salita ni Lucas ay tila mabilis na napawi. Ang kanyang mga mata, na dating balot ng dusa at inggit, ay naglalabas na ngayon ng isang nakatatakot na sigla at tagumpay.Parang nanalo sa pinakamalaking lotto sa buong mundo si Tylane habang hawak ang kanyang telepono sa kabilang linya."Ulitin mo ang lahat ng sinabi mo," mariin, mabilis, at may kasamang pananabik na utos ni Tylane sa kanyang kausap na private investigator."Ma'am Tylane, kumpleto na po ang imbestigasyon ko rito sa probinsya," sagot ng lalaki sa kabilang linya, habang naririnig ang ingay ng hangin sa malayang bayan sa lalawigan. "Nagsaliksik ako sa bayan kung saan nagtago si Kiarah sa nakalipas na limang taon—sa mismong lugar kung saan siya natagpuan ni Mr. Lucas Mon

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 69: Good Job, Sky!

    Sa kabila ng matinding pagbabanta ni Lucas at ng nakaraang matapang na pakikipagharap ni Kiarah, hindi pa rin tuluyang sumuko si Rafael Cuevas. Para sa isang lalaking tulad niya na inaalipin ng labis na galit at nasaktang pride, ang bawat balakid ay tila isang hamon lamang na kailangan niyang pagtagumpayan.Nang hapong iyon, muling nagtungo si Rafael sa eksklusibong pribadong paaralan kung saan nag-aaral ang limang taong gulang na batang si Sky. Nakatayo siya sa gilid ng gate, nakatago ang kalahati ng mukha sa ilalim ng sun glass habang hinihintay ang paglabas ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga silid-aralan.Nang tumunog ang bell para sa uwian, dahan-dahang lumabas ang grupo ng mga maliliit na bata. Agad na nahanap ng mga mata ni Rafael ang batang si Sky—ang musmos na nagtataglay ng mga katangiang hawig na hawig sa mag-asawang pilit niyang pinapabagsak.Mabilis na humakbang si Rafael patungo sa bata. Isang matamis at maamong ngiti ang ipinukol niya sa mukha, pilit na ibinabalik ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status