LOGINKIARAH'S POV
Four years later... Narito kami ni Kent sa isang pampublikong ospital. May monthly check-up ang anak kong si Sky dahil sa severe allergies nito. Kaibigan ni Kent ang doktor ng anak ko kaya kay laki ng aking pasasalamat. Kahit mahirap ang aming pinagdaanang mag-ina ay naitataguyod ko naman kahit papaano ang mga pangangailangan ni Sky, lalo na ang mga gamot nito. "So, babalik na naman siya rito next month?" tanong sa akin ni Kent nang papalabas na kami ng laboratory room. Ngumiti ako at humarap kay Kent. "Oo! At maraming salamat sa walang sawa mong pagsama sa aming mag-ina," masaya kong sagot. Tumawa si Kent at ginulo niya ang aking ulo; ganoon na talaga siya simula pa noon. Close kaming magpinsan, naudlot nga lang noong ipinaampon si Kent ng mga magulang nito sa mag-asawang mayaman. Nalungkot ako noon pero masaya na rin kasi naging isa siyang matagumpay na dentista. Hindi ko rin inaasahan na sa lugar kung saan ako napadpad pagkatapos kong umalis ng bahay ay magkikita kaming dalawa. "Don't worry, it's okay! Saka, hindi ka naman na iba sa akin, eh! Halika na, hintayin na lang natin si Sky rito sa labas," nakangiti namang tugon ni Kent sa akin sabay akbay. Subalit natigilan ako nang makita ko ang isang bulto na makakasalubong namin. Marami itong kasamang mga staff ng ospital, at nagtama ang aming mga mata. Five years, pero siya pa rin ang boss ko noon na laging nagpapakabog ng aking dibdib sa tuwing magkakalapit at magkakatinginan kami. Ang naka-one-night stand kong boss... ang ama ni Sky! "Mr. Borromeo, what are you doing here?" tanong ng isang kasamang doktor ni Lucas kay Kent. Nanuyo ang aking lalamunan. Matiim akong tinitigan ni Lucas, nag-iigting ang kanyang mga panga. Nakakuyom ang kanyang mga kamao; hindi ko alam pero parang hitsura iyon ng isang galit at gustong manakit. "Magandang araw, Dok Fabian! Sinamahan ko po si Kiarah para sa monthly check-up ng—" Natigil si Kent sa pagsasalita nito nang hawakan ko ang kanyang kamay. I was trembling, unti-unting nawawalan ng lakas ang aking mga binti. Napalingon ako sa bungad ng laboratory room na kinaroroonan ng aking anak. Please, Lord, huwag naman sana! Nagmamakaawa po ako, huwag sana silang magtagpo, Diyos ko! "Let's go! I don't want to waste a single second of my time," mariing wika ni Lucas, habang nakatutok ang mga mata niya sa magkahawak naming kamay ni Kent. Nahigit ko ang aking hininga, may luhang gustong kumawala sa aking mga mata, but I held it in. At bago pa tuluyang umalis sina Lucas ay pinakatitigan niya pa ako sa mga mata na para bang nanunumbat. Saka lang ako nakahinga nang makaalis na sina Lucas. Halos matumba ako sa panghihina, mabuti na lamang at maagap akong nasalo ni Kent. "Hey, anong nangyayari sa 'yo? Nanlalamig ka at namumutla. Are you okay, Kiarah?" nag-aalalang tanong ni Kent sabay akay sa akin para makaupo. "Ahm... wala ito, Kent. Napagod lang siguro ako," mabilis kong pagkakaila nang medyo bumuti na ang aking pakiramdam pagkaupo namin. Nakahinga naman nang maluwag si Kent saka niya tinapik ang aking balikat. "Hintayin mo na lang kami ni Sky rito," sabi ni Kent at binalikan na niya ang aking anak sa loob ng laboratory room. Tumango na lamang ako para hindi na mahalata ni Kent ang kakaibang ikinikilos ko dahil sa presensiya ni Lucas kanina. CHARITY FUNFAIR Aksidente lang 'yon. Hindi na mauulit. Iyon ang naiisip ko nang maalala ko ang nangyari sa ospital. Ganoon ang pagkumbinsi ko sa sarili ko habang nag-aayos kami para pumunta sa isang malaking charity funfair sa BGC. Kailangan ko ng distraction, at kailangan din ni Sky na magsaya pagkatapos ng naging check-up niya. Punong-puno ng tao ang open-air grounds. May mga giant mascot, makukulay na banderitas, at sari-saring food stalls. Rinding-rindi ako sa ingay ng musika at sa dami ng taong naglalakad, pero nakita ko ang sobrang tuwa sa mukha ni Sky habang nakahawak sa kamay ko. "Mommy! Cotton candy! I want the blue one, please?" patalon-talon na turo ni Sky sa isang stall na may mahabang pila. "Okay, okay, baby. Wait lang ha, kukuha lang si Mommy ng wallet," natatawang sagot ko. Binitiwan ko ang kamay niya para mabuksan ang zipper ng tote bag ko. Nasa tabi ko lang siya. Nangangapa ako ng barya sa loob ng bag nang marinig ko ang pagsabog ng isang malaking confetti cannon mula sa main stage. Naghiyawan ang mga tao at biglang nagkagulo ang crowd dahil sa paglapit ng mga mascot. Nang makuha ko ang wallet ko, ibinaling ko ang tingin ko sa tabi ko. "Sky, eto na—" Wala siya. Kumunot ang noo ko. "Sky? Baby, nandito ang cotton candy." Lumingon ako sa likuran ko. Wala ang anak ko! Luminga-linga ako sa kabilang stall, wala rin siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 'Yung normal na kaba ng isang nanay ay biglang naging malamig na kilabot na gumapang sa buong gulugod ko. "Sky?!" tawag ko, mas lumakas ang boses ko. Nag-uunahan ang mga tao sa paligid ko, nagbabanggaan. Sumisikip ang dibdib ko. "Sky! Anak!" Nagsimula akong tumakbo. Tinitingnan ko ang bawat mukha ng batang nadadaanan ko. Nakikipagsiksikan ako sa mga naglalakihang tao, hindi alintana kung may nababangga na ako. Paano kung inatake siya ng asthma niya? Paano kung nakakain siya ng candy na may peanuts mula sa ibang tao? "Sky! Sky, nasaan ka?!" Tumutulo na ang mga luha ko. Nagpa-panic na ako. Halos hindi ako makahinga sa tindi ng takot. Kung may mangyayaring masama sa anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding-hindi. Nakita ko si Kent mula sa 'di kalayuan na galing sa pagbili ng drinks. Patakbo siyang lumapit sa akin nang makita niya akong umiiyak. "Kiarah, anong nangyayari?!" "Si Sky, Kent! Nawawala siya! Nandito lang siya kanina sa tabi ko!" humahagulgol na sagot ko, nanghihina ang mga tuhod. "Shit. Okay, calm down. Hahanapin natin siya. Doon ako sa stage area, maghanap ka rito banda sa mga tent!" utos niya bago mabilis na tumakbo palayo. Naglakad-lakad ako, umiiyak, tinatawag ang pangalan niya hanggang sa mapadpad ako sa medyo tahimik na bahagi ng event grounds, malapit sa isang malaking puno at mga VIP lounge tent. At doon... doon ko narinig ang boses na halos magpabalik ng kaluluwa ko sa katawan ko. "Mommy!" Napalingon ako nang mabilis. Sa ilalim ng puno, nakaupo sa isang wooden bench ang isang batang lalaki na may hawak na asul na cotton candy, habang isang matangkad na lalaki ang nakaluhod sa harapan nito, dahan-dahang pinupunasan ang pawis at luha sa mukha ng anak ko gamit ang isang panyo. "Sky!" napasigaw ako at tumakbo palapit sa kanila. Bumaba ang bata mula sa upuan at sinalubong ako ng yakap. Napaluhod ako at mahigpit na niyakap ang anak ko, sinusubsob ang mukha ko sa leeg niya, walang pakialam kung marami ang nakatingin. Nanginginig ang buong katawan ko sa pinaghalong relief at iyak. "Oh my God, baby. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon. 'Wag kang aalis sa tabi ni Mommy, please," umiiyak kong bulong. "I'm sorry, Mommy. Na-lost ako kasi I followed the big robot mascot," inosenteng sagot niya, hinahaplos ang buhok ko. "But don't cry na. That nice Tito helped me find you." Napasinghap ako. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko at dahan-dahang tumingala para magpasalamat sa lalaking nagmagandang-loob. "Maraming salamat po sa pag—" Natigilan ako. Bumara sa lalamunan ko ang lahat ng salitang gusto kong sabihin. Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaluhod at tinitigan ako. Wala siyang suot na suit ngayon, tanging isang simpleng itim na polo shirt na nagpapalitaw sa matipuno niyang balikat. Pero ang mga mata niya… ang mga matang iyon na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Lucas! Sandaling tumigil ang aking mundo. Pati paghinga ko ay nakisama sa pagtigil nito. Kinapa ko si Sky at mahigpit na hinawakan. "Kiarah, is this your child?" tanong ni Lucas sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. "Kiarah! Thank God, nakita mo na si Sky!" boses ni Kent na lumalapit sa amin. Nabaling ang tingin ni Lucas kay Kent na dumating. "And... is this the father?" mariin nitong tanong habang pinakatitigan si Kent. Muli akong napalunok. Nabibingi na ako sa kabog ng aking dibdib. Ito na ba 'yon, Lord? Ito na ba ang araw ng pag-amin at pagbubunyag sa katotohanan tungkol sa pagkatao ni Sky?Nanginig ang mga daliri ko habang inaayos ko ang kwelyo ng suit ni Lucas. Kitang-kita ko ang repleksyon naming dalawa sa malaking salamin ng kwarto namin—ako, pilit na pinapakalma ang sarili, at siya, ang asawang walang takot na humaharap sa kahit anong unos para sa akin."Kailangan ba talagang pumunta doon, Lucas?" mahina kong bulong, pilit na iniiwas ang mga mata ko sa katineraryo ng gabing ito. "Alam mo naman kung sino ang mga posibleng nandoon."Hinarap niya ako, hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang malalambot niyang palad. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya na nagpakalma kahit kaunti sa nagliliyab kong kaba. "Kiarah, paulit-ulit ko namang sinasabi sa iyo, hindi kita pinipilit para lang ipagmalaki ko ang kompanya. Pupunta tayo roon dahil simula ngayon, hindi na ikaw ang nagtatago. Sila na ang dapat manginig kapag nakita ka nila."Napalunok ako. Ilang taon din akong nagpakalayo-layo para lang pagalingin ang sarili ko mula sa mga sugat na iniwan ng nakaraan. Limang
Third POV Kinaumagahan. Paggising ni Kiarah ay wala na sa kanyang tabi si Lucas. Marahan siyang bumangon at inayos ang kanilang higaan. Naghilamos siya at nag-ayos ng kanyang sarili bago nito napagpasyahang bumaba na. Pagkababa nito ay nadatnan niya ang ibang mga katulong na naglilinis na sa buong Mansyon. Isat-isa siyang binati ng mga ito bagaman ang mga mata nila ay naroon pa rin ang panghuhusga sa katauhan ni Kiarah. Ngiti na lang ang siyang isinukli Kiarah sa mga ito at hindi na niya pinansin pa ang mga kakaibang titig nila at mga bulong-bulungan.Dumiretso si Kiarah sa may kusina para magtimpla ng sarili nitong kape. Nadatnan niya doon sina Aling Marta at Aling Nena at isang dalaga na naghahanda ng kanilang almusal. Nginitian ni Kiarah ang mga ito magiliw naman siyang binati ng tatlo."Senyorita, ano pong gusto niyong ulamin?" Nakangiting tanong ng dalaga na sa palagay ni Kiarah ay kasing edad niya ito."Kahit ano hindi naman ako pihikan sa pagkain," sagot ni Kiarah habang nagt
(After the chapter 4 Party) Kiarah Pov"Bakit parang napipilitan ka pa yata, Kiarah?"Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatanaw mula sa bintana ng sasakyan. Papasok na kami sa malaking gate ng pamilya ni Lucas dito sa Manila. Pakiramdam ko, ang bawat metro ng pag-usad ng sasakyan ay isang hakbang palapit sa hukay ko."Hindi naman sa napipilitan, Lucas," mahinang sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Hinawakan ko nang mahigpit ang dulo ng damit ko. "Sadyang... hindi pa lang talaga ako handa. Ang dami ko pang kailangang i-process. Tapos... si Rafael at si Cindy pa...""Hey," mahinang saway ni Lucas. Agad niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng driveway bago lumingon sa akin. Inabot niya ang nanginginig kong kamay at hinagod iyon nang marahan. "Look at me, Kiarah."Napilitan akong lumingon sa kaniya. Malalim at puno ng kasiguraduhan ang mga mata niya."Wala kang dapat katakutan," seryosong sabi niya. "Nandito na tayo. At habang magkasama tayo, walang sinuman a
Kiarah Maagang umuwi si Lucas ng maaga , hindi ko iyon inaasahan. Sabi ng mga katulong malimit itong umuuwi ng mga madaling araw. At sa ikli ng pananalitili namin ni Sky sa Mansyon niya dito, sa probinsya kung saan niya ako natagpuan ay ngayon ko lang nakitang umuwi ito ng maaga."Maaga ka ngayon," kimi kong sabi.Ngumiti si Lucas, kung noon sa opisina ay hindi ko siya nakikitang ngumingiti, ngayon ay madalas na. At aaminin ko, kung attractive na si Lucas sa seryoso nitong mukha, mas guwapo pa pala ito kapag nakangiti."Maagang natapos ang meeting ko ngayon," sagot nito sabay halik sa aking pisngi.Ni hinagap hindi ko talaga pinangarap na maging asawa ng boss ko. At aminado akong hindi pa ako sanay sa mga ka-sweet- tan niya sa akin. Nagba-blush pa rin ako na para bang nasa paligid ko lang si crush."Kumain ka na ba?" tanong ko para itago ang nahihiyang aking nararamdaman."Yes. Kayo, kumain na ba?" Walang pag-aatubiling turan ni Lucas.Kimi akong ngumiti. Bago pa man ito umuwi ay nag
(After the chapter 3)Kiarah Napatulala pa rin ako sa kisame habang si Lucas mahimbing na sa aking tabi. Nasalat ko ang aking labi, nahaplos ko ang aking balat dahil ramdam ko pa ang mga mainit na kamay ni Lucas kanina. Nanuyo ang aking labi, napalunok ako at nayakap ko ang aking sarili.Ang kontrata! No strings attached pero unang gabi pa lang naming mag- asawa ay bumigay na agad ako!Hindi ko napigilan ang aking sarili para akong nauhaw sa mga yakap at halik ni Lucas. Parang bumalik ako sa gabing una niya akong inangkin, gabing nagpabago nang lahat sa akin. Hindi ko dapat maramdaman ang pananabik na para bang asawa ko siya nang matagal."Sleep, Kiarah. Tomorrow is another day," bigla kong narinig na sinabi ni Lucas.Napakislot ako at mabilis na tumalikod saka nagtalukbong. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. At napasinghap pa ako nang malakas pagkatapos kong maramdaman ang mabini niyang paghila sa akin. Yumakap siya aking likod, nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang
(Continuation of Chapter 3)Gulat si Kent nang umagang iyon, bisita niya ang bagong head director ng malaking hospital kung saan siya nagtatrabaho."Mr. Lucas Mondragon?" Bigkas ng binata na hindi pa rin makapaniwala ang hitsura na nasa harapan niya si Lucas Mondragon."Can I, come in?" Sabi ni Lucas sa baritonong boses nito.Hindi nagbago ang seryosong mukha ni Lucas, ni hindi ito ngumiti maski ngisi lang sana."Sure! Come in," mabilis na sagot ni Kent at niluwangan niya ang pinto para makapasok si Lucas.Agad ding isinara ni Kent ang pinto ng condo niya at sinundan si Lucas sa may sala. Prenteng umupo doon si Lucas na para bang matagal na itong nagpupunta doon."Any drinks you want?" Masayang alok ni Kent kay Lucas."No need. I have an important matter to deal with you!" Agad namang tanggi ni Lucas.Napatango-tango naman si Kent at marahan na din itong umupo sa harapan ni Lucas. Iginala naman ni Lucas ang paningin nito sa buong paligid na tila may hinahanap. Nagtataka man si Kent ay







