LOGINKIARAH'S POV
Malamig ang ihip ng aircon sa loob ng pribadong opisina ni Lucas, pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malapot. Nakaupo siya sa swivel chair niya, ang mga siko ay nakapatong sa malapad na mahogany desk, at ang mga matatalim niyang mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Wala siyang ni isang kurap. Parang binabasa niya ang buong pagkatao ko, binabalatan ang bawat sikretong pilit kong itinatago. Nakayuko lang ako habang pilit pinapakalma ang panginginig ng mga kamay ko na nakapatong sa aking hita. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. “Akala ko ba... asawa mo ang lalaking kasama mo sa hospital at Funfair?” basag ni Lucas sa nakabibinging katahimikan. Ang boses niya ay malalim, baritono, at may halong di-maipaliwanag na emosyon. Hindi iyon galit, kundi isang masidhing pag-usisa na tila ba nakasalalay doon ang buhay niya. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko. Sinalubong ko ang nagtatanong niyang mga mata. “Oo. Asawa ko lang si Kent.” Lumunok ako, pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. "You're lying, Kiarah." Mariing wika ni Lucas. Nakagat ko nang mariin ang aking labi, kailangan kong magsinungaling para sa kapakanan ng aking anak. "Gusto mo bang basahin ko mismo sa iyong harapan ang resulta ng pag-iimbestiga ko tungkol sa'yo?" May panghahamon sa boses ni Lucas. Napagsalikop ko ang aking mga kamay, nilaro-laro ko ang aking sariling mga daliri. Kinuha naman ni Lucas ang isang brown envelope na nakapatong sa mesa nito. Mabilis niya iyong binuksan at inilabas ang nilalaman niyon. Napalunok ako, balewala ang aking pagsisinungaling kung nakapag-imbestiga na pala ito. Pero may isang bagay na siyang nagpapakaba sa akin nang tuluyan, ang tungkol sa anak kong si Sky. "Sige. I'm a single mom, happy?" Wala sa loob kong pag-amin ko. Nakita ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha. Nawala ang talim at pait sa mga mata niya. Sa halip, isang malalim na pagbuntong-hininga ang pinakawalan niya, na tila ba isang napakalaking tinik ang nabunot mula sa kanyang dibdib. Isang tipid at lihim na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, ngunit mabilis din iyong naglaho. Bakit parang... nakahinga siya nang maluwag? “A single mother,” pag-uulit niya, halos pabulong. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. “Bakit hindi mo sinabi agad? Do you have any idea how crazy I went thinking that another man owned you?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Owned me? “Wala kang karapatan sa akin, Lucas! Isang gabi lang ang nangyari sa atin. Isang pagkakamali! At ngayon... ngayon ay may sarili na akong buhay. May anak akong may karamdaman, maraming medication na kailangan sa maliit niyang katawan, at araw-araw akong pinapatay ng pag-aalala dahil wala na akong mahanap na pera para sa matagalang gamutan niya!” Hindi ko na napigilan. Kusang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sumabog na ang lahat ng pagod, takot, at desperasyon ko bilang isang ina. Napahikbi ako at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong kaawa-awa sa harapan ng isang bilyonaryong tulad niya. Ang totoo niyan, sagad na sagad na ako. Naramdaman ko ang paglubog ng sofa sa tabi ko. Bago ko pa man maproseso ang nangyayari, naramdaman ko ang malalaking braso ni Lucas na pumulupot sa balikat ko. Hinatak niya ako palapit sa kanyang matipunong dibdib. Ang pamilyar niyang amoy, halong peppermint, kape, at mamahaling pabango ay pumuno sa pandama ko. Nakakapagtaka dahil sa halip na itulak ko siya, nakahanap ako ng kapayapaan sa yakap niya. “Sshh, Kiarah... I’m sorry,” bulong niya, ang mga labi niya ay halos dumampi na sa tuktok ng buhok ko. “I didn't mean to make you cry. I just... God, I searched everywhere for you. Taon kitang hinanap pagkatapos ng gabing iyon. At nang makita kita kahapon na may kasamang iba, parang pinipiga ang puso ko.” Nag-angat ako ng tingin, basang-basa ng luha ang mga pisngi ko. “Wala akong maibibigay sa’yo, Lucas. Punong-puno ng problema ang buhay ko. Ang anak ko... kailangan niya ng maintenance na gamot at tuluy-tuloy na gamutan para sa sakit niya. Hindi ako ang babaeng para sa’yo.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ang init ng mga palad niya ay tumagos hanggang sa kalamnan ko. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa determinasyon. “I don't give a damn about your baggage, Kiarah. Wala akong pakialam kung single mom ka. In fact, I will gladly carry that baggage with you.” Bumitaw siya sandali at may kinuha mula sa kanyang mesa, isang manipis na asul na folder. Inilapag niya iyon sa harapan ko. “Ano ‘yan?” nanginginig ang boses na tanong ko. “A solution to both of our problems,” seryosong sagot niya. “Marry me, Kiarah.” Tumigil ang pagtibok ng puso ko. “A-Ano? Nababaliw ka na ba?” halos sigaw kong sabi. “It’s a contract marriage,” paliwanag niya, ang boses ay propesyonal pero ang mga mata ay may itinatagong kislap. “Kailangan kong magpakasal para makuha ang buong kontrol sa kumpanya ng pamilya namin. Pressure from the board and my grandfather. Kailangan nila ng pruweba na nag-settle down na ako. You, on the other hand, need money for your child’s continuous medical treatment. Be my wife on paper. I’ll provide everything. Ang pinakamagaling na doktor, VIP room sa pinakamahal na ospital, at lahat ng gastusin para gumaling ang anak mo, ako ang sasagot.” Napatingin ako sa folder. Kontrata. Isang kasunduan na magbebenta sa kalayaan ko. Pero nang maisip ko ang namumutlang mukha ng anak ko, ang hirap niyang huminga tuwing aatake ang sakit niya... alam kong wala akong pagpipilian. Bilang isang ina, lulunukin ko ang kahit anong pride. Ibebenta ko kahit ang kaluluwa ko, mabuhay lang ang anghel ko nang matagal. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay itali ang sarili ko sa lalaking minsan nang yumanig sa mundo ko. “Walang pakialaman sa personal na buhay?” paniniguro ko, pinipilit na patatagin ang boses ko. “Isang taon lang, at hihiwalayan mo na ako?” Tumango si Lucas, pero may dumaan na kakaibang anino sa mga mata niya. “Yes. We will act like a loving couple in public, but strictly business behind closed doors. Separate bedrooms. No strings attached.” Totoo kaya iyon? Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman iyon ng instinct ko. Subalit kinuha ko pa rin ang panulat. Nanginginig ang kamay ko nang ilagay ko ang pirma ko sa papel. Kinabukasan, parang isang mabilis na ipo-ipo ang mga pangyayari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng opisina ng Mayor, nakasuot ng simpleng puting dress, habang nasa tabi ko si Lucas na pormal na pormal sa kanyang itim na suit. Nagpalitan kami ng mga simpleng singsing, nagbitiw ng mga matatamis na sumpaan na bahagi lang ng script namin. Hanggang sa marinig ko ang mga salitang, “You may now kiss the bride.” Akala ko ay dadampi lang ang mga labi niya sa pisngi ko, gaya ng inaasahan sa isang pekeng kasal. Ngunit humarap siya sa akin, hinawakan ang batok ko, at tiningnan ako gamit ang mga matang nagliliyab sa pagnanasa. Bago pa ako makapag-react, inangkin niya ang mga labi ko. Hindi ito isang simpleng halik. Mapusok, malalim, at tila ba inaangkin niya ang bawat hininga ko. Nanlambot ang mga tuhod ko, at kung hindi lang sa mahigpit na pagkakahawak niya sa baywang ko, baka bumagsak na ako sa sahig. Naramdaman ko ang mga paru-paro sa tiyan ko na matagal ko nang pinatay. Nang makarating kami sa mansyon niya kinagabihan, pilit kong ibinabalik ang malamig na pader sa pagitan namin. Mabilis kong kinuha ang maliit kong maleta mula sa driver niya. Hinarap ko si Lucas sa gitna ng malawak at marangya niyang sala. “Saan ang magiging kwarto naming mag-ina? Nakalagay sa agreement natin na separate bedrooms tayo. Gusto ko nang magpahinga at maagang pumunta sa work ko bukas para magpaalam.” Ngumiti si Lucas. Isang ngiti na dahan-dahang nagpatindig ng balahibo ko sa buong katawan. Hindi iyon ang ngiti ng isang seryosong businessman; ngiti iyon ng isang predator na nakuha na ang matagal na niyang pinagnanasaang biktima. Bigla niyang hinablot ang maleta mula sa kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya hanggang sa magdikit ang mga katawan namin. Napasinghap ako sa gulat nang maramdaman ko ang init ng dibdib niya at ang tigas ng kanyang mga kalamnan. “About that agreement, sweetie...” bulong niya sa mismong tainga ko, ang mainit at nagbabagang hininga niya ay nagpadala ng kuryente sa gulugod ko. “Did you really think I searched for you for years just to let you sleep in another room?” Nanlaki ang mga mata ko, kumabog nang mabilis ang dibdib ko. “L-Lucas, ang usapan natin—” Bago pa ako makatapos sa pagsasalita, bigla niya akong binuhat na parang isang nobya. Napakapit ako sa malapad niyang balikat dahil sa sobrang gulat. Naglakad siya paakyat sa naglalakihang hagdan ng mansyon. “To hell with the agreement, Kiarah,” malalim na turan niya, ang mga mata ay hindi nakahiwalay sa mga labi ko. “Tonight, you're going to remember exactly why you ran away the morning after our one-night stand. And I promise you, I won't let you escape my bed this time.”Nanginig ang mga daliri ko habang inaayos ko ang kwelyo ng suit ni Lucas. Kitang-kita ko ang repleksyon naming dalawa sa malaking salamin ng kwarto namin—ako, pilit na pinapakalma ang sarili, at siya, ang asawang walang takot na humaharap sa kahit anong unos para sa akin."Kailangan ba talagang pumunta doon, Lucas?" mahina kong bulong, pilit na iniiwas ang mga mata ko sa katineraryo ng gabing ito. "Alam mo naman kung sino ang mga posibleng nandoon."Hinarap niya ako, hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang malalambot niyang palad. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya na nagpakalma kahit kaunti sa nagliliyab kong kaba. "Kiarah, paulit-ulit ko namang sinasabi sa iyo, hindi kita pinipilit para lang ipagmalaki ko ang kompanya. Pupunta tayo roon dahil simula ngayon, hindi na ikaw ang nagtatago. Sila na ang dapat manginig kapag nakita ka nila."Napalunok ako. Ilang taon din akong nagpakalayo-layo para lang pagalingin ang sarili ko mula sa mga sugat na iniwan ng nakaraan. Limang
Third POV Kinaumagahan. Paggising ni Kiarah ay wala na sa kanyang tabi si Lucas. Marahan siyang bumangon at inayos ang kanilang higaan. Naghilamos siya at nag-ayos ng kanyang sarili bago nito napagpasyahang bumaba na. Pagkababa nito ay nadatnan niya ang ibang mga katulong na naglilinis na sa buong Mansyon. Isat-isa siyang binati ng mga ito bagaman ang mga mata nila ay naroon pa rin ang panghuhusga sa katauhan ni Kiarah. Ngiti na lang ang siyang isinukli Kiarah sa mga ito at hindi na niya pinansin pa ang mga kakaibang titig nila at mga bulong-bulungan.Dumiretso si Kiarah sa may kusina para magtimpla ng sarili nitong kape. Nadatnan niya doon sina Aling Marta at Aling Nena at isang dalaga na naghahanda ng kanilang almusal. Nginitian ni Kiarah ang mga ito magiliw naman siyang binati ng tatlo."Senyorita, ano pong gusto niyong ulamin?" Nakangiting tanong ng dalaga na sa palagay ni Kiarah ay kasing edad niya ito."Kahit ano hindi naman ako pihikan sa pagkain," sagot ni Kiarah habang nagt
(After the chapter 4 Party) Kiarah Pov"Bakit parang napipilitan ka pa yata, Kiarah?"Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatanaw mula sa bintana ng sasakyan. Papasok na kami sa malaking gate ng pamilya ni Lucas dito sa Manila. Pakiramdam ko, ang bawat metro ng pag-usad ng sasakyan ay isang hakbang palapit sa hukay ko."Hindi naman sa napipilitan, Lucas," mahinang sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Hinawakan ko nang mahigpit ang dulo ng damit ko. "Sadyang... hindi pa lang talaga ako handa. Ang dami ko pang kailangang i-process. Tapos... si Rafael at si Cindy pa...""Hey," mahinang saway ni Lucas. Agad niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng driveway bago lumingon sa akin. Inabot niya ang nanginginig kong kamay at hinagod iyon nang marahan. "Look at me, Kiarah."Napilitan akong lumingon sa kaniya. Malalim at puno ng kasiguraduhan ang mga mata niya."Wala kang dapat katakutan," seryosong sabi niya. "Nandito na tayo. At habang magkasama tayo, walang sinuman a
Kiarah Maagang umuwi si Lucas ng maaga , hindi ko iyon inaasahan. Sabi ng mga katulong malimit itong umuuwi ng mga madaling araw. At sa ikli ng pananalitili namin ni Sky sa Mansyon niya dito, sa probinsya kung saan niya ako natagpuan ay ngayon ko lang nakitang umuwi ito ng maaga."Maaga ka ngayon," kimi kong sabi.Ngumiti si Lucas, kung noon sa opisina ay hindi ko siya nakikitang ngumingiti, ngayon ay madalas na. At aaminin ko, kung attractive na si Lucas sa seryoso nitong mukha, mas guwapo pa pala ito kapag nakangiti."Maagang natapos ang meeting ko ngayon," sagot nito sabay halik sa aking pisngi.Ni hinagap hindi ko talaga pinangarap na maging asawa ng boss ko. At aminado akong hindi pa ako sanay sa mga ka-sweet- tan niya sa akin. Nagba-blush pa rin ako na para bang nasa paligid ko lang si crush."Kumain ka na ba?" tanong ko para itago ang nahihiyang aking nararamdaman."Yes. Kayo, kumain na ba?" Walang pag-aatubiling turan ni Lucas.Kimi akong ngumiti. Bago pa man ito umuwi ay nag
(After the chapter 3)Kiarah Napatulala pa rin ako sa kisame habang si Lucas mahimbing na sa aking tabi. Nasalat ko ang aking labi, nahaplos ko ang aking balat dahil ramdam ko pa ang mga mainit na kamay ni Lucas kanina. Nanuyo ang aking labi, napalunok ako at nayakap ko ang aking sarili.Ang kontrata! No strings attached pero unang gabi pa lang naming mag- asawa ay bumigay na agad ako!Hindi ko napigilan ang aking sarili para akong nauhaw sa mga yakap at halik ni Lucas. Parang bumalik ako sa gabing una niya akong inangkin, gabing nagpabago nang lahat sa akin. Hindi ko dapat maramdaman ang pananabik na para bang asawa ko siya nang matagal."Sleep, Kiarah. Tomorrow is another day," bigla kong narinig na sinabi ni Lucas.Napakislot ako at mabilis na tumalikod saka nagtalukbong. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. At napasinghap pa ako nang malakas pagkatapos kong maramdaman ang mabini niyang paghila sa akin. Yumakap siya aking likod, nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang
(Continuation of Chapter 3)Gulat si Kent nang umagang iyon, bisita niya ang bagong head director ng malaking hospital kung saan siya nagtatrabaho."Mr. Lucas Mondragon?" Bigkas ng binata na hindi pa rin makapaniwala ang hitsura na nasa harapan niya si Lucas Mondragon."Can I, come in?" Sabi ni Lucas sa baritonong boses nito.Hindi nagbago ang seryosong mukha ni Lucas, ni hindi ito ngumiti maski ngisi lang sana."Sure! Come in," mabilis na sagot ni Kent at niluwangan niya ang pinto para makapasok si Lucas.Agad ding isinara ni Kent ang pinto ng condo niya at sinundan si Lucas sa may sala. Prenteng umupo doon si Lucas na para bang matagal na itong nagpupunta doon."Any drinks you want?" Masayang alok ni Kent kay Lucas."No need. I have an important matter to deal with you!" Agad namang tanggi ni Lucas.Napatango-tango naman si Kent at marahan na din itong umupo sa harapan ni Lucas. Iginala naman ni Lucas ang paningin nito sa buong paligid na tila may hinahanap. Nagtataka man si Kent ay







