HIS FORBIDDEN CLAIM

HIS FORBIDDEN CLAIM

last updateLast Updated : 2025-03-23
By:  Midnight StormOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
158views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

For years, Lira lived a simple life in the province—until a stranger came and turned her world upside down. Her grandmother. A Montenegro. Biglang nagbago ang lahat. She was offered a life of wealth and privilege, but in exchange, she had to leave everything behind and live with a family she never knew. On her way to Manila, fate played a cruel trick. Naiwan siya sa isang stopover—walang pera, walang gamit, walang paraan para makarating sa bagong buhay niya. Then she meets him. A stranger. Dark. Dangerous. Powerful. "Nothing in this world is free," he tells her. "If I help you… what will you give me in return?" She has nothing. Except herself. One night. One mistake. One secret that can never be spoken. Kinabukasan, naghiwalay silang parang estranghero. Akala niya tapos na ang bangungot. But when she finally steps inside the Montenegro estate, her world shatters. Because he is there. Xavier Montenegro. The man who stole her innocence. The man she must now call "uncle." But something feels… off. Their gazes hold too much tension. Their connection is too intense. And deep down, something tells her—something tells him—that they were never meant to be family. Their secret is dangerous. Their attraction is forbidden. Pero habang pilit nilang nilalabanan ang nararamdaman, lalo lang silang nauubos. And when the truth finally comes to light, Lira will have to ask herself: Was that night truly a mistake? Or was it only the beginning of something far more dangerous?

View More

Chapter 1

Chapter 001: Lost

(Lira’s POV)

Excited ako habang nakaupo sa bus, nakatitig sa labas ng bintana. Ang dami kong iniisip—kung anong magiging buhay ko sa Maynila, kung paano ako tatanggapin ng pamilya ng mama ko, kung ano ang pakiramdam ng mamuhay sa isang malaking bahay. Ilang taon akong lumaki sa probinsya, at ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataong baguhin ang kapalaran ko.

Pinangako ng lola ko na pag-aaralin niya ako, bibigyan ng magandang buhay—isang bagay na hindi ko inakalang posible pagkatapos mamatay ni Mama. Pero kahit anong pilit kong maging excited, hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung hindi nila ako matanggap? Paano kung hindi ko kayanin ang buhay sa siyudad?

Naputol ang pag-iisip ko nang bumagal ang takbo ng bus. Tumigil ito sa isang stopover. May ilang bumaba para magbanyo, kaya naisip kong sumabay na rin. Iniwan ko ang gamit ko sa upuan, sigurado namang walang kukuha.

Maling-mali pala ‘yon.

---

Matagal ako sa loob ng CR dahil sa mahabang pila. Paglabas ko, malamig na ang hangin. Mas tahimik na rin kaysa kanina.

Napahinto ako.

Dahil ang bus... wala na.

Napatakbo ako palabas ng convenience store, pilit hinahanap kung nasaan. Pero kahit anong lingon ko, wala akong makitang kahit anong senyales nito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Naiwan ako.

Nanlamig ang buong katawan ko. Wala akong cellphone. Wala akong pera. Wala akong gamit.

Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga tao—sa ilang pasaherong papasok ng convenience store, sa empleyadong nag-aayos ng paninda. Pero karamihan umiwas lang, habang ang iba, tinignan ako nang may halong duda.

Sino ba naman ako sa paningin nila? Isang babaeng walang dalang anuman, mukhang naliligaw.

Napilitan akong maglakad palayo sa stopover, umaasang may masakyan ako. Pero habang lumilipas ang oras, lalo lang akong napagod.

Hanggang sa dumilim ang langit.

At gutom na gutom na ako.

Nagpalakad-lakad ako maghapon nang walang direksyon. Naghahanap ng kahit anong pwedeng gawin, pero sa huli, napaupo na lang ako sa isang gilid, malapit sa convenience store.

Doon ko siya nakita.

Isang lalaking nakaupo sa lamesa, suot ang puting polo, hawak ang cellphone niya.

Mukhang mayaman. Matangkad. Gwapo. Pero hindi ‘yon ang unang napansin ko sa kanya.

Halos nakayuko siya, mahigpit na hawak ang cellphone habang nagsasalita sa kabilang linya.

"Give me another chance," mahina niyang sabi. "I’ll fix it, I swear. Don’t do this to me."

May desperasyon sa boses niya, para bang nagmamakaawa. Pero sa isang iglap, natapos ang tawag.

Napapikit siya, marahang napailing. Isinandal niya ang siko sa mesa, pinisil ang sentido niya na parang iniinda ang matinding sakit ng ulo.

Dapat hindi, pero lumapit ako.

"Ah… excuse me, sir…" mahina kong sabi.

Hindi siya agad tumingin, pero nang gawin niya, para bang sinukat niya ako mula ulo hanggang paa. Matangkad siya, masyadong pormal ang suot para sa ganitong lugar. Pero ang pinakamahalaga, hindi siya mukhang palakaibigan.

"Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong.

Nilunok ko ang kaba. "A-ano kasi e… naiwan ako ng bus. Wala akong pera o gamit. Baka puwede mo akong tulungan?"

Saglit siyang nanahimik. Tumingala siya, parang inis na napabuntong-hininga bago muling tumingin sa akin.

"Nothing in this world is free," mahina niyang sabi. "If I help you… what will you give me in return?"

Nalaglag ang puso ko.

"A-Anong kapalit?" tanong ko, naguguluhan.

"Since I'm lonely now, make me happy then."

Napalunok ako. Ano ‘yon?

"P-Paano kita papasayahin?"

Nagtaas siya ng tingin at ngumisi—isang mapanganib na ngiti. Isang ngiti na parang hinuhusgahan ako.

"Your body."

Parang may kumurot sa dibdib ko.

Napalunok ako. Hindi ako makapagsalita.

Nakatingin lang siya sa akin, tahimik, naghihintay ng sagot.

Alam kong dapat akong umalis. Dapat akong maghanap ng ibang paraan. Pero wala akong ibang mapupuntahan. Kung hindi ako papayag, baka kung ano ang mangyari sa akin ngayong gabi.

Nanlamig ang kamay ko nang bumaba ako ng tingin.

"S-Sige… pero may isang kondisyon."

Tinaasan niya ako ng kilay, halatang hindi inaasahan ang sagot ko.

"Anong kondisyon?"

Hinaplos ko ang tiyan kong kumakalam. "Pakainin mo muna ako."

Napatingin siya sa convenience store, bago bumalik ang tingin sa akin.

Saglit siyang natigilan. Pero pagkatapos ng ilang segundo, tumawa siya.

"Damn," inis niyang sabi, pero kita ko ang amusement sa mukha niya. "You’re something else." Tumayo siya, saka ako nilingon. "Halika na."

At sumama ako sa kanya—sa lalaking hindi ko kilala.

Papunta sa isang lugar kung saan alam kong mawawala ang isang bahagi ng sarili ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status