Share

Leave

Isang linggo nang nasa ibang bansa si Thomas. Isang linggong patuloy na palaisipan ang huling napag-usapan. 

Wawasakin daw niya ako pagkabalik niya..

Wawasakin ba ang pagiging birhen? O literal na wawasakin ang buhay ko dahil nalaman na ang totoo?

Walang pasok ang mga bata dahil sabado naman ngayon. Nakaupo ako sa sofa at pasulyap-sulyap sa naglalarong mga bata.

Tumunog ang telepono. Tamad na sinulyapan ito. Hindi na ako kumilos upang sagutin kung sino ang tumatawag. Bakit pa? E, sa tuwing tumatawag naman si Thomas ang mga bata lang ang tanging kinakausap. 

Nakita kong patakbong sinagot ni Nanay Lucy ang telepono. Ng nakikipag-usap na sa tumatawag, lumingon kaagad ito sa kinaroroonan ng mga bata. 

Alam ko ng si Thomas ito.. kaya ipinagkibit-balikat na lang ito.

Nag-unahan sa pagtakbo ang mga bata. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila. 

"Hi Daddy!" Masiglang bati ng bat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status