Share

23. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Huminto si Samantha sa paglalakad at luminga sa paligid. Pakiramdam niya ay mayro'ng sumusunod sa kanya. Ito ang madalas niyang maramdaman simula ng manggaling siya sa police station dalawang linggo na ang nakakaraan. Dalawang linggo na rin siyang naghihintay ng tawag mula sa mga pulis tungkol sa pagkakahuli kay Zandro. May palagay siyang nakakulong na ito. Nang bumalik siya sa apartment nito ay wala ng mga gamit rito. Kaya sa palagay niya ay nakakulong na ito. Naghihintay na lamang siya ng kumpirmasyon sa pulisya subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol rito--- na siyang nakapagtataka.

Dahil on-leave pa siya ay nagagawa niyang mamasyal at aliwin ang sarili. Namimiss niya si Wina. Ito kasi ang madalas niyang kasama sa tuwing namamasyal siya. Pero ngayon ay wala na ito at kailangan niya iyong tanggapin.

"Samantha!" Ngumiti siya sa kina Marilyn at Vina, mga co-teachers niya. "Condolence nga pala sa nangyari kay Darwin. Hindi namin lubos akalain na sasapitin
SEENMORE

❇️

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status