Share

29. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Napangiti siya ng tuluyan silang makalabas ng gusali ni Liam. Pakiramdam niya ay ngayon na lang uli siya nakalabas ng matagal na panahon.

"Salamat, Liam, huh. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat at ibabalik ang kabutihang ginawa mo." Kumikinang ang mata na sambit niya.

"You don't have to thank me, Samantha." Mahinang natawa si Liam. "Mas tama sigurong murahin mo ako." Makahulugan nitong wika.

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong. Pero imbis sagutin siya ay umiling-iling lamang ito habang may ngisi sa labi. Mayamaya ay mayro'ng sasakyan na huminto sa harapan nila.

"Sumakay ka na. Ihahatid ka niya sa tamang lugar na dapat mong puntahan sa ngayon." Wika nito sabay bukas nang pintuan ng itim na van.

Nag-atubili siyang sumakay. "Nakakahiya naman-"

"Don't worry, hindi naman ako ang maniningil sa'yo." Agad na putol ni Liam sa kanya.

Nangunot ang noo niya. Kanina pa niya napansin ang pahapyaw nitong mga sinasabi. Nagkibitbalikat na lamang siya at muling nagpasalama
SEENMORE

♥️

| Нравится
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status