Share

Chapter 55

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-04-03 09:46:00

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

PAGKATAPOS ng mainit na sandali sa pagitan naming dalawa ni Lucian, tulala akong napaupo sa sofa. Siya naman ay parang wala lang na naupo sa kanyang swivel chair at nagtrabaho ulit.

Wala naman siyang ibinigay na office works sa akin. Gusto ko na nga sanang umuwi dahil mukhang wala na naman akong gagawin ngayung araw kaya lang nahihiya naman akong lumabas ng ospina. Punit-punit kasi ang suot kng blouse.

Muli akong napatitig kay Sir Lucian nang maramdaman ko na mula sa pagkaka-upo sa kanyang swivel chair, bigla itong tumayo. Naglakad ito sa pinakadulong bahagi ng opisina at may pinindot siya at kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa matinding pagtataka nang bumukas iyun na para bang pintuan. Parang isang secret door.

"Halika ka dito. Magpahinga ka muna!" pautos na wika niya! Kahit na dalawang beses na siyang nakaraos, mainit pa rin ang ulo niya kaya mabiliis na din akong tumayo at naglakad palapit sa kanya.

Doon ko napagtanto na may secret door nga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (24)
goodnovel comment avatar
Nelda Yabut
magsabi ka KC kay Lucian LNG anu ang nangyari sayo LNG bakit ka tinulungan ni Jared KC pati c Jared na tumulong LNG sayo. nadamay pa sa katangahan mo. syempre mag isip tlga CIA na sumama ka sa lalaki dahil umalis ka na LNG bigla sabagay nya ng walang paalam tapos d ka NMN umuwi sa bahay mo
goodnovel comment avatar
Nelda Yabut
wag ka KC tanga amber sabihin ang totoo na pinalayas ka ng nanay. .. sinasarili mo LNG KC ang problems mo tanga ka KC ang tanga tanga mo
goodnovel comment avatar
Casis Trogo
𝚋𝚊𝚕𝚔𝚒𝚝 𝚔𝚊𝚜𝚒 𝚊𝚢𝚊𝚠 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚋𝚒𝚑𝚒𝚗 𝚊𝚖𝚋𝚎𝚛 𝚗𝚊 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚕𝚊𝚢𝚊𝚜 𝚚 𝚗𝚐 𝚖𝚘𝚖𝚒 𝚗𝚒𝚊..𝚒𝚠𝚊𝚗 ah
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 166

    PREICIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "HOW about your Dad? I mean, sorry sa tanong ko. Okay lang naman sa akin kung ayaw mong magkwento eh. Walang problema. Nagkataon lang kasi talaga na curious ako lalo na at nag start ka nang magkwento." seryosong bigkas ko. Muli siyang napatitig sa malayo habang nababanaag ko pa rin sa mga mata niya ang matinding lungkot. "Ganoon din si Dad! Kung sinu-sinong babae ang inasawa niya dati hangang sa isang araw, nahawaan siya ng isa niyang babae ng sakit at naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw." seryosong sagot niya sa akin. Lalo naman akong nagulat dahil sa narinig. "Palekero kasi eh. Hindi kayang panindigan ang binuong pamilya at hindi makontento sa iisang babae kaya maagang na-karma at maagang namaalam dito sa mundo." seryoso niyang bigkas. "Sorry...hindi ako alam." seryosong bigkas ko. Hindi ko naman din talaga alam ang tungkol dito dahil kahit na gaano pa kayaman at kakilala sa lipunan ang pamilya nila, walang napapabalitang mga ganitong ba

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 165

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV ''TRY THIS!" buong pagkasabik kong bigkas kay Lucian sabay subo sa kanya ng hawak kong binalatan kong balot. Hindi talaga siya nakailag nang bigla ko na lang isinalpak sa bibig niya kaya naman kaagad na nagsalubong ang kilay niya sabay takip sa sarili niyang ilong. Nandito kami sa isang park kung saan makikita ang mga pami-pamilyang namamasyal. Ang iba pa nga ay naglatag ng banig sa damuhan habang may mga pagkain sa harapan nila. Pami-pamilya ang naririto pero may ilan din sa mga magkasintahan yatang naliligaw. Alam kong first time ni Lucian ang pumunta sa mga ganitong lugar. Pero wala siyang nagawa nang sabihin ko sa kanya kanina pagkalabas namin ng opisina na dito ko gustong pumunta. May nabili kaming parang plastic na inilatag din namin sa damuhan kung saan nasa harapan din namin ang iba't i bang street foods na binili namin kanina. Nakiki picnik din kami kasama ng iba pang mga tao na naririto. "Ahhh. God! What is this? Smell like a rotten som

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 164

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "May the best man win, Uncle!" huling katagang narinig ko mula kay David bago ko narinig ang pagbukas sara ng pintuan ng opisina. Palatandaan na umalis na siya. Mabuti na din kung ganoon. Baka kasi kapag magtagal pa siya dito sa opisina ni Lucian, magkasikatan pa silang mag tiyuhin. Haysstt, hindi yata nakakatuwa ang ganito. Ano ba ang nakain nitong si David at bakit gusto niya na naman ako ngayung ligawan? Hiwalay na kami tapos gusto niyang ibalik ang relasyon namin na malabo nang mangyari. Ayaw ko na sa kanya! Simula noong naghiwalay kami, tuluyan na ding naglaho ang pagtingin na nararamdaman ko sa kanya. Hindi na kami pwede at wala na din akong balak pang tumangap ng manliligaw. Naku, talaga naman! Kay hirap ng ganito. Siguro, didikit na lang ako palagi kay Lucian para hindi na ako na malapitan pa ng David na iyun kahit kailan. At least kay Lucian, naging palagay na ang loob ko sa kanya at nangako na siya sa akin na hindi niya na uulitin ang mg

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 163

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI NAMAN ako nakatulog dahil kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko habang nandito ako sa secret room ni Lucian. Hindi talaga ako comfortable lalo na at saksi itong secret room sa mga ginagawa namin ni Lucian dati. Halos isang oras din akong nag stay dito sa loob ng secret room bago ako nagpasyang lumabas na. Kaya lang, akmang lalabas na sana ako nang matigilan ako dahil narinig kong may kausap si Lucian. Familiar sa akin ang boses ng kausap niya ngayun kaya muli kong isinara ang pintuan at nag-iwan lang ng kaunting awang para marinig ko ang kung ano man ang mga pinag-uusapan nila. "Get lost! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag na huwag ka nang pumunta dito sa opisina ko? Hindi ka ba talaga titigil, David?" halata ang galit sa boses ni Lucian habang sinasabi ang katagang iyun. "SAbihin mo sa akin kung nasaan si Amber para tumigil na ako, Uncle. Ano ba...kailan mo ba matatangap sa sarili mo na mahal ko si Amber!" seryosong sagot nam

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 162

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "LUCIAN, ano na naman ito? Bakit ba puro ka na lang tawag nang tawag?" seryosong tanong ko kay Lucian pagkapasok ko dito sa loob ng ospisina niya. Nakaharap siya sa kanyang computer at halatang may trabaho siyang ginagawa pero nang marinig niya ang boses ko, kaagad siyang nag-angat ng tingin at direktang tumitig sa akin. "Akala ko hindi ka susunod sa gusto ko eh. Dito ka lang sa opisina ko. Nakita mo ba ang mini-ref na iyan...maraming pagkain diyan. Mag-miryenda ka muna habang hinihintay ang mga pagkain na pinabili ko kay Ms. Mayette." seryoso niyang wika sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapataas ng kilay. Pinapasok niya lang ako dito sa loob ng opisina niya para pa-miyendahin. Tsaka anong sabi niya...nagpabili na naman siya ng pagkain kay Ms. Mayette gayung feeling ko nga hindi pa natunaw ang mga pagkain na kinain ko kanina eh. Aba't masama ito! Bakit feeling ko gusto yata akong palubuhin nitong si Lucian ah? "Busog pa ako eh. Lalo akong

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 161

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Miss Precious, do you hear me? In my office! Now!" muling wika ni Lucian gamit ang ma-awtoridad niyang boses na siyang naging dahilan kaya kanya-kanyang bisi-bisihan ang mga kasamahan ko sa harap ng computer nila. Ni ang paglingon kay Lucian ay hindi na nila kayang gawin. Bigla din tumahimik ang buong paligid kaya naman hindi ko mapigilan ang mapasimangot na napatingin kay Lucian na noon ay nakatayo pa rin sa may pintuan ng kanyang opisina at nakahalukipkip na nakatitig sa akin. "May tatapusin pa po akong trabaho, Sir. Pwede po bang mamaya na lang?" sagot ko din naman kaagad. "NO! Kapag hindi ka pa tumayo diyan, sisisantehin ko lahat ng mga kasama mo!" seryoso niyang wika. SA nasabing iyun ni Lucian, sabay-sabay silang napatingin sa akin kaya pigil ko ang sarili kong matawa. Kaagad na din naman akong napatayo. Actually, wala naman talaga akong gagawin eh. Kunwari lang naman iyun para naman hindi ako pag-isipan ng hindi maganda ng mga kasamahan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status