Share

Chapter 32.1

Author: eleb_heart
last update Huling Na-update: 2023-12-23 17:50:54

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Serene nang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay nila ang kambal. Kasalukuyan kasi siyang nasa kusina ng mga oras na iyon para maghanda ng almusal ng mga ito dahil nang araw nga na iyon ay umpisa na ng pasok ng dalawa sa day care.

Kaagad na lumapit ang mga ito sa kaniya kaya agad niyang binitawan ang hawak niyang sandok. Maaga niya siyang gumising nang araw na iyon para personal na maipaghanda ng pagkain ang dalawa. Bilang isang ina ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng excitement lalo pa at iyon nga ang first time nilang pumasok.

Umupo siya upang salubungin ng yakap ang dalawa na agad namang yumakap nga sa kaniya. Kagigising lamang ng mga ito nang oras na iyon dahil halos hindi pa maayos ang lakad ng mga ito medyo pasuray- suray pa. Mabuti na nga lang din at nasanay na ang mga itong bumaba ng hagdan dahil kung hindi ay baka nadulas na ang mga ito at nagpagulong- gulong.

“Good morning sa mga pogi kong anak.” nakangiting bati niya sa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 41.2

    Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 41.1

    Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 40

    Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.3

    Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.2

    Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino

  • HIS PLEASURE FULFILLER   Chapter 39.1

    Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status