Share

Chapter 38.3

Napamura si Bill nang tangka niyang bubuksan ang pinto ng silid kung saan sila naroon ngunit naka- lock na iyon. Inutusan siya ni Lian na bigyan ng pagkain ang dalawang bata at natagalan siya sa pagpapakain sa mga ito dahil nga nakatali ang mga ito ay kinailangan niya pang subuan ang mga ito.

Ayaw niya namang kalagan ang pagkakatali ng mga ito dahil baka mamaya ay makatakas ang mga ito mahirap na. Ayaw niyang makipagsapalaran.

Kaagad niyang pinukpok ang pinto at pagkatapos ay sumigaw.

“Lian buksan mo itong pinto!” sigaw niya habang pauulit- ulit na pinupukpok ang pinto.

“Lian ano ba!” ulit niya nang makalipas na ang ilang minuto ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nito iyon binubuksan.

“Lian!” ulit niyang tawag rito ngunit hindi ito sumagot.

Hindi niya tuloy maiwasan ang magtanong kung anong nasa utak nito ng mga oras na iyon at pati siya ay ini- lock nito sa loob.

“Alam kong babaliktad ka Bill.” narinig niyang sambit nito.

Agad na nagsaubong ang kaniyang mga kilay sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status