Share

BAD LUCK

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2024-02-28 09:56:09

Sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Mhia, kasabay ng pagbagsak ng lug wrench na kaniyang hawak. Ito na ang kinatatakutan niya, ang magkrus muli ang landas nila ni Skyler.

Walang makapagsalita sa kanila. Ni ang paghinga nga yata ay hindi nila magawa. They just stared to each other for a long while. Tanging ang malalaking patak ng ulan lamang ang maririnig sa buong paligid. It was as if they were stuck in time, at that very moment. Wala ring gumagalaw kahit isa sa kanila.

She quickly surveyed him. Wala pa ring pinagbago. Gaya ng dati, matikas pa rin ang dating nito. At napuna niyang bumalik na ang dati nitong itsura. May bigote, may balbas at may kahabaan na ulit ang buhok. Pero sakto lang ang lahat ng iyon at alam niya kung bakit.

His added age never affects him that much. He was still the same man who could take her breath away and made her heart stop beating.

Ito pa rin iyon. Si Skyler pa rin ang nananatiling nagmamay-ari ng kaniyang puso.

Akala niya matagal pa bago mangyari a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    WAKAS

    “Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    GOODBYE

    Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PLANS

    “Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    SECRETS & LIES

    “Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    A CALL

    “Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PROTECTOR

    Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status