Share

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE
HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE
Penulis: Gael Aragon

SIMULA

Penulis: Gael Aragon
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-04 08:10:19

“Why?” malambing na tanong ng kaniyang asawa mula sa kabilang linya.

“Wala naman,” nakangiting tugon ni Skyler na para bang kaharap niya lang ito. “Na-m-miss lang kita.” Nakangiti siyang lumingon sa bubog na bintana ng kaniyang opisina. Kitang-kita roon ang nagtatayugang mga gusali na para bang nagpapaligsahan ng pagtaasan sa isa’t isa, kabilang na ang gusaling pag-aari niya.

He owned that twenty-floor building he was in. He’s a landscape architect and the owner of dela Merced Landscaping Company. Ang kompanyang nangunguna sa pagdidisenyo ng malalaki at kilalang subdivisons sa loob at labas ng Metro; pati na sa mga hotels, resorts at mga malalaking kompanya sa bansa. At thirty-three, he already established his name in the business world.

“Gosh, Skyler! Kahihiwalay lang natin kani-kanina,” palatak ng asawa niya sa kabilang linya. 

Natawa siya. Totoong kahahatid niya lang dito sa mall na pagkikitaan nito at ng mga kaibigan nito. Hindi pa alam ng mga kaibigan nito na ikinasal sila. It was a whirlwind romance. They met last month sa isang resort sa Bali, Indonesia noong nasa conference siya. Ang asawa naman niyang si Adreianne ay naroon para magbakasyon. 

Like any other love story, they fell in love with each other at first sight. Hindi na niya pinaglagpas ang pagkakataong iyon. Hindi siya ang lalaking nag-aaksaya ng panahon. Kapag gusto niya ang isang babae, nagsasabi siya kaagad. He’s a man of both action and words. Hindi naman siya tinanggihan ng asawa. Bago sila umuwi ng Pilipinas, magkasintahan na sila. At noong nakaraang araw lang ay niyaya niya itong pakasal. Nang pumayag ito, hindi na siya nagdalawang-isip na tumuloy sa kaibigan niyang abogado. Katwiran niya, doon din naman sila tutuloy. Isa pa, ayaw na niyang mawalay pa rito. He’s head over heels in love with her, bagay na hindi nangyari noon sa kaniya. It was like magic. Ipinangako niya na lang dito na sa susunod na buwan na lang nila itutuloy ang church wedding na gusto niya para sa asawa.

“Well, masanay ka na sa akin mula ngayon. Dahil walang segundong hindi kita ma-m-miss, Mrs. dela Merced.” Tumayo siya at namulsa, pagkuwa’y lumakad patungo sa bubog na bintana. He looked at the busy streets below. Kagaya pa rin ng dati, abala pa rin ang mga tao sa mga trabaho nila at bumper-to-bumper pa rin ang mga sasakyan.

 “Hay, naku! Ewan ko sa iyo. Ang clingy, ha. Baka mamaya niyan kahit sa pagpunta ko sa banyo kasunod kita,” biro nito.

Napahagalpak siya ng tawa. “Hindi natin masasabi,” tugon niya kasabay ng pagtaas-baba ng mga balikat. Hindi maikakatwang sa asawa na niya umiikot ang mundo niya ngayon.

Wala naman siyang masasabi sa asawa. Kahit isang buwan pa lang silang magkakilala, para sa kaniya, katumbas na iyon ng sampung taon. 

Mabait si Adreianne, maalalahanin at mapagpamahal. She has a good heart for those who are in need. Iyon talaga ang nagustuhan niya rito. Bukod sa pagiging passionate writer nito, mapagmahal din ang babae sa kalikasan. She even had an organization that educates the younger generation about the importance of nature in the world. Maraming adbokasiya ang asawa— na sa loob ng isang buwan ay nalaman niya lahat, kaya’t lalo siyang napahanga nito.

“Sus! Tigilan mo nga ako, Mr. dela Merced. Baka mamaya niyan kapag nawala ako, gusto mo na ring sumunod,” anito na ikinawala ng ngiti niya.

“Don’t say that. Hindi iyan magandang biro,” seryosong turan niya.

Adreianne has that habit of telling him about her passing away. At alin man sa naiinis siya o nagagalit sa tuwing babanggitin nito iyon. Kakakasal lang nila at wala pa sila halos nasisimulan. 

“I told you, lahat ng bagay posibleng mangyari— kaya dapat lagi kang handa. I don’t want you to linger your feelings with me for so long kung saka-sakali mang ma—”

“Oh, Adreianne, please stop. We will not talk about this anymore,” mabilis niyang awat dito.

Napabuntonghininga ito sa kabilang linya. “I was just telling the fact here. Anytime posibleng mangyari ang lahat, Skyler. And if that happens, I want you to open up your heart again.”

Napahilot siya sa sentido. Hindi talaga patatalo ang asawa niya kapag iyon na ang usapan. And they were talking about it mula umpisa pa lang. Halos saulado na nga niya lahat ng sinasabi nito.

“Skyler. . . ?” untag nito sa kabilang linya.

“My answer is still no. Hindi ka mawawala nang maaga sa akin I won’t let that happen.”

Pagak itong natawa. “Hindi mo hawak ang oras ko, o ng lahat ng tao. Kung oras ko na— oras ko na. Hindi mo na iyon mapipigilan pa.”

“But I know that this is not your time yet. Matagal pa tayong magsasama. Magkakaroon pa tayo ng mga anak at apo. We will live longer than you expected,” giit niya.

“I hope you’re right. Sana nga magsama pa tayo nang matagal,” malungkot na wika nito.

Napakunot ang noo niya. Bakit iba ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon? Bakit parang kinakabahan siya nang husto?

“May hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya.

“Wala naman. I just want you to be prepared for any possible things that will happen in the future,” sagot nito.

“That’s not gonna happen, okay? So, please. . . stop telling me you’ll gonna die. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyayari iyon.

“I told yo—”

“Adreianne!” sigaw ng mga kababaihan sa kabilang linya. Nasisiguro niyang dumating na ang mga kaibigan nito.

“Sige na, Skyler. Naririto na sila. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap,” paalam nito.

“Yeah. I’ll te—”

“Ahh. . . !” Malakas na tilian sa kabilang linya. Kasunod niyon ay narinig niya ang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril.

“Adreianne! What was happening there?” takot na tanong niya rito. Agad siyang bumalik sa iniwang upuan at kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang kaniyang private elevator.

“There’s a mass sho—” Hindi na natapos pa ng kaniyang asawa ang sinasabi nito. Sunod niyang narinig ang malakas na pagsabog sa kabilang linya. Pagkatapos niyon nawala na ang kaniyang asawa.

“Adreianne!” malakas niyang sigaw na pumuno sa buong twentieth floor na kinaroroonan niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    WAKAS

    “Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    GOODBYE

    Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PLANS

    “Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    SECRETS & LIES

    “Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    A CALL

    “Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PROTECTOR

    Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status