LOGINSix months earlier . . .
Nagmamadaling bumaba ng sasakyan niya si Mayumi pagkatapos niyang mag-park. Late na siya sa klase niya sa Digital Photography. Isa siyang Master of Arts student in film studies, sa Unibersidad ng Pilipinas, o sa UP Film Institute. Nasa huling taon na siya at ilang buwan na lang din ay magtatapos na.
Hindi pangkaraniwan ang kurso niya, pero naroon talaga ang hilig niya, sa paggawa ng pelikula. She’s more like a film production type of person, than wearing corporate attire inside big companies, doing a day-to-day repetitive job. Mabilis siyang magsawa kapag paulit-ulit ang kaniyang ginagawa.
While on making film, lumalabas ang pagiging malikhain niya. Maraming mga bagay-bagay na maaari niyang i-explore— her passion became limitless. Bonus na lang na sa ganoong larangan ay maaari din siyang makarating hindi lamang sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kung hindi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Mahal ang mag-aral para maging isang direktor. Bukod sa piling mga unibersidad lang sa bansa ang may ganoong kurso, hindi rin naman basta-basta ang mga gamit na kailangan niya. Mabuti na lang din at isa siya sa mga taong pinalad na may maayos na buhay. She can afford to take any courses she likes, especially film studies.
She’s Mayumi Buenavista, the daughter of Honorio Buenavista, owner of Buenavista Film Production, one of the most respected production companies in the Philippines. Iyon din ang dahilan kung bakit nakahiligan niya ang paggawa ng pelikula. Bukod roon, isa namang tanyag na aktres ang kaniyang inang si Messandra Buenavista, kung saan palagi siya nitong isinasama noon sa set nito. Kaya bata pa lamang siya, nakikita na niya kung paano gumalaw ang mga camera sa utos ng isang direktor. And she was amazed to see the output of every film.
Mula sa pinagsama-samang ideya kung paano bubuuin ang isang pelikula; sinematograpiya, effects, mga artistang gaganap, writers, ang lahat ng crew, musika at kung ano-ano pa ang isang dahilan kung bakit may naibibigay na aliw sa mga manonood. Pagod at pawis ang puhunan para makalikha ng mga de-kalibreng pelikula— isang obra-maestra, at iyon ang nais niya. She wanted to create a timeless film.
Hinihingal na pumasok siya sa Kalayaan Theatre kung saan ginaganap ang lectures nila. Mabuti na lang at wala pa roon ang propesor nila. May oras pa siya para ayusin ang kaniyang camera at laptop. Required kasi na magdala niyon kapag Digital Photography ang subject niya.
She was turning on her laptop when their professor came in. Dere-deretso ito sa podyum at binuksan ang mikropono roon.
“Good morning!” bati nito sa kanila.
“Good morning, Prof!” tugon ng lahat.
Marami siyang kaklase mula sa iba’t ibang departamento. Ang ilan naman ay sinadya lang mag-enroll para sa subject na iyon para sa karagdagang kaalaman. May ilan rin sa mga kaklase niya ang may edad na. Madalas, wala silang pakialaman sa isa’t isa; isa sa ikinaganda ng pagkokoliheyo, maliban na nga lang kung may groupings sila. Doon lang niya nakasasalumuha ang mga ito nang matagal.
Nagsimulang mag-discuss ang propesor nila gamit ang powerpoint presentation. Nakinig naman siyang mabuti, hanggang sa hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Narinig na lang niya na nagpapaalam na ang propesor nila sa unahan.
Nang makalabas ang kaniyang guro, lumabas din si Mayumi. Tiyak ang mga hakbang na tinungo niya ang lady’s room. Ngunit hindi pa man niya nararating iyon ay may bigla na lang bumundol sa kaniya mula sa likuran. Muntikan na siyang masubsob kung hindi siya nahila kaagad ng kung sinumang nasa likuran niya sa braso.
“Sorry, Miss!” anang baritonong tinig na kaniyang ikinapikit. Napaka-sexy kasi ng dating niyon sa pandinig niya. Iyong tipong tinig pa lang, alam na niyang gwapo ang lalaki.
“Are you alright?” nag-aalalang tanong nito.
Nilingon niya ang lalaki para lang mahigit ang kaniyang paghinga. Laglag ang pangang napatitig siya rito nang hindi man lang kumukurap.
“Miss . . . Miss . . . ?” untag nito sa kaniya.
Mabilis niyang naipilig ang ulo. Kung wala ang lalaki sa harap niya, baka nasampal na niya ang sarili dahil sa pagkatulala sa harapan nito. Bakit nga ba ang hindi, napakagwapo naman talaga ng lalaki! Ang itsura nito ang tinatawag nilang mga kababaihan na mala-Adonis. He has eagle-liked eyes with think eyelashes and eyebrows. May kahabaan ang itim na itim nitong buhok, na bumagay sa pangahan nitong mukha. Matangos din ang ilong ng lalaki na may maliit na nunal sa pinakatuktok niyon. Hindi iyon kapuna-puna kung hindi ito titigan ng ibang tao sa malapitan.
Nang mapadako ang tingin niya sa mga labi nito, napalunok siya. They were the most inviting lips she had ever seen. Bukod sa maninipis ang mga iyon, natural ring mapupula. Para bang ang sarap-sarap niyong halikan.
And what captured her attention most was the way he dressed. Para itong rocker. O mas tamang sabihing bad boy turned rocker. He was wearing leather boots, leather pants, leather jacket with a white shirt inside and a chain-liked silver necklace. May kahabaan rin ang buhok nitong maayos namang sinuklay. Nakapatong pa sa ulo nito ang itim na wayferer.
“Miss? Do you need me to bring you to the clinic? Mukhang nasobrahan yata ang pagkakabunggo ko sa iyo,” wika nitong hindi niya alam kung nagbibiro ba o hindi. But his lips were twitching. Para bang nagpipigil lang ito huwag matawa.
Wala sa loob na napairap siya kasabay ng paghalukipkip. “You don’t have to. Thank you for your concern,” pasuplada niyang wika bago ito mabilis na tinalikuran.
“Alright. You’re welcome, Miss,” pahabol pa nito.
Binilisan ni Mayumi ang paglalakad. Pagdating niya sa banyo, tumatahip ang dibdib niya. Mabilis na mabilis iyon na noon lang nangyari sa kaniya.
Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay. Nang hindi makontento ay naghilamos pa siya. Kumuha siya ng paper towel at ipinunas iyon sa mukha at kamay, saka itinapon.
Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Nakasuot siya ng makapal na reading glasses, medyo gulo ang kaniyang hanggang balikat na buhok, ang sweat-shirt niyang kulay gray ay parang hinugot sa kung saan. Dahil sa pagmamadali niya kaninang umalis sa kanila, pabasta na lang siya kumuha ng damit sa kaniyang closet at isinuot, deretso pasok sa eskwela nang walang paligo.
Hindi naman talaga siya ganoon kapag pumapasok. She also dressed up, but not too extravagant. Iyong natatakpan lahat nang dapat natatakpan. Tipong konserbatibo pero hindi sobra. Sakto lang.
Napailing siya.
Mabuti na lang at nag-iisa siya sa C.R., walang makakikita sa magulo niyang itsura. Well, except to that man who bumped her.
Nasa isip pa rin niya ang lalaki nang pumasok siya sa isa sa mga cubicle doon. Iniisip niya, para kasing nakita na niya ito. His face looks familiar. Hindi niya lang talaga mahagilap sa isip kung saan.
Pagkatapos magbanyo ay lumabas na siya. Nakasalubong niya sa hallway ang isa niyang kaklase. Ngumiti ito sa kaniya.
“Hi, Mayumi,” bati nito.
“Hi, Ces.” Gumanti siya ng ngiti rito. Palakaibigan din naman siya at hindi snob. Ang babae naman ay tahimik at palagi lang nasa isang tabi. Pero kapag nakasasalubong siya nito, hindi ito nakalilimot na mag-hi sa kaniya o ’di kaya naman ay ngumiti.
Lalagpasan na sana niya ito nang muli itong magsalita. “Alam mo na ba ang balita?”
Kamuntik ng mapataas ang kaniyang kilay. Iyon ang unang beses na nakipag-usap ito sa kaniya nang higit pa sa dalawang salita.
“Ano iyon?” Napakakaswal lang ng tinig niya. Hindi naman nga siguro masama kung makikipag-usap siya rito. Nakikita niya naman na mabait ang babae. Puwede niya rin itong maging kaibigan kung iyon talaga ang nais nito sa pagbati-bati nito sa kaniya at pagngiti-ngiti.
Kimi itong ngumiti at inayos ang suot na salamin. Kagaya siguro niya ay may problema rin ito sa mata. Siya kasi ay may hyperopia o farsighted. Iyon ang dahilan kung bakit siya nakasalamin. Gumagamit din naman siya ng contact lenses sa mga espesyal na okasyon o kapag kinakailangan talaga. Minsan, pinipilit siya ng ina para naman daw lumabas kahit papaano ang kaniyang mapupungay na mga mata.
“May bago raw tayong prof sa audio,” anito.
Napakunot ang noo niya. “Bakit daw biglaan? Saka, kanino mo nalaman?”
Ang professor nila sa audio ay isang dating audio director sa larangan ng pelikula. Kilala ito dahil ilang beses na ring hinirang ng Gawad Urian ang ilan sa mga pelikulang kasama itong lumikha bilang Best in Sounds at Best in Music. Kaya nagtataka siya kung bakit iba na ang propesor nila, dahil magaling talaga si Professor Arsenio.
“Nagkasakit yata si Prof. Arsenio. Iyon ang narinig kong usap-usapan ng mga kaklase natin habang pumapasok sila sa teatro,” sagot nito.
Napatango-tango siya. “Bakit mo pala ito sinasabi sa akin?”
Nahihiyang napayuko naman ang babae. “Alam ko kasing paborito mo ang subject nating audio dahil kay Prof. Arsenio,” mahinang tugon nito.
Dumami ang mga gatla sa noo niya. “Paano mo nalaman?”
Dahan-dahan itong nag-angat ng ulo at tinitigan siya. “Napapansin ko lang na palagi kang tutok sa mga lecture niya.”
“Ah . . .” Ngumiti siya rito. “Gusto mo ba akong maging kaibigan?” deretsahang tanong niya. Kahit hindi aminin ng babae sa kaniya, halata ritong interesado talaga ito sa kaniya. Iyon ay kung pakikipagkaibigan nga ang intensyon nito. Pero wala namang siyang napapansing kakaiba rito, maliban na lang kung itinatago sadya ng babae ang totoo nitong katauhan.
Nanlaki ang mga mata nito. “T-talaga?!” bulalas nito. Larawan sa mukha nito ang matinding kasiyahan.
Mas lumapad pa ang pagkakangiti niya. Sa itsura ng babae, tama ang unang hula niya. Gusto nga siya nitong maging kaibihan.
“Oo naman.” Inilahad niya ang kamay sa harapan nito. “Friends?”
Bigla itong nataranta. Dali-dali nitong ipinunas ang kamay sa suot nitong maong na pantalon saka tinanggap ang sa kaniya.
“S-salamat, Mayumi. Noon pa talaga kita gustong maging kaibigan kaya lang nahihiya ako,” nauutal na pag-amin nito.
“Nilapitan mo na sana ako noon pa. Para noon pa sana, magkaibigan na tayo.”
Napakamot ito sa ulo nang maghiwalay ang kanilang mga kamay. “Nahihiya ako. Akala ko kasi snob ka noon. Hindi ka kasi nakikipagkaibigan basta-basta.”
Natawa siya. “Buhos lang ang atensyon ko sa pag-aaral kaya ganoon. But anyway, we’re friends now.”
“Oo nga. Salamat ulit,” kinikilig pang wika nito.
“Sige. Kita na lang tayo sa loob. Mauna na ako sa iyo,” paalam niya.
“Okay. Salamat ulit.”
Nakangiti pa rin si Mayumi pagbalik niya sa theater hall. Nang dumating si Ces, kinawayan niya ito na tumabi sa kaniya.
Nag-umpisa silang magkwentuhan hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras at ang pagdating ng kanilang bagong propesor sa audio. Laking gulat pa niya nang makilala kung sino ang lalaki. Wala iyong iba kung hindi ang nakabunggo sa kaniya kanina.
Lagot na!
Ang gusto ni Mayumi ay isang simpleng kasal lang kasama ang mga mahal nila sa buhay sa komunidad ng mga Dumagat. Tinupad naman iyon ni Kuatro, kaya lang, dahil nga mahilig sumunod sa tradisyon ang kasintahan niya, sinunod nila kung paano ba magpakasal ang mga Dumagat.Una, hiningi muna ni Kuatro ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga magulang. Namanhikan ang buong pamilya nito sa kanila sa Maynila, at ganoon din kay Ka Esmael na siyang itinuring niyang pangalawang ama. Nagbigay rin si Kuatro ng tinatawag na dowry o bigay-kaya. Subalit hindi para sa kaniyang mga magulang, dahil kalabisan na raw kung hihingi pa ang mga ito ng kung anuman kay Kuatro, sapagkat labis-labis na raw ang ginawa nito para sa kanilang pamilya.Nagbigay ng dowry si Kuatro sa tribo ng mga Dumagat. Ayaw na rin sana iyong tanggapin ni Ka Esmael pero mapilit ang lalaki. Kung ano-anong hayop na puwedeng pakinabangan ang ibinigay nito kagaya ng mga
Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay nagbibihis na si Mayumi. Iniisip niya kung ano ang isusuot niya habang pinagmamasdan ang limang pirasong bestida na mayroon siya. Hindi siya nagpakadala ng maraming damit dahil dumadalaw naman sila sa lungsod, dalawang beses sa isang buwan.Inihagod niya ang isang daliri sa ilalim ng kaniyang baba. Simple lang naman ang mga damit na nasa harapan niya. Just like what always Kuatro wanted her to wear— which, she also likes.“Hmm . . .” Dinampot niya ang kulay berdeng bestida na bulaklakin. Hanggang talampakan niya ang haba niyon at sleeveless. Labas din ang maganda niyang leeg at collarbone dahil may katamtamang lalim ang korte ng leeg niyon.May garter iyon sa bandang beywang at medyo magarbo ang laylayan. Mahangin sa labas kaya tama lang na iyon ang suotin niya para kung sakali mang liparin ay hindi nakakahiyang mahantad ang kaniyang kaloob-looban.M
“Teacher Umi, pinabibigay ni Sir Kuatro,” salubong kay Mayumi ni Tonton pagpasok niya sa ipinagawa ni Kuatro na pansamantalang silid-aralan ng mga bata sa komunidad ng mga Dumagat.May limang buwan na silang nagtuturo doon. Mabilis na ipinaayos ni Kuatro ang lahat ng papeles ng ipinatatayong eskwelahan ni Amelie. Ipinarehistro din ng mga ito iyon sa DepEd para mapabilang sa mga paaralang nasa ilalim ng ahensya, at para matawag na lihetimong paaralan na may normal school days, may guro, at mga mag-aaral. Hindi naman na problema ang mga kagamitan doon dahil ang mga galanteng kaibigan ni Kuatro ay nag-donate ng kung ano-anong school equipment’s, pati na computers at internet.Napangiti si Mayumi nang tanggapin ang dalawang tangkay ng ligaw na bulaklak. Kulay dilaw iyon at may kasama pang manibalang na indian mango.“Teacher Umi, nanliligaw ba sa iyo si Sir Kuatro?” usisa pa ni Tonton. Sila lang
Kuatro understood Mayumi’s intention clearly. Kailangan muna nilang paghilumin ang lahat bago muling buksan ang panibagong yugto ng buhay nila. Hinayaan naman siya nitong samahan itong tawirin iyon, kaya masaya na siya roon. Iyon lang naman talaga ang tanging gusto niya— ang damayan ito sa lahat ng sandali.Pagkatapos ng isang linggong immersion ni Amelie sa tribo ng mga Dumagat, bumalik sila sa Maynila kasama si Mayumi. Dahil ayos na naman ang lahat, nagdesisyon itong puntahan muna ang mga magulang nito para makausap, at para makapagpaalam na rin. Desidido itong ituloy ang planong pagtulong sa komunidad ng mga Dumagat at ganoon din siya.“Oh my God! Is that really you, darling?” Naluluhang mabilis na niyakap ng ina ni Mayumi ang babae.“Mom! I’m so sorry!” umiiyak na wika ni Mayumi.“No, hija. Kami ang dapat na humingi ng tawad sa iyo,” anang ama
“F*ck!” bulalas ni Kuatro.Luhaang napatingin siya rito. “I’m s-so sorry. H-hindi ko siya naprotektahan sa kalupitan ni Ferdinand. I-I’m so sorry, Kuatro. I-I’m so sorry . . .” paulit-ulit niyang paghingi ng tawad dito kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Mabilis siya nitong niyakap. Dama niya ang nag-uumapaw na galit na nadarama nito. “Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin. Dapat siguro sinabi ko na agad sa iyo ang lahat noon tungkol sa panloloko ng mga Palanca sa inyo. Nagpakakampante ako— na hindi naman dapat. I’m sorry, hindi kita naprotektahan sa kaniya— kayo ng anak natin. I’m so sorry, Mayumi . . .” nanginginig ang tinig na wika nito.Hindi na siya nakasagot pa nang maramdaman ang mainit na likidong bumabasa sa kaniyang likuran. She didn’t want to see him crying— suffering. Ngunit papaano nga ba iyon maiiwasan kung ganoong pareho silang nasasaktan sa mga nangyari? She knew Kuatro wanted to ease her burden
Hindi sumagot si Mayumi. Alam niyang nagtataka ang lalaking ilang beses na niyang tinangkang takbuhan pagkatapos niyang umalis dahil sa takot niya. Natakot siya noon sa maaaring gawin dito ni Ferdinand.“Mayumi?” untag nito sa kaniya nang tumigil siya sa pagtawa.Nahahapong umiling-iling siya bago dahan-dahang naupo sa malaking ugat ng punong acacia kung saan sila naroroon. Ginaya siya ni Kuatro. Naupo ito sa tabi niya, pagkuwa’y ginagap ang kaniyang kamay.“Please tell me you’re okay.” Nakikiusap ang mga matang nakatitig ito sa kaniya.“I am not okay, Kuatro. Lalo na ngayon at natagpuan mo na ako. Lahat-lahat ng mga nangyari noon, muli na namang bumalik sa akin. Lahat ng mga nais kong kalimutan, muli ko na namang naalala,” mahinang sambit niya.Huminga ito nang malalim. “I am here to help. I here to listen. Kung anuman ang mg







