Share

HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME
HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME
Author: Gael Aragon

SIMULA

Author: Gael Aragon
last update publish date: 2026-07-24 10:37:34

“H-help, please . . . H-help me . . .”

Napamulat si Kuatro kasabay ng pangungunot ng kaniyang noo. Naroon siya sa kaniyang sala, sa loob ng condo niya at sandaling nagpapahinga, habang hawak-hawak ang isang canned beer.

Lumipad ang kaniyang mga mata kung saan niya naulinigan ang mahinang tinig na iyon— nakikiusap, may bahid ng pag-iyak. Hindi niya alam kung totoo ba iyon, o guni-guni lang dahil sa pagod na nadarama.

Ilang sandaling katahimikan ang dumaan. Nanatili siya sa kinauupuan habang hinihintay kung mauulit pa ba ang narinig, pero wala naman. Binalewala niya na lang iyon dahil wala rin naman siyang inaasahang bisita. Isa pa, alas-dos na iyon ng madaling araw!

“H-help! P-please . . . H-help me,” anang tinig na nagmumula sa isang babae. Sa pagkakataong iyon, mas klaro na iyon sa kaniyang pandinig, lalo na nang sabayan pa nito iyon ng pagkatok. Mahina lang iyon, halatang ayaw makabulabog sa mga katabi niyang unit.

Dahan-dahang tumayo si Kuatro. Ipinatanong niya ang hawak na beer sa marmol niyang center table, saka marahang tinungo ang main door. Palakas nang palakas ang mga hikbi nang kung sino mang naroon, habang palapit naman siya nang palapit. Lalaki siya pero malakas na kumakabog ang dibdib niya sa pagkakataong iyon.

“I-I know you could hear me . . . P-please!” muling samo nang nasa likod ng pintuan.

Napabilis ang paghakbang ni Kuatro. Hindi na niya inisip pang silipin sa peephole ang naroon. Kaagad niyang binuksan ang p***o para lang magulat sa nakita.

“F*ck!” malakas niyang mura, saka nagpalinga-linga sa paligid bago mabilis na hinatak ang babaeng hindi niya maipaliwanag ang itsura. Ni hindi niya ito mamukhaan.

Puti ang bestidang suot nito kaya kitang-kita roon ang mga bahid ng dugo. Ang buhok nitong lagpas balikat na may pagkaalon-alon ay nakasabog sa mukha nito. Kitang-kita niya rin kung paanong namamaga ang magkabilang pisngi nito pati na ang ilalim ng kaliwang mata nito. Putok din ang pang-ibabang labi ng babae. May bahid pa nga roon ng kaunting dugo.

The woman was in total wrecked. May ilang punit ang damit, may galos ang mga braso at nahihinuha niyang pati ang mga binti nito. Ang mas ikinagigimbal niya, ang mga dugo sa kamay ng babae!

“F*ck!” he cursed once again. Napalingon siya sa pintong nakabukas at madali iyong isinara. Pagkatapos, muli niyang hinarap ang babaeng tahimik na umiiyak. Halata rin ang panginginig ng buong katawan nito dahil na rin siguro sa sitwasyong tinakasan.

Marahas niyang hinagod ang may kahabaang buhok. Itinutop niya rin ang isang palad sa bibig kasabay ng pagtahip ng kaniyang dibdib.

“Miss, if you did something terrible, I don’t want to be part of this. I don’t want to be your accomplice. Kung nais mong makitawag sa mga kakilala mo, I could lend you my phone. Just don’t make me part of this,” mahabang wika niya saka dinukot sa suot na sweatpants ang cell phone.

Iniabot niya iyon sa babae. “Mas maiging sila ang hingan mo ng tulong at hindi ako. O ’di kaya naman, sa pulisya. Iyon ay kung doon mo nga gustong humingi ng tulong,” makahulugang dagdag pa niya bago ito muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Noon niya lang napansin na wala itong suot na kahit ano.

Muli siyang napamura sa isip nang may kung ilang beses pa, saka mariing napailing.

“Miss . . .” untag niya rito. Ang cell phone niya ay naroon pa rin sa kamay niya na pinagmamasdan lang nito.

“I-I don’t want to . . .” mahinang wika nito. “H-he will kill me . . .”

Marahas siyang napabuga ng hangin sa dibdib. “What do you mean he will kill you? Sino ba ang tinutukoy mo? Isa pa, hindi ba baliktad naman yata? Hindi ba ikaw ang may ginawang mali?” Ayaw niyang husgahan kaagad ang babae, ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Taliwas sa nakikita niya ang sinasabi nito. Taliwas iyon sa duguan nitong mga kamay.

Sa halip na sumagot, lumakas ang pag-iyak nito. At siguro, dala na rin ng matinding takot na nadarama ng babae ay bigla na lang itong napasalampak sa sahig.

“F*ck!” Mabilis niyang dinaluhan ang babae. Isinandig niya ito sa kulay kremang wallpaper ng kaniyang dingding. Hindi niya ito gustong dalhin sa sala niya dahil hindi naman niya alam ang totoong nangyari. Nag-iingat pa rin siya. Baka kasi kung ano pa ang gawin nito sa kaniya, lalo at hindi naman niya kilala ang babae.

Gaya nang iniisip niya, ayaw niyang masangkot sa gulong pinasok nito.

“Miss, kung hindi ka tatawag sa inyo, ako mismo ang tatawag ng security guard para sila na mismo ang gumawa ng aksyon. Hindi ko alam kung tenant ka rin ba ng condominium na ito, at lalong hindi ko alam kung ano ang ginawa mo,” may pagbabantang wika niya. Malay ba niya kung modus lang iyon ng babae. Kakatok sa isang unit na kunwari ay manghihingi ng tulong pero ang nais naman pala ay gawan ng masama ang may-ari. Baka ganoon ito.

Hinatakot na umiling ito. “N-no! P-please d-don’t do that. H-he will kill me.”

Ayon na naman ito sa salitang iyon. “Sino ba ang tinutukoy mo? Kung ayaw mong tumawag ako ng gwardiya, magsabi ka sa akin ng totoo. Sino ang tinatakasan mo? Sino ang pinatay mo?” sunod-sunod niyang tanong.

“W-wala akong pi**tay,” nanginginig ang mga labing tugon nito sabay yuko sa duguang mga palad.

“Ano’ng ibig sabihin ng mga iyan kung wala kang pina**tay na tao?”

Umiling ito kasabay ng muling pag-iyak. Napapikit na lang siya sa halo-halong emosyong kaniyang nadarama. Nagsisimula ng bumangon ang inis sa kaniyang dibdib. Ang pinakaayaw niya sa lahat, iyong dadaanin siya sa iyak.

“T-this is not blood. This is paint. Natabig ko iyon kanina habang nagmamadali akong humanap ng makatutulong sa akin,” paliwanag nito.

Napakunot ang noo niya at pinagmasdang maigi ang mga kamay nito. Noon niya lang natanto na may kakaiba ngang amoy sa kinaroroonan nila. Akala niya dahil lang iyon sa iniwan niyang gawain kanina. He was painting and planning to rest when he heard this woman knocking.

Akmang hahawakan niya ang kamay nito, ngunit mabilis nito iyong inilayo.

Tiningnan niya ito. “Paano ko malalaman ang totoo kung umiiwas ka?” seryosong tanong niya. Kung totoo ngang hindi iyon dugo; na alam na niyang hindi nga, sino namang lalaki ang may kakayahang saktan ito?

Sa isipin pa lang na iyon ay umahon na agad ang galit sa dibdib niya. Nawala ang mga namumuong hinala niya sa babae. Napalitan iyon ng habag.

“Who did this to you?” he asked while staring at her brownish eyes.

Maganda ang babae. Balingkinitan ang pangangatawan, kahit hindi gaanong kataasan. Bilugan ang mukha nito, pati na ang mga mata nitong may malalantik na mga pilikmata. Maninipis ang mga labi nitong natural ang pagkapula, habang sakto lang naman ang tangos ng ilong. At ang mas nakatawag ng pansin niya sa pisikal nitong katangian ay ang pagkakaroon nito ng malalalim na dimples sa magkabilang pisngi.

Ah . . . There’s someone in his mind pop-up. He missed her.

Umiling ito. “C-can’t you just let me stay here for a while or until sunrise? P-please?” nakikiusap na wika nito. Noon niya lang napagtanto ang pagiging fluent ng babae sa English. Hindi kailang may sinasabi ito sa buhay.

Napabuntonghinga siya. “Alright. Kung ayaw mong magsalita tungkol sa nangyari, just tell me your name so I know how to call you,” sumusukong wika niya, pilit na iwinawaksi ang galit na namamahay sa kaniyang dibdib.

Sa tingin pa lang niya sa sinapit nito, kung hindi ito nakatakbo, baka malamang na—

Napailing siya. Ayaw na niyang isipin pa ang bagay na iyon. Sa ngayon, ang konswelo na lang ay buhay ang babae. At kung isa sa mga katabi niyang unit ang may kagagawan niyon, hindi siya mangingiming ireklamo iyon sa namamahala ng condominium. Para ano pa at isa sa mga eklusibong condominium iyon ng mga mayayamang tao sa bansa kung hindi naman kayang protektahan ang seguridad ng mga tenant. And by the looks of it, the woman is a tenant there, or maybe the other way around.

“M-Mayumi . . . T-that’s my name.” Sinadya o hindi, ngunit mahinang-mahina lang iyon na hindi halos nakaabot sa pandinig niya.

Hindi niya alam kung bakit, subalit napangiti siya. Her name sounds like everything. Napakagandang pakinggan. Bagay na bagay iyon sa itsura ng babae na may pagka—

Mabilis na naglaho ang mga ngiti niya nang may maalala. Muling bumalik ang seryosong anyo niya habang pinagmamasdan itong mabuti.

Idiot! How could he forget?

Huminga siya nang malalim. “Alright, Mayumi, you can stay here for a while.” Inilahad niya ang kamay sa harapan nito. Matagal muna nito iyong pinagmasdan bago nakuhang tanggapin.

Inalalayan niyang tumayo ang babae. Igigiya na sana niya ito patungo sa sala nang pareho silang natigilan at mapatingin sa may pintuan. Someone was knocking there.

Nagkatinginan sila ng babae. Lakip ang takot sa mga mata nito kasabay ng marahang pag-iling.

“No. Just stay here.” Itinago niya sa likod ng p***o ang babae pagkuwa’y ginulo ang buhok at nag-anyong inaantok, bago binuksan ang p***o.

“Yes?” Pakunwa pa siyang naghikab, kahit pa nga gusto na niyang sapakin ang lalaking kagaya ng babae ay may pulang pintura sa suot nitong puting damit. May malaki rin itong kalmot sa leeg. It was visible because there’s a blood on it. Naka-boxers lang ito, habang may kaguluhan ang tuwid na buhok na naka-clean cut.

How could he forget this man anyway?

“Did you see someone pass by, or did you hear anything?” malikot ang mga matang tanong nito.

Napataas ang isang kilay niya. “Sa itsura ko bang ito masasabi mo bang alam ko ang sagot sa mga tanong mo?” sarkastikong tugon niya.

Napailing ang lalaki bago siya tinalikuran. “Never mind,” anito.

“Well, yeah! Salamat sa panggigising mo sa masarap kong tulog!” inis niyang wika saka malakas na isinara ang pintuan. Nang tingnan niya ang babae, muli itong napaiyak.

Dahil sa awa, wala sa sariling nakabig niya ito at niyakap habang hinahaplos ang likuran nito.

“Sshhh . . . You’re safe now. You’re safe,” paulit-ulit niyang bulong sa tenga nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 8

    “Professor Mallari, can I have a second?” anang kasamahan niyang lalaking propesor din pagpasok niya ng faculty room.“Yes?” Lumapit siya rito na may ngiti sa mga labi.“Do you play basketball?” tanong nito. “And by the way, I’m Professor Pangan,” pakilala nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.Madali niya iyong tininanggap. “Nice meeting you.”“So? You play?”Tumango si Kuatro. “Yes. Why?”“Okay!” masayang wika nito na ikinakunot ng noo niya. Nakita naman iyon ng kaharap. “Oh, sorry. The professors were asked to play basketball against UP Fighting Maroons. Buwan-buwan iyong ginagawa rito kada departamento, at ang department natin ang lalaban sa kanila ngayon,” paliwanag nito.“Ah . . .”&l

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 7

    Tulalang nakatingin sa unahan si Mayumi, habang patuloy na nagtatalakay ang kanilang professor tungkol sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng makabagong teknolohiya sa larangan ng telebisyon at pelikula. Totoo na mas napadadali nito ang lahat at mas nagiging kaakit-akit ang isang palabas, lalo na kapag may mga tagpuan at karakter na binabago. Iyong mga historical drama, fantasy, scifi at kung ano-ano pa na kinakailangang gamitan ng animation.Alam na iyon lahat ni Mayumi dahil madalas siyang nanonood kapag nag-e-edit na ng mga video ang editor ng kanilang kompanya. Computer animation has a vital role in television and film industry. Pero kailangan din ng pag-iingat kasi minsan, hindi na nga makatotohanan ang palabas; dahil sa tinatawag na poor video editing, lumalabas din ang poor quality ng isang eksena sa pelikula man, drama o kahit sa mga patalastas.Malayo ang nilalakbay ng isipan ni Mayumi. Naroon pa rin sa naging engkwentro nila ng pro

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 6

    Tahimik na nagbabasa ng kaniyang libro si Mayumi nang may tumabi sa bench na kaniyang kinauupuan. Nasa unibersidad siya noon dahil may pasok.Hindi niya ito pinansin. She was engrossed in what she was reading. Saka, para sa lahat naman ang mga bench na roon sa ilalim ng mga punong acacia kaya wala siyang pakialam kung may katabi siya.Mabilis na dumalaan ang ilang minuto na ang tanging atensyon niya ay sa libro pa rin nakatutok. Kahit alam niyang tambayan din ng ibang estudyante o guro ang mga bench na naroon, pakiramdam niya, nag-iisa pa rin siya. Distractions were the least she could think of at that place. Bukod sa malamig ang simog ng hangin, she felt at peace there.When she was about to turn the page of the book she was reading, she was stunned when a big hand extended in front of her. May hawak itong isang resealable plasctic na may sandwiches sa loob. Doon niya nilingon ang katabi sa nangungunot na noo. Subalit, kagyat din iyong nawala nang makilala kung sino ang naroon.Umayo

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 5

    “Kuatro . . .” tawag sa kaniya ng Ninang Trina niya.“Yes po, Ninang.” Nakangiting lumapit siya rito saka humalik sa pisngi nito.“Itatanong ko lang kung kumusta na ang pagtuturo ng paborito kong inanak,” wika nito, pabulong lang.Natawa siya. “What is it, Ninang?” Kilalang-kilala na niya ito. Kapag ganoong may halong pambobola ang sinasabi nito, ibig sabihin, may hihingin itong pabor sa kaniya.Napakamot sa ulo ang ninang niya. “Si Charlie kasi . . . ’Di ba alam mo naman na paborito niya ang Insane5? Magpapahingi sana ako sa iyo ng autograph nila,” anito sabay gala ng mga mata sa paligi.Ang tinutukoy nitong Charlie ay ang pangalawa nitong anak na babae. Ang Insane5 naman ay isa sa mga banda at artists ng JEM Entertainment. Namamayagpag ang karera ng mga ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang panig mundo. Ang mga ito rin ang sinamahang concert ng kaniyang ama. At isa siya sa mga composer ng ilan sa mga sikat na kanta ng mga ito.“Iyon lang ba, Ninang? Akala ko na

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 4

    “Lumuwas pa talaga tayo? Makakauwi naman ang tatay ninyo nang hindi natin sinusundo. I’m sure the company car will be waiting for him,” wika ng kaniyang ina habang inaayos ang sarili.Pagkatapos niyang kausapin sina Singco at Amelie; na madali namang pumayag sa plano niya, ang kanila namang inang si Bettina ang kinausap nila. Sinabi nila rito na sila na lang mismo ang susundo sa kanilang ama, tutal, pare-pareho namang wala silang mga pasok. Hindi na nakatanggi ang kanilang ina dahil tatlo sila.“Ngayon niyo sabihin sa aking hindi ka nagtatampo kay Tatay,” nakangising sabi ni Kuatro. Nasa kuwarto siya ng mga magulang at hinihintay na matapos ang inang mag-ayos ng sarili. Tinulungan pa niya itong magtuyo ng buhok nito para mapadali ang lahat, dahil kanina pa nakalapag ang eroplanong sinasakyan ng kaniyang ama.Dinner with the family ang napagkasunduan nilang tatlo. Siya na ang nag-arrange kung saan iyon gaganapin. Si Amelie naman ang inatasan niyang imbitahan ang kanilang Lola Pedring a

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 3

    “So, how was your first week?” nakangiting tanong ng ina niyang si Bettina nang mabungaran niya ito sa dining table.Yumakap muna siya rito bago ito hinalikan sa pisngi. Kagigising niya lang at kapag ganoong weekend, umuwi siya sa kanila sa San Mateo kapag naroon ang kaniyang mga magulang. Minsan naman, sa Maynila lang dahil may bahay rin sila roon. Pero mas pinili pa rin niyang bumukod kahit pa anong pilit ng ina niya na huwag. Mas gusto rin naman niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. So far, sa loob ng limang taon ay maayos naman siyang namumuhay mag-isa sa condo niya.“Great! I didn’t know that teaching would be so much fun,” malapad ang ngiting tugon niya bago naupo sa tapat nito. Sumandok kaagad siya ng paborito niyang sinangag na maraming bawang at tapang baka. Hindi niya rin nakalimutang maglagay ng pritong itlog na malasado pa ang dilaw. Ganoong pagkain ang gusto niya, partikular na luto ng kaniyang ina.“Sabi ko naman sa iyo, anak. Masarap talagang magturo. At leas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status