LOGINNakikipagtitigan si Mayumi sa kulay dilaw na kisame ng kaniyang silid. Sari-sari ang tumatakbo sa kaniyang isip, ngunit mas lamang doon ang nangyari sa eskwelahan niya.
Kaya pala parang kilala niya ang lalaki. He is none other than Kuatro de Leon Mallari, son of the infamous lead vocalist and composer of hundreds of hit songs— J.E. Mallari! At hindi niya alam na nagtuturo pala ito. Kung sabagay, ano nga bang malalaman niya gayong tutok ang atensyon niya sa pag-aaral?
Kumurap-kurap siya. Nakikita pa niya sa kisame ang mukha ng lalaking may mapanuksong ngiti. Hindi niya alam kung napansin ba siya nito, dahil hindi naman nagagawi sa puwesto niya ang mga mata ng lalaki noong nagtuturo ito. Pero sana naman hindi. Katakot-takot kasi na kahihiyan ang nadarama niya nang mga sandaling iyon.
Tumagilid siya at iniunan ang magkasag-op na mga palad sa may bandang pisngi niya. Wala naman siyang masabi sa paraan ng pagtuturo nito. In fact, he’s great. Para itong well-experienced na talaga, kahit alam niyang baguhan pa lang ang lalaki. Well, wala naman siyang nababalitaang nagtuturo talaga ito. O baka naman nakaligtas lang talaga iyon sa radar niya. Tahimik lang siya madalas pero marami din siyang nalalaman, lalo na at nasa iisang sirkulo lang naman sila.
Nasa iisang sirkulo pero hindi mo agad nakilala! kantyaw ng tinig na iyon sa isip niya.
Napairap siya sa sarili. Ngayon, pati sarili niyang kalooban ay nagtatalo dahil lamang sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto nito sa kaniya, subalit alam niyang hindi iyon maganda. Baka mawalan siya ng pokus sa pag-aaral.
“Mayumi . . . Mayumi, gising na. Darling, may bisita tayo remember?” anang tinig ng kaniyang ina kasabay ng mahinang pagkatok sa kaniyang pintuan.
Napatingin siya sa p***o kasabay ng pangungunot ng kaniyang noo. Wala siyang alam sa sinasabi ng ina.
“Mayumi, darling . . . Gising ka na ba? Papasok na ako,” magiliw pang wika ng kaniyang ina.
Dali-dali siyang naupo sa ibabaw ng malambot niyang kama nang unti-unting bumukas ang p***o ng kaniyang silid. Sumungaw roon ang ulo ng kaniyang ina, lakip ang matamis nitong ngiti. Hindi halata na higit singkwenta na ang edad nito sa itsura. Marami ngang nagsasabi na halos magkasing-edad lang sila.
Totoo naman iyon. Her mother won’t earn the title timeless beauty in the entertainment industry if she’s not as beautiful when at her prime. Her beauty was a combination of Spanish and Filipino descend, thanks to her ancestors, which she also inherited. Kaya hindi nakasasawang pagmasdan ang ganda nito. Halos wala nga rin kasing ipinagbago kaya mabangong-mabango pa rin ang pangalan nito sa mga tao. Hindi kumukupas, at mas lalo pa yatang namamayagpag sa paglipas ng panahon. P’wede na nga itong ihilera kina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at kung sino-sino pang artista na nakasabayan nito.
“Gising ka na pala hindi ka man lang sumasagot.” Pagkasara nito ng p***o ay lumapit ito sa kama niya at naupo sa gilid niyon, malapit sa kaniya. “How was school?”
Napangiti siya. Isa iyon sa mga bagay kaya mahal na mahal niya ang ina, napaka-hands on nito sa lahat ng bagay. Hindi hadlang na artista ito para hindi siya maalagaan mula noong siya ay isilang. Her mom never left her side. She was always present every time she needed her, most especially when she was sick.
“Just the same,” kibit-balikat niyang tugon bago nagtanong, “Who’s coming, Mom?”
“Oh, yeah! Your dad’s business partners. Remember the Palanca’s?” Tumango siya.
Noong itayo ng kaniyang ama ang kompanya nila, may ilang taong umagapay rito para marating ang kinalalagyan niyon ngayon— at isa na nga roon ang mga Palanca. Kaibigan ng kaniyang ama si Mr. Fresco Palanca na nagmamay-ari naman ng isang advertising company. When he joined his father, their company grew rapidly. Kaya naman malaki ang pasasalamat ng kaniyang ama sa kaibigan nito.
“You’re friends with Ferdinand, right?” tanong muli ng kaniyang ina.
Ang tinutukoy nito ay ang anak ng mga Palanca. Naging magkaibigan sila ni Ferdinand dahil na rin sa kanilang mga ama. At ang huling balita niya sa lalaki noong magkausap sila ay nasa America ito at doon nagtatrabaho sa isang malaking production company sa Hollywood.
“Yeah . . . Why do you ask?” Kakaiba kasi ang ngiti ng mommy niya. Para bang may ibig ipahiwatig iyon.
Nagkibit ito ng mga balikat. “He’ll be here also. Magkikita na ulit kayo,” kinikilig pang wika nito.
Napailing siya. “That’s not what you meant to say. At, alam ninyong wala pa akong balak,” wika niya sabay tayo. Tinungo niya ang banyo upang ayusin ang sarili. Sumunod naman ang kaniyang ina sa kaniya.
“Wala naman akong sinabing iba. Ang sa akin lang, just try to get to know him. Malay mo naman, matipuhan mo rin.” Magiliw pa rin itong nakangiti sa nakikita niyang repleksyon nito sa salamin. Hindi rin nawawala ang kislap ng mga mata nito.
Kinuha muna niya ang toothbrush at nilagyan iyon ng toothpaste bago sumagot sa ina. “Alam niyo naman kung anong priority ko sa ngayon, hindi ba? Gusto ko munang makatapos ng pag-aaral bago ang lahat. Bata pa naman ako, Mommy.” Pagkasabi niyon ay nagsimula na siyang mag-toothbrush.
“I know, darling. And I am so proud of you. Alam kong mas gusto mong pagtuunan ng pansin ang career mo kaysa ano pa man, but sometimes, you should enjoy life. Hindi ka naman namin pipigilan ng daddy mo, basta masaya ang aming prinsesa sa ginagawa niya,” mahabang pahayag nito.
Nagmumog siya at nagpunas ng bibig. “Well, masaya naman ang prinsesa ninyo sa kaniyang ginagawa sa ngayon. Hindi pa ako nagsasawang mag-aral.” Ngumiti siya rito, lumabas ang malalalim niyang dimples.
Nairap ang mommy niya. “Basta! Mamaya, kapag dumating ang mga Palanca, ikaw na ang bahala kay Ferdinand, okay?” Pinisil pa nito ang balikat niya bago siya hinalikan sa pisngi. “Bababa na ako para magpahanda ng almusal. Lunch pa naman darating ang mga Palanca rito kaya may oras ka pang ayusin ang sarili mo. And don’t forget to get down. Sabay-sabay na tayong kakain kasama ang daddy mo.”
Tumango lang siya at hindi na sumagot pa. Iniwan na rin siya roon ng kaniyang mommy habang iiling-iling sa sarili. Kapag naisipan talaga ng kaniyang ina, hindi ito titigil hangga’t hindi siya napapapayag.
Tinapos na niya ang paghihilamos. Pagkatapos, nagsuklay lang siya ng buhok at bumaba na. Naroon na sa dining ang kaniyang ama’t ina at hinihintay na siya.
“Good morning, daddy,” bati niya sa ama sabay halik sa pisngi nito.
“Good morning din, hija.”
Hinalikan niya rin sa pisngi ang ina bago naupo sa puwesto niya.
“Nasabi na ba ng mommy mo na may bisita tayo mamaya?” tanong ng kaniyang ama sa pagitan ng pahigop nito ng kape.
She nodded and smiled at him. “May new venture na naman ba kayo? Any upcoming movies in production?” sunod-sunod niyang tanong. Mas gusto niyang kausap ang ama dahil pareho sila ng hilig— ang gumawa ng pelikula. Dati rin kasi itong direktor bago nagtayo ng sariling production company.
“Marami, hija. Kaya nga mag-uusap kami dahil baka humanap pa kami ng iba pang investors. Alam mo na, kailangan ng malaking budget kung gusto nating makipagsabayan sa mga hollywood movies na ipinalalabas sa sinehan natin. Target din namin na magkaroon ng screening sa Singapore, Europe and even U.S. Kaya nga kasama nina Fresco si Ferdinand para malaman namin kung ano-ano ba ang mga dapat na gawin,” masiglang kuwento nito.
“Wow! That’s brilliant, Dad! Nakikita ko na na mas lalo pang lalakas ang kompanya natin. We could even compete to South Korea’s production companies in the near future. Malay niyo naman, hindi lang ang iilang movies na ginagawa natin ang malagay sa online viewing site platforms. Malay niyo, lahat na ng gawin ng Buenavista ay kunin rin nila. Or even requested for a series!” kinikilig niyang wika.
Natawa ang kaniyang mga magulang. “Mukhang mas mataas pa ang mga pangarap mo sa akin, hija,” komento ng kaniyang ama.
“Kaya naman hanggang ngayon hindi pa rin nagkakaroon ng nobyo ang anak natin,” singit naman ng kaniyang ina habang nakalabi.
Natatawang naiiling na lang silang mag-ama. Truly, her personalities came from his father. Kagandahan lang ng ina ang nakuha niya. But she got their brain. Pareho kasing matalino ang dalawa.
“Pabayaan mo na muna ang anak natin, mahal. Nag-e-enjoy naman siya sa buhay na gusto niya, hindi ba iyon naman ang mahalaga?” malambing na wika ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Masuyo pa nitong pinisil ang kamay ng asawang nasa ibabaw ng lamesa.
Lihim namang kinilig si Mayumi sa nakikitang gawi ng kaniyang mga magulang. Ganitong pagsasama ang pinapangarap niya kung saka-sakaling makahanap siya ng lalaking mamahalin. Iyong kaugali ng kaniyang ama na mapagmahal, maalaga, malambing, may respeto, marunong magtiwala at nasa tuwid ang mga hangarin sa buhay. Wala itong inaapakang ibang tao, kung hindi, mas lamang ang hangarin nitong makatulong sa iba.
Mayroon pa nga kayang lalaking kagaya ng kaniyang ama? Sa kasalukuyang panahon kasi, mabibilang na lang yata sa daliri ang matitinong lalaki. Lahat yata kung hindi babaero, may kakaibang bisyo.
Subalit, hindi naman niya sinasabing perpekto ang kaniyang ama. Wala naman kasing perpektong tao. Kahit nga siya nagkakamali. Ang sa kaniya lang, iba pa rin kapag matino ang lalaki at alam ang mga ginagawa. Mga tipong ang prinsipyo ay tama kung tama, at mali kung mali. Hindi iyong kapag nawala sa paningin ay mabilis na nakalilingat. Ganoon ang madalas na pinag-uugatan ng away ng mga magkarelasyon, hanggang sa mauwi sa hiwalayan. Ang ending pa, parehong galit sa isa’t isa.
Napabuntonghininga siya, napailing na rin.
Iba man ang prayoridad niya sa kasalukuyan, hindi naman niya inaalis na magkaroon ng pamantayan kung saka-sakali. Nang sa ganoon, handa na siya.
Ngunit bakit habang iniisip niya iyon, may imaheng sumisingit sa isipan niya? Ang nakahihindik pa, imahe iyon ng propesor niya!
“Professor Mallari, can I have a second?” anang kasamahan niyang lalaking propesor din pagpasok niya ng faculty room.“Yes?” Lumapit siya rito na may ngiti sa mga labi.“Do you play basketball?” tanong nito. “And by the way, I’m Professor Pangan,” pakilala nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.Madali niya iyong tininanggap. “Nice meeting you.”“So? You play?”Tumango si Kuatro. “Yes. Why?”“Okay!” masayang wika nito na ikinakunot ng noo niya. Nakita naman iyon ng kaharap. “Oh, sorry. The professors were asked to play basketball against UP Fighting Maroons. Buwan-buwan iyong ginagawa rito kada departamento, at ang department natin ang lalaban sa kanila ngayon,” paliwanag nito.“Ah . . .”&l
Tulalang nakatingin sa unahan si Mayumi, habang patuloy na nagtatalakay ang kanilang professor tungkol sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng makabagong teknolohiya sa larangan ng telebisyon at pelikula. Totoo na mas napadadali nito ang lahat at mas nagiging kaakit-akit ang isang palabas, lalo na kapag may mga tagpuan at karakter na binabago. Iyong mga historical drama, fantasy, scifi at kung ano-ano pa na kinakailangang gamitan ng animation.Alam na iyon lahat ni Mayumi dahil madalas siyang nanonood kapag nag-e-edit na ng mga video ang editor ng kanilang kompanya. Computer animation has a vital role in television and film industry. Pero kailangan din ng pag-iingat kasi minsan, hindi na nga makatotohanan ang palabas; dahil sa tinatawag na poor video editing, lumalabas din ang poor quality ng isang eksena sa pelikula man, drama o kahit sa mga patalastas.Malayo ang nilalakbay ng isipan ni Mayumi. Naroon pa rin sa naging engkwentro nila ng pro
Tahimik na nagbabasa ng kaniyang libro si Mayumi nang may tumabi sa bench na kaniyang kinauupuan. Nasa unibersidad siya noon dahil may pasok.Hindi niya ito pinansin. She was engrossed in what she was reading. Saka, para sa lahat naman ang mga bench na roon sa ilalim ng mga punong acacia kaya wala siyang pakialam kung may katabi siya.Mabilis na dumalaan ang ilang minuto na ang tanging atensyon niya ay sa libro pa rin nakatutok. Kahit alam niyang tambayan din ng ibang estudyante o guro ang mga bench na naroon, pakiramdam niya, nag-iisa pa rin siya. Distractions were the least she could think of at that place. Bukod sa malamig ang simog ng hangin, she felt at peace there.When she was about to turn the page of the book she was reading, she was stunned when a big hand extended in front of her. May hawak itong isang resealable plasctic na may sandwiches sa loob. Doon niya nilingon ang katabi sa nangungunot na noo. Subalit, kagyat din iyong nawala nang makilala kung sino ang naroon.Umayo
“Kuatro . . .” tawag sa kaniya ng Ninang Trina niya.“Yes po, Ninang.” Nakangiting lumapit siya rito saka humalik sa pisngi nito.“Itatanong ko lang kung kumusta na ang pagtuturo ng paborito kong inanak,” wika nito, pabulong lang.Natawa siya. “What is it, Ninang?” Kilalang-kilala na niya ito. Kapag ganoong may halong pambobola ang sinasabi nito, ibig sabihin, may hihingin itong pabor sa kaniya.Napakamot sa ulo ang ninang niya. “Si Charlie kasi . . . ’Di ba alam mo naman na paborito niya ang Insane5? Magpapahingi sana ako sa iyo ng autograph nila,” anito sabay gala ng mga mata sa paligi.Ang tinutukoy nitong Charlie ay ang pangalawa nitong anak na babae. Ang Insane5 naman ay isa sa mga banda at artists ng JEM Entertainment. Namamayagpag ang karera ng mga ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang panig mundo. Ang mga ito rin ang sinamahang concert ng kaniyang ama. At isa siya sa mga composer ng ilan sa mga sikat na kanta ng mga ito.“Iyon lang ba, Ninang? Akala ko na
“Lumuwas pa talaga tayo? Makakauwi naman ang tatay ninyo nang hindi natin sinusundo. I’m sure the company car will be waiting for him,” wika ng kaniyang ina habang inaayos ang sarili.Pagkatapos niyang kausapin sina Singco at Amelie; na madali namang pumayag sa plano niya, ang kanila namang inang si Bettina ang kinausap nila. Sinabi nila rito na sila na lang mismo ang susundo sa kanilang ama, tutal, pare-pareho namang wala silang mga pasok. Hindi na nakatanggi ang kanilang ina dahil tatlo sila.“Ngayon niyo sabihin sa aking hindi ka nagtatampo kay Tatay,” nakangising sabi ni Kuatro. Nasa kuwarto siya ng mga magulang at hinihintay na matapos ang inang mag-ayos ng sarili. Tinulungan pa niya itong magtuyo ng buhok nito para mapadali ang lahat, dahil kanina pa nakalapag ang eroplanong sinasakyan ng kaniyang ama.Dinner with the family ang napagkasunduan nilang tatlo. Siya na ang nag-arrange kung saan iyon gaganapin. Si Amelie naman ang inatasan niyang imbitahan ang kanilang Lola Pedring a
“So, how was your first week?” nakangiting tanong ng ina niyang si Bettina nang mabungaran niya ito sa dining table.Yumakap muna siya rito bago ito hinalikan sa pisngi. Kagigising niya lang at kapag ganoong weekend, umuwi siya sa kanila sa San Mateo kapag naroon ang kaniyang mga magulang. Minsan naman, sa Maynila lang dahil may bahay rin sila roon. Pero mas pinili pa rin niyang bumukod kahit pa anong pilit ng ina niya na huwag. Mas gusto rin naman niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. So far, sa loob ng limang taon ay maayos naman siyang namumuhay mag-isa sa condo niya.“Great! I didn’t know that teaching would be so much fun,” malapad ang ngiting tugon niya bago naupo sa tapat nito. Sumandok kaagad siya ng paborito niyang sinangag na maraming bawang at tapang baka. Hindi niya rin nakalimutang maglagay ng pritong itlog na malasado pa ang dilaw. Ganoong pagkain ang gusto niya, partikular na luto ng kaniyang ina.“Sabi ko naman sa iyo, anak. Masarap talagang magturo. At leas







