MasukJacob was tapping his fingers on the railings. Kanina pa siya sa airport— sa waiting area, pero hanggang ngayon, wala pa ang hinihintay niya.
Tiningnan niya ang relong pambisig. It was already four in the afternoon. Ang sabi sa kaniya, alas-kwatro y media raw ang dating. Napaaga nga lang siguro siya.
“I am not excited. I am just being responsible here. Kung hindi pa nga sinabi ng kapatid niya na darating siya hindi ko pa malalaman.”
Napabuntonghininga siya. Hindi niya alam kung bakit ba humantong ang buhay niya sa ganoon. He knew he did his best. Pero para bang sa kanta ni Dan Hill na Sometimes When We Touch.
It still wasn’t good enough.
“Siguro nga . . . I am not enough,” bulong niya, muling bumuntonghininga. Pagkatapos, tumingin siya sa kawalan.
He didn’t know that time passed by as he stared at nothingness for a long while. Nabasag lang ang mundong nilikha niya para sa sarili nang may magsalita sa kaniyang tabi.
“J-Jacob? What are you doing here?”
Kagyat siyang napalingon sa nagsalita. Sandali pa siyang natigilan dahil hindi niya agad nakilala ang babaeng naroon sa tabi niya.
She was petite before, but not as skinny as now. May kalaliman ang magkabilang pisngi nito, ni walang kaayos-ayos ang itsura.
“Anyah?” kunot-noong tanong pa niya, naninigurado.
Inayos nito ang suot na itim na cardigan— na lumaylay sa kanang balikat nito, pati na ang kulot-kulot nitong buhok na pabasta lang nitong tinalian sa likuran. She was wearing baggy pants and white spaghetti underneath the cardigan. May backpack itong nakasabit sa likod habang hila-hila nito sa kanang kamay ang isang malaking maleta.
“Don’t stare at me like that. This is me, Jacob. And I don’t know why you are here,” sabi nito bago inayos ang suot na salamin sa mata, makapal iyon.
Napakurap siya bago biglang sumeryoso. “Why not? Wala ba akong karapatan?”
Sandali itong natigilan, pagkuwa’y bumuntonghininga. “Why are you really here?”
“To pick you up. May dinner tayo kasama ang mga magulang natin.” Lumapit siya rito at basta na lang kinuha ang maleta nito.
“H-ha? A-anong dinner?”
“Dinner. Hapunan,” papilosopong sagot niya bago ito tinalikuran at tuloy-tuloy na nagtungo sa parking lot.
“Wait! Jacob!” habol nito sa kaniyang likuran.
Hindi naman siya huminto. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad hanggang sa makarating sa kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang trunk niyon at ilalagay na sana ang maleta ni Anyah nang pigilan nito ang kamay niya.
Napalingon siya rito.
Umiling ito, seryosong nakatingin sa mga mata niya. “No, Jacob. I am not coming with you.”
“And why is that?”
“Because . . .” Mariing nagdikit ang mga labi nito bago pumikit at hinilot ang sentido. He could see how exhausted she was, and he didn’t want to make it worse for her.
“Look, it was just dinner. Ganoon lang kasimple. Pagkatapos, uuwi na rin tayo,” aniya.
Napamulat ito at muling tumingin sa kaniya. “How that it became so simple? You, what? Invited our parents to dine with us? Why? Ano ba itong binabalak mo, ha? And please . . . may bahay akong uuwian.”
Naggalawan ang mga ugat niya sa bandang sentido maging sa leeg, dahil sa maigting na pagngangalit ng kaniyang mga ngipin.
“Yes, you have a house— our home. So, get inside the car bago pa ako sumabog dito,” kalmadong turan niya.
Napabuntonghininga ito. Alam nitong hindi na magbabago ang isip niya kaya tumalikod na lang ito at hindi na nakipagtalo pa sa kaniya. Ilang segundo pa ang ipinaghintay nito bago kumilos. Lalag ang mga balikat nitong nagtungo sa may passenger side. Sumakay ito roon nang wala pa ring imik habang nakamasid lang siya.
Nang masiguro ni Jacob na hindi na siya matatakasan pa ng babae, ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng maleta nito sa trunk ng kaniyang kotse. Saka siya naglakad patungo sa driver side at sumakay roon.
Sandali niyang binalingan si Anyah. Magkakrus ang mga braso nito habang nakatingin sa labas, halatang nag-iisip.
“Kahit ano pa’ng gawin mo, wala pa ring magbabago. We are still tied with each other. Kaya habang naririto ka sa Pilipinas, sa bahay ka natin titira. Wala rin akong pakialam kung bakit ka bumalik ka. Ang sa akin lang matuto, kang irespeto ang kung anong namamagitan sa ’tin,” malamig niyang wika, hindi maiwasang haluan ng pait ang tinig.
Sandali itong bumaling sa kaniya nang buhayin na niya ang makina ng kaniyang sasakyan. At nang umusad na sila, muli itong tumingin sa labas ng bintana.
“I’m tired, Jacob. Wala akong lakas na makipagpalitan ng mga salita sa ’yo. At kung anuman ang binabalak mo sa pagbabalik kong ito, please lang . . . itigil mo na iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang sinabi mo sa mga magulang natin para lang makasama natin sila ngayon. Pero sana . . . hindi ang iniisip ko ang ginawa mo. Because this visit is very personal for me— for us. Babalik din ako sa Amerika pagkatapos kong maayos ang mga dapat kung ayusin dito,” mahabang sabi nito.
“Wala ka namang dapat ipag-alala dahil sinabi ko lang sa kanila ang dapat nilang malaman.”
“You, what?” Napabaling itong muli sa kaniya.
“You already heard me, Anyah. Sinabi ko lang ang dapat nilang malaman. Ang tagal na panahon na rin naman mula nang magdesisyon tayong dalawa para sa mga buhay natin, kaya dapat lang na alam nila ang bagay na iyon.”
“Oh, God! No, Jacob! Bakit mo ginawa iyon?” Malakas na ang tinig nito. At alam niyang kapag ganoon ito, nagsisimula na itong mainis sa kaniya.
“Bakit, Anyah? Bakit hindi ko dapat gawin ang ginawa ko? Sige nga, ipaliwanag mo sa ’kin?” Sandali niya itong binalingan. Naniningkit na ang mapupungay nitong mga mata.
“Argh! I hate you, Jacob Adrian Lagdameo! Hindi mo alam kung gaano kalaking gulo ang ginawa mong ito.”
Bigla siyang napapreno sa narinig kaya ang mga kasunod nila ay galit na bumusina nang malakas.
“What are you doing?” sita ni Anyah sa kaniya. Nag-p-panic itong napabaling sa likuran nila dahil hindi pa rin sila umuusad.
“Jacob?”
Hindi siya sumagot. Hinayaan niya lang bumusina nang bumusina ang mga nasa hulihan. Hindi kasi makasisingit ang mga ito sa kabilang lane dahil puno rin.
“Jacob!”
Tumaas ang sulok ng labi niya. “I didn’t do anything wrong, Anyah. I didn’t do anything wrong for you to treat me like this. Hindi ako isang basura— lalong hindi ako asong puwede mong iwanan at balikan kung kailan mo gustuhin. I am a human being, may pakiramdam. Keep that in mind,” nagngangalit ang mga ngiping wika niya bago muling iniabante ang kaniyang kotse.
Natameme ito sa kaniyang tabi.
Jacob didn’t want to say those words to her, but she pushed him. He didn’t want to hurt her— that was the last thing he wanted to do. Kaso, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan niya ito. Siya pa rin ang lalaki, may karapatan pa rin naman siyang magalit— ang mapuno. Hindi nito alam ang mga pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon, ang mga naramdaman niya habang wala ito sa kaniyang tabi.
She didn’t know how he suffered and hurt so much— that it pained him to the core.
Marami pang hindi alam si Anyah sa kaniya. And it was just so hard for him. Kung alam lang nito . . .
Tahimik lang sila sa byahe hanggang sa makarating sa hotel na pag-aari nila. Isa lang iyon sa mga proyekto ng Lagdameo Home Developer na nasa ilalim ng pamumuno ni Jacob. Each passing day, palago na iyon nang palago.
Subalit, hindi lang naman negosyo ang gusto niyang payabungin. Ganoon din sana sila ni Anyah. Pero para bang ang hirap nitong abutin. He was trying his best to be better for her. Ginagawa niya ang lahat para mapantayan ang lahat ng expectations nito sa kaniya. Hindi niya rin kinalilimutang ipakita rito ang lahat ng gusto niyang pakita, pati na ang nilalaman ng puso niya.
But in the end . . . siya itong naiiwan sa ere.
Siya itong nasasaktan.
“Jacob . . .” kuha nito sa atensyon niya nang pababa na siya ng sasakyan.
Huminga siya nang malalim bago ito binalingan. “What is it now? And, please lang . . . kung pagod kang makipag-argumento, ganoon din ako.”
Tinitigan muna siya nito nang matagal bago muling nagsalita. “I just don’t want to hurt you anymore— I don’t want you to wait for me.”
Nagsalubong ang mga kilay niya, hindi agad nag-sink-in sa isip ang sinabi nito.
“Then, stay here. Huwag ka na ulit umalis. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. I could provide everything you need. Kahit nga hindi na rin ako magtrabaho kayang-kaya na nating mabuhay nang matiwasay. Kung iniisip mo ang trabaho mo sa Amerika, puwede mo rin naman iyong gawin dito. You could find a suitable job for you here. Maraming options, Anyah— kung ibubukas mo lang ang ’yong mga mata. Puwede mo ring tulungan si Cade na pamahalaan ang kompanya ninyo. That way, mas matutuwa pa ang mommy at daddy mo.”
Umiling ito. “Hindi mo ako naiintindihan, Jacob. I need to go back— I must go back.”
“Well, kung talagang iyan ang gusto mo. Pero never kong ibibigay sa ’yo ang isang bagay na mas makasasakit sa ’kin. Tandaan mo ’yan, Anyah,” mariing wika niya.
“Jacob, please . . .”
Marahas siyang napahugot ng hangin sa dibdib. “No. Sabihin mo nang selfish ako at masokista, pero hindi ako papayag. You will always be my wife, and I will always be your husband. Magiging mag-asawa tayo habang-buhay, gaya nang sumpaan natin. At walang magbabago doon, Anyah. Wala.” Pagkasabi niyon ay mabilis niyang binuksan ang p***o ng kotse at bumaba.
Gustong sumigaw ni Jacob, pero pinilit niya pa ring pakalmahin ang sarili. Siya rin naman ang pumili sa buhay na kaniyang tinahak, siya ang nagdesisyon niyon at wala nang iba. Kaya paninindigan niya iyon hanggang sa huli— kahit pa masaktan silang pareho ni Anyah.
Lakad-takbo si Anyah, nanginginig ang buong katawan. Kanina pa siya nagdadasal na sana ay ayos lang ang kaniyang asawa, pero iba ang sinasabi ng isip niya. Kagaya lang iyon noong tawagan siya ni Elias at sabihin nitong nasa ospital si Jacob at hindi pa nagigising. All negative thoughts were crumpled on her head. Kinakain niyon lahat ng matinong kaisipan niya, bumabalik din ang lahat ng mga pinagdaan niya.Even guilt flooded her whole system every time she heard bad news about her husband. And every time she thought she was needed, it was him who pushed her away.But . . . not now. Alam niyang ayos na sila, alam niyang hinihintay siya ng kaniyang asawa. Alam niya, hindi na sila babalik sa dati dahil siya mismo ang aayos ng relasyon nila.“A-ahm, miss, saan naroon ang asawa ko. I mean . . . si Mr. Jacob Lagdameo,” naginginig ang mga labing tanong niya. Ang mga kamay niyang nakapatong sa marmol na receptio
Panay ang tap ng mga daliri ni Jacob habang nagmamaneho. Nakabalik na silang mag-asawa galing bakasyon kaya balik trabaho na rin siya. Kaaalis-alis nga lang niya sa kanila pero parang gusto na ulit niyang bumalik at huwag na munang magtrabaho.F**k! He missed Anyah already!He must be so madly and deeply in love with her to feel like that. Dahil ang gusto niya, segu-segundo itong nakikita, naririnig at nararamdaman.Napailing na lang siya bago ngumiti. He checked the time on the dashboard. Alas-otso pa lang ng umaga pero pakiramdaman niya, isang taon na agad ang nakalipas.Grabe, Jacob! Isang taon agad? Hindi ba puwedeng isang araw lang o kaya isang oras? Ang OA mo, ha! Napaka-OA! Tapos kapag may nangyari iiyak-iyak ka naman at maglalasing. Naku! Huwag nga ako sa paganyan-ganyan mo! Istilo mo bulok!“Tse! Tsupe! Go away, you f**king conscience! Huwag mong
“Oh, I missed this!” malakas na wika ni Anyah habang pinapaspas ng malakas na hangin ang kanilang mga katawan. Sakay sila ng yate patungo sa kabilang pampang, sa Hacienda Monte Bello.“I know!” masayang tugon ni Jacob bago siya hinalikan sa noo.“Alam ba nilang pupunta tayo sa kanila?” tanong pa niya. Na-miss niyang mangabayo at iyon na ang pinakamagandang pagkakataon para magawa niya iyong muli.“Yes. Tita Candice insisted us to visit them. I’m sure matutuwa siyang makita tayo. She even mentioned cooking sinigang. She knew you’ll love it.”“Really?”“Yeah! Mukhang kuhang-kuha na niya ang kiliti mo.”Napangiti siya at yumakap sa baywang ng asawa. Noong unang beses kasing tumapak ang mga paa niya sa bahay nina Kristoff, iyon ang pagkaing inihayin sa kanila ng ginang. And she lo
Present . . .That’s the reason why she left— why she chose to stay in the US for a while. It was because of Jacob. She chose to follow what he wanted and not for her own sake or career. He pushed her where she couldn’t say no. Alam niya sa puso niya kung ano ang totoong dahilan kung bakit mas pinili niyang pakasalan na agad si Jacob. Gusto niyang manatili sa tabi nito, pero may iba pala itong plano para sa kaniya.Ngunit nang matagal, hindi na lang ang desisyong ginawa ni Jacob para sa kaniya ang naging dahilan ng pananatili niya sa ibang bansa. May iba pa siyang rason, pero lahat ng iyon ay sa tamang panahon na niya sasabihin dito. Kailangang makumbinsi muna niya ang kaniyang sarili na handa na talaga siya sa magiging reaksyon nito. Kailangan din niyang ihanda ang asawa para matanggap ang lahat ng mga ginawa niya.Kailangan . . . dahil mag-asawa sila.Humugot siya ng hangin sa dib
Napakurap-kurap siya. “W-what did you just say?”Sandali itong tumigil sa marahang pag-ulos at sinalubong ang kaniyang mga mata. “I am a virgin, just like you. I know it sounds weird, pero totoo ang sinasabi ko. Sabihin na nating hindi naman ako lumaki sa konserbatibong pamilya. Mas tamang sabihin na moderno ito at bukas sa lahat ng posibilidad. But because I respect my mother so much and her rules, I promised to myself that I will preserve my virginity until I met the woman who won’t just captured my heart, but also my soul. Na ibibigay ko lang ito sa babaeng mamahalin ako nang sobra-sobra kahit pa maloko ako at pilyo. And that is you, Anyah . . . That is you,” pag-amin nito.“Oh, Jacob!” Sa labis na kasiyahang nadarama, siya na mismo ang tumawid sa pagitan ng mga mukha nila. Ipinadama niya rito ang nag-uumapaw na galak
Parang may sariling isip ang kaniyang mga paang naglakad patungo rito, habang nananatiling magkahugpong ang kanilang mga mata. It was like what she’d seen in movies as she slowly lifted her hand and touched his bare chest. Marahas na paghinga ang naging tugon doon ng kaniyang asawa. She bit her lip as her gaze moved down to where her fingers doing motions she can’t control. Nakasunod lang ang kaniyang mga mata sa bawat gawin niyon— para bang nasaniban ng kung ano. Nag-uumapaw rin ang dibdib niya sa pananabik na tuklasin ang mga bagay-bagay, na lalong nagpatindi sa apoy na kaniyang nararamdaman.Dama niya ang pagkontrol ni Jacob sa kung anong emosyong lumukob dito, hanggang sa dumako ang mga mata niya sa perpektong abs nito. Para iyong iginuhit ng isang napakagaling iskultor. It was well-proportioned, hard, and bulky.







