Share

CHAPTER 2

Author: Gael Aragon
last update publish date: 2026-07-24 10:56:08

“Anyah, anak, is that you?” tanong ni Mrs. Anayah Montenegro na kadarating lang, kasama ang asawa nitong si Mr. Clark Montenegro. They were his in-laws starting that day.

Larawan sa mukha ng mag-asawa ang matinding gulat at pag-aalala. Kahit naman siya ay ganoon din ang naging reaksyon kanina. He was wondering if Anyah was sick. Baka iyon ang dahilan kaya babalik ito ng Amerika. Baka magpapagamot ito, kaya mas lalo siyang nabagabag.

Kung tanungin mo na lang kaya? Kaysa naman isip ka nang isip kung ano nga ba ang rason niya para umalis muli? Asked her, idiot! sigaw ng isang bahagi ng kaniyang isip.

Tama rin naman. Subalit, kung susundin niya iyon, magagawa ba niyang paaminin si Anyah? Magsasabi ba ito ng totoo? He knew how hardheaded she was. Mas matigas pa ang ulo nito sa kaniya. At hindi lang iyon, matigas din ang kalooban nito.

She’ll just make excuses to get away with me. Iyon ang hindi ko naman papayagang mangyari.

“Mommy . . . Daddy . . .” maluha-luhang wika ng kaniyang katabi. Kagyat itong tumayo at sinalubong ng mahigpit na yakap ang mga magulang.

Tumayo rin naman siya bilang pagbibigay galang sa mga ito. At nang maghiwalay ang tatlo, binalingan siya ng byenang lalaki.

“Jacob, bakit naman ganito ang itsura ng anak ko? Akala ko ba maayos ang lagay niya sa Amerika? Hindi ba iyon ang sabi mo sa amin?” may halong panunumbat na wika nito.

Mabuti na lang at wala pa roon ang kaniyang mommy at daddy. Tiyak na may sermon siya sa kaniyang ina kapag nagkataon.

“A-ano’ng ibig niyong sabihin, daddy?” Napabaling si Anyah sa kaniya. “Ano’ng sinasabi niya na sinabi mo?”

“Hija, noong malaman namin last year na kasal na kayo, agad naming tinanong kung kumusta ka na. That’s what he said. Ang sabi niya, maayos na maayos ang lagay mo at busy palagi sa trabaho, kaya hindi ka masyadong nakakatawag sa amin,” ang ama nito ang sumagot habang nakatingin pa rin sa kaniya, maging si Anyah. At hindi nakaligtas kay Jacob ang pagdaan ng guilt sa mga mata ng babae.

“Ahm . . . Hindi ko po pala nabanggit sa inyo na nagkasakit siya last month. Nagkaroon po siya ng matinding flu kaya medyo pumayat,” sabi niya. Hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang mga mata ni Anyah. Mas lalo kasing lumarawan doon ang guilt na nadarama nito.

Alam ni Anyah na pinakaaayaw niya ang magsinungaling. But for her, he abandoned his principles.

Only for her,

“Hija, bakit hindi mo naman agad sinabi? Kung hindi pa sa palagiang pag-u-update ni Jacob sa amin, wala kaming magiging balita sa ’yo. Ganoon ka ba talaga kaabala sa trabaho mo?” sabi ng ina nito.

Napatingin dito si Anyah. “Ahm . . . I-I’m sorry, mommy . . . daddy. Marami po talagang ipinaaasikaso sa akin ang kompanya namin. Alam niyo na, challenging ang maging managing director ng isang sikat na architectural firm sa buong mundo. Kung saan-saan po ako nakakarating kaya madalas ay nakakalimutan ko kayong tawagan. But, anyway, thankful po akong may nagbabalita naman sa inyo,” mahabang paliwanag nito.

“Iyan pa ang isa. Bakit hindi mo sinabing nagpakasal na kayong dalawa, ha? We know na kayo ang magkakatuluyan, pero bakit naman sinekreto pa ninyo? And why did you want a wedding just the two of you, ha? Ayaw mo bang masaksihan namin ang kasal ninyo?” patuloy ng byenan niyang babae.

“No, mom. It’s not that . . .”

“Ang totoo po, plano namin na civil muna kasi nga may job offer siya noon sa America. I just wanted to make sure na hindi na siya makakawala pa sa akin. Siguro, baka next year po matuloy na ang church wedding,” singit niya bago inakbayan si Anyah. Naramdaman niya ang mahinang pagpiksi nito pero hindi niya ito pinakawalan.

He knew she was protesting from what he did and spoke. Hindi lang ito makaalma dahil kaharap ang mga magulang nito.

“Bye the way, mano po pala. Nauna po kasi ang tanungan kaya hindi ako makasingit,” pabirong wika niya bago inabot ang kamay ng dalawa. Napangiti naman ang mga ito.

“You really haven’t changed. Magalang at marespeto ka pa ring bata,” anang byenan niyang babae, may ngiti na sa mga labi.

“Naku, mare, sinabi mo pa,” singit ng tinig na iyon mula sa kanilang likuran.

Kagyat na lumarawan ang malapad na ngiti sa mga labi ni Jacob nang bumaling doon. There, he saw his mother and father. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng mga ito sa pagdaan ng panahon. At para bang habang tumatagal, mas lalong nakikita ang kagandahang lalaki at babae ng mga ito. Hindi rin nawawala ng kislap sa mga mata at ang matinding pagmamahal sa isa’t isa. They were still madly and deeply in love with each other. Kitang-kita iyon sa pagkakaangkla ng braso ng kaniyang ina sa kaniyang ama.

“Mom . . . Dad.” Lumapit siya sa mga ito at nagmano. Pagkatapos, hinalikan niya sa pisngi ang ina.

“Ano? Nasaan na si Anyah?” anang mommy niya.

“T-tito . . . T-tita . . .” mahinang wika nito sa kaniyang likuran.

“Anyah? Ikaw ba iyan, hija?” gulat na wika ng kaniyang ina nang makita ito nang tuluyan.

Kiming ngumiti ito sa kaniyang ina. “A-ako nga po.”

“Oh, I’m so sorry. Hindi agad kita nakilala.” Nilapitan ito ng kaniyang ina at walang sabi-sabing niyakap. Sandaling natigilan si Anyah, pero nakuha rin naman nitong gumanti ng yakap.

“Grabe! Bakit ang laki yata ng ipinayat mo? At teka, stop calling us tito at tita. You are my daughter-in-law now, so call us mommy and daddy,” anang kaniyang ina nang pakawalan ito at titigan sa mga mata.

“Ahm . . . Okay po.”

“Bakit ba naman kasi nagpakasal-kasal kayo nang hindi namin nalalaman?” Tumingin ang kaniyang ina sa kaniya. Nasa mga mata nito ang panunumbat. “Tandaan mo, hindi ka pa nakakabawi sa akin. Hindi pa rin ako okay sa ginawa mong paglilihim. You know what my rules are, right?” sabi nito sa kaniya.

Ngumiti si Jacob sabay kamot sa ulo. “Mommy, I told you, ginawa ko lang iyon para makasigurong hindi na makakawala pa sa akin si Anyah.”

“Naroon na nga tayo. Sana ipinaalam niyo man lang sa amin para nakapunta kami. Kami pa rin naman ang mga magulang ninyo at ang ganito kaimportanteng bagay ay hindi dapat kami isinasawalang-bahala. You know, I still wanted to see all my children getting married to their love one’s— and that includes you.” Bumaling ng kaniyang ina sa mga magulang ni Anyah.

“Pasensya na kayo dito sa anak namin. Minsan talaga, may ganoong ugali ito. Basta na lang nambibigla,” sabi nito.

“It’s okay, Chesca. We understand. Ganoon talaga ang mga anak natin kapag lumalaki na. Minsan, nakakalimutan na nila tayo. Minsan, akala nila hindi na tayo kasama sa kanilang pagdedesisyon.”

“Mom . . .” ani Anyah sa ina nito.

“Hindi naman kami galit sa inyong dalawa dahil hindi na rin naman kayo babago sa isa’t isa. You’ve known each other for almost nine years. Kilala na rin namin kayong pareho. And, Anyah, it’s really fine with us because you didn’t marry a stranger. Dahil magwawala talaga ako kung ibang lalaki ang pinakasalan mo. Ang sa amin lang, maanong nasabihan niyo man lang kami. Hindi naman namin kayo pakikialaman sa desisyon ninyo dahil nasa edad na rin kayo. And like what Chesca said, magulang niyo pa rin kami,” mahabang wika ng kaniyang byenang babae.

Nagkatinginan sila ni Anyah. Nakikita niya ang paninisi sa mga mata nito na binalewala lang niya.

“We’re really sorry po talaga. Babawi na lang po kami sa pangalawang kasal namin. Imbitado na po roon ang lahat,” sabi ni Jacob bago muling inakbayan si Anyah.

“Dapat lang dahil kung hindi— kalimutan mo ng nanay mo,” nakaingos na wika ng kaniyang ina.

Natawa naman sila.

“Paano, tama na ang sermon sa dalawa? Maupo na tayo at nang makakain n7a. Tiyak na pagod din itong si Anyah dahil kadarating din lang,” singit ng kaniyang ama.

“Oo nga. Tama si Leandro. Kumain na muna tayo. Kailangan ni Anyah iyan para naman magkalaman,” sang-ayon naman ng byenan niyang lalaki.

Naupo nga silang lahat sa harap ng lamesa habang panay ang kwentuhan. Game na game naman siyang sumagot sa mga ito kapag tinatanong siya. Si Anyah, sumasabay rin naman sa usapan kaso, minimal lang ang mga sagot nito.

Technically, iyon ang unang beses na magsasalo-salo sila bilang iisang pamilya. Dahil nga madalian ang lahat noon, hindi na nila nagawang makausap ang kanilang mga magulang. Pagkatapos, saglit lang din noon si Anyah sa bansa.

“So, babalik ka pa ba sa Amerika, hija?” tanong ng kaniyang mommy rito.

“Opo. Hindi pa po kasi tapos ang kontrata ko.” Sinundan iyon ni Anyah ng isang matamis na ngiti.

“Ganoon ba? Akala ko pa naman may pag-asa na kaming magkaapo sa inyo,” hirit pa ng kaniyang ina.

Napaubo si Anyah. Agad naman niya itong inabutan ng tubig.

“Ay, sus! Sadyang doon kayo pupunta ni Jacob, hija. Sooner or later, magkakaanak kayong dalawa,” segunda naman ng byenan niyang babae.

“Honey, pabayaan na muna natin sila. Alam ko, may plano ang dalawang iyan. Hindi ba, mga anak?” baling sa kaniya ng byenan niyang lalaki.

“Oho naman, dad. Hindi naman iyon mawawala.” At pagkasabi niyon ay tiningnan niya ang katabi. Nakayuko ito sa pagkain kaya hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito.

“Good! Basta, take your time,” sabi pa nito na ikinatango niya.

Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkukuwentuhan. Pero dahil alam ng mga magulang nilang pagod si Anyah, kaya maaga ring natapos ang dinner nila. Nangako naman sila sa mga ito na mauulit iyon kahit hindi siya sigurado kung totoo ngang mangyayari.

That’s because of Anyah. Nasa kamay nito ang magiging takbo ng lahat sa paparating na mga araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 44

    Present . . .That’s the reason why she left— why she chose to stay in the US for a while. It was because of Jacob. She chose to follow what he wanted and not for her own sake or career. He pushed her where she couldn’t say no. Alam niya sa puso niya kung ano ang totoong dahilan kung bakit mas pinili niyang pakasalan na agad si Jacob. Gusto niyang manatili sa tabi nito, pero may iba pala itong plano para sa kaniya.Ngunit nang matagal, hindi na lang ang desisyong ginawa ni Jacob para sa kaniya ang naging dahilan ng pananatili niya sa ibang bansa. May iba pa siyang rason, pero lahat ng iyon ay sa tamang panahon na niya sasabihin dito. Kailangang makumbinsi muna niya ang kaniyang sarili na handa na talaga siya sa magiging reaksyon nito. Kailangan din niyang ihanda ang asawa para matanggap ang lahat ng mga ginawa niya.Kailangan . . . dahil mag-asawa sila.Humugot siya ng hangin sa dib

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 43

    Napakurap-kurap siya. “W-what did you just say?”Sandali itong tumigil sa marahang pag-ulos at sinalubong ang kaniyang mga mata. “I am a virgin, just like you. I know it sounds weird, pero totoo ang sinasabi ko. Sabihin na nating hindi naman ako lumaki sa konserbatibong pamilya. Mas tamang sabihin na moderno ito at bukas sa lahat ng posibilidad. But because I respect my mother so much and her rules, I promised to myself that I will preserve my virginity until I met the woman who won’t just captured my heart, but also my soul. Na ibibigay ko lang ito sa babaeng mamahalin ako nang sobra-sobra kahit pa maloko ako at pilyo. And that is you, Anyah . . . That is you,” pag-amin nito.“Oh, Jacob!” Sa labis na kasiyahang nadarama, siya na mismo ang tumawid sa pagitan ng mga mukha nila. Ipinadama niya rito ang nag-uumapaw na galak

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 42

    Parang may sariling isip ang kaniyang mga paang naglakad patungo rito, habang nananatiling magkahugpong ang kanilang mga mata. It was like what she’d seen in movies as she slowly lifted her hand and touched his bare chest. Marahas na paghinga ang naging tugon doon ng kaniyang asawa. She bit her lip as her gaze moved down to where her fingers doing motions she can’t control. Nakasunod lang ang kaniyang mga mata sa bawat gawin niyon— para bang nasaniban ng kung ano. Nag-uumapaw rin ang dibdib niya sa pananabik na tuklasin ang mga bagay-bagay, na lalong nagpatindi sa apoy na kaniyang nararamdaman.Dama niya ang pagkontrol ni Jacob sa kung anong emosyong lumukob dito, hanggang sa dumako ang mga mata niya sa perpektong abs nito. Para iyong iginuhit ng isang napakagaling iskultor. It was well-proportioned, hard, and bulky.

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 41

    Sa Isla del Paraiso sila tumuloy ni Jacob pagkatapos nilang maikasal. That was the very first time she went there, and it was like magic. It captured her heart in an instant. Hindi iyon kayang ikumpara sa kahit na anong lugar, maging sa kanilang probinsya o sa kanilang resort. Because that place seemed to be a place where you could be yourself without thinking of what others might say. Para ka ring inilapit niyon sa kalikasan dahil halos hindi naman ginalaw ang buong lugar. Ayon na rin kay Jacob, ang mismong resort lang kung saan naroon ang mga log cabin ang naidagdag doon, pati na ang pavilion, restaurant at staff house, kaya excited na siyang makita iyon. Pakiramdam din niya, para silang ibinalik sa lumang panahon dahil sa kabayong sinasakyan nila. Iyon ang isa sa panghatid-sundo ng resort kapag ang guests ay sakay ng chopper. Idagdag pang namamangha talaga siyang makakita ng mga sulo na nasa magkabilang gilid ng daan, at siyang tangi ni

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 40

    Dalawang taon. Kaybilis nitong lumipas na hindi na halos namalayan pa ni Anyah. Marami ang nangyari; ilang beses na ring sinubok ang katatagan niya, maging ang relasyon nila ni Jacob. Subalit dama niyang sa paglipas ng mga araw, mas lalo pa itong tumibay.Mas lalo pang yumabong ang pagmamahalan nila.“Do you think this is too fast?” tanong sa kaniya ni Jacob. Hindi nito binibitawan ang kamay niya habang magkasama sila sa loob ng sasakyan nito. Nasa Pilipinas na sila, tapos na ang kaniyang masteral. And she can’t wait to take the next milestone of her life with him.“This is not too fast. Well . . . that’s for me. Hindi ko lang alam kung ikaw nabibilisan ka,” sagot niyang hindi nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi.The night outside was beautiful.

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD    CHAPTER 39

    Natigil ang lahat sa lakas ng tinig na iyon ni Jacob. Napatingin din ang mga ito sa kanila. Ngumiti naman siya sa mga ito, nais iparating na wala silang problema.“Jacob . . .” mahinang usal niya na may halong babala nang muli itong balingan. Hindi na matigil-tigil ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib dahil sa nakikitang kaseryosohan sa mukha nito.Hindi ngumingiting huminga ito nang malalim, titig na titig sa kaniyang mga mata. She wanted to avoid his gaze because it made her really nervous, pero ayaw naman niyang isipin nitong umiiwas siya. “Tell me you’re joking.”Marahan ang ginawa niya pag-iling. “No— and, please . . . listen to me first,” mabilis niyang sabi nang makitang muli sana itong magsasalita.“Alright . . . Pero huwa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status