MasukJacob heard noises around him, but he didn’t want to know what it was. Kaya nagpatuloy lang siya sa kaniyang pagpikit hanggang muling maglakbay ang diwa niya sa kung saan. He didn’t know kung ilang oras na ba siyang nakatulog o kung nasaan siya. Mas natuwa pa siya dahil tila ba nawala ang lahat ng bigat na pasan-pasan niya. Na pansumandali, nakahinga siya nang walang kahit na anong inaaalala. Epekto man iyon o hindi ng kaniyang ginawa, ang importante, naging payapa ang isipan niya
Nakangiting pinagmamasdan ni Anyah ang kaniyang asawa sa himbing nitong pagtulog. Hindi na sila nakalabas ng kanilang cabin dahil magdamag nila roong pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Iyon ang pangatlong beses na naramdaman niyang tama ang naging desisyon niya— ang muling piliin ang asawa.“I will always love you, Jacob— noon, ngayon at sa darating pang mga bukas,” wika niya kasabay ng pagtulo ng dalawang butil ng mga luha sa kaniyang mga mata. Madali niya iyong pinahid pagkuwa’y hinaplos ng isang palad ang pisngi nito.“I don’t really know exactly the reason why you said those words— why you are mad at me. Yes, aminado akong dumating din ako sa puntong nais ko ng bumitaw. Pero kagaya mo, sa mga nakalipas na araw na nagsama tayo mula noong umuwi ako, nanumbalik ang lahat sa ’kin. Naaalala kong muli ang lahat ng dahilan kung bakit ikaw ang pinili ko— kung bakit ikaw an
Jacob really appreaciated Anyah’s actions since he got out of the hospital. Para ngang walang nangyari, eh. Parang hindi lumipas ang limang taon. Nakikita rin niya ang pagsisikap nitong ibalik sa dati ang lahat kahit hindi naman niya iyon hinihiling dito. Ang gusto lang naman talaga niya ay magpatuloy sila— subukang muli ang kanilang relasyon. At kung ano man ang mga problema nitong naiwan sa Amerika, tutulungan niya itong harapin iyon kung hihilingin nito. Pangangatawan niya ang binitawang salita nang ikasal sila. Sa hirap at ginhawa, sasamahan niya ito.Ipinagpasalamat niya ring puwersahan siyang pinag-leave ng kaniyang ama. Sa ngayon, ang kaniyang Kuya Enrico ang namamahala sa kompanya niya habang sila naman ni Anyah ay napagdesisyunang magbakasyon sa Isla del Paraiso.“This wasn’t our first time here; do you remember that?” tanong niya bago binalingan ang asawang akbay-akbay niya, habang naglalakad sila sa g
“Ay, oo nga pala. Hindi ko nabanggit na dumating kahapon ang asawa mo. Naku, ikaw talagang bata ka! Talagang pinag-alala mo kaming lahat. Bigla tuloy napauwi itong si Anyah kahit maraming inaasikasong trabaho sa Amerika,” sabi ng kaniyang ina. Nilapitan pa nito si Anyah para makipagbeso. Pagkatapos, ikinawit nito ang kamay sa braso ng kaniyang asawa at sabay na naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Hindi inaalis ni Anyah ang mga mata sa kaniya. Nakikita rin niya roon kung gaano ito nag-aalala.O, nagpapakata**a ka na naman? Jacob, huwag mo nang paasahin ang sarili mo. Huwag mo nang asahan na nag-aalala nga siya sa ’yo dahil hindi iyan totoo— hindi talaga! saway ng isang tinig sa kaniyang isipan.Huminga siya nang malalim at pilit pinakakalma ang pusong kanina pa kumakabog nang mabilis. Ni hindi nga niya naririnig ang kaniyang ina sa kung anong sinasabi nito. Sa nakikita niya, walang kaalam-alam ang mga ito s
Jacob heard noises around him, but he didn’t want to know what it was. Kaya nagpatuloy lang siya sa kaniyang pagpikit hanggang muling maglakbay ang diwa niya sa kung saan. He didn’t know kung ilang oras na ba siyang nakatulog o kung nasaan siya. Mas natuwa pa siya dahil tila ba nawala ang lahat ng bigat na pasan-pasan niya. Na pansumandali, nakahinga siya nang walang kahit na anong inaaalala. Epekto man iyon o hindi ng kaniyang ginawa, ang importante, naging payapa ang isipan niya.However, that happiness and peace of mind didn’t last long. Dahil ang taong malakas at wala namang kahit na anong sakit, kahit na anong pilit pang magkaila sa sarili, kahit anong pilit pang iwasan ang lahat, magigising at magigising pa rin ito sa katotohanan. And when Jacob woke up, reality hit back again like a thunderstorm.Matagal niyang tinitigan ang puting kisame. He was sure that he was not at home. Naaamoy niya rin ang sinasabi nilang amoy
Jacob wasn’t breathing at all. Kanina pa siya umiinom pero parang wala pa rin iyong epekto sa kaniya. Nakaubos na siya ng dalawang bote ng vodka pero gising na gising pa rin ang diwa niya.“F**k!” Ibinato niya ang wala nang lamang bote sa dingding. Nagkadurog-durog iyon at tumilapon kung saan-saan ang mga bugbog. Pagkatapos, napasapo ang dalawang kamay niya sa ulo habang nakatuon ang mga siko niya sa ibabaw ng lamesa.Hindi siya nagpakita kay Anyah kapahon. Hindi niya ito kayang harapin— tanungin kung sino ang batang lalaking kasama nito, pati na ang lalaking iyon.He just can’t ask her.Pakiramdam niya kasi buong pagkatao niya ang nadurog. Ni hindi niya alam kung paano pa ba ibabangon ang sarili sa pagkakataong iyon. Kung kakayanin ba talaga niya ang sakit na dulot ng ginawa nito.Kaya sa halip na kausapin si Anyah, he headed straight back to San Fr
Panay ang buntonghininga ni Jacob. Hindi niya alam kung tama ba talaga ang ginawa niyang iyon. Alam niyang malaki ang magiging epekto niyon sa kaniyang buhay, pero ang sabi ni Cade, iyon talaga ang nararapat niyang gawin. Hindi na rin kasi nito gustong patagalin pa ang paghihirap niya. Cade was so understanding that he sympathized with him. Ayaw man nitong sabihin iyon sa kaniya dahil alam daw nitong hindi niya iyon magugustuhan, pero hindi naman daw nito gustong manahimik na lang sa isang tabi at panoorin siyang mas lalo pang masaktan.Nauunawaan naman niya ang lalaki. Nauunawaan niyang sa lahat ng iyon, mas matimbang pa rin dito ang pamilya. Kaya nga, pagkatapos ng mahabang deliberasyon ng kaniyang isip at puso, umabot na rin siya sa puntong iyon. At hindi talaga niya mapigilan ang kabahan nang husto. Parang gusto na lang niyang umatras ngunit paano? Naroroon na siya.“Sir?”Napalingon siya sa kaniyang gili







