Share

CHAPTER 6

Author: Gael Aragon
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-29 16:30:28

“Saan mo na naman ba ako dadalhin?” tanong ni Anyah kay Jacob habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada ng Green Sky Village.

“Sa club house. Hindi ba hindi mo pa naman nalilibot ang lugar na ito?”

Tumango ito. “Yeah. But you already told me that your family owned this place.”

“Yes. And my company was the one handling this place.”

“So, ikaw mismo ang nagdisenyo ng lugar na ito?”

Umiling si Jacob. “Not exactly. Marami kaming tauhan at experts na siyang gumawa ng mga plano based on our suggestions. I mean, me and my brothers.”

“You mean Enrico and Alejandro?”

“Yes.”

Tumigil si Jacob. Ganoon din naman ang ginawa ni Anyah.

Iginala niya ang mga mata sa paligid, hindi nawawala ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. “This place is my safe haven— my paradise. Sa lugar na ito nagiging malaya ako at lumalabas ang totoong ako habang napaliligiran ng aking mga kaibigan. And I know, they feel the same way.”

“With tight security, hindi naman na iyan nakakamangha,” komento nito.

“That is why we pay higher for our security. Isa pa, hindi na rin naman iba ang may-ari ng security company na kinuha ko. It was owned by Jace’s family. He also lived here kaya alam niya kung paano pangangalagaan ang lahat.”

Tumango ito. “Wala pa ba siyang asawa?”

Napataas ang dalawang kilay niya. May dalawang linggo na rin silang magkasama ni Anyah at napapansin niyang hindi na ito kagaya noong una na parang laging takot kahit na ang makita lang siya. She was very aloof for the first few days. Ngayon, nakukuha na nilang mag-uusap nang hindi naghahamunan at nagkakasakitan.

Peaceful.

That’s the exact description of their relationship at the moment.

“Jace and Harvey were still bachelors, same as Monte Bello’s and Alvarez’s. Mga takot yatang mag-asawa,” sagot niya.

“At kayo? Hindi?” Tumingin ito sa kaniya.

“Nakitaan mo ba ako ng takot nang yayain kitang magpakasal noon?”

Hindi ito nakasagot kaya natawa siya. “Takot din naman ako— hindi ko iyon ikakaila. Pero dahil alam kong ikaw ang makakasama ko sa habang-buhay, lumalakas ang loob ko. But hear me now, Anyah. You know everything about me. You know what scares me the most. At sana, hindi tayo humantong sa ganoong punto.”

“Jacob . . .”

“I will always love you, Anyah. It won’t change— not ever. Ikaw lang ang pag-aalayan ko ng lahat, puso, kaluluwa— buong pagkatao ko. Iyong-iyo ako, Anyah. Hindi ko rin hinihinging ibalik mo sa ’kin ang kung anong ginagawa, ipinakikita at ipinadarama ko sa ’yo. Sapat na sa akin ang manatili kang nariyan kahit pa nasa malayo ka. Sapat na sa aking nakakasama kita nang ganito. Sapat na ang nadarama ko paminsan-minsan ang init ng ’yong balat, ang marinig ang tinig mo. Sapat na ang dahilan na hindi mo ako iiwan. Sapat na ang lahat ng iyon sa akin, Anyah.”

Umangat ang kamay niya at masuyong dumampi iyon sa pisngi nito. Kagyat naman itong napapikit kasabay ng paghinga nang malalim.

“I hope you still chose me above all. I hope you can find it in your heart to say everything you wanted to say. You know, I want to help you. Hindi ko lang alam kung paano dahil wala ka namang sinasabi,” pagpapatuloy niya.

Nagmulat ito ng mga mata. Naroon na naman ang matinding takot at pangamba na paminsan-minsan ay nakikita niya. “J-Jacob . . . it’s hard for me also. I . . . It’s just that—”

“No rush, Anyah. Hindi ako nagmamadali. Maghihintay ako. Magaling naman ako diyan.” Natawa siya. “Isa yata sa traits naming mga Lagdameo ang maghintay kahit na gaano pa katagal, kahit pa mangulubot ang balat ko at magkaroon ng puting buhok. I am willing to wait until you finally come to me.”

Lumunok lang ito habang mariing kagat-kagat ang mga labi.

He wanted to assure her that everything will be fine kaya ngumiti siyang muli rito bago ito hinawakan sa palad.

“Tara na . . . Baka mamaya kaunin na tayo ng mga ga**,” yaya niya rito saka ito bahagyang hinila. Nagpatianod naman ito.

Actually, ang mga kaibigan niya talaga ang nag-imbita sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang mayroon, pero pinapupunta sila ng mga ito sa clubhouse. Wala naman kasing okasyon. He knew his friend’s birthdays— and sometimes, their wives too. Sa kaniya kasi sila humihingi ng tulong sa mga diskarte kung anong klaseng date ang mas maganda at unique. Alam na alam ng mga ito na roon siya eksperto. He also knew even their anniversaries— which he’s always been present on their wedding day, and the birthdays of his inaanak.

Walang sinabi ang mga uto-uto niyang kaibigan kung ano ang susuotin. Kaya naman pareho lang sila ni Anyah na nakapambahay. Siya, naka-walking shorts na kulay asul at T-shirt na kulay puti, habang ito naman ay nakasimpleng bestida na bulaklakin. Hanggang tuhod nito iyon na may kapares na flat na tsinelas. Siya naman ay slip-on sandals.

“Jacob . . .” basag ni Anyah sa kanilang katahimikan.

“Hmm . . . ?” Bahagya niya itong nilinga. Nakatutok ang mga mata nito sa nilalakaran nila.

Ilang sandali ang dumaan pero wala siyang narinig na kung ano rito. Napahinga na lang siya nang malalim hanggang sa makita niya ang bungad ng club house. Malawak iyon, parang isang mini golf course kaya ginagawa rin nila iyong helipad kung minsan. Ginagamit din nila iyon for special occasions. Mayroon din iyong dalawang swimming pools na kapag pinagsama ay isa ng olympic size. May fountain iyon sa gitna ng pinakaistrukturang naroon, may mga halamang namumulaklak at hindi, mga puno, orchids, benches, playground, at kung ano-ano pa. Para na iyong isang park kung susumahin. Kaya madalas ay marami rin doong tumatambay kasi naka-r-relax talaga.

“O, nandito na ang mag-asawa,” anunsyo ni Kristoff na siyang unang nakakita sa kanila.

Napataas ang isang kilay niya nang makitang halos kumpletong naroon ang kaniyang mga kaibigan, mga asawa ng mga ito at mga anak na masayang naghahabulan sa playground, habang ang mga baby pa ay kasama ang kani-kanilang mga yaya. May mga pagkain sa isang mahabang lamesa at may hindi hihigit sa sampu ring pares ng mga lamesa at upuan sa paligid. Syempre, hindi nawawala ang inumin.

“Ano namang meron ngayon, ha?” tanong niya sa mga ito.

“Aba, Lagdameo, ito ang opisyal na selebrasyong inihanda namin para sa ’yo,” sagot ni Kuatro.

“Opisyal na selebrasyon? Para saan?”

“Eh, ano pa? Eh, ’di sa pagiging Andres!” ani Brayden na ikinatawa ng lahat.

Umasim ang mukha niya. “Ikaw talaga, Fontanilla, wala kang kadala-dala ano? Julienne,” baling niya sa asawa nito na kasama ang mga kababaihan, “nakainom na ba ng gamot itong asawa mo? Mukhang hyper na naman.”

“Tsk! Pagpasensyahan mo na. Ganoon talaga ang mga isip-bata,” sagot naman ni Julienne na lalong ikinalakas ng tawanan na may halong kantyawan.

“Julie, naman . . . Gumagawa nga ako ng bata tapos sasabihin mong isip-bata?” kakamot-kamot sa ulong reklamo ni Brayden kaya muling naghiyawan ang lahat.

“Brayden Eice Salviejo Fontanilla! Ang bibig mo!” Inis na pinanlakihan ito ng mga mata ni Julienne na namumula.

Madali namang tumakbo sa tabi nito si Brayden at kaagad itong sinuyo. Para bang normal na sa kanilang mga kalalakihan na kapag tinawag sa buong pangalan ng kanilang mga asawa, matakot na dahil tiyak na gyera ang sunod na magaganap.

“Sus! Mahina pala iyang pinsan mo, Elias. Natawag lang sa buong pangalan bahag na ang buntot,” komento ni Lucas.

“Para sabihin ko sa ’yo, ganiyan din ang mangyayari oras na mag-asawa ka,” sabat ni Zhione.

“Tsk! Mga loko-loko kamo kayo kaya ganiyan,” hindi patatalong wika ni Lucas.

“Ui, Lagdameo, baka gusto mong opisyal na ipakilala sa amin si Anyah bilang asawa mo? Aba, kanina pa rin kami nangangawit dito sa paghihintay sa inyo, ha,” ani Skyler.

“Eh, bakit? Ako ba ang may pakana nito?” Nakaramdam siya ng pinong kurot sa tagiliran kaya napatingin siya kay Anyah na nakaplaster ang kiming ngiti sa mga labi. Tahimik lang itong nag-oobserba sa mga naroon. She was particularly staring at the kids on the playground. There was even a glow in her eyes, and he could feel that she was excited.

Muling napataas ang isang kilay niya. “Gusto mo bang makipaglaro sa kanila?”

“H-ha?” Napatingala ito sa kaniya

“I said, kung gusto mong makipaglaro sa mga bata, wala namang problema.”

“Ahm . . . Mamaya na lang. Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo.”

“Eh, mas maigi namang makipaglaro ka na lang kaysa ga**hin ng mga ulupong na ’yan.” Tiningnan ni Jacob ang mga kaibigan na may kakaibang ngisi sa mga mukha.

“I-it’s okay. For formality na lang naman. We already know each other.”

“Tama naman si Anyah, Lagdameo. Halika na para makapagsimula na tayo dahil baka mamaya magyaya na ang mga iyan. Alam mo naman, mga takusa,” wika ni Kristoff na umakbay pa sa kaniya kasunod ng malutong na tawa.

“Ulol! Hihintayin ka talaga naming mag-asawa para magkaalaman kung sino ang matibay,” ani Elias dito.

“Baby, ang bibig mo . . .” saway dito ni Essang.

Kagyat na napatikom ang bibig ni Elias, halatang na-tense nang marinig ang kalmadong tinig ng asawa.

“Kung ganiyan din lang ang magiging buhay ko, hindi na lang ako mag-aasawa. I will be a bachelor for life!” deklara ni Kristoff.

“Huwag kang magsalita ng tapos, Kris. Baka mamalayan mo na lang kumakatok na sa p***o mo ang aasawahin mo at may dala pang anak,” singit naman ni Mayumi na ikinatawa ng lahat.

“Doon ka tapos,” ani Harvey sa pagitan ng pagtawa. Sinamaan naman ito ng tingin ni Kristoff.

“Sus! Tama na nga iyan,” saway ng kaniyang Ate Autumn habang nakatingin sa kaniyang Kuya Enrico.

“Oo nga. I’m sure most of you already knew Anyah, pero may ibang girls na hindi pa. Right?” Tumingin si Veronica sa kaniyang asawa na tahimik lang sa isang tabi. Ngunit, hindi naman nawawala ang ngiti sa mga labi nito. He was sure that Anyah was enjoying the boy’s playful banter.

“Oo nga. Halika na rito sa grupo namin. Hayaan mo na sila diyan,” yaya dito ni Summer. Lumapit pa ito at pinaghiwalay ang kanilang mga kamay para igiya ito sa table ng mga kababaihan.

“What do you want to eat nga pala?” tanong naman ni Mhia rito habang paupo na.

“Anything naman kinakain ko,” kiming wika nito.

“Ayon! Mabuti naman. By the way, huwag ka nang mahiya sa amin dahil walanghiya naman ang asawa mo— este, walang kahihiyan sa katawan.” Lumingon pa sa kaniya si Julie bago nag-peace sign. “Naaalala mo pa ba ako? Ako ang babaeng kasama noon ni Jacob sa mall nang sampalin mo siya,” dagdag pa nito na ikinakamot niya sa ulo.

“Ah, yeah! I remember you. Sorry nga pala doon. Siguro nagulat ka sa ginawa ko,” sagot ni Anyah.

“Medyo. Pero sabi ko sa isip ko, dapat masanay na ako kasi pilyo talaga ang asawa mo.” At sinundan iyon ng hagikhikan ng mga ito.

Napailing na lang siya at napatingin sa kaniyang katabi, nang maramdaman niyang may kung anong malamig na dumapi sa kaniya braso. Si Lucas iyon, may hawak na isang bote ng beer para sa kaniya.

“Thanks . . .” Naupo na siya sa umpukan nilang magkakaibigan.

“Tsk! Ibang klase ka rin talagang manggulat Lagdameo. Biruin mo, matagal ka na palang kasal?” komento ni Kuatro.

“Sekreto nga, eh. Paano ba natin malalaman?” ani Jace.

“Pero hindi na siya secret ngayon dahil alam na natin,” sabi naman ni David. At parang iisang taong tumingin ang lahat kay Elias.

“What? Sino ba ang mapilit?” depensa nito sa sarili.

Napairap na lamang siya. Si Elias ang pinakiusapan niya noon na magkasal sa kanila. Ito lang naman kasi ang malapit sa kanila na maaaring mag-officiate ng kasal nila dahil isa itong judge. He and Anyah went to his office with their documents on hand. Wala namang pagtangging ginawa nito ang gusto nila dahil alam din nitong matagal na niyang kasintahan si Anyah. Sinabihan niya rin itong huwag sasabihin sa iba nilang mga kaibigan. Pero mas tama palang sabihing bl-n-ackmail niya ito.

Subalit, ngayong nagkusa na siyang magsabi sa kanilang mga magulang, naisip siguro nitong wala nang problema kung malaman din ng iba. But he was so sure that their friends pressured him. Kaya hindi rin niya masisisi si Elias. Alam na alam niya ang hilatsa ng bituka ng kanilang mga kaibigan. At hindi titigil ang mga ito hangga’t hindi napaaamin ang huli.

“Naku, mag-celebrate na nga lang tayo kaysa magturuan. Tiyakin din natin na makaka-score itong si Lagdameo mamayang gabi!” Mahina lang ang pagkakasabi niyon ni Kristoff, dahil tiyak na makatitikim sila ng sermon sa kabilang lamesa.

“Tama-tama!” segunda ng kaniyang Kuya Alejandro na ikinaangat ng kaniyang kilay.

“Ano pa? Eh, ’di cheers, mga galunggong!” sabi naman ni Lucas sabay taas ng boteng hawak nito.

“Cheers!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 36

    Muling ibinaling ni Anyah ang pansin sa pinanonood na video. Pinagmasdan niyang maigi ang lugar nang maalalang kay Jacob na condo iyon.“Huwag kang bossy diyan, Saavedra. Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan kung bakit nagalit si Anyah sa baby natin,” paangol na wika ni Kristoff. Ang tinawag nitong Saavedra ay walang iba kundi si Sandro.Subalit, hindi lang naman ang mga ito ang nakikita niya sa video. Halos lahat ng inabutan niya sa birthday party ni Jacob nang nakaraang gabi ay kasama rin ng mga ito. “Live na. Nakita kong nanonood na si Cade. Ready na kayo, mga ga**!” wika naman ng isa pa, si Skyler.“Maka-ga** ka naman wagas. Live ito kaya umayos kayo kung ayaw ninyong ma-ban tayo at hindi na mapanood pa ni Anyah ang video na ito,” sabi naman ni Lucas.

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 35

    Hindi alam ni Anyah kung saan siya pupunta. Mabuti na lang at hindi niya binitawan ang kaniyang bag. Ni ang mga gamit kasi niya sa lobby ay hindi na niya nakuha pang bitbitin. Basta na lang siyang tumakbo palabas at kinawayan ang parating na taxi, pagkuwa’y madaling sumakay roon.Patuloy lang siya sa pag-iyak. Mas matindi pa kasi ang nararamdaman niyang sakit kaysa noong malaman niyang may cancer siya o noong operahan siya. Exaggerated man pero para na rin siyang pinatay sa nakita.Siguro, dahil na rin sa matinding selos, idagdag pang miss na miss na niya si Jacob. Isa pa, ganoon naman talaga kapag nasasaktan lalo na at mahal na mahal mo ang isang tao. Para kang sinasakal sa sobrang sakit.“Ahm, miss. Excuse lang po, saan po ba tayo?” magalang na tanong ng taxi driver.Suminghot-singhot muna si Anyah bago su

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 34

    Ang sabi ng doktor ni Anyah, dalawang linggo ang kaniyang hihintayin bago lumabas ang resulta ng pathology test. At sa araw ngang iyon, babasahin na ng kaniyang doktor ang report.“Are you ready, Miss Montenegro? I already have the results,” nakangiting wika nito nang magkaharap na sila.Huminga siya nang malalim. “Yes, doctor.”“Okay. But before that— is there anything you’ve felt these past few weeks? Any pain or discomfort?”“No, doctor. I’m pretty much fine now. I followed everything you advised, seriously. I just wanted to heal fast.”“Good! Good! I wish all my patients were as obedient as you— less headaches for me!” biro nito sabay tawa.Natawa rin siya. &ldqu

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 33

    Kinakabahan si Anyah habang hinihintay na tawagin ang kaniyang pangalan. Nasa ospital siya dahil mula kahapon ay alis-dating ang pagsakit ng ibabang bahagi ng kaniyang tiyan— sa mismong pelvic area. Hindi niya sana iyon iindahin dahil nawawala rin naman ang kirot, pero para hindi na siya mag-overthink, nagpasya na siyang magpakonsulta.Wala siyang pasok sa araw na iyon. Halos isang taong mahigit na rin siya sa Seattle kaya kaunting panahon na lang ay matatapos na siya sa kaniyang masteral. Makauuwi na rin siya ng Pilipinas.“Miss Anyah Montenegro?” tawag ng medical assistant sa kaniyang pangalan.Napaupo siya nang tuwid at napatingin sa pintong nilabasan nito. Nang makita niyang naghihintay ang medical asssistant, marahan siyang tumayo at kiming ngumiti rito.“That’s me . . .” mahinang wika

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 32

    “Sh*t!” Napahawak si Anyah sa kaniyang sikmura. Kanina pa siya nagdididighay pero pakiramdam niya, bloated na bloated pa rin siya.“Are you okay?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Jacob nang lapitan siya nito. Nasa sala siya at nanonood ng TV dahil halos katatapos lang nilang kumain ng tanghalian. “Aw!” Mariin siyang napakagat-labi nang maramdamang humilab ang kaniyang tiyan. Kinapitan naman agad ni Jacob ang kaniyang kamay. “Anyah, look at me. Ano’ng nararamdaman mo?” masuyong tanong nito at iniangat ang kaniyang mukha para makita siya. Naroon sila sa apartment niya sa Seattle, kung saan siya kumukuha ng kaniyang masteral. Every time he had a chance, dinadalaw siya nito roon. Sa pagkakataong iyon, binisita siya nito dahil sa isang araw ay anniversary na nila. Maliit o

  • HOMBRES CALIENTES 5: JACOB - NEVER BEEN, NEVER HAD   CHAPTER 31

    Napasipol si Jacob nang lumabas siya ng pinto ng kaniyang kwarto. Inaya siya nitong maging ka-date sa birthday ng ina nito, si Mrs. Francesca Lagdameo. Malapad ang ngiting lumapit ito sa kaniya. “Sunshine, hindi ba puwedeng mag-jacket at pantalon ka na lang?” sabi nito pagkahalik sa pisngi niya.“Ha? Bakit naman ako mag-j-jacket at pantalon, eh, birthday party ang pupuntahan natin? Isa pa, pang-fourth time ko pa lang na-m-meet ang mommy mo— nakakahiya naman sa kaniya,” katwiran niya bago tiningnan ang sarili.She was wearing a dark magenta off shoulder evening gown. Medyo labas ang cleavage niya roon at ang makinis niyang leeg at mga balikat. Kitang-kita rin ang napakalambot at makinis niyang balat sa likod dahil malaki ang uka niyon doon. Her hair was styled like a princess. Nakalugay iyon, may ilang hibla na itinali sa likuran na n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status