Masuk"We have that one rule in business, Lady. At iyon ang makasal ang babaeng tagapagmana bago makuha ang buong kapangyarihang pamahalaan ang kompaniya." Kailangang maikasal ni Infinity bago makuha ang pamamahala sa kompaniya ng kaniyang ama. Subalit paano siyang magpapakasal kung No Boyfriend Since Birth ang peg niya? The answer to her problem is to hire a husband—lalaking papasa para maging kabiyak ng buhay niya. Then this man came from nowhere—lalaking sobrang ingay, na siyang kinaiiritahan niya dahil gusto niya ng tahimik na buhay. Tatanggapin niya ang makasal kahit walang pagmamahal, ngunit hindi kay Teranusjulio 'Ranus' del Prado. Hindi kailanman! For Pete's sake! Ayaw niyang matetano sa lalaking iyon! But does she have a choice? Pipili pa ba siya ng iba kung ang binata na mismo ang nag-aalok sa sarili nito? Afterall, Teranus is a good choice; guwapo, matipuno, at matalino. At higit sa lahat, handa itong sumunod sa lahat ng ipag-uutos niya. Ngunit paano kung ang paglapit nito sa kaniya ay isang malaking palabas lamang pala? Mapapatawad ba niya ang binata sa ginawa nitong pagpapaikot sa puso niya?
Lihat lebih banyak"But yeah, Tifanny is pregnant." Pinakatitigan ni Teranusjulio ang kapatid ng asawa. Sa hawak nitong baso ito nakatitig habang marahang iniikot-ikot iyon na parang pinaglalaruan ang alak na laman. Maingay niyang nailapag ang sariling baso at mabilis na tumayo nang hindi na nito sinundan pa ang sinabi. "I need to see her." "That's not possible," sagot ni Jasson na nagpahinto sa kaniya sa balak na pag-alis. "Fvck it, Mr. Luther! My wife is pregnant. She needs me!" asik niya rito. "No. She doesn't need you." Bumuntonghininga ito bago sumimsim ng alak sa baso. "She's pregnant!" "Yeah, I know." Nanggigigil na nilapitan niya si Jasson at halos sumiksik sa harapan nito para lang mahawakan ang magkabilang kuwelyo para kuwelyuhan ito. "Kaya nga kailangan niya ako! Tangina naman, Luther! Kung hindi ka makausap
"WALA naman pong sino sa amin ang may kakayahang pumunuan ang Hasson Group, Sir. Nakapagtapos man ako sa kolehiyo pero hindi po iyon sapat para magkaroon ako ng lakas ng loob para ibilang sa maaaring pagpilian para sa posisyon ng CEO," ani Mr. Mendoza, kuwarenta'y sais anyos na matagal nang empleyado sa Hasson Massion. Ito rin ang namumuno sa UNION na itinatag para sa maliliit na empleyado."Nagpapasalamat kami sa ibinagay ninyong pagkakataon ni Lady Hasson para pakinggan ang boses naming maliliit. At isang malaking tulong para sa amin ang shares na ibinahagi sa amin ng inyong asawa. Kung ipagpapatuloy ninyo ang adhikain ni Lady Hasson, mas gugustuhin naming ibigay ang boto namin sa inyo, Sir del Prado," pagpapatuloy pa nito.Napabuntonghininga na lang si Teranusjulio sa naging desisyon ng mga empleyado. Ibinigay ni Infinity ang five percent ng shares nito sa kompaniya sa mga empleyado, kaya naman may karapatan ang mga itong bumoto. Ayaw niyang saluhin ang posisyon ng asawa kaya nga k
“She may be look tough from the outside, but no one knew how soft she is in the inside. Kaya nga employees issue kaagad ang inayos niya pagkahawak niya sa puwesto dito. For Infinity, employees are the backbone of this company. Kung wala ang maliliit na empleyado, Hasson Group won't operate.” Bumuntonghininga si Karla. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang sabihin ang mga sinabi, but she thought, it's just the right thing to do para naman magising at ma-realize ng lalaking kaharap kung ano ang pinababayaan nito. “Kaya kung hindi mo kayang patakbuhin ang Hasson Group, ngayon palang ipasa mo na lang ang posisyon sa kayang magpatakbo nito.” Inalis niya ang kanang binti sa pagkakapatong sa kaliwang binti, saka siya bahagyang dumukwang sa lamesita para abutin at iurong palapit kay Teranusjulio ang brown envelop. “Nasa loob ang annulment paper ninyo ni Infinity. She wanted you to sign that. I guess, the hearing procees is just enough for the remaining month na napagkasunduan ninyo?
HUMIGIT ng malalim na buntonghininga si Karla bago pinindot ang doorbell sa dating penthouse ng kaibigang si Infinity. Nagpadala naman siya ng email kay Teranusjulio na siya nang nakatira doon, na dadaan siya, so he should be expecting her. Pero nakakatatlong doorbell na siya, wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Nauubusan na siya ng pasensiya. Today is Sunday and it should be her rest day. But since the penthouse was just near her place, kaya ngayon na rin niya ihahatid ang ipinabibigay ng kaibigan para wala na siyang iisipin pa bukas. Sinubukan niyang i-message si Infinity para hingiin ang passcode ng pinto. Nasa boarding pa lang naman siguro ang kaibigan. Hindi nagtagal, sumagot ito laman ang hinihingi niya. She entered the passcode, and the door opened. Napangiwi siya nang wala man lang kaliwa-liwanag sa buong sala. Kinapa niya ang pader sa tabi ng pintuan para sa switch ng ilaw. Napapabuntonghininga na lang siya nang lumiwanag ang kabahayan. The huge


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan