Share

Kabanata 03

last update Huling Na-update: 2024-09-07 10:23:01

“KUMUSTA kagabi?” biglang tanong ni Auntie Olla na nakangiti. Niyaya kasi ako nitong magkape sa labas ng mansyon.

Nagtataka ko naman itong tiningnan. “Po?.. Ano po ang ibig ninyong sabihin?”

Pabiro naman ako nitong sinapak sa kanang braso ko. “Alam mo na 'yon. Naku! Normal lang naman 'yan sa mag-asawa. Ano, okay na ba kayo ngayon ng pamangkin ko? Na-settle na ba kagabi?”

Umiling naman ako. Kasi totoo naman na hindi pa kami okay, kasi sinubukan ko itong kausapin kagabi pero mukhang nagtulog-tulugan lang ito. Kaya hinayaan ko nalang. Nasanay na rin naman ako sa ganyang ugali niya, dahil kinabukasan naman o sa susunod na araw ay ito na ang nagkukusang kausapin ako.

“Ano? Hindi pa rin kayo okay hanggang ngayon?” dismayadong tanong ni Auntie Olla.

“Ganyan po talaga siya. Magkukusa rin po siyang kausapin ako.” sabi ko bago humigop ng kape sa aking tasa.

“Ano?! Paano naman kayo magkaka-baby niyan kung wala kang ginagawa?” mabilisang tanong ni Auntie Olla dahilan para maubo ako sa kapeng iniinom ko.

Hindi naman ako na-aware na iba pala ang iniisip niya.

Inilapit naman nito ang mukha niya sa mukha ko. Mukhang sinusuri niya ang reaksyon ko.

“Jusmiyo marimar! Hindi niyo pa na-try ng pamangkin ko na mag-ano 'no? Halata sa reaksyon mo ngayon... Paano na ako magkaka-apo niyan?” siguradong sabi niya at umayos na ng upo.

Sasagot na sana ako ng biglang lumabas si Ohani na may dalang mansanas. Nagdadalawang isip pa itong tumabi sa 'kin kaya kay Auntie Olla nalang siya tumabi.

Kagaya kahapon ay iniiwasan pa rin ako nito. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil nakatingin rin sa 'kin si Auntie Olla.

“What happened to your face? Mukha kang pulang kamatis,” aniya. Kahit hindi ko ito nakikita ay sigurado akong inirapan na naman ako nito.

Hindi ko nalang ito pinansin. Alangan naman na sabihin ko pa sa kanya, 'di ba?

Tinapunan ko naman ng tingin si Auntie Olla na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. “Sinabihan ko kasi siya na ang kupad niya, dahil hanggang ngayon wala pa rin kayong baby. 'Di ba gusto mo na rin magka-baby, Hani?” Napanganga naman si Ohani sa sinabi ng kaniyang Auntie Olla.

Na-curious ka pa kasi itong isa, kaya ayan tuloy. Dalawa na kaming naging pulang kamatis ngayon!

“Baka nakakalimutan ninyong dalawa na hindi na ako bumabata.Tiyaka... magdadalawang taon na kayong kasal this december twenty-five, hindi ba? Wala talaga kayong plano magkaanak?” nanghihinayang na sabi ni Auntie Olla. “Sayang rin ang genes ninyong dalawa.” dugtong pa nito.

Mas lalo lang tuloy kaming nagkailangan ni Ohani. Sa loob ng isang taon naming nagsama ni Ohani, kailan man ay hindi namin ito napag-usapan—ang magkaroon ng anak.

Hindi rin naman namin masabi kay Auntie Olla na, kahit nasa iisang kuwarto lang kami ay hindi kami nagtatabi matulog ni Ohani.

“P-Papasok na muna ako sa loob.” wika ni Ohani at dali-daling pumasok sa loob ng mansyon.

“Ang cute ninyong dalawa asarin at saka pagmasdan... O, ito... Kainin mo 'yan, dahil nag-effort ang asawa mong balatan 'yang mansanas,” aniya at inilapag sa harapan ko ang dala kanina ni Ohani na mansanas.

Bigla naman akong napaayos ng upo nang biglang sumeryoso ang mukha ni Auntie Olla. “Ano ba talaga ang plano mo sa pamangkin ko, Rufus?”

Napalunok naman ako ng isang beses bago sumagot. “Auntie Olla. Nangako po ako kay Boss Sheldon na aalagaan ko po si Ohani at poprotektahan ko po siya.”

“Aside from that? Wala ka bang plano na bumuo ng pamilya kasama si Hani?... Hindi mo ba nakikita sa future mo na kasama mo si Hani, hanggang sa pagtanda?” sunod-sunod na tanong nito.

Hindi ako makasagot. Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tuwing itatanong sa akin ang tanong na iyan.

“Rufus... Ayos lang naman kung hindi mo talaga nakikita sa future mo si Hani. Naiintindihan kita

... dahil alam kong pinilit ka lang naman ng kapatid ko na pakasalan ang pamangkin kong si Hani. Pero sana, kung ayaw mo nang makasama siya. Ibalik mo nalang siya sa akin, at ako na ang bahala sa kaniya... Sisiguraduhin ko na makakahanap siya ng lalaking tatanggap sa kaniya, kahit na sakit siya sa ulo. Kagaya rin ng pagtanggap at pag-iintindi mo sa pamangkin ko,” aniya.

“Sobrang thankful ako sa 'yo. Sabihin mo lang sa akin kapag nakapag-desisyon ka na ha?... I promise, hinding-hindi ako magagalit sa magiging desisyon mo.” dugtong niya pa.

Bakit parang ang sakit pakinggan? Hindi ko nga nakikita sa future ko si Ohani, ngunit hindi ko rin naman nakikita ang sarili kong kinakaya na hindi siya makita buong araw. Siguro dahil nasanay na akong kasama siya?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong hindi umuwi rito sa pinas si Auntie Olla dahil lang namiss niya kaming dalawa ni Ohani.

“Maraming salamat sa pag-iintindi mo sa akin, Auntie Olla. P-Papasok po muna ako sa loob.” paalam ko rito at tinanguan lang ako nito.

Pagkabukas ko ng pinto ng kuwarto namin ay bumungad agad sa akin si Ohani na luhaan.

Dali-dali ko naman itong nilapitan. “Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa 'yo?” nag-aalalang tanong ko rito.

Umiling lang ito at saka nagtalukbong ng kumot.

“Ohani...”

Pagtawag ko sa pangalan nito ay bigla itong humagulgol ng iyak. Hindi ko alam kung bakit nagiging iyakin na siya ngayon.

Narinig niya kaya kami kanina na nag-uusap ni Auntie Olla?

“May problem ka ba?” mahinahong tanong ko rito.

Napaatras naman ako ng bigla itong bumangon mula sa pagkakahiga. Natawa naman ako nang makita ko ang itsura nito. Kaagad ko itong nilapitan at saka inayos ko ang buhok nitong magulo.

“Iiwan mo na ba ako, Rufus?” naiiyak na sambit niya.

Mukhang narinig niya nga ang usapan namin ni Auntie Olla kanina. Para siyang bata ngayon. Tatlong taon lang naman ang agwat naming dalawa.

“May sinabi ba akong iiwan kita?” tanong ko rito. Pinipilit kong hindi matawa dahil baka mag-away lang ulit kaming dalawa. Kakaiba pa naman ang mood ng babaeng 'to.

“Look...” sabi niya at ipinakita sa akin ang suot niyang singsing sa kaniyang daliri.

Bahagya naman akong nagulat dahil isinuot na talaga nito ang kaniyang wedding ring.

“I promise na hindi ko na ulit ito tatanggalin sa daliri ko,” nakangiting wika niya.

Sobrang speechless ako ngayon. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakitang suot ang wedding ring namin, sa hindi ko malamang dahilan. Dahil kahit naman na hindi namin isinapubliko ang aming kasal lalo na't sikat siya ay hindi naman ibig sabihin no'n na bawal na rin niyang suotin ito sa tuwing nasa mansyon lang siya, hindi ba?

Sa halip na magsalita ay kinuha ko nalang ang kaniyang kamay at saka hinaplos-haplos ang kaniyang singsing sa daliri. Totoo ngang suot na niya ito.

“Are you happy, Rufus?” tanong niya at tumango naman ako.

“I am,” tugon ko at ngumiti.

“Should we try—” Naputol naman ang sasabihin ni Ohani nang biglang pumasok sa loob si Auntie Olla.

“Ohh, sorry... I forgot to knock first,” aniya. Tumikhim muna ito bago muling nagsalita. “My dear pamangkin, may naghahanap sa 'yo. Nasa living room siya naghihintay,” dugtong pa ni Auntie Olla.

“Who's that?” Tatayo na sana si Ohani nang biglang magsalita si Auntie Olla.

“Not you. Si Rufus ang tinutukoy ko.” saad niya at saka umalis na. Nakita ko namang napanganga si Ohani sa kaniyang narinig.

“Inaagaw mo na sa akin ang Auntie Olla ko!” nakasimangot na sabi niya.

“Mas mabait daw kasi ako kaysa sa 'yo.” natatawang sabi ko at saka sinapak naman ako nito sa braso.

“Maghanda ka. Kapag ako bumait, aagawin ko sa 'yo si Auntie Olla ko.” saad niya.

“Can't wait na bumait ka! Pero kailan pa kaya mangyayari 'yon?” sabi ko. Sasapakin na sana ako nito ulit nang bigla akong umilag.

Hinabol naman ako nito hanggang sa makababa kami ng hagdanan. Parehas kaming napatigil ni Ohani nang makakita kami ng isang babaeng buntis na nakatalikod sa amin. Kaharap ito ngayon ni Auntie Olla, nagkukuwentuhan silang dalawa.

“O, andito na pala si Rufus.” wika ni Auntie Olla.

Na-curious naman ako bigla dahil wala naman akong kaibigan dito o kahit kamag-anak man lang.

Dahan-dahan naman akong lumapit sa puwesto nila at si Ohani ay nasa likuran ko lang, nakahawak ito sa laylayan ng damit ko sa aking likod. Nang makaupo na kami ng tuluyan ay saka ko lamang namukhaan ang babae.

“Maiwan ko na muna kayo ha.” saad ni Auntie Olla at saka dumiretso na sa loob ng kusina.

“Chichay? Ikaw na ba 'yan?!” hindi makapaniwalang sabi ko. Kita ko pang napatingin sa akin si Ohani nang bigla akong tumayo at saka niyakap si Chichay.

“Namiss kita, Rufus! Ang tagal din kitang hindi nakita,” masayang saad nito at yumakap sa akin pabalik.

Nang maghiwalay kami sa pagyayakapan ay pasimple naman itong bumaling kay Ohani.

“Ang laki na ng baby natin, Rufus. Alam mo bang matagal akong nangulila sa 'yo? Nakakainis ka! Antagal mo kaming hindi binalikan ng anak mo.” Nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa sinabi nito. Isa rin 'tong may saltik sa utak e!

Agad ko namang binalingan si Ohani na ngayon ay nakatayo na at hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Nilapitan ko naman ito.

“Ohani, huwag kang maniwala sa kaniya. Inaasar ka lang niyan.” sabi ko at akmang hahawakan ko na ang kamay niya nang bigla niya itong inilayo. Hindi ito makapaniwalang nakatitig sa akin.

Lakas talaga ng amats nitong si Chichay.

Bigla namang humalakhak si Chichay, dahilan para mabalik ulit ang atensyon naming dalawa sa kaniya. “Uy, ang sweet naman. Honey pa talaga ang tawagan ninyong dalawa ah.” aniya.

“Ang lakas talaga ng amats mong babae ka!” sabi ko at nilapitan ito, saka ko ito pinitik sa kaniyang noo.

“Aray ko! Gago ka talaga, Rufus. Alam mo namang buntis na ako.” aniya.

“Sino ba ang ama ng batang 'yan? Teka... Ikaw lang ba mag-isa ang pumunta rito?” tanong ko rito at tumango naman ito.

Hindi naman ako pinansin nito. Nilapitan naman nito si Ohani na naguguluhan pa rin ngayon.

Hinawakan naman nito ang dalawang kamay ni Ohani. Wala talagang hiya sa katawan ang babaeng ito.

“Hi, ako nga pala si Chichay. Kababata ako ni Rufus at sobrang close kami niyan noon,” pagpapakilala niya. “Pasensya ka na kanina ah, joke lang 'yon. Hindi si Rufus ang ama nitong anak ko.” dagdag pa niya.

“Ah okay,” tanging sagot lang ni Ohani.

“Alam mo, ang ganda mo... Anong pangalan mo?” tanong naman ni Chichay.

Naupo nalang ako roon sa tabi ni Ohani dahil hindi naman nila ako pinapansin.

“Ohani.” sagot naman nito.

“O honey?” pag-uulit nito. Tumango naman si Ohani.

“O-H-A-N-I” pag-ispeling ko sa pangalan nito. Madalas kasing 'O HONEY' ang iniisip nila sa tuwing binibigkas ang pangalan ni Ohani.

“Ahhh... Akala ko 'honey' ang itinawag mo sa kaniya kanina. Ohani pala ang pangalan niya.” aniya at tumango naman ako.

“Uhm... Let's seat.” saad naman ni Ohani, dahil napansin niya atang kanina pa sila nakatayo ni Chichay.

Nang makaupo na sila ay hinayaan ko muna ang mga ito para makapag-usap silang dalawa. Mukhang komportable rin naman si Ohani kay Chichay.

Pumunta muna ako sa kusina para kuhaan sila ng makakain. Pagkapasok ko palang sa loob, ibinigay kaagad ni Auntie Olla ang inihanda niyang snacks.

“Hindi ba inaway ni Hani si Chichay?” nakangiting tanong ni Auntie Olla.

“Actually muntikan na po. Lakas kasi ng amats nitong si Chichay.” sagot ko sa tanong nito. Natawa lang ito sa sinabi ko.

Pagkatapos namin mag-usap ni Auntie Olla, dinala ko na ang snacks na inihanda niya sa living room.

Napangiti naman ako nang makita ko silang dalawa na nagtatawanan doon.

“Mukhang ang saya ng topic ninyo ha.” saad ko bago umupo sa tabi ni Ohani, ngunit hindi pa rin ako pinapansin nitong dalawa.

“Huy, Rufus. Mahigit isang taon ka na palang kasal?! Sobrang low-key na pala talaga ng buhay mo ngayon.” aniya.

Tumango naman ako bilang sagot. “Pag-usapan naman natin ang tungkol sa 'yo... Chichay, nasaan ang ama ng batang 'yan? Hindi ba siya nag-aalala man lang sa 'yo?” walang pag-aalinlangan na tanong ko rito.

Natahimik naman ito bigla. Kaagad na nawala ang mga ngiti niya sa labi at biglang lumungkot ang kaniyang mga mata.

“Rufus!” saway naman sa akin ni Ohani.

Mukhang hindi siya komportable sa tanong ko, pero kailangan ko pa rin na malaman ang totoo. Kasi concern ako sa kanya lalo na't buntis na siya ngayon.

Nabanggit ko rin kasi dati kay Chichay na dito ako nagtatrabaho, kaya hindi na ako nagtaka pa na nakapunta siya rito. Ang ipinagtataka ko lang naman ay kung bakit siya nandirito ngayon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 50

    DALAWANG BUWAN na ang lumipas pero parang kahapon lang ako pumayag kay Mr. Sheldon na papakasalan ko ang anak niya. At ngayon, naghahanda na kami para sa kasal namin bukas ni Ohani. Napagkasunduan din namin na simpleng wedding lang, at sa beach gaganapin dahil sina Auntie Olla, Madam Meran, Tana, Ferris, at si Mr. Sheldon lang naman ang dadalo bukas sa kasal namin ni Ohani.Sa loob din ng dalawang buwan na 'yon ay maraming nagbago. Biglang bumait sa'kin si Ohani at hindi ko na rin maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Bigla nalang akong ngumingiti kapag hinahanap niya ako, at nagiging maganda na rin ang gising ko tuwing umaga.Pumasok na agad ako sa kuwarto ko pagkabigay ni Madam Meran sa'kin ng susuotin ko bukas para sa kasal. Dali-dali ko naman itong inilapag sa aking kama at pinagmamasdan ko ito habang nakatayo lang ako. Inilagay ko na rin ito sa closet ko pagkatapos at nagpahangin muna ako labas, sa may balcony.Pagkatapos kong magpahangin, babalik na sana ako sa loob ng bigla

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 49

    (Flashback)Rufus's POV:"GUSTO KONG PAKASALAN MO ANG ANAK KO." Halos mabingi ako sa sinabi ni Mr. Sheldon.Pinapunta ako rito ni Mr. Sheldon sa may garden dahil gusto niya raw akong makausap at sakto rin dahil day off ko ngayon. Hindi ko rin alam na ito pala ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon kaya sobrang nagulat talaga ako. Sino ba naman ako para ipakasal sa anak niya."Gusto kong maranasan na ihatid ang anak ko sa altar sa araw ng kanyang kasal... bago ako mawala rito sa mundo," malungkot ang kanyang mga mata nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.Kumunot naman ang noo ko. "Ano po ang ibig mong sabihin, Mr. Sheldon?" tanong ko.May inabot siya sa akin na isang papel at agad ko naman iyong kinuha. Natahimik naman ako nang makita ko ang nakasulat sa mismong papel."M-may... cancer po kayo? Puwede naman po kayong magpagamot. May pag-asa pa pong mawala yung sakit mo." sabi ko.Umiling naman si Mr. Sheldon. "Matanda na ako, Rufus. Gusto ko na rin makapiling ang mommy ni Hani. Mi

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 48

    Ohani's POV:Lumipas ang ilang taon...."Hubby, what are you doing?" I confusedly asked him dahil iniimpake niya ngayon ang mga gamit namin.Saglit niya akong sinulyapan at muling itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Lumapit na ako sa kanya at pinigilan ko siya."What are you doing? Bakit mo iniimpake ang mga gamit natin?" muling tanong ko sa kanya."Basta. Saka ko nalang sasabihin kapag nailayo ko na kayo rito ng anak natin." tanging sagot lang niya.I didn't bother to ask him again, at tinulungan ko na lamang siya sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Maya-maya lang ay pumasok na sa loob ng kuwarto namin ang yaya ni Ruhan na bitbit ang mga gamit nito. Nakabukas din ang pinto dahil nakalimutan ko itong isara kanina."Ma'am, sir, ito na po yung mga gamit ni Ruhan." aniya."Saan ba talaga tayo pupunta?" muling tanong ko kahit alam kong wala akong makukuhang sagot mula sa asawa ko."Thanks, ya. Pakilagay nalang ang mga 'yan sa loob ng van." saad naman ni hubby."Sige po, sir."

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 47

    BITBIT ko ngayon ang bag ni ma'am Ohani. Nakatanaw lang ako sa kanya habang ito'y lumalangoy sa pool. Nandito rin kami ngayon sa isang resort dahil ayaw niya raw mag-swimming sa sarili nilang pool kaya dumiretso na kami rito.Nang umahon na ito. Lumapit ito kaagad sa akin at pinakuha niya sa'kin ang kanyang lipstick mula sa bag niyang bitbit ko ngayon."Why are you looking at me like that, Rufus?" Tanong nito nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya habang naglalagay siya ng lipstick sa kanyang labi."Aalis na po ba tayo, ma'am?" Tanong ko."What? No. Naglalagay lang ako nito dahil..." Pinutol nito ang kanyang sasabihin at napatingin naman ako sa tinitingnan niyang isang lalaking photographer."Type mo siya? Kaya ka nagpapaganda?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito na ikinatawa niya.Ibinigay naman nito sa'kin ang kanyang lipstick. "Silly, Rufus... Back then, I really wanted to be a model but ayaw ni Dad. And this is my chance. That photographer is taking pictures of me. Kaya kaila

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 46

    Continuation..."Ako na ang magluluto. Sakto rin dahil gutom na ako." Sabi ko.Kinuha ko na rin mula sa kanya ang hawak niyang ice cream at ibinalik ko iyon sa ref. Kumuha na rin ako ng ham sa loob ng ref at pagkatapos naghugas muna ako ng mga kamay."Kumakain ka naman ng fried rice, 'di ba?" Tanong ko sa kanya na agad nitong ikinatango.Nagtira ako ng apat na slice ng ham at yung ibang natira naman ay hiniwa ko ng maliliit para ihalo sa fried rice. Akmang bubuksan ko na sana ang stove nang bigla akong hawakan ni Ohani sa braso ko at iniharap ako nito sa kanya.Nagtataka ko naman itong tiningnan. "Bakit?" Agad na tanong ko rito.Ngumiti lang ito, saka nito ipinasuot sa akin ang apron na kinuha niya sa gilid."Hindi ko na kailangan 'to. Madali lang naman itong lutuin," sabi ko sa kanya.Muli naman niya akong iniharap sa may gas stove. "You still need this apron. Baka tumalsik yung oil." Sabi niya na ikinatawa ko. "Why are you laughing, Mr. Rufus Madrid?" Bakas sa boses niya ang inis."

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 45

    (Flashback)Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin kaagad kaming dumiretso sa condo ni Tana, dahil iyon ang gusto ni madam Ohani. Private plane rin nila ang sinakyan namin papuntang US para lang makapag-shopping itong si madam Ohani.Maghawak-kamay pa silang dalawa ni Ohani sa harapan ko na akala mo isang dekada silang hindi nagkita ni Tana, eh kakakita lang nila last week."I have a gift for you." Aniya at tumingin ito sa akin.Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin kaya hinanap ko na yung binili niyang bikini para kay Tana dahil birthday raw nito ngayon. At nang makita ko na, inabot ko kaagad iyon kay Ohani.Ibinigay naman ni Ohani kay Tana iyong regalo niya rito. "Here. I hope you like it." Nakangiting sabi niya.Niyakap muna ni Tana si Ohani at nagpasalamat din ito bago nito binuksan ang regalo ni Ohani para sa kanya.Nanlaki naman ang mga mata ni Tana nang makita na niya ang regalo ni Ohani sa kanya. "O.M.G! I like it. I like it. Girllll! Thank you so so much!" Tumitili pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status