Share

chapter 5

Makalipas ang mahabang oras ay natapos na rin ang birthday party ng mga anak ni Bhella at Cy.

Nagpaalam na rin sila sa mag-asawa na uuwi na. Dahil may lakad pa sila bukas.

“Best, kami ay uuwi na tatlo.” Sambit ko kay Bhella ng makalapit ako rito.

Dahil ang dalawa pa nilang kaibigan ay busy sa pagbabalot ng Handa at talagang nag sharon pa ang mga ito.

"Ipapahatid na namin kayo.” Sambit ni Bhella sa aking.

“Nako, wag na!” Anas ko naman.

“Hay, nako huwag na kayo tumanggi pa dahil mahirap ang taxi dito baka mahirapan pa kayo umuwi.” Pamimilit ni Bhella.

“Saka, gabi na rin. Mabuti ipahitd ko na kayo para sigurado ligtas kayo makauwi.” sabi sa amin ni Bhella.

“Nakakahiya, naman!” Usal naman ni Banak

“Pero ayos na rin, dahil makakatipid kami sa pamasahe.” Nakangiti saad naman ni Nakba.

“Hoy, kayong talagang dalawa. Hindi na nahiya.” Sambit ko naman sa mga ito.

"Sak---" naputol ang aking sasabihin ng magsalita si Dylan.

"Ako na ang maghahatid sa kanila!" singit na wika ni Dylan.

Mabilis ako napatingin rito.

"Ah!" nagtataka naman ako napatingin sa binata.

"Vee, Anong nakain 'niyan? Pabulong na tanong ni Nakba sa aking.

nagkibit -balikat naman ako sa aking kaibigan.

"Malay, ko hindi ko rin alam nagtataka din ako kung bakit parang ang bait-bait ng lalaki 'yan sa akin!" saad ko.

Nakatitig lamang ako sa binata. Dahil sa kakaiba ngayon ang ipinapakita nito.

"Nako, Huwag na malayo-layo pa ang biyahe namin. Saka baka mahirapan kang makauwi eh!" Pagtanggi ko rito.

Dahil baka, may masabi naman ang lalaking ito sa akin. Pagsalitaan naman ako ng masasakit na salita. Para lalong madurog ang puso ko.

"Hindi ayos lang!" sabi naman nito.

Akmang magsasalita pa siya ng mauna na ito.

Wala silang nagawa mapilit ang binata na ihatid sila pauwi ng kanilang bahay.

Ang dalawang kaibigan niya ay nasa back seat at siya ang nasa front seat. at Si Dylan naman ang nasa driver seat.

hinihila niya ang seatbelt para ikabit ngunit parang nahihirapan siya. mahila ito dahil kahit ang gawin kong paghila hindi ko ma hila-hila ang Seatbelt.

hanggan sa may kamay ang humawak nito.

"Ako na!" Sambit ni Dylan.

Napatingin naman ako sa binata na ngayon ay nakatitig rin sa aking mukha.

Halos isang hibla na lamang ang pagitan namin mukha ay magkadikit na ito.

Halos kapusin ako sa paghinga ng malanghap ko ang mabangong hininga ni Dylan na tumatama sa aking pisngi. Kaya mariing akong napapikit.

“Vee, ayos ka lang?!” Boses ni Banak.

“Ahh, napatingin ako kay Banak!”

“Tinatanong kita kung ayos ka lang?!” Pag-uulit na sinabi nito sa akin.

“Ah,,ooh!” Tanging nasabi ko na lamang sa aking kaibigan. At gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko. Dahil ang akala ako ay hinahalikan ako ni Dylan.

“Ang tanga mo talaga,Vee!” Sambit ko sa aking sarili.

At bahagya akong napatingin kay Dylan na ngayon ay nagmamaneho na hindi ko namalayang nagdrive na pala ito. Lihim kong pinagalitan ang aking sarili.

“Shit ano kaba naman, Vee nakakahiya!” Usal ko pa.

Makalipas ang isang oras na biyahe nakarating na rin kami sa aming bahay.

“Salamat sa paghatid sa amin.” Nakangiti wika ko sa binata ng makababa kami hindi na ito bumababa ng kotse at tumapat na lamang ako sa bintana.

Tanging pag tango lang ang sinagot nito sa akin.

“Sige mauna na ako!” Sabi pa ng binata.

“Okay sige, ingat ka.” Anas ko habang may ngiti sa aking mga labi.

Nanatili tahimik lang ang lalaki. Pagkatapos sinara na nito ang bintana ng sasakyan.

“Ano, Vee!?” Narinig ko boses ni Banak at Nakba.

Napalingon naman ako sa mga ito. At nakakunot ang aking noo.

“Bakit?!” Nagtataka tanong ko.

“Anong, bakit?” Wika ni Banak.

“Kanina pa po, umalis ang sasakyan ni Kuya Dylan pero ang leeg mo parang giraffe. Sa sobrang haba na akala mo. Hanggan mu naman na matatanaw mo pa ‘yung kotse ni Kuya Dylan sa kabilang kanto?!” Saad pa nito.

Tanging pag irap lang ang naisagot ko sa aking kaibigan.”ikaw talaga Banak panira ng moment?!” Saad ko rito.

“Hoy, bruha ginigising na lang kita dahil masyado malalim na ang pagkakatulog mo at sa sobrang lalim baka hindi kana magising sa katotohanang hindi ka gusto ni Kuya Dylan ah. Nagmamalasakit lamang ako sayo bilang isang kaibigan. Ayaw kong masaktan ka sa bandang huli.” Sabi nito sa aking.

Nawalan ako ng sasabihin sa aking kaibigan dahil tama naman ito. Kaya hindi ko maiwasang malungkot dahil kahit balik-baliktarin namin ang mundo tanging ako lang ang nagmamahal. At suntok sa buwan ang ibigin ako ni Dylan. Dahil may mahal na itong iba. Malapit na nga silang ikasal eh.

“Oo alam ko, naman ‘yung hangganan ko at alam kong wala ako sa puso nito, dahil isang kakilala lang ang turing niya hindi naman kapatid or kaibigan magkakilala lang kami dalawa.” Saad ko pa.

“Yun, nga! Kailan kaba magigising hindi ka ba naaawa sa sarili mo?” Sambit pa ni Nakba.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil wala na akong maisagot sa dalawang kong kaibigan. Tama naman ang mga ito. Ano ang magagawa niya kung si Dylan ang nilalaman ng puso ko.

Dylan pov

“Kuya!” Rinig kong tawag ni Uno sa akin ng makabalik ako sa Mansyon.

“Oh, Uno bakit?”

“Kuya, ano ginagawa mo?” Pagtatanong pa nito.

Napakunot naman ang aking noo, ng humarap kay Uno.

“Anong, ibig mong sabihin?!” Seryoso kong wika sa aking kapatid.

“Nakita kita, kung may plano kang saktan si Vee. Please lang kuya huwag mong gawin maawa ka naman kay Vee.” Sambit pa nito.

“Alam kung, naghiwalay kayo ni Lorraine at dahil doon baka sa kanya mo ibunton ang galit mo?!” Kuya walang kasalanan si Vee kung matagal ka nang niloko ni Lorraine.” Anas pa nito.

“Pwede ba, Uno ayaw ko pinag-usapan.” Saad ko.

Hindi ko na hinintay pang magsalita ito. Tumalikod at naglakad na ako patungo sa aking kwarto. Ayaw ko pag usapan ang tungkol sa aming dalawa ni Lorraine.

Masakit pa rin sa aking ang ginawa nitong panloloko, ang akala ko tanging pagmomodelo lang ang inaatupag nito ngunit. Hindi pala dahil huling-huli ko ito sa mismo condo nito sa London na may kasama ibang lalaki. At ang masakit pa ay naabutan niya may ginagawang kababalaghan.

Simula noong ay pinutol ko na ang ugnayan naming sa isa't-isa.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
May iba pala sa ibang bansa iyang si Lorraine. Naku ka Dylan huwag mong gawing manakipbutas si Vee. Thank you sa update Ms. A
goodnovel comment avatar
Analyn C Joring
si Lorraine pala may kasalanan Sayo Dylan at Hindi kontento thank you sa update bunso .........
goodnovel comment avatar
Analyn C Joring
wag naman si Vee Ang saktan mo nagmahal lang si Vee Dylan sayo,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status