Makalipas ang isang taon, pinabinyagan nila ang kambal na sila Vanz at Knight. Sobrang daming tao roon dahil pinag sabay na nila ang birthday ng kambal pati na rin ang binyag ng mga ito. Samantala, umattend si Ezekiel, ang isa sa pinaka mayamang pinsan ni Oliverio. Na-attract ito kay Elyze nang makita niya ang babae. "Hi.." aniya sa malanding boses. "Hello? Pinsan ka ng asawa ko, noh?" tanong naman ni Elyze habang karga nito si Knight. "Yes.." tugon ni Ezekiel at marahang nag lakad palapit kay Elyze. Bahagya niyang inangat ang kanang kamay at hinawakan ito sa baba."A-Anong ginagawa mo? Huwag mo akong hawakan!" malakas na turan ni Eyze. Bahagyang nagulat si Knight at napatingin sa kaniya."I'm just mesmerized by your beauty, milady.. I didn't know that my cousin's wife is this beautiful like a fairy.." bulong pa ni Ezekiel saka bumitaw kay Elyze nang makita si Oliverio. Dali-dali namang umalis roon ang babae at pumunta sa asawa. Kinarga naman ni Oliverio si Knight. Natutulog kasi
Simula noon, mas naging maingat si Oliverio kay Elyze. Talagang ibinibigay rin nito ang mga pangangailangan ng asawa. Madalas niya itong samahan sa mga check up."Masaya akong malaman na healthy ang mga bata sa sinapupunan mo, my wife.." nakangiting saad ni Oliverio."Kaya nga.. Mabuti nalang at ligtas sila. Simula ngayon, mas aalagaan ko pa ang sarili ko. Kaya lang madalas akong nagugutom. Paano kapag nanaba ako? Pag pumangit ako? Baka ayawan mo ako?" nababahalang tanong ni Elyze."Hindi. Never akong magsasawa sayo, Elyze. Hindu mo alam kung gaano mo ako napasaya nang malaman kong magkaka-anak na tayo. Sobrang saya ko, Elyze. Magiging tatay na ako sa wakas!" nakangiting pahayag ni Oliverio. "Masaya akong nagustuhan mo talaga na magkaka-anak na tayo.. Akala ko hindi mo aakuin e. Charot!" biro ni Elyze. Napailing naman si Oliverio at siniil ng mainit na halik ang asawa."Hindi ah. Masyado ko kayong mahal. Kaya aakuin ko talaga." nakangiting pahayag ng lalaki. Si Oliverio naman ang pe
[ Warning SPG ] Samantala, lumipas ang mga araw na mabigat para kay Elyze. Namimiss niya na ang ate niya pero walang kapatawaran ang ginawa nito sa kaniya. Hindi naman siya pinababayaan ni Oliverio."Sa tingin mo hihinto na ang kapatid ko?" tanong ni Elyze."Hindi ko hawak ang isip ng ate mo. Hindi ko alam kung natauhan siya. Pero gaya ng sinabi ko, sa oras na saktan ka niya ulit. Hindi ko na siya irerespeto pa. Pagbabayaran niya ang anumang gawin niya sayo.." sagot ni Oliverio saka yumakap sa likod ng asawa. Nakalma naman si Elyze ng yakap nito. Mabuti nalang nga at nandyan si Oliverio para damayan saka samahan siya.Kinarga siya ni Oliverio at dinala sa kuwarto nila."Huwag mo na munang isipin iyon, Elyze. Ang mahalaga kasama kita ngayon. Simula ngayon, wala ka ng pagkakatiwalaan kundi ako." dagdag pa ni Oliverio."Bakit ikaw?" takang tanong ng babae."Dahil totoo ako sayo.. Hindi ko hahayaang mapahamak ka at hindi kita sasaktan." seryosong tugon ni Oliverio. Tumibok ng malakas ang
Nawala na ang mabait na aura sa muka ni Elyze. Hindi niya akalaing darating ang panahon na magagalit siya sa sariling kapatid."E-Elyze? Buhay ka?" nangangatog ang tuhod na tanong ni Hope."Oo, akala mo nag tagumpay kana? Nagkakamali ka, my dear elder sister.." malamig na tugon ni Elyze. Napa-atras naman si Hope."Patay kana dapat e!" sigaw nito sa naghihisteryang boses."Paano mo nagawang itulak at patayin ang sarili mong kadugo at kapatid?" puno ng hinanakit na saad ni Elyze."Bakit kailangang suwertehin ka sa buhay? Nagkaroon ka ng asawang guwapo at mayaman. Samantalang ako, kailangang mag dusa. Bakit ikaw ang nakatuluyan ng lalaking tumulong sa akin? Gusto ko lang naman siyang mahalin at makabawi sa pag tulong niya. Bakit ikaw nalang palagi ang pinipili, Elyze? Kailan ako pipiliin?" puno ng sama ng loob na saad ni Hope. "Ah, selos at inggit ang dahilan? Para magawa mo iyon sa akin?! Ate! Ako ang nag salba sayo hindi siya! Noong una deal lang ang lahat! Itinaya ko ang sarili kong
Nang makapag settle si Elyze, dumating naman ang pagkain na pina-deliver ni Oliverio. Gutom na gutom ang babae sa sobrang lipas niya ng gutom. Naawa naman si Oliverio rito."Anong balak mo, Elyze?" tanong ni Oliverio."Kakausapin ko siya at huling warning ko na. Kapag pinag tangkaan niya pa ako ulit. Sa kulungan na talaga ang bagsak niya." salubong ang kilay na tugon ni Elyze. Ramdam niya ang pag kulo ng dugo niya. Bagay na hindi niya akalaing mararamdaman sa sarili niyang kapatid."I will let you deal with her, since you're the victim here. Even though I want to punished her." tugon naman ni Oliverio habang nakain. Nakalimutan niyang kumain sa sobrang pag aalala kay Elyze. Magana silang kumain roon. "Thank you. Mabuti nalang talaga hinanap mo ako. Akala ko nawalan kana ng pake sa akin e?" saad naman ni Elyze."Hindi ah. Ilang araw na kitang hinahanap. Dinedemonyo pa nga ako ng ate mo na baka sumama kana sa ibang lalaki. Pero kilala kita, alam kong hindi ka ganoon at alam ko rin na m
Ramdam ni Elyze ang matinding gutom at galit. Halos isang araw na ang nakalipas pero wala pa ring na rescue sa kaniya. Halos manginig na siya sa sobrang lipas at nilalagnat na rin siya dulot ng natamo niyang pilay."Bakit wala pa rin si Oliverio? Hinahanap niya ba ako? Anong gagawin ko? Dito na ba ako mamamatay?" aniya sa sarili. Ilang beses na siyang sumubok pero mamamatay lang talaga siya dahil bangin ang babagsakan hindi tubig kundi lupa. "Ate? Paano mo nagawa sa akin ang bagay na ito?!" galit niyang sigaw sa kawalan. Napuno ng luha ang kaniyang mga mata. Ramdam ang kirot ng sugat at sikmura.Samantala, hindi mapakali si Oliverio dahil hindi pa rin nauwi si Elyze. Panay naman ang sunod sa kaniya ni Hope at paninira sa sarili nitong kapatid."Nasaan kana ba, Elyze?" nag aalalang tanong ni Oliverio."Baka iniwanan kana ng kapatid ko? Sumama na sa ibang lalaki? Kasi kung andito pa siya uuwi 'yun sayo.." tugon ni Hope."Tumigil ka, Hope. Kilala ko si Elyze! Hindi siya ganoong klase