Share

Chapter 4

Author: Chocolate
last update Last Updated: 2025-05-28 15:23:23

“Don’t cry..” hinagod ni Oliverio ang likod ni Elyze. Hindi naman mapigilang mahabag, malungkot at madismaya ni Elyze sa nangyari.

“Hindi ko akalain na may mga taong pu-puwersahin ka sa bagay na hindi mo gusto. Sobrang toxic noon.” aniya sa mahinang boses. Niyakap naman siya ni Oliverio.

“Huwag kang mag alala, Elyze. Hangga’t nabubuhay ako. Walang puwedeng manakit sayo. He will rot in hell. I swear..” mariing sambit ni Oliverio. Umiyak naman ng todo si Elyze sa dibdib ng lalaki. Simula noon, nag pasya na siyang kalimutan ang ex na walanghiya.

“Hindi na ako manghihinayang sa mga taong hindi karapat-dapat.” sagot ni Elyze na may sama ng loob. Nakatulog naman ito sa kaiiyak.

Lumipas ang mga araw na patuloy lang na namuhay si Elyze. Kinalimutan na niya ng tuluyan si Renz. Makalipas ang ilang buwan naging okay na siya at tuluyan ng nakalimot. Madalas naman siyang kasama ni Oliverio sa kompanya.

“Padala nito sa HR Department, Elyze..” saad ng lalaki sa asawa. Ginawa niyang Sekretarya si Elyze para mas malapit siya rito. Tumango naman si Elyze at kinuha ang mahahalagang dokumento sa lamesa ni Oliverio.

“Ihahatid ko na ito, Oliverio. Babalik ako kaagad.” seryosong tugon ni Elyze. Simula nang maging mag asawa sila, sinanay na ng babae na tawagin ito sa pangalan ng lalaki. Tumango naman ang CEO at lumabas si Elyze para ihatid ang mga papeles.

Lumipas ang kalahating oras pero wala pa rin ito kaya sumunod na si Oliverio. Doon niya naabutan ang ilang HR na iniinsulto si Elyze.

“Anong standard para maakit mo si Sir Oliverio, Huh?” mataray na tanong ni Daniela. Isa sa Head ng HR Department.

“Wala akong inakit at wala akong dapat ipaliwanag.” sagot ni Elyze.

“Aba at ang yabang mo ah?! Porket asawa ka ng CEO! Samantalang hamak na operator ka lang naman noon!” galit na sigaw ni Daniela sa sobrang inis.

“Marangal ang trabaho ko. Gaya ngayon, narito lang ako para ihatid ang mga dokumento. Tama na ang pang aabala niyo sa akin.” sagot ni Elyze saka tumalikod. Pero hinablot ni Daniela ang buhok nito at sinabunutan. Doon na umeksena si Oliverio. Galit niyang sinakal si Daniela.

“Aray, Daniela!” daing naman ni Elyze at pilit inaalis ang kamay ng babae.

“How dare you touch my wife?!” halos dumagundong ang galit na boses ni Oliverio sa buong opisina. Nagkaroon ng komusyon dahil roon. Binitawan naman ni Daniela ang buhok ni Elyze.

“S-Sir..” kinakapos ang hiningang pinigilan ni Daniela ang kamay ni Oliverio. Pero matigas ito at ayaw siyang bitawan. Halos manlisik ang mga mata ng lalaki roon.

“Oliverio, hayaan mo na siya.. Ayos na ako..” mahinang awat ni Elyze. Galit na ibinalya ni Oliverio sa sahig si Daniela.

“You’re fired! No one is allowed to disrespect her! Disrespecting my wife is like disrespecting me!” banta ni Oliverio at masama ang tingin na pinukol sa mga naroon. Kinilabutan naman sila sa kanilang narinig.

“Go! At huwag mo ng hintayin na ipatapon pa kita sa labas!” gigil na pahabol nito habang nakatingin kay Daniela. Nagkukumahog namang umalis ang babae bitbit ang bag at ilang mahalagang gamit.

Hinawakan naman ni Oliverio ang kamay ni Elyze kaya napatitig roon ang babae. Sa sobrang touch ni Elyze sa pagtatanggol sa kaniya ng asawa hindi niya mapigilang kiligin at ngumiti. Hanggang sa makarating sila sa Opisina ni Oliverio. Halos masubsob naman si Elyze nang paupuin siya nito sa sofa. Mabilis siyang inalalayan ni Oliverio at hinawakan sa tagiliran. Nagkatitigan naman silang dalawa roon. Sabay na nagharumentado ang kanilang mga puso.

“Sorry..” saad ng lalaki.

“Ayos lang ako. Ako nga dapat ang humingi ng sorry. Nakakahiya ang nangyari kanina. Mabuti nalang dumating ka. Salamat..” nahihiyang saad ni Elyze.

“Wala iyon. Wala kang kasalanan. May mga tao talagang hindi matanggap na hindi sila ang pinili kaya ganoon kung makapang husga ng kapwa. Kaya dapat na iyong tuldukan.” sagot ni Oliverio at marahang ibinaba si Elyze sa sofa.

“Kaya nga wala sana akong balak patulan. Kahit kanina pa ako pinagpipiyestahan ng mga ito.” sumbong ni Elyze.

“Gusto mo bang alisin ko sila? Madali lang naman silang palitan.” sagot ni Oliverio. Mabilis na umiling si Elyze.

“Huwag. Sabihin nalang nila napaka-selan ko masyado. Ayos ng nabigyan ng sample ang babaeng iyon. Hayaan mo na, Oliverio. Panigurado namang natakot sayo ang iba. Hindi na sila uulit pa.” saad ng babae.

“Mabuti kung ganoon. Huwag kang papayag na saktan ka ng iba.” paalala ng lalaki. Tumango naman si Elyze at ngumiti.

“Hindi talaga. Nagkataon lang na nasa loob kami ng Opisina.” sagot ni Elyze.

Bandang tanghalian nang mag pasya na silang kumain sa labas. Kinalimutan nalang ni Elyze ang nangyari. Magana siyang kumain at lihim namang napapangiti si Oliverio roon. Matapos kumain bumalik na sila sa Opisina para mag trabaho. Samantala, nang mag uwian sabay silang umuwi sa Mansion at nahiga sa kama. Habang tumatagal nagiging ayos na ang samahan nila. Ilang beses namang nililigtas ni Oliverio si Elyze. Isang beses, muntik ng mahulog si Elyze sa kama kaya hinila ito ni Oliverio kaya lang sa taranta ng lalaki hindi niya namalayang pati siya nahulog na. Bumagsak siya sa ibabaw ni Elyze at napasubsob ang labi niya sa pisngi nito.

“Aray..” daing ni Elyze.

“Ayos ka lang ba? Sorry. Bakit ba ang laki-laki mo na nahuhulog ka pa sa kama?” reklamo naman ni Oliverio. Sinimangutan naman siya ng babae at hinila niya ito patayo.

“Napasarap ang tulog ko e.” katwiran naman ni Elyze.

“Kailangan pa yata kitang yakapin para hindi ka mahulog?” biro ni Oliverio. Halos mamula naman ang muka ni Elyze kasabay ng paghaharumentado ng kanilang mga puso.

“Heh!” masungit na sagot ni Elyze.

Tumawa lang si Oliverio at sa unang pagkakataon nakita ni Elyze kung gaano ito ka-guwapo tumawa. Mas lalong nag wala ang kaniyang puso sa kilig at saya.

“Halika na, kumain na tayo..” yakag ng lalaki. Tumango naman si Elyze dahil umaga na rin naman. Lumabas sila at sabay kumain sa mahabang lamesa.

"Tara.." tugon ni Elyze. May parte sa kaniyang ibang kainan ang naiisip. Halos mamula ang muka niya roon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 100

    Nagdatingan naman ang mga security guard at agad na dinampot ang mga nanggugulo. Nag report naman si Gavin kay Knight tungkol sa nangyari at sinigurado ng Daddy ni Artemis na mabubulok sa kulungan ang mga nang bastos sa kaniyang anak. Talagang pinahanapan ng baho ni Knight ang mga ito sa kaniyang tauhan at diniin sa korte. Pinagbayaran naman nila Marcus at Luis ang kanilang mga kahayupang ginawa sa ibang babae at mga tao. Samantala, pansamantala munang hindi pinalabas ng mag asawa ang kanilang anak kaya nanatili lang si Artemis sa kanilang bahay. Kausap niya naman palagi si Gavin at kalaro ng chess kaya hindi siya naboboring. "Ayos ka lang ba?" tanong ng binata isang umaga. "Oo naman. Sanay na ako. Kaibahan lang may kasama ako ngayon." nakangiting tugon ni Artemis. Napabuntong hininga naman roon si Gavin. Naawa siya sa dalaga dahil masyadong matindi ang sistema sa panahon ngayon. Malupit ang karamihan at walang pakundangan kung gumawa ng hindi maganda. Pero masuwerte pa rin si

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 99

    Napansin ni Artemis na maraming babae ang nagtatangkang kunin ang atensyon ni Gavin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nakakaramdam siya ng inis at medyo nawawala siya sa mood. Hanggang sa nag pasya ang dalagang uminom ng alak. Naalarma naman ang binata dahil alam niyang mahirap pag nalasing. "Kaya mo bang uminom?" hindi napigilang tanong ni Gavin nang makalapit kay Artemis. "Oo, I can handle this. Malakas ang tolerance ko sa alak." tugon ng dalaga. Saka siya nag patuloy sa pag iinom. Wala namang kaso iyon dahil nasa right age na siya at hindi siya pinaghihigpitan ng mga magulang niya tungkol sa bagay na iyon.Nanatili namang nakabantay si Gavin at medyo lumayo para bigyan ng privacy ang dalaga. Maya-maya pa may mga lumapit na lalaki kay Artemis at inagawan ito ng baso."Patikim nga kung talagang masarap." sabay lagok nito ng alak mula sa baso na hawak ng dalaga. Halos malukot ang magandang muka ni Artemis roon sa inis."Bastos ka ah? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mong huwag m

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 98

    Naging abala si Gavin sa pag aayos ng kaniyang mga gamit saka siya bumaba para ikarga iyon sa kotse ng driver nila Artemis. Kinausap niya muna ang landlady ng inuupahan niyang bedspace saka siya sumakay sa kotse. Agad naman iyong pinasibad at umalis pabalik sa Mansion nila Artemis. Hindi maikakaila na mabait rin ang mga tauhan nila dahil matapos niyang ayusin ang mga gamit sa kuwarto. Tinawag siya ng Mayordoma para pakainin. "Hindi na po. Ayos lang po ako." nahihiyang pagtanggi ni Gavin sa matanda. "Huwag kang mahiya. Kapag nandito ka, tandaan mo pamilya mo kami. Wala kang dapat ikahiya basta hindi ka nagnanakaw o nagawa ng hindi maganda." tugon nito. Tila may mainit na palad namang humaplos sa puso ni Gavin sa kaniyang narinig. "Marami pong salamat, ano po palang itatawag ko sa inyo?" tanong ni Gavin sa malumanay na boses. "Tawagin mo na lang akong Aling Lucia." pakilala ng matanda. Tumango ang binata at ngumiti. Dahil magaan ang loob niya sa matanda. Nag pasya siyang kumain tu

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 97

    Kinausap ni Artemis si Gavin at habang kinakausap ng dalaga ang binata. Hindi nito mapigilang mamangha sa ganda ng paligid. Nag pasya si Artemis igala sa loob ng Mansion ang lalaki. "Ang laki ng bahay niyo." aniya sa mababang boses. Wala na kasing alaala si Gavin nang kamusmusan niya kaya hindi niya alam kung ano ang itsura ng bahay na kinalakihan niya. Ngumiti naman si Artemis bago sumagot. "Hindi naman. Siya nga pala, Gavin. Puwede ka ng mag lipat ng gamit mo rito. Halika, ituturo ko sayo ang magiging kuwarto mo. Since, bodyguard na kita at magsisimula pa lang ang pagsasanay mo. Kailangan mo na lumipat. Dito ka na mag s-stay para mas mabantayan mo ako. Nakapag aral ka ba, Gavin?" takang tanong ni Artemis. Hindi niya kasi alam kung nakapag aral ito nang mag simula ng makapag trabaho. "Hindi. Pero marunong akong umintindi." tugon ng binata. Nahihiya siya pero gusto niyang magpakatotoo sa harap ng dalaga. "I Understand, puwede ka rin mag aral ng ALS para may matapos ka. Wala na

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 96

    Dahil naawa siya kay Gavin nag pasya siyang kunin itong bodyguard. "Gavin, may offer ako." aniya sa seryosong boses. Napalingon si Gavin sa kaniya. "Ano iyon, Artemis?" "Ano kaya kung mag apply ka na lang bodyguard? Kukunin kitang bodyguard ko. Para may stable Job ka. Huwag kang mag alala, tuturuan ka makipag combat at gumamit ng baril saka mga armas para maprotektahan mo ako. Malaki rin ang sahod. Kumpara sa mga sideline mo." suhestiyon ng dalaga. Napaisip naman roon si Gavin. Matagal niya ng gusto magkaroon ng stable job at malaking sahod. Bonus na lang na si Artemis ang sasamahan niya. Kalaunan, pumayag siya sa alok ng dalaga. "Sige! Ayos lang ba na maging bodyguard mo? Hindi kaya magalit ang Daddy mo?" nababahala niyang tanong. "Hindi. Mabait si Daddy. Hindi ka niya kukuwestiyonin." tugon ni Artemis. Marahang tumango si Gavin. "Kailan ako pupunta sa inyo?" tanong ng binata. "Bukas, ibibigay ko sayo ang Address namin. Kakausapin ko si Daddy mamaya." tugon ni Artem

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 95

    Biglang nag bago ang expression ng muka ng Store Manager. Bigla rin itong namutla at nanginig sa nerbiyos. Bahagyang humakbang si Artemis at halos mangatog na ang tuhod ng panot na lalaki."P-Para saan pa?! Siya lang ang tanging duty nang mawala ang alahas!" pagdidiin ng lalaki. "Talaga? What if? Nandoon ka at ipinapasa mo lang sa kaniya ang sisi?" sagot ni Artemis sa malamig nitong boses. Napatingin ang Store Manager sa mga bodyguard na kasama ng dalaga. Doon pa lang alam niya ng hindi ordinaryong babae ang kaniyang kaharap. "Hays! Sige na nga palalagpasin ko na lang ang tungkol rito!" sumusukong sagot ng lalaki."You can't, dapat mag bayad ang sinumang nag nakaw ng alahas." mariing tugon ng dalaga. Kinilabutan lalo ang lalaki dahil alam niyang mapapahamak siya. Dahil siya naman talaga ang kumuha noon."H-Huwag na, saka bakit ka ba nakikialam?" masungit na patutsada ng lalaki. Napag alaman ni Lily na Kevin ang pangalan nito."I'm her girlfriend and by the way I am Artemis Lucille

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status