“I.. I c-can’t breathe..” nahihirapang saad ni Cornelia. Hinawakan naman ni Elyze ang kamay ng asawa.
“T-Tama na, Oliverio. Ayos lang ako.” malumanay na sabi ng babae. Marahas na nilingon ni Oliverio si Elyze. “You!” “Ayos lang ako. Hayaan mo na sila..” bahagyang pinisil ni Elyze ang lalaki. Nakaramdam naman si Oliverio ng kakaibang init sa kaniyang puso. Kaya binitawan niya ang tiyahin. Ang mga matang mang husga at nga bibig ng mga taong naroon ay napilitang itikom sa takot kay Oliverio. Dumiretso sila sa kinaroroonan ng kaniyang Lolo Gregorio na noo’y kanina pa siya inaantay. Nakausap naman nila ang Lolo ni Oliverio bagos sila nagpaalam rito. “Uuwi na muna kami, Grandpa.” paalam ni Oliverio. “S-Sige apo.. Mag iingat kayo..” sagot ng matanda sa mahinang boses. Nakaratay ito sa kama dahil sa katandaan. Hinawakan naman ni Oliverio ang kamay ni Elyze at umalis roon. Makalipas ang isang oras nakarating sila sa Mansion ni Oliverio at nag sama sa iisang kuwarto. “Kailangan ba talagang dito ako matulog?” tanong ni Elyze. “Oo, para hindi makarating kay Lolo na hindi tayo nagsasama sa iisang kuwarto. He will doubt us.” sagot ni Oliverio at tinalikuran si Elyze. “O-Oo nga naman..” pag sang ayon ng babae. Saka tumalikod, para naman silang mga baliw na hindi mapakali. Nag haharumentado ang kanilang mga puso, dahil doon nahirapan silang makatulog pareho. Paumaga na nang makatulog sila. Kinabukasan, muli silang pumasok sa kompanya at nag tagpo ang landas nila Elyze at Renz. Hinawakan naman ni Renz ang kamay ni Elyze. “Let’s talk, sorry kung napag salitaan kita. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko sayo, Elyze. Mahal na mahal kita.” pagsusumamong saad ni Renz. Malamig siyang tinitigan ni Elyze. “Tapos na tayo..” aniya at nilagpasan ito matapos alisin ang kamay ng dating nobyo. Hinabol naman siya ni Renz at hinarangan ito ni Oliverio. “She’s my wife! Stop pestering her!” galit na sabi ni Oliverio. Nanlaki naman ang mata ni Renz sa gulat. bahagyang kumirot ang kaniyang puso, hindi niya matanggap iyon. Kaya nagpasya siyang palagpasin muna ang dalawa saka siya nag pasyang kidnapin ito. “Akin ka lang, Elyze.. Hindi ako makakapayag na, mapunta ka sa boss natin.. Isang malaking insulto ang ginawa mo.” gigil na saad ni Renz. Halos mag labasan ang ugat nito sa sentido at leeg sa galit. Samantala, lumipas ang mga araw na normal. Hanggang sa isang gabi habang nabili sa 7/11 lumabas si Elyze at tinakpan ni Renz ang ilong nito. Isinakay niya ang babae sa motor niya at dinala sa kanilang bahay sa probinsya. Nagising naman si Elyze makalipas ang mahabang oras na biyahe. “R-Renz?! Nasaan ako?! Anong?!” hindi makapaniwala si Elyze na nakatali ang mga kamay at paa niya sa kama at tanging bra saka panty nalang niya ang natitirang saplot. Bahagya pang lumamig dahil sa sariwang hangin na pumapasok mula sa bintana ng bahay. “Hindi ka puwedeng mapunta sa kaniya.. Alam mong akin ka.. Para kaunting pag aaway lang, sa kaniya ka agad?” bakas sa mga mata ni Renz ang matinding galit. “Renz, tigilan mo na ako. Tapos na tayo. Ikaw ang tumalikod kaya dapat panindigan mo. Pagkatapos mo akong pagsalitaan? Sa tingin mo ba, babalik ako sayo?!” galit na sigaw ni Elyze. Kahit kinakabahan sa mangyayari, taimtim siyang nananalangin na sana dumating si Oliverio. “Minahal kita ng sobrang tagal na panahon, Elyze. Itatapon mo lang iyon dahil sa pera?! Gan’yan kana ba talaga ka-mukang pera?!” mapang insultong sagot ni Renz. Nasaktan naman si Elyze dahil kay Renz pa talaga nang galing ang katagang iyon. Hindi na siya nag abala pang mag paliwanag dahil makitid ang utak ng ex-boyfriend niya at napakahirap nitong paliwanagan. Isa pa, hiwalay na rin naman sila. “Akala ko sa tagal natin, kilala mo na ako.. Hindi pa rin pala.. At iyon ang nakakadismaya.” puno ng hinanakit na tugon ni Elyze habang nasusuklam na tumitig kay Renz. Kumubabaw naman sa kaniya ang lalaki at walang atubili siyang hinalikan ng marahas sa labi. Halos maluha naman si Elyze sa sobrang galit pero wala siyang magawa. Kinagat niya si Renz sa ibabang labi at dumugo iyon. Pero patuloy pa rin ito sa pang ha-harass sa kaniya. Hanggang sa tinuhod niya ang pagkalalaki nito bago pa umabot sa sukdulan ang lahat. Napalayo si Renz at halos mamilipit sa sakit. “Hayup kang babae ka!” sigaw nito sa galit na boses. Sakto namang bumukas ang pintuan ng kuwarto at galit na pumasok si Oliverio. Napatingin Si Oliverio sa kaniyang asawa na noo’y naka bra at panty nalang. Habang gulo ang mga buhok saka siya lumingon kay Renz at sumugod rito. Napuno ng galit ang puso at isip ni Oliverio at walang atubili niyang pinagsusuntok saka sinipa si Renz. Halos mabasag ang muka nito. “O-Oliverio, tama na! Ipakulong nalang natin siya!” sigaw ni Elyze, dahil ayaw niyang makapatay ito. Galit na inundayan pa ni Oliverio si Renz at natauhan naman ito sa sinabi ni Elyze. Sumenyas siya sa mga tauhan na dalhin sa pinaka malapit na Istasyon ng Pulis ang lalaki. “You will pay for it, you dumb fool!” galit na sigaw ni Oliverio. Inalis naman ng mga tauhan niya si Renz roon. Doon lang nakahinga ng maluwag si Elyze at napahagulgol. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay sumabog. “O-Oliverio… I-I’m scared..” mahinang bulong ni Elyze. Kinalagan naman siya ng lalaki at niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ng awa si Oliverio sa asawa. “Sorry for being late. Don’t cry, I am here..” saad ng lalaki. Yumakap naman lalo sa kaniya si Elyze. Muling sinuot ng babae sa nanginginig na kamay ang suot na damit nang dukutin siya ng ex niya. Dumiretso sila sa presinto at kinasuhan si Renz. Inasikaso naman iyon ng abogado ni Oliverio saka sila muling bumalik sa Maynila. Agad naligo at nag bihis si Elyze. Nang matapos si Elyze naupo siya sa kama at itinaas ang mga paa. Muli na naman niyang naalala ang ginawa ni Renz sa kaniya. Muntikan na talaga siya nitong maangkin. Mabuti nalang at dumating si Oliverio, kaya naman nag bigay iyon ng matinding trauma kay Elyze. Bumagsak na naman ang masaganang luha sa kaniyang mga mata at lumapit naman si Oliverio sa kaniya.Kinabukasan, maagang gumising si Lily at inasikaso ang pagtulong sa kaniyang Lola Margarita. "Lola, tulungan na po kitang mag asikaso ng mga halaman mong magaganda." nakangiting inagaw ni Lily ang hawak na pang dilig ng matanda. "Naku, hija. Ako ng bahala rito. Mag pahinga ka lang diyan o kaya mag aral mabuti. Libangan ko ang mag dilig." sagot ng matanda. Natigilan naman si Lily at muling ibinalik ang pang dilig. "Ay! Sige po. Basta kapag may gusto kayong ipagawa andito lang po ako. Gusto kong bumawi sa tulong niyo sa amin ni Nanay." tugon naman ni Lily saka umatras. "Lily, kamag anak ko kayo at normal lang na tulugan ko kayo sa oras na nakaranas kayo ng hirap. Hindi ako humihingi ng anumang kapalit. Masaya akong makatulong at makitang nasa maayos kayong kalagayan." seryosong paliwanag ng matanda. Tila may mainit na palad namang humaplos sa puso ni Lily sa kaniyang narinig. Bihira lang kasi siyang makatagpo ng kamag anak na kagaya nito. Kamag anak na handang tumulong na walang
Napatingala na lang si Lily sa napakalaki at napakalawak na bahay ng tiyahin ng kaniyang Nanay Esmeralda. Ramdam ni Lily ang tila pagkabunot ng tinik sa kaniyang puso nang gabing iyon. Laking tuwa na lang rin ng dalaga na sa kabila ng pangit na karanasan sa kamay ng ama. Mayroon silang matutuluyan at sabado rin kinabukasan. Kaya wala siyang pasok. "Anak, pansamantala dito na muna tayo kay tiya Margarita." saad ni Aling Esmeralda."Opo, nay. Ayos lang po sa akin. Mukhang mabait rin naman po siya. Lola ko na po siya, ano?" takang tanong ni Lily. Marahan namang tumango si Aling Esmeralda.Maya-maya pa lumapit sa kanila ang matanda. Nasa otchenta na ang edad nito. "Halika muna kayo, ihahatid ko kayo sa inyong mga magiging kuwarto. Tapos kumain na kayong mag ina." sambit nito. Tumango ang mag ina at sumunod sa matanda.Ihinatid muna nila si Esmeralda sa magiging kuwarto nito. Hindi mapigilang mamangha ni Lily nang makita ang maayos at napakalinis na kuwarto ng ina."Ang ganda at malaki.
Palabas na sana sila ng Building dahil uwian na nang hapon na iyon. Kaya lang bigla na lang naglabasan ang ibang estudyante at nagmamadaling umuwi kaya nasanggi si Lily at kamuntikan ng mahulog sa hagdan. Mabilis namang hinawakan ni Knight ang kamay ng dalaga at hinila ito palapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Lily sa gulat kasabay ng malakas na tibok ng kaniyang puso. Ramdam niya ang malakas na impact ng pagkakasubsob sa binata lalo na nang magtama ang kanilang mga labi. "S-Sorry, gusto lang kitang iligtas." saad ni Knight na may namumulang pisngi at tainga. "A-Ayos lang. Hindi mo naman sinasadya. Salamat. Muntik na akong mahulog sa hagdan." nahihiyang tugon ni Lily, halos mangamatis na nga ang pisngi nito sa sobrang pamumula. Hindi nila akalain na magtatama ang labi nila ng ganoon. Agad namang umayos ng tayo si Lily at nag patuloy sa paglalakad pababa ng hagdan. "Kainis na mga estudyante, pare-pareho rin namang makakauwi. Kailangan pang mananggi." reklamo ni Lily. "Basta
Napuno ng hiyawan at bulungan ang paligid dahil sa sinabi ni Knight. Halos mamula naman ang pisngi ni Lily sa narinig. Hindi niya nga magawang mag angat ng ulo sa hiya habang nakaupo sa desk niya. Naupo naman si Knight sa sariling upuan at nang dumating ang professor nila doon na nagsimula ang klase. Bandang tanghali, hinila ni Knight si Lily sa damit at isinama ito sa kanilang magkapatid. Nataranta at nagulat si Lily nang isama siya nito. "Huy! T-Teka lang! Saan mo ako dadalhin? Ayusin mo naman. Pinagtitinginan na kaya tayo ng mga tao." saad ni Lily sa nahihiyang tono. Huminto naman si Knight at binitawan siya. "Sa Canteen, sa amin ka na sasabay ni Vanz. Para iwas ka sa mga bully." pahayag ng lalaki. "Nge?" "Sus! Kunwari pa ito si kambal, gusto lang talagang makasama si Lily. Dinahilan pa na ayaw niya mabully." komento naman ni Vanz sa natatawang boses. Sinimangutan naman siya ni Knight na may pagtingin pa ng masama. Sumipol na lang si Vanz roon. Nang makarating sa Canteen,
Maaga siyang pumasok kinabukasan sakay ng bago niyang bisikleta. Maganda ang gising ni Lily nang umagang iyon kaya panay siya bati kahit sa guwardiya. "Good morning po, Manong Ben!" aniya sa masiglang tinig. "Aba, maaga ka ah at napaka ganda yata ng gising mo ngayon, Lily?" puna naman ni Manong Ben. May katandaan na ito at ilang taon rin siyang nagtatrabaho sa eskwelahang iyon. "Opo!" tugon ni Lily saka nagpatuloy sa pagbabike nito. Napansin rin ng guard ang bagong bisikleta nito. "Mabuti naman at pinalitan mo na yung luma. Baka matetano kana roon eh?" dagdag pa ni Manong Ben bago makalayo si Lily. Tanging ngiti na lang ang naging sagot ng dalaga roon. Samantala, ipinarada niya naman ang bisikleta malayo sa sasakyan ni Loraine. Inilocked niya rin iyon bago siya naglakad papunta sa building nila. Sakto namang nagkasabay sila ni Knight at Vanz. "Good morning!" bati ni Vanz. Ngumiti naman si Lily. "Good morning rin." aniya sa nakangiting mukha. "Aga-aga." nababadtrip na bulong
Pagkalabas ng room nila Knight at Lily dumiretso sila sa Parking Lot. "May sasakyan ka?" "Oo, kotse ang gamit ko ngayon. Bukas motor na." sagot ni Knight sa dalaga. Namangha naman si Lily sa kaniyang narinig. "Talagang rich kid ka, ano?" aniya sa kaharap. "Sakay na.." pag iiba naman ng topic ni Knight. Ayaw niya kasing pinapamuka sa kaniya ng mga tao na mayaman sila. Oo, obvious iyon pero tinuruan silang maging mapagkumbaba. Maliban na lang kung niyayabangan na talaga sila ng ibang tao. Samantala, sumakay naman agad si Lily. Pinaharurot iyon ni Knight papunfa sa Mall. Makalipas ang ilang minutong biyahe, nakarating sila roon at mag kasunod na umakyat ng escalator. Dumiretso sila sa Toby's para doon bumili ng magandang klase ng bike. "Ito na lang, makapal ang bakal pati gulong." saad ni Knight. Nagustuhan rin naman ni Lily ang napili ng binata. Marahan siyang tumango na may kasamang pag ngiti sa labi. Napaiwas naman ng tingin si Knight dahil ang ngiti ni Lily ay kakaiba. Malakas