공유

Chapter 3

작가: Milly_Melons
last update 최신 업데이트: 2021-08-02 18:44:13

Pagkagising ko ay wala na ang aking ina. Napakunot na lang ang noo ko dahil may tumatawag sa phone ko, agad ko naman itong sinagot.

"Ma? Nasaan ka?" tanong ko. Agad naman itong sumagot.

"I'm sorry sweetie, nasa grocery store ako. May pagkain na d'yan, kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school," sabi nito. Kumuha ako ng baso at naglagay ako ng mainit na tubig doon, sunod naman ay naglagay ako ng gatas.

"Ingat po kayo," sagot ko at ibinaba na ang telepono.

Uminom muna ako ng gatas bago pa man ako maligo. Wala akong ganang pumasok, ngunit bawal naman akong tamarin. Ayokong mahuli ako sa mga lessons namin.

Naligo na ako at sinuot ang uniporme ko. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko at huli kong kinuha ang telepono.

Bumalik sa akin ang pakiramdam na naramdaman ko kagabi. Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ba ako naaapektuhan sa mga pang-aasar ng mga kaibigan ko, dati naman ay hindi ako naasar sa mga iyon, ngunit iba ngayon.

Dali-dali na akong lumabas at sinara ang pinto at gate ng bahay namin. Hindi ko na gustong mahuli pa muli sa klase ng guro ko na palaging galit, hindi ko na gustong makaramdam ulit ng hiya ngayon.

                            …

Papasok na ako sa gate ng school nang marinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko. Para itong mga baliw na ngayon lang nakalabas

"Ava!" sabay-sabay na sigaw nila. 

Nilingon ko ito at kinunot ang ko ang noo ko. Dahil na naman sa kanila ay nakakuha na naman kami ng atensyon. May ilang tao na naman ang tumitingin sa amin. Itong mga 'to kasi, hindi matahimik ang mga bibig.

"Ang ingay niyo naman. Lower down your voice, nakakahiya sa mga tao," sabi ko na may pagka sungit. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bag ko. Masakit kasi ang ulo at balikat ko. Siguro ay dahil pa rin ito sa pagkabunggo ko kahapon. Kainis na talaga.

"Grabe naman aga-aga ang sungit mo, Ava. Dinaig mo pa 'yung tindera sa canteen," sabi ni Vie. Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig nito.

Umiling na lang ako at sabay-sabay na kaming pumasok.

Pagkaupo namin ay pumasok na ang guro. May kasama ito ngunit parang huminto ito sa may pinto kaya hindi ko makita ang mukha. 

"Good Afternoon class, since everyone is already here, i want you all to meet Harris Valdivia, your new classmate. He's a transferee and I want you all to treat him properly," bahagya akong kinabahan. Napatingin ako sa kamay ko, nanlalamig na iyon.

Transferee? At sa pagkakatanda ko ay siya nga ang kasama ng guro namin habang nandoon kami sa canteen kahapon. Totoo ba ito? Kung siya nga ang magiging kaklase ko, at kung mamukhaan siya ng mga kaibigan ko, asarin na naman nila ako. Hindi 'yon pwede!

"Harris come in, introduce yourself," dagdag ni Ma'am.

Pumasok ang isang lalaki, he's tall, has a cute messy hair colored black. He has a pointed nose and a very red kissable lips. And last but not the least, he has a very beautiful eyes, it's color light brown making him so much handsome. Naka suot ito ng uniform nito pero nakabukas ang tatlong butones sa itaas. He looks hot. 

"Hello, I'm Harris Valdivia, nice to meet you all," tipid na pagpapakilala nito.

Nakatulala lang ako at nakatingin sa mga mata nito, para bang nalalasing ako at bumabagal ang galaw ng paligid. 

"Okay Harris let's see where will you sit," saad ng guro namin dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

"Ma'am," sabay taas ng kamay ni Jade na nasa tabi ko. Agad na nagkaroon ng karera sa puso ko, mukhang alam ko na ang balak gawin ni Jade. Huwag niyang sabihin na lilipat siya? Kapag ginawa niya iyon, magiging katabi ko pa ang bago naming kaklase.

"Ma'am I suggest dito na lang siya sa upuan ko, lilipat na lang po ako sa may harapan," sabi nito na ikinagulat ko kahit pa inisip ko na na mangyayari iyon. Napakapit na lang ako sa braso ni Jade at nag salita.

"Jade? 'Wag. D-dito ka na lang," nauutal pa ako. 

"Hayaan mo na Av, saka mas mabuti na iyon, 'di ko kasi makita ang nasa blackboard, at maraming pagkain sa harapan," sabi niya sa akin na walang pakialam. Sabi na nga ba, lumipat ito dahil may pagkain. Kung pagkain lang pala ang problema ay bibigyan ko siya ng marami, ngunit huli na ang lahat dahil nagsalita na si ma'am.

"Okay thank you Jade. You may now take a sit Harris," saad ng teacher namin. Agad akong napaayos ng upo, inayos ko rin ang palda ko at pilit na umakto ng normal.

Hindi ko alam ang gagawin, kinakabahan ako at parang gusto kong umalis sa kinauupuan ko. 

"Focus Ava, don't be distracted by that guy. Although he's really attractive. No! No Ava, stay still and just don't mind that handsome guy," bulong ng boses sa utak ko na mukhang naguguluhan pa.

Napatingin naman ako sa lalaking patungo sa tabi ko, naka ngiti ito ng bahagya at parang tuwang-tuwa ito.

"Since everything is okay, we will start our lesson for today..." hindi na ako makapag-focus nang magsalita ang katabi ko sa isang side na si Misty.

"In fairness Av, pogi niya, swerte mo," pang-aasar nito. Namula naman ang pisngi ko at bahagya akong tumingin sa lalaki na katabi ko. Nahuli ako nitong nakatingin kanya binaling ko agad ang tingin ko sa aming teacher.

Sa aking pakiramdam, hindi napansin ng mga kaibigan ko ang lalaking ito, kung kaya't hindi nila ako inaasar. Ngunit kahit na gano'n, hindi pa rin ako komportable na magiging katabi ko ang lalaking ito. 

Ibinaling ko na lang ang atensyon sa pagtuturo ng guro namin. Kahit na naka-focus ako sa guro, ramdam ko ang pakonti-konting tingin ng lalaking katabi ko sa akin. 

"That's it, do you all understand?" tanong ng teacher namin.

"Yes ma'am," sabi naming lahat, narinig ko naman ang napaka gwapong boses nito. The voice of that guy makes my heart go dance. Kinilig ako sa boses niya. Hindi ko rin alam kung bakit.

"We will have a short quiz prepare your items," sabi ng guro. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nanginginig na kumuha ako ng papel at ballpen.

"Ava, don't tell me you have a crush with the guy sitting beside you? NO! You should focus on your studies," bulong ako ulit sa aking sarili. Dahil mukhang kanina pa ako natutunaw dito. Hindi ko inakala na magiging ganito ka gwapo ang lalaking ito, mata niya lang kasi ang nakita ko kahapon, kaya naman hindi ko maiwasan na magulat at mamangha ng konti sa kagwapuhan niya.

"Hey," dinig kong boses ng isang lalaki. Agad na tumibok ang puso ko ng mabilis at dahan-dahan na tumingin sa kaliwa ko, "He called me?"

"M-me?" utal na sagot ko rito. Tinuro ko pa ang sarili ko, agad naman itong ngumisi at nag salita.

"Yes you, I just want to ask what's the answer to number 4?" bahagyang lumapit siya sa akin at malambing na sinabi niya iyon sa nakakalaglag panga na english accent.

"H-ha? B-bawal yun ah! That's cheating," sabi ko habang hinihinaan ang boses baka may makarinig sa amin. Ngunit ang puso ko naman ay parang sasabog na dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"I don't know the answer to number 4 so I'm asking you, I know that's cheating but please help me," sagot niya na parang natataranta na. Mas lumapit pa siya sa akin at ako naman ay parang tanga na nanigas na.

Hindi ko naman alam ang nangyari sa akin at parang lumulutang ang utak ko at tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko na namalayan na ipinapakita ko na sa kanya ang sagot ko.

"Thanks, kinopya ko na rin pala 'yung five and six," nakangising sabi nito. At bumalik na siya sa pagkakaayos ng upo niya.

Napatalon naman ang puso ko nang namalayan ko na nakatulala pala ako sa mukha niya. Ngayon lamang ito nagsalita ng Tagalog. At napaka cute n'un para sa akin. 

"Next time kasi m-makinig ka," sabi ko, inayos ko ang sarili ko at ibinaling ko ulit ang atensyon sa aming guro.

Narinig ko naman itong tumawa ng mahina at nagsalita, "Ganun ba, I'm sorry. By the way I'll just treat you later, para makabawi ako."

Lumingon agad ako sa kanya at ramdam ko na namula na ang pisngi ko. Hindi ko na gugustuhin na sumama sa kanya mamaya 'no. Ngayon pa lang ay sobra-sobra na ang kaba ko, paano pa kaya mamaya? At isa pa, baka pagtinginan na naman ko ng iba pang mga estudyante.

 "Huwag na, okay lang 'yon," pinilit ko na huwag mautal, baka sabihin nito kinikilig ako sa kanya. "Slight lang."

"Nah, don't say no. I'll wait for you later outside," hindi na ako nakasagot dahil may tumawag sa akin. 

"Ava, what is the answer to number 2?" tanong ni ma'am sa akin.

 "M-ma'am, l-letter B po," gulat na napatayo ako at utal utal na sinagot ko ang tanong ni ma'am sa akin.

"Totoo ba 'yung sinabi nung lalaki na 'yon?" bulong ng isang maliit na boses sa utak ko. Napailing naman ako. Paniguradong hindi naman seryoso ang lalaki na iyon.

Sa mukha at tindig pa lang ng katawan niya, alam kong pagkakaguluhan siya ng mga babae rito sa paaralan namin. Magkakaroon na naman ako ng mga kagalit dito. Nais ko na umiwas sa gulo, gaya nga ng sabi ko, ayaw ko na muli maranasan ang kahihiyan na naranasan ko kahapon.

Umayos ako ng upo, pinilit ko ang sarili ko na mag-focus sa guro namin. Hanggang sa hindi ko na iniisip ang lalaki sa tabi ko.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Happier (Tagalog)    Author's Note

    Good day! This is Milly or Milly_Melons, the author of this book! I just wanted to say thank you for all the love and support. Maraming salamat sa mga nagbasa, patuloy na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lang! Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng gems! Kung nakarating ka hanggang dulo, at tinapos mo talaga ang storya ko, maraming salamat po! Ito po ang kauna-unahang storya na sinulat ko kaya ipinapagpaumanhin ko po ang mga grammatical errors, spelling mistakes at iba pa. Sana po ay natuwa kayo sa storya kong ito at nagkaroon ito, o ang mga karakter nito ng espesyal na lugar sa mga puso niyo. I also thank GoodNovel for giving me this opportunity to write and earn while doing my passion, it is really great working with them. Hinihiling ko na hindi rito matatapos ang paglalakbay natin, ako bilang manunulat at kayo, bilang

  • Happier (Tagalog)    Chapter 68

    I put down my pen and stand up. Naglakad ako papuntang pintuan upang pakinggan ang ingay na nanggagaling sa labas ng opisina ko."Naglalaro na naman sila," i whispered and smiled.Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sa akin ang mga hagikgik ni Vaia. Ang anak namin."Are you playing again with Dammy?" tanong ko at saka lumuhod upang magkapantay kami nito."Dammy said it's okay to play. I already finished my homeworks mommy.""Are you sure?" lumingon ako sa paligid."I don't want you to fail your class."Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dulo ng summer dress na suot ko. This girl really. She's using her beautiful eyes to me again."I will not fail, mommy. I promise, i will not forget my studies."My mouth curved into a smile. Itong ugali niya na ito ang namana niya sa akin. Sh

  • Happier (Tagalog)    Chapter 67

    Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na naglalandas sa aking hita...pataas sa aking dibdib."N-ngayon?" napalunok ako at napahawak sa unan."Yes, ngayon. May ibang oras pa ba?""H-hindi k-kasi—""I want to do it, now."Ibinaba ni Harris ang katawan niya upang mahalikan niya ako. Noong una ay wala sa isip ko ang gumanti sa halik niya ngunit dahil sa malikot na dila niya ay hindi ko namalayan na nakikipagtastasan na pala ako ng halik sa kanya.Iniharap niya ako sa kanya at tuluyan na siyang pumatong sa akin. Mas lumalim naman ang halik niya sa akin.Napasinghap ako nang maghiwalay ang mga labi namin ni Harris. Humagilap ako ng hangin dahil halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paghahalikan namin."H-harris...""Take off your clothes."

  • Happier (Tagalog)    Chapter 66

    8 na ng gabi nang maisipan ni Harris na umuwi muna upang makapagpahinga siya sa bahay nila. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang si Harris ay nakaakbay sa akin.Ngunit sabay kaming nagulat nang makita namin ang isang bisita na hindi namin inaasahan na darating..."Anak, nandito si Zale," anunsyo ni mama kaya sabay kami na napatingin ni Harris sa sofa. Doon nga ay nakita namin si Zale na nakaupo na mukhang naghihintay sa amin.Samantala, naramdaman ko naman ang pag-iba ng sitwasyon. Tumingin ako kay Harris at kita ko ang madilim na mukha nito."Are you okay?"Tumango lang ito sa akin ngunit madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko na lang ito ininda at dumiretso na ako sa paglalakad papuntang sofa upang batiin si Zale."Zale! Kumusta?" paunang bati ko kay Zale. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at agad akong nginitian. Grabe ang pinagkaiba niya ngayon

  • Happier (Tagalog)    Chapter 65

    Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakita ko na iniluwa nito si mama kaya agad akong tumayo. Lumapit sa akin si Mama at mahigpit na niyakap naman ako nito."Kumusta ang pakiramdam mo, anak?"Umayos ako at hinigpitan rin ang yakap ko sa aking ina."M-medyo masakit lang po ang katawan," saad ko."Pinag-alala mo ako...akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Ava. Hindi ko rin matatanggap kung tuluyan na masasaktan ka ni Misty..."Unti-unting lumuwag ang yakap namin ni mama sa isa't isa. Tumingin lang ako sa mukha ni mama na puno ng pag-aalala sa akin. Ngumiti ako at muling niyakap si mama."Okay na po ako, tignan niyo nga po, oh. Nayayakap niyo pa po ang anak ninyo," biro ko at mahinang tumawa."Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."Tumayo si mama ng hig

  • Happier (Tagalog)    Chapter 64

    "I'm telling you, Misty. Stop being obsessed with Harris's girl. What's the point of killing her, anyway?""To get my fucking revenge? Naghintay lang ako ng limang taon para sa wala dahil sa 'yo!"Napalunok ako dahil sa naririnig kong usapan nila. Kahit na lumayo sila sa akin at may manipis na harang, rinig ko pa rin iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ng sabaw na ibinigay sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Nico."Stop attacking her. Kapag pinagtangkaan mo na naman siyang saktan, ikukulong talaga kita sa condo."Mayamaya pa ay lumabas na silang dalawa. Parang pusa na kumalma si Misty ngunit masama pa rin ang tingin sa akin nito. Si Nico naman ay nakangiti lang sa akin."K-kailan dadating si H-harris?" kinakabahan na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanilang dalawa, ngunit ang nasa isip ko ay kailangan ko na makaalis dito sa lugar na ito."Don't worry. I already contacted him. I just hope he doesn't call the police.""Of co

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status