分享

Chapter 4

作者: Blue Soda
last update publish date: 2026-09-11 09:33:18

VIVIAN

Itinulak ko paatras ang upuan at dahan-dahang tumayo. Parang hindi sapat ang hangin sa loob ng silid para sa bilis ng tibok ng puso ko.

“Pasensya na, hindi ko dapat sinabi ‘yon.” Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. “I was upset. Broken, maybe. Pero sabihin mo sa akin, Dante … ayaw mo rin bang makita ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may namamagitan sa atin?”

Mula sa pagkakasandal sa hamba ng p***o, tuluyan siyang umayos ng tayo. Hindi siya nagmamadali, pero bawat hakbang niya papalapit sa akin ay lalo lamang nagpapabilis sa pulso ko.

“May namamagitan sa atin,” mahinang ulit niya, na para bang tinitimbang ang bigat ng mga salitang iyon.

“Oo.”

Hindi ko siya nilayuan. Hindi ko rin binawi ang sinabi ko.

“It would be nothing but an illicit affair. No love involved.” Napalunok ako at pilit pinanatiling kalmado ang boses. “Pareho naman tayong niloko, hindi ba? So why not give them a taste of their own medicine?”

Ilang hakbang na lang ang pagitan namin.

“Ano’ng pinaplano mo, Vivian?” 

Nasa kamay pa rin niya ang polo na kanina pa niya hawak. Hindi pa rin niya ito isinusuot. Ngumiti ako, pero kahit ako alam kong peke ‘yon. 

“Kung kaya nilang paglaruan ang tiwala natin, kaya rin nating gawin sa kanila.” Huminga ako nang malalim. “Of course, kung gusto mo lang namang gawin ‘to, ‘di ba?”

Biglang naging napakalakas ng kabog ng dibdib ko.

Dalawampu’t apat na oras pa lang ang lumipas mula nang malaman ko ang katotohanan. Dalawampu’t apat na oras mula nang sabihin kong hindi ko kayang maghiganti kay Rayver. At heto ako ngayon. Ako mismo ang nag-aalok ng paraan para saktan siya.

Matagal akong pinagmasdan ni Dante . Sa tagal ng katahimikan niya, napaisip akong baka siya ang magiging boses ng katinuan naming dalawa. Baka sasabihin niyang hindi ito magandang ideya. Baka pipigilan niya ako sa kahibangang ko. Baka ibabalik niya kami sa tunay na mundo bago pa kami tuluyang makagawa ng bagay na pagsisisihan namin bandang dulo. 

Pero hindi iyon ang nangyari.Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang panga ko. Marahan niya akong inilapit sa kanya, at bago pa man ako makapag-isip nang maayos, nagtagpo ang mga labi namin.

Iyon na ang sandaling tuluyang nawala ang natitira kong pagpipigil. Sinuklian ko ang halik niya. Mainit. Mapusok. At nakakagulat kung gaano kabilis nitong napatahimik ang lahat ng ingay sa isip ko.

Wala nang Rayver.

Wala nang Hanna.

Wala nang mga tanong tungkol sa kung tama ba ang ginagawa ko. Tanging si Dante lang ang naroon at ako sa loob ng mga bisig niya. Hindi ko namalayang binuhat na pala niya ako hanggang sa mapahawak ako sa kanyang mga balikat. Dinala niya ako patungo sa silid at maingat na inihiga sa kama.

Pagbagsak ng katawan ko sa malambot na kutson, saka lamang ako napaupo muli. Habol ko ang aking paghinhga at hindi ko sigurado kung dahil sa kaba o sa kung anong bagong damdaming unti-unting bumabalot sa akin.Siguro pareho lang. 

Nang tumingin ako kay Dante , muli kong naramdaman ang matinding pag-aalinlangan.

This was supposed to be revenge. Isang simpleng paraan para masuklian ang ginawa nila sa amin. Pero bakit parang higit pa roon ang nararamdaman ko? Napansin niya ang bahagyang panginginig ng kamay ko nang ilapag ko ang cellphone sa night table. Wala siyang sinabi. Sa halip, lumapit lang siya at hinawakan ang kamay ko.Napapikit ako. Sa isang iglap, bumalik sa isip ko ang mukha ni Rayver. 

Ang araw ng kasal namin.

Ang mga pangakong habang-buhay kaming magsasama sa hirap at ginhawa. 

Ang boses niyang puno ng sinseridad habang sinasabing ako lang ang mamahalin niya.

At pagkatapos, si Hanna.

Ang maamo niyang mukha habang nakatingala sa akin sa ilalim ng ulan.

Wala nang saysay ang lahat ng ‘yon, kaya pinilit kong itulak palayo ang mga masasakit na alaala. Ayoko na silang isipin. At ang tanging alam ko lang, tatlong buwan akong tiniis ng sarili kong asawa. Tatlong buwan ng mga dahilan, pagtanggi, pangakong babawi siya, at mga halik na walang sinseridad. 

Pagod na akong maghintay para lang masuklian ang pagmamahal ko. Pagod na akong mamalimos ng atensyon sa kanya. Pagod na akong maging mabait. At higit sa lahat, pagod na akong maging biktima. Kaya sa pagkakataong ‘to, hinayaan kong manaig ang isang bagay na matagal ko nang pinipigilan—ang maging makasarili kahit isang beses lang.

Lumapit si Dante at muli niya akong hinalikan. Mas mabagal sa pagkakataong ito, pero mas mapanganib dahil mas nararamdaman ko ang bawat segundo. Napahawak ako sa kanya. Hindi ko na alam kung saan nagtatapos ang paghihiganti at kung saan nagsisimula ang sariling pagnanasa. Ang tanging alam ko lang… ayaw ko nang umatras sa larong sinimulan namin. 

“Dante …”

Ibinuka ko ang mga mata ko at nakita ang matinding emosyon sa kanyang mukha. Wala na ring pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.At nang muli kaming magtagpo sa isang halik, alam kong tuluyan nang nagbago ang direksiyon ng gabing iyon.Hinayaan kong dalhin ako ng sandaling iyon. Hinayaan kong patahimikin nito ang sakit na ilang buwan kong kinikimkim.

At sa loob ng mga sandaling iyon, pinili kong huwag isipin kung ano ang mangyayari kinabukasan. Nang tuluyan akong bumalik sa sarili ko, nakahiga akong nakatitig sa kisame. Habol ko pa rin ang hininga ko. Pagod. Magulo ang buhok at pawisan. Higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Sa tabi ko, tahimik din si Dante . Pero nang lingunin ko siya, may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko habang magkahinang ang aming mga mata. 

Napakatanga ni Hanna. Paano niya hinayaang mawala sa buhay niya ang isang lalaking tulad ni Dante ? Gwapo. Simpatiko. Mayaman. At higit sa lahat, may kakaibang kakayahan itong iparamdam sa isang babae na siya lang ang taong mahalaga sa buong mundo. Pero hindi pa rin nakuntento ang malanding ‘yon dahil nagawa pa rin niyang humanap ng iba.

Muling lumapit sa akin si Dante at kusang napalibot ang mga braso ko sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan bago muling nagtagpo ang mga labi namin. At doon ko lalong naramdaman ang panganib ng lahat ng ito. Hindi dapat ganito. Maghihiganti lang kami, yon ang orihinal na plano. 

Walang attachment. Pero bakit hindi ko kayang kumbinsihin ang sarili kong ganoon lang talaga ito? Sa unang pagkakataon mula nang gumuho ang mundo ko, may isang sandali kung saan hindi ko naramdaman ang sakit, ang pagtataksil. Hindi ko naramdaman ang pagkawasak ng puso ko. Bagkus may iba akong naramdaman—kalayaan. 

At marahil iyon ang pinakanakakatakot sa lahat. Dahil alam kong hindi dapat maging ganito kasarap ang paghihiganti. Tahimik akong nakahiga habang nakatitig sa kisame dahil hindi ko kayang tumingin kay Dante .

“I'm sorry…” Mahina ang boses niya. Narinig ko rin ang marahan niyang paghaplos sa likod ko. “Hindi ko dapat hinayaang mangyari ang bagay na—”

“Don’t worry, wala kang kasalanan.” Pinutol ko siya bago pa niya matapos ang sasabihin. Sandaling natahimik ang silid. “Isa pa, di mo naman ako mabubuntis dahil umiinom ako ng contraceptive pills,” dagdag ko.

Napakunot-noo siya. “Bakit kailangan mong uminom no’n?”

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Pero bago pa ako makapag-isip, biglang umilaw ang cellphone sa night table. Tumayo si Dante at dinukwang iyon. Saglit niyang tiningnan ang screen bago iniabot sa akin.

“Your husband’s calling you.”

Parang isang balde ng malamig na tubig ang ibinuhos sa akin. Nawala agad ang init sa katawan ko. Pagod na pagod kong tiningnan ang screen bago ko iyon sinagot at inilagay sa speaker.

“Good morning to you, my one and only love,” malambing niyang bati.

Napapikit ako dahil sa iritasyon. Napakagaling talaga niyang magpanggap. Bumuka ang bibig ko para sumagot, pero hindi pa ako nakapagsasalita nang lumapit si Dante . Idinikit niya ang labi niya sa gilid ng leeg ko, sapat para bigla akong mapahinga nang malalim.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Napakagat ako sa labi para pigilan ang anumang tunog. At sa kabilang linya, biglang nanahimik si Rayver. Mahabang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita. Nagbago na ang tono niya. Wala na ang lambing at ganon kabilis siyang nanlamig. 

“Vivian.”

“Hmm?” mahinang anas ko, pilit na ginagawang natural ang boses ko. 

“Parang narinig ko…” sabi niya at bahagyang tumigil. “Teka…may kasama ka bang lalaki d’yan?”

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 67

    HANNAUmalis ako sa bahay na iyon na nagngingitngit sa galit. Hindi nakakatuwa ang mga nangyari kaya naman nakasimangot ako sa buong durasyon ng byahe. Mariin ang pagkakahawak ko sa manibela na para bang mawawasak na ‘to dahil sa matinding pagtitimpi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang bawat pangyayari nang gabing iyon. At ang katotohanang pareho nila akong sinaktan.Si Rayver, ang lalaking niluhuran ko. Ang lalaking pinagbigyan ko ng lahat, pati ang sarili kong katawan. Hinayaan ko siyang tirahin ako habang nakasandal kami sa dingding ng sarili niyang sala.Tapos ang asawa niya ay kung nasaang lupalop habang gumagawa ng kung anu-anong kabulastugan. Ang mismong Rayver na iyon ang nanampal sa akin nang ubod ng lakas kaya bumagsak ako sa sahig. At para saan? Para kay Vivian?Ang pesteng hitad na ‘yon! Malakas kong hinampas ang manibela at saka marahas na nagmura. Hindi ako makapaniwalang ganon na kung umakto si Vivian. Ibang-iba na siya sa dating Vivian na kilala ko. Mahigit isang

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 66

    Hindi ako lumingon. Tinahak ko ang pasilyo patungo sa guest room, nagmamadaling pumasok, at saka ini-lock ang pinto. Pero muli akong napapitlag nang kalampagin niya kaagad ang tatlong malalakas at sunod-sunod na katok.Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mga kuko ko.Muli siyang kumatok pero hindi ako sumagot. Hindi ko binuksan ang pintuan. Makalipas ang ilang sandali, tumigil din siya.Naligo ako, nagbihis, at nasa sala na nang marinig kong lumabas siya ng kuwarto. Nagulat siya nang makita akong handa na, na para bang inaasahan niyang magiging normal na ulit ang lahat. May nakahandang almusal sa mesa. May asawang lumambot na ang kalooban matapos ang magdamag."Ano'ng almusal natin?" tanong niya.Kinuha ko ang bag ko. "Wala akong ideya kung ano. Ilang araw na akong hindi nagluluto,e. Pero alam mo, malalaman mo sana kung madalas ka sanang umuuwi rito.”Napatitig siya sa akin. Matagal at makahulugan. "Kumuha ka ng maid," sabi ko bago tuluyang lumabas.Mahaba ang araw na iyon,

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 65

    Napapiksi ako at mabilis na lumayo nang muling dumapo ang mga kamay niya sa baywang ko. "Sobrang pagod na ako," sabi ko sa kanya. "Ang laboratory expansion lang ang nasa isip ko ngayon. Wala akong ibang maasikaso hangga't hindi ko nagagawa ang lahat ayon sa plano."Tiningnan ako ni Rayver sa paraang nakasanayan niya tuwing hindi ko ginagawa ang gusto niya. Ang kombinasyon ng pagtataka at pagkadismaya na pilit niyang ipinapakita na para bang nag-aalala lang siya sa akin."Alam mong ayokong napapagod ka dahil sa pesteng laboratory na ‘yan,” sabi niya. "Isa pa…’yung mga sinusuot mong damit nitong mga nakaraang araw. Alam mong hindi ka naman dating ganyan, Vivian.”"Noong una mo akong nakilala," kalmado kong sagot, "pero ang totoo, ganon na talaga ako manamit. Itinigil ko lang para sa iyo. Lalo na't nasa bahay lang naman ako at wala namang pinupuntahan o dahilan para mag-ayos."Bubuka pa lang sana ang bibig niya, pero nagpatuloy ako. "Ikaw ang nagdesisyong maghintay tayo ng limang taon

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 64

    “Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?”“Ginagawa ko lang ang trabaho ko, boss,” sagot niya naman. Pagkatapos ng tawag, humiga ako at nakaramdam ng malaking ginhawa. Hindi na gaanong mabigat ang pakiramdam ko, na para bang hindi na unti-unting sumisikip ang mga pader sa paligid ko. Pagkatapos, tumawag siya—na para bang kahit paano ay alam niyang kailangan kong marinig ang boses niya.Sinagot ko ang tawag bago pa tuluyang matapos ang unang ring. Masaya kaming nag-usap Pagod siya pero kalmado, na para bang walang anumang nakakaistorbo sa kanya. Para sa akin, nangangahulugan iyon na ayos lang siya. At kung may nangyari man sa bahay na iyon, kaya niya iyong harapin. Pagkababa niya ng tawag, nanatili akong nakahiga sa dilim. Naramdaman ko ang kakaibang katahimikan ng isang silid na katatapos lamang magkaroon ng isang bagay na mabuti. Nakatulog ako at kinabukasan sinalubong ako ng tawag ng CEO bandang alas-syete ng umaga. “Check niyo po ang trending news, Sir,” bungad niya nang walang

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 63

    Pinulot ko ang dati niyang cellphone at binuksan iyon. Pagkatapos, muli ko rin itong pinatay. Hindi tama ang ginagawa ko. Anuman ang laman ng cellphone na iyon, pag-aari niya iyon. Ang messages niya, ang mga pinagdaanan niya. Ang private life niya bago pa nagsimula ang lahat ng ito. Wala akong karapatang pakialaman ang mga iyon, gaano ko man kagustong malaman kung ligtas ba siya.Ibinaba ko ang cellphone at saka tumayo. Naglakad ako patungo sa balcony, nilanghap ang malamig na hampas hangin sa aking balat at pinagminasdan ang mga ilaw habang iniisip si Rayver. Naisip ko kung paano tinitigan ni Rayver si Vivian kapag nakita niya itong suot ang provocative na damit na iyon.Paglabas niya mula sa wardrobe, suot na niya iyon, at pakiramdam ko ay pansamantalang huminto ang buong paggana ng utak ko. At umuwi siya nang suot pa rin ang damit na iyon. Papasok siya sa pintuan ng bahay habang kumakalansing ang mga takong niya at gumagalaw ang mga balakang niya sa paraang nakasanayan kong pagmasd

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 62

    DANTENagmaneho ako pabalik sa hotel, nahiga sa kama, at matagal na tinitigan ang kisame. Tahimik ang silid. Tahimik din ang buong paligid sa labas. Isa pa, wala akong maisip na dahilan kung bakit di pa rin ako makatulog. I was like a giddy and horny teenager imagining his crush. Grabe, malala na talaga ‘tong nangyayari sa akin.Paulit-ulit bumabalik sa isip ko si Vivian. Hindi sa paraang nakakainis, hindi tulad ng isang problemang bumabalik dahil hindi mo pa ito nalulutas. Bumabalik siya sa isip ko gaya ng isang awit o ng isang amoy—biglaan, walang babala, at walang paalam. At kapag nangyari iyon, napakalinaw ng presensiya niya sa isip ko kaya parang hindi na gaanong totoo ang lahat ng iba pang bagay.Ang opisina. Ang mesa. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin pagkatapos, habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga, at ang mga matang nagtatanong ng isang bagay na hindi pa niya kayang sabihin nang rekta. Ang kotse...Mahina akong natawa habang nakatitig sa kisame. Si Vivian talaga

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status