MasukDANTE
Hindi ako ang tipo ng lalaking madaling maniwala sa pag-ibig. Para sa akin, mas mahalaga ang dalawang bagay—katapatan at loyalty. Lumaki akong alam na hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay kaibigan. May mga taong kaya kang kamayan ngayon at saksakin sa likod kinabukasan.
My father made sure I learned that lesson early. Tough love, sabi niya. Kaya hindi ako basta nagtitiwala. Hindi ako madaling kumbinsihin ng matatamis na salita, at lalong hindi ako basta nagpapapasok ng kahit sino sa buhay ko. Maingat ako sa mga taong pinipili kong pagkatiwalaan. Mas maingat ako sa mga desisyon ko. Unfortunately, nagkamali pa rin ako kay Hanna.
Pero bago ko nalaman kung sino talaga siya, may ibang dahilan kung bakit ko piniling magpakasal. Kailangan kong malaman kung sino ang may pakana sa tangkang pagpatay sa ama ko. At para magawa iyon, kailangan kong mawala sa radar ng mga taong posibleng sangkot.
Noong panahong iyon, hindi ako puwedeng maging kahina-hinala. Kailangan kong magmukhang ordinaryo. Walang koneksiyon sa kahit anong kahina-hinalang gawain. Isang lalaking walang dahilan para bantayan o pagdudahan. At ano ang mas magandang disguise kaysa sa pagkakaroon ng normal na trabaho, isang asawa, at isang buhay na mukhang napakaboring?
Nobody suspects the boring guy, right?
Halos tatlong taon na ang nakalipas nang pumunta ako sa isang bar sa BGC at nakita ko siya. Tatlong babae ang magkakasama sa isang mesa. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan tungkol sa isang bagay na hindi ko marinig mula sa kinauupuan ko. Magaganda silang lahat…pero isa lang ang hindi ko maalis sa paningin ko.
Si Vivian Rustica.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nakakuha ng atensyon ko sa kanya. Maybe it was her angelic face. At may kakaibang inosente sa paraan ng pagngiti niya na tila hindi niya alam kung gaano siya kapansin-pansin. She was the kind of woman who could walk into a room without trying and still make people look twice. May ibinulong siya sa isa sa mga kaibigan niya at sabay-sabay silang nagtawanan. At sa paraan ng paglingon nila sa direksiyon ko, alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Papalapit na sana ako nang may biglang humarang sa daan ko.
Si Hanna.
May mapang-akit na ngiti sa labi at mga matang parang sanay nang gamitin ang bawat tingin para makuha ang gusto niya.
Nagpakilala siya. At habang kinakausap niya ako, napansin kong wala na si Vivian sa mesa. Nilibot ko ang tingin sa buong bar pero wala na siya. I assumed she had already left.
Hindi ko na siya hinanap. Hindi ko rin alam na ilang taon pa ang lilipas bago siya muling maging bahagi ng buhay ko. Nang gabing iyon, umuwi akong kasama si Hanna. At sa isip ko noon, siya na ang magiging sagot sa kailangan ko.
A wife.
Someone who could help make my life look ordinary. Someone who could fill the silence while I quietly continued searching for the truth. Hindi siya mahilig magtanong ng mga bagay na hindi naman niya kailangang malaman. Maganda siya, kaya walang magtataka kung bakit siya ang pinili kong pakasalan. Higit sa lahat, wala siyang pakialam sa mga bagay na ayokong ipaalam. Kaya niyaya ko siyang makipag-date.
At habang unti-unting nabubuo ang relasyon namin, pilit kong inalis sa isip ko ang babaeng nakita ko sa bar. Naging maayos naman ang lahat. At makalipas ang anim na buwan, paulit-ulit nang nababanggit ni Hanna ang pangalan ng best friend niya. Madalas niyang ikuwento kung gaano kaswerte ang kaibigan niya dahil nakapangasawa nito ang mayamang negosyante na si Rayver Montero.
Para kay Hanna, malaking isda ang lalaki. May pera. May impluwensiya. Maraming koneksiyon. At kayang ibigay ang lahat ng gusto ng isang babae. Iyon ang klase ng buhay na gusto ni Hanna. Hindi niya iyon itinatago.
Madalas niya ring ipaalala sa akin kung gaano karaming bagay ang hindi ko kayang ibigay sa kanya. Humingi ako ng palugit para patunayan ang sarili ko. Tatlong taon lang pero naging mainipin siya kalaunan. Palaging aburido. Madalas siyang magtampo. Magreklamo. Mag-tantrum kapag hindi nasusunod ang gusto niya. At kahit alam kong unti-unti na siyang nagsasawa sa buhay na kasama ako, pinili pa rin niyang manatili. I appreciated that. Very much. Dalawang taon kaming nag-date bago kami tuluyang nagpakasal. Akala ko sapat na iyon para makilala ko siya nang lubusan. But damn, I was wrong. Nine months after our wedding, nalaman kong niloloko niya ako.
Too bad, Rayver Montero was her lover. Sa loob ng tatlong buwan, naniwala akong tapat sa akin ang asawa ko. Hindi ko siya agad kinompronta hindi dahil wala akong sapat na ebidensya, kundi dahil may isang parte sa akin na ayaw pa ring maniwala.
Sa kabila ng lahat ng kapintasan niya, pinanghawakan ko pa rin ang ideyang hindi niya ako kayang iputan sa ulo. I made believe she valued the promises we made. Pero ginawa niya akong isang malaking gago.
Doon ko rin unang napagtanto kung gaano karaming bagay ang hindi ko nakita habang abala akong nagtitiwala sa kanya. Ang mga gabing hindi siya umuuwi.
Ang malamig niyang pakikitungo. Ang paraan ng paglayo niya sa akin kahit ilang buwan bago ko pa malaman ang dahilan. At kapag pinapayagan niya akong lumapit, para bang utang na loob ko pa ‘yon.
Kaya lumayo rin ako. Hindi ko na siya hinabol. Ni hindi ko na tinatanong kung saan siya pupunta. At nagustuhan niya naman dahil hindi na niya ako pinansin. Hindi niya napansin ang pagbabago ko. Kaya nagsimula akong magmasid. Slowly but surely.
Unti-unti kong natuklasan na hindi lang pala si Hanna ang sangkot. Kundi pati ang buong pamilya niyang pulpol. Kapag sinasabi niyang pupunta siya sa isa sa mga ito, tinatawagan ko muna sila para kumpirmahin ‘yon. At sa bawat pagkakataon, pare-pareho silang nagsisinungaling para lang pagtakpan ang ginagawa niya. Walang kahirap-hirap.
Ang nakakatawa, si Rayver ang gumagastos para kay Hanna, at si Hanna naman ang gumagastos sa pamilya niya. Mamahaling bag para sa mommy niya. Bagong relo, sapatos at kung anu-ano pa para sa mga kapatid niya. At kung anu-ano pang luho para sa buong pamilya. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagalit. Ang pagtataksil ni Hanna o ang katotohanang tila buong pamilya niya ay nakikinabang dito. Pare-pareho sila!
Mula noon, tahimik akong nangalap ng ebidensya. Hindi ako nagmadali. I wanted everything. Messages, transactions, dates, photographs. Anything that could make it impossible for them to deny what they had done. Kailangan kong ibigay kay Hanna ang annulment papers ngayong araw. Kahit nasaan siya. Kahit sino ang kasama niya. Kailangan niyang matanggap ang mga dokumento.
Pero dalawang araw na ang nakalipas, may isang bagay na nagpabago sa plano ko. Paulit-ulit na pumupunta si Hanna sa bahay ni Vivian. At hindi lang basta dumadalaw. Ngumingiti nang magiliw at yayakapin si Vivian. Kikilos na parang wala siyang ginagawang mali. Samantalang palihim niyang niloloko ang sariling best friend kasama ang asawa nito.
That was the part I couldn't understand. Paano niya nagagawang tumingin kay Vivian sa mga mata habang kinakalantari niya ang asawa ng kaibigan? Sa kasamaang-palad, hindi alam ni Vivian ang totoo tungkol kay Rayver. Sa paningin ng lahat, perfect husband ang kumag.
May mga litrato itong nagbibigay kay Vivian ng mga bulaklak. Sweet photos and messages. Mga public gestures na pawang performative. Sa social media, halos sambahin siya ng mga tao. Ang tingin nila kay Vivian ay isang maswerteng maybahay dahil nakapangasawa siya ng lalaking tulad ni Rayver. Pero alam ko kung gaano kaitim ang budhi ng hayop na ‘yon.
DANTEHindi ako ang tipo ng lalaking madaling maniwala sa pag-ibig. Para sa akin, mas mahalaga ang dalawang bagay—katapatan at loyalty. Lumaki akong alam na hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay kaibigan. May mga taong kaya kang kamayan ngayon at saksakin sa likod kinabukasan.My father made sure I learned that lesson early. Tough love, sabi niya. Kaya hindi ako basta nagtitiwala. Hindi ako madaling kumbinsihin ng matatamis na salita, at lalong hindi ako basta nagpapapasok ng kahit sino sa buhay ko. Maingat ako sa mga taong pinipili kong pagkatiwalaan. Mas maingat ako sa mga desisyon ko. Unfortunately, nagkamali pa rin ako kay Hanna.Pero bago ko nalaman kung sino talaga siya, may ibang dahilan kung bakit ko piniling magpakasal. Kailangan kong malaman kung sino ang may pakana sa tangkang pagpatay sa ama ko. At para magawa iyon, kailangan kong mawala sa radar ng mga taong posibleng sangkot.Noong panahong iyon, hindi ako puwedeng maging kahina-hinala. Kailangan kong magmukhang ordinaryo.
VIVIANItinulak ko paatras ang upuan at dahan-dahang tumayo. Parang hindi sapat ang hangin sa loob ng silid para sa bilis ng tibok ng puso ko.“Pasensya na, hindi ko dapat sinabi ‘yon.” Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. “I was upset. Broken, maybe. Pero sabihin mo sa akin, Dante … ayaw mo rin bang makita ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may namamagitan sa atin?”Mula sa pagkakasandal sa hamba ng pinto, tuluyan siyang umayos ng tayo. Hindi siya nagmamadali, pero bawat hakbang niya papalapit sa akin ay lalo lamang nagpapabilis sa pulso ko.“May namamagitan sa atin,” mahinang ulit niya, na para bang tinitimbang ang bigat ng mga salitang iyon.“Oo.”Hindi ko siya nilayuan. Hindi ko rin binawi ang sinabi ko.“It would be nothing but an illicit affair. No love involved.” Napalunok ako at pilit pinanatiling kalmado ang boses. “Pareho naman tayong niloko, hindi ba? So why not give them a taste of their own medicine?”Ilang hakbang na lang ang pagitan namin.“Ano’ng
VIVIANHindi ako inihatid ni Dante pauwi. At sa totoo lang, wala na rin akong lakas para tumutol. Sobrang lakas ng ulan na halos wala ka nang makita sa kalsada. Basang-basa ako mula ulo hanggang paa at hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko, kaunting galaw na lang, bibigay na ang mga tuhod ko. May kinausap si Dante na isang empleyado ng resort. May iniabot siyang card dito, at hindi nagtagal ay may sumundo sa amin at naghatid sa isang suite sa kabilang bahagi ng resort.Pagpasok namin, agad kong napansin kung gaano kaganda ang lugar. Eleganteng-elegante. Isang lugar na dapat sana'y nakakarelax, pero hindi ko maramdaman ang kahit anong ginhawa. Diretso akong nagtungo sa sofa at umupo. Hindi ko man lang naisip na magpalit ng damit. Nanatili lang akong nakaupo roon, nakatitig sa isang bahagi ng pader habang pinakikinggan ang walang tigil na patak ng ulan sa labas.Tahimik ang paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may kung anong paulit-ulit na gumuho. Durog n
VIVIANAlas-singko nang hapon nang dumating si Dante para sunduin ako. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Wala rin naman akong maisip na tamang sabihin. Ano pa nga ba ang pag-uusapan namin?Dalawa lang ang posibleng mangyari ngayong gabi.Maaaring mapatunayan naming mali si Dante .O maaaring pagkatapos ng gabing ito, hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Mabilis naming narating ang Hidden Sanctuary Resort sa loob ng Ayala Ecological Park. Kahit madilim na ang langit, kapansin-pansin pa rin ang ganda ng lugar. Maayos ang landscaping, hitik sa iba’t ibang uri ng bulaklak at napapalibutan ng matatayog na puno. Nakadagdag pa sa romantic atmosphere ang mga fairy lights na nakasabit sa paligid.Makapal din ang hamog na bumabalot sa resort. Kung ibang pagkakataon siguro, maiisip kong napakaganda at ka-romantic ng lugar na iyon. Perfect para sa mga magkasintahan at may itinatagong kabit. Pero hindi para sa akin ang lugar na ‘to. Ang sakit isipin ng katotohanang ni-reserve ni Rayver an
VIVIAN“May relasyon ang asawa ko at ang asawa mo, alam mo ba ‘yon?”Naibuga ko ang soda bago ko pa man ito mainom. Mabilis kong ibinaba ang tall glass sa mesa at ilang beses na kumurap habang nakatitig kay Dante Rios. Baka mali lang ang narinig ko. Baka may ibang ibig siyang sabihin. Hindi ako kayang lokohin ni Rayver. Mahal ako ng asawa ko. Alam ko iyon. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa kanya.“Mr. Rios,” maingat kong sabi. “Hindi magandang biro ang sinasabi mo.”Hindi man lang gumalaw ang mukha ni Dante. “Mukha ba akong nagbibiro?”Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. By the looks of it, he was ready to commit murder. Seryosong-seryoso ang mukha niya at kalkulado ang bawat galaw. Pero kahit na, hindi ibig sabihin na paniniwalaan ko agad ang ibinibintang niya kay Rayver.“Lilinawin ko lang, ha, mahal ako ni Rayver,” mariin kong sagot. Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng boses ko. “Hindi niya ako kayang gaguhin.” Bahagyang bumuntong-hininga si Dante. “I thought the s







