MasukVIVIAN
Hindi ako inihatid ni Dante pauwi. At sa totoo lang, wala na rin akong lakas para tumutol. Sobrang lakas ng ulan na halos wala ka nang makita sa kalsada. Basang-basa ako mula ulo hanggang paa at hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko, kaunting galaw na lang, bibigay na ang mga tuhod ko. May kinausap si Dante na isang empleyado ng resort. May iniabot siyang card dito, at hindi nagtagal ay may sumundo sa amin at naghatid sa isang suite sa kabilang bahagi ng resort.
Pagpasok namin, agad kong napansin kung gaano kaganda ang lugar. Eleganteng-elegante. Isang lugar na dapat sana'y nakakarelax, pero hindi ko maramdaman ang kahit anong ginhawa. Diretso akong nagtungo sa sofa at umupo. Hindi ko man lang naisip na magpalit ng damit. Nanatili lang akong nakaupo roon, nakatitig sa isang bahagi ng pader habang pinakikinggan ang walang tigil na patak ng ulan sa labas.
Tahimik ang paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may kung anong paulit-ulit na gumuho. Durog na durog ang puso ko at hindi ko alam kung kailan matatapos ang sakit. Makalipas ang ilang sandali, narinig ko ang kalansing ng mga tasa mula sa breakfast nook. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.
Hindi siya nagsalita. At ipinagpasalamat ko iyon. Wala rin naman akong alam na sasabihin sa kanya. Hindi ko kayang pag-usapan ang nakita ko. Hindi ko kayang ulitin sa sarili ko na totoo ang lahat. Maya-maya, narinig ko ang mahinang kalabog ng tasa sa center table. May mainit na kape roon. Tinitigan ko iyon nang ilang segundo bago ako napalunok.
“Inumin mo muna ‘to para mainitan ka kahit pa’no.”
Simple lang ang pagkakasabi niya. Walang lambing. Walang awa kundi purong concern. Maingat kong kinuha ang tasa gamit ang dalawang kamay. Agad kong naramdaman ang init nito sa nanginginig kong mga palad. Parang iyon na lamang ang kaya kong panghawakan.
Hinawakan ko ang tasa nang mahigpit habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero hindi nagtagal muling pumatak ang luha ko.
Hanggang sa tuluyan nang hindi mapigilan. Tahimik akong umiyak. Iyon ang klase ng pag-iyak na hindi mo namamalayang nagsimula na pala. Hindi ko na kailangang pilitin ang sarili kong umiyak dahil kusa nang lumalabas ang mga luha.
Pinupunasan ko ang mga iyon, pero patuloy pa rin. Masakit ang dibdib ko. Parang anumang oras ay mawawalan ako ng ulirat. Hindi ko alam kung gaano katagal akong ganoon nang maramdaman kong umupo si Dante sa tabi ko. Hindi siya masyadong lumapit. Nandoon lang siya. Hindi niya ako tinatanong kung okay lang ako. Siguro alam niyang hindi ako okay. Maya-maya, humampas ang malamig na hangin mula sa air conditioner. Napakagat ako sa labi. Basa pa rin ang damit ko kaya lalo akong giniginaw.
“Dito ka.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagkakataong iyon, hindi na ako nagtanong. Lumapit ako. Diretso akong sumandal sa dibdib niya. Agad niyang ipinalibot ang isang braso sa katawan ko at hinila ako palapit. Mainit ang katawan niya. Sobrang layo sa lamig na nararamdaman ko. Nalanghap ko ang amoy ng malinis niyang damit na parang bagong laba, na humalo sa natural niyang panlalaking amoy.
Hindi ko dapat iyon napansin…pero napansin ko. Kinagat ko ang labi ko at muling napaiyak. Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya sinabi na magiging okay rin ang lahat. Hindi niya ako binombahan ng mga salitang pampalubag-loob na alam kong hindi ko naman kayang paniwalaan sa ngayon.
Hindi niya sinabing makakahanap ako ng paraan para malampasan ang lahat. Hinayaan niya lang ako. Hinawakan niya ako habang unti-unti kong inilalabas ang lahat ng galit, sakit, kahihiyan, at sama ng loob na matagal ko nang kinikimkim. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, iyon pala ang kailangan ko. Hindi payo. Hindi pangako. Kundi isang taong mananatili lang habang tuluyan akong bumibigay. Hindi ko na alam kung kailan ako nakatulog.
Kinabukasan, madilim pa rin ang langit. Humina na ang malakas na ulan, pero tuloy-tuloy pa rin ang ambon. Dahan-dahan kong iniunat ang mga braso ko bago ako napalinga sa paligid, At wala si Dante.
Napansin kong makapal ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Hindi ko maalala kung kailan niya iyon inilagay. Napatingin ako sa heater na nakabukas pa rin. Siguro umalis na siya. Naalala ko ang nangyari kagabi. Nakatulog ako habang nakasandal sa balikat niya. At hindi ko rin makalimutan kung gaano kainit ang braso niya. Kung gaano kalapit ang mukha niya. Kung gaano kabango ang hininga niya. Marahan akong napailing.
Ano ba itong mga naiisip ko?
Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at nag-book ng masasakyan. Uuwi ako. Pagkatapos, saka ko pag-iisipan kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Kailangan kong magdesisyon. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kong isipin kung paano ko haharapin si Rayver. Nakatitig pa rin ako sa cellphone nang bumukas ang p***o.
Napatingin ako roon at swabeng pumasok si Dante na may bitbit na dalawang paper bag. Tahimik niyang inilapag ang mga iyon sa countertop. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Ganito ba talaga siya? Ganito ba siya sa lahat ng taong nangangailangan ng tulong? O naaawa lang talaga siya sa akin?
“May botika at convenience store sa malapit,” paliwanag niya. “Kaya bumili na ako ng ilang kailangan mo.” Napatingin siya sa akin. “Magpalit ka ng damit. Nag-order na rin ako ng breakfast.” Bahagya siyang tumikhim. “Ihahatid kita pauwi pagkatapos kong maligo.”
Napayuko ako. “Hindi mo naman kailangang gawin lahat ‘yan.”
“Alam ko.”
Napatingin ako sa kanya. Iyon lang. Wala nang dagdag na paliwanag. Wala ring paghihintay na pasalamatan ko siya. Pero sa simpleng sagot na iyon, biglang kumirot ang lalamunan ko.
“Thank you,” mahina kong sabi.
Tumango lang siya. Pagkatapos ay itinuro niya ang paper bags.
“Mauna ka nang maligo.”
Kinuha ko ang mga bag at pumasok sa banyo. Kumpleto ang laman. May sabon, pumice stone, salt scrub, shampoo, toothbrush, toothpaste, at iba pang kailangan ko. Tumayo ako sa ilalim ng shower nang matagal.
Hinayaan kong dumaloy ang mainit na tubig sa katawan ko. Sinubukan kong huwag mag-isip. Hindi ko muna gustong alalahanin si Rayver. Hindi ko gustong isipin si Hanna. Gusto ko lang ng ilang minutong katahimikan pero hindi ko nakuha iyon.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Rayver. Ang tingin niya kay Hanna. Ang paraan ng paghawak niya sa katawan nito. Kung gaano siya kaswal sa harap nito. Parang hindi lang iyon ang unang pagkakataon. Parang kabisado na niya ang katawan ng best friend ko. Parang matagal na nilang ginagawa. Naalala ko rin ang pagtawa nila.
Ang tawa ni Hanna. Ang paraan ng pagsandal niya sa puno. At ako, nakatayo sa malayo habang basang-basa sa ulan at pinapanood ang asawa kong minamahal na parang ibang tao. Idinikit ko ang noo ko sa malamig na tiles. Huminga ako nang malalim. Ayokong umiyak ulit lalo na't naroon si Dante.
Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang mga damit na binili niya. Mabilis kong isinuot ang mga iyon. Pero nang humarap ako sa salamin, napakunot ang noo ko. Muntik na akong matawa.
“Seryoso ba ‘to?” Tinitigan ko ang suot ko. “Sobrang ikli ng shorts na ‘to.” Sinipat ko rin ang sleeveless top. “At sobrang provocative naman nito.”
Bigla akong nahiya sa sarili ko. Akala ko wala nang ganitong klaseng damit sa akin pero mayroon pala. At sa totoo lang, sakto ang fit ng sleeveless top. Parang alam na alam ni Dante ang sukat ko. Bahala na. Pauwi naman na ako. Hindi naman mahalaga kung ano ang suot ko.
Paglabas ko ng banyo, nakita kong nagsasalin ng tubig si Dante sa isang baso. Marahil naramdaman niya ang presensya ko dahil agad siyang lumingon. Saglit na dumaan ang tingin niya sa katawan ko. Mula ulo hanggang paa at pabalik. Isang mabilis na pagsipat lang iyon bago siya muling umiwas ng tingin.
“Iyon lang ang nakita kong available.”
Hindi ko agad naintindihan kung bakit parang defensive ang pagkakasabi niya.
“Okay lang,” sagot ko na may maliit na ngiti. “Uuwi naman na rin ako.”
Bahagyang kumibot ang labi niya. Parang may pinipigilan siyang tawa. Pero baka iniisip ko lang iyon.
“Binili ko kasi ‘yan base sa size ni Hanna.”
Parang biglang bumigat ang buong silid. Kahit pangalan lang ni Hanna, sapat nang ibalik ang lahat ng sakit. Tumango ako.
“Of course.”
Bahagyang tumikhim si Dante at itinuro ang mesa. Doon ko lang napansin na nakahanda na ang almusal.
“Kumain ka muna.” Umupo siya sandali at saka nagpatuloy. “Nauna na akong kumain kanina. Maliligo na rin ako.”
Hindi na siya naghintay ng sagot. Tumalikod siya at pumasok sa banyo. Ako naman ay naupo at nagsimulang kumain. Pinilit kong ubusin kahit wala talaga akong gana. Pero paano ako gaganahan? Sa tuwing susubukan kong kumagat, bumabalik sa isip ko ang garden. Ibinagsak ko ang tinidor sa plato bago napatingin sa bintana.
Alam kong narito pa rin sila. At mas masakit isipin na malamang buong gabi silang magkasama. Magkayakap. Magkaulayaw. At marahil paulit-ulit nilang ginagawa ‘yon. Samantalang ako? Nandito. Naghihirap. At nakasuot ng damit na hindi naman talaga para sa akin. Napabuntong-hininga ako. Pero bago pa ako tuluyang malunod sa mga iniisip ko, bumukas ang p***o ng kwarto. Lumingon ako at gad kong pinagsisihan.
Nakatapis lang siya ng tuwalya. May ilang patak pa ng tubig na dumadausdos sa nakahantad niyang katawan. Hindi ko alam kung paano ko hindi napansin kagabi kung gaano siya ka-fit.
Malapad ang dibdib niya. Defined ang abs. At halatang hindi biro ang oras na ginugugol niya sa gym. Mukhang wala siyang kahit anong pakialam na ganoon siya nakatayo sa harap ko. Ni hindi man lang siya mukhang naiilang.
Confident. Napalingon ako nang kunin niya ang polo mula sa sofa. Kahit wala akong intensyong tumingin, hindi ko napigilan ang sarili ko. Eight-pack talaga. Hindi ko naman sinasadyang bilangin. Malapad din ang likod niya. At ang mga braso niya…
Grabe!
Parang ilang oras siyang kayang mag-gym nang hindi napapagod. Batak talaga siya. Ibang klase ang discipline na kailangan para magkaroon ng ganoong katawan. Huli na dahil nakita ko na ang lahat. Pati ang nakabakat niyang sandata. At bigla kong naintindihan. Baka kaya may mga babaeng gumagawa ng katangahan dahil lang sa isang lalaki.
Napailing ako. Tanga ba si Hanna? Paano niya nagawang lokohin si Dante? Kung ako ang may ganitong asawa, baka hindi ko na kailangang lumabas ng bahay. Araw-araw niyang nakikita ang lalaking ‘to at ipinagpalit pa rin niya sa iba? Hindi ko na namalayang nakatitig pala ako hanggang sa tuluyang tumalikod si Dante. Mabilis akong umiwas ng tingin. Dinampot ko ulit ang tinidor at nagpanggap na sobrang interesado sa scrambled eggs sa plato ko.
“Hanna…”
Hindi ko namalayang nasabi ko iyon nang malakas. Huminto si Dante at saka pumihit paharap sa akin. Hindi ko siya matingnan nang diretso kaya nanatili ang mga mata ko sa plato. Makalipas ang ilang segundo, narinig ko ang tanong niya.
“Iniisip mo kung ano ang ginagawa nila ngayon?”
Natahimik ako. Nang tuluyan akong sumulyap, nakasandal siya sa may pintuan. Malabo ang ekspresyon ng mukha niya. Walang emosyon. Hindi ko alam kung galit ba siya, nasasaktan, o sadyang wala na siyang pakialam.
“Siguro…” maingat kong simula. “Magkasama sila ngayon.”
Hindi siya nagsalita. Huminga ako nang malalim.
“Baka nasa kama sila.”
Nanatili siyang tahimik.
“Baka pinapaligaya nila ang isa’t isa.”
Patag ang boses niya nang sumagot. “Posible.”
Napatitig ako sa kanya. “Alam mo,” dagdag niya, “pareho tayong naging mabuting asawa.” Napangiti ako nang mapait.
“Oo.”
Ibinaba ko ang tingin sa pinggan. “Ginawa natin ang lahat para sa kanila.” Muli akong tumingin sa kanya. “Tapos ganito lang ang ibinalik nila sa atin.”
Mabigat siyang bumuntong-hininga. “Yeah.”
Sandali kaming nagkatitigan. Sa labas, patuloy ang ambon. Mahina pero walang tigil. Malamig ang paligid. Parang ang buong mundo ay nananatiling malungkot kasama namin. Napangiti ako nang mapait bago muling tumingin sa bintana. May sumagi sa isip ko. Isang bagay na marahil ay hindi ko dapat sabihin, pero sinabi ko pa rin.
“Paano kung…” Huminto ako. Tumingin naman si Dante sa akin. “Paano kung gumanti tayo?”
Hindi siya agad sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Parang iniintindi kung seryoso ba ako. Hindi ko rin alam kung seryoso ako. Pero sa unang pagkakataon simula nang malaman kong niloloko ako ni Rayver, may kakaibang pakiramdam na gumapang sa loob ko. Hindi lang sakit. Hindi lang lungkot. May halong galit.
“Ano kamo?” tanong niya.
“Baka panahon na para maramdaman din nila kung ano ang ginawa nila sa atin.”
Napailing siya. At sa wakas, natawa nang bahagya.
“Are you serious?”
Humarap ako sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya.
“Oo.”
Matagal niya akong pinagmasdan. At doon ko napansin ang pagbabago sa ekspresyon niya. Hindi siya mukhang nagulat. Sa halip, parang may mabilis na kalkulasyong nagaganap sa isip niya. Parang sinusukat niya kung hanggang saan ako handang pumunta. At kung ano ang magiging kapalit kapag tinuloy namin iyon.
“Talaga bang gagawin mo ‘yon?” tanong niya.
“Kung papayag ka.”
Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay bahagya siyang lumapit. “Kung itutuloy natin ‘yan,” mahina niyang sabi, “sigurado ka bang kakayanin mo ang consequences?”
DANTEHindi ako ang tipo ng lalaking madaling maniwala sa pag-ibig. Para sa akin, mas mahalaga ang dalawang bagay—katapatan at loyalty. Lumaki akong alam na hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay kaibigan. May mga taong kaya kang kamayan ngayon at saksakin sa likod kinabukasan.My father made sure I learned that lesson early. Tough love, sabi niya. Kaya hindi ako basta nagtitiwala. Hindi ako madaling kumbinsihin ng matatamis na salita, at lalong hindi ako basta nagpapapasok ng kahit sino sa buhay ko. Maingat ako sa mga taong pinipili kong pagkatiwalaan. Mas maingat ako sa mga desisyon ko. Unfortunately, nagkamali pa rin ako kay Hanna.Pero bago ko nalaman kung sino talaga siya, may ibang dahilan kung bakit ko piniling magpakasal. Kailangan kong malaman kung sino ang may pakana sa tangkang pagpatay sa ama ko. At para magawa iyon, kailangan kong mawala sa radar ng mga taong posibleng sangkot.Noong panahong iyon, hindi ako puwedeng maging kahina-hinala. Kailangan kong magmukhang ordinaryo.
VIVIANItinulak ko paatras ang upuan at dahan-dahang tumayo. Parang hindi sapat ang hangin sa loob ng silid para sa bilis ng tibok ng puso ko.“Pasensya na, hindi ko dapat sinabi ‘yon.” Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. “I was upset. Broken, maybe. Pero sabihin mo sa akin, Dante … ayaw mo rin bang makita ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may namamagitan sa atin?”Mula sa pagkakasandal sa hamba ng pinto, tuluyan siyang umayos ng tayo. Hindi siya nagmamadali, pero bawat hakbang niya papalapit sa akin ay lalo lamang nagpapabilis sa pulso ko.“May namamagitan sa atin,” mahinang ulit niya, na para bang tinitimbang ang bigat ng mga salitang iyon.“Oo.”Hindi ko siya nilayuan. Hindi ko rin binawi ang sinabi ko.“It would be nothing but an illicit affair. No love involved.” Napalunok ako at pilit pinanatiling kalmado ang boses. “Pareho naman tayong niloko, hindi ba? So why not give them a taste of their own medicine?”Ilang hakbang na lang ang pagitan namin.“Ano’ng
VIVIANHindi ako inihatid ni Dante pauwi. At sa totoo lang, wala na rin akong lakas para tumutol. Sobrang lakas ng ulan na halos wala ka nang makita sa kalsada. Basang-basa ako mula ulo hanggang paa at hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko, kaunting galaw na lang, bibigay na ang mga tuhod ko. May kinausap si Dante na isang empleyado ng resort. May iniabot siyang card dito, at hindi nagtagal ay may sumundo sa amin at naghatid sa isang suite sa kabilang bahagi ng resort.Pagpasok namin, agad kong napansin kung gaano kaganda ang lugar. Eleganteng-elegante. Isang lugar na dapat sana'y nakakarelax, pero hindi ko maramdaman ang kahit anong ginhawa. Diretso akong nagtungo sa sofa at umupo. Hindi ko man lang naisip na magpalit ng damit. Nanatili lang akong nakaupo roon, nakatitig sa isang bahagi ng pader habang pinakikinggan ang walang tigil na patak ng ulan sa labas.Tahimik ang paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may kung anong paulit-ulit na gumuho. Durog n
VIVIANAlas-singko nang hapon nang dumating si Dante para sunduin ako. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Wala rin naman akong maisip na tamang sabihin. Ano pa nga ba ang pag-uusapan namin?Dalawa lang ang posibleng mangyari ngayong gabi.Maaaring mapatunayan naming mali si Dante .O maaaring pagkatapos ng gabing ito, hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Mabilis naming narating ang Hidden Sanctuary Resort sa loob ng Ayala Ecological Park. Kahit madilim na ang langit, kapansin-pansin pa rin ang ganda ng lugar. Maayos ang landscaping, hitik sa iba’t ibang uri ng bulaklak at napapalibutan ng matatayog na puno. Nakadagdag pa sa romantic atmosphere ang mga fairy lights na nakasabit sa paligid.Makapal din ang hamog na bumabalot sa resort. Kung ibang pagkakataon siguro, maiisip kong napakaganda at ka-romantic ng lugar na iyon. Perfect para sa mga magkasintahan at may itinatagong kabit. Pero hindi para sa akin ang lugar na ‘to. Ang sakit isipin ng katotohanang ni-reserve ni Rayver an
VIVIAN“May relasyon ang asawa ko at ang asawa mo, alam mo ba ‘yon?”Naibuga ko ang soda bago ko pa man ito mainom. Mabilis kong ibinaba ang tall glass sa mesa at ilang beses na kumurap habang nakatitig kay Dante Rios. Baka mali lang ang narinig ko. Baka may ibang ibig siyang sabihin. Hindi ako kayang lokohin ni Rayver. Mahal ako ng asawa ko. Alam ko iyon. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa kanya.“Mr. Rios,” maingat kong sabi. “Hindi magandang biro ang sinasabi mo.”Hindi man lang gumalaw ang mukha ni Dante. “Mukha ba akong nagbibiro?”Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. By the looks of it, he was ready to commit murder. Seryosong-seryoso ang mukha niya at kalkulado ang bawat galaw. Pero kahit na, hindi ibig sabihin na paniniwalaan ko agad ang ibinibintang niya kay Rayver.“Lilinawin ko lang, ha, mahal ako ni Rayver,” mariin kong sagot. Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng boses ko. “Hindi niya ako kayang gaguhin.” Bahagyang bumuntong-hininga si Dante. “I thought the s







