공유

He Doesn't Want To Share
He Doesn't Want To Share
작가: BM_BLACK301

chapter 1

작가: BM_BLACK301
last update 최신 업데이트: 2025-10-12 10:09:42

JESSE

"Wala ka talagang katulad sa pag-sasayaw mo Jesse, lahat ng mga customer natin mga nakanganga. Kulang na lang tumulo na laway nila, pero hindi ka nila matitikman."

Napangiti ako kay Shena na kasama ko sa trabaho dito sa isang Club, dito ako nagtatrabaho bilang dancer tuwing gabi. Dahil hindi ako nakapagtapos ng high school ito ang trabahong napasok ko. Dito mabilis akong kumita at natutustusan ko ang pangangailangan ng kapatid at magulang na may maintance na sa gamot na nasa probinsiya.

"Sandali anong oras na ba?" Maya'y tanong ko kay Shane kasi nakadalawang sayaw na ako ngayon.

"One pm na ng madaling araw girl, umuwi ka na. Wala ka namang booking ngayon hindi ba?" Nakangising sagot ni Shane.

"Gaga! Booking ka diyan, wala naman talaga. Tama na 'tong pagsasayaw ko, may kinikita naman ako. Saka ang papanget ng customer natin tapos yung iba matatanda pa at ang babaho." Paarte na sagot ko na kinatawa ni Shane.

"Siraulo ka talaga, so kung may gwapo payag ka na? Alam mo mas malaki ang kita mo kung sakaling minsan sumama ka lumabas. Hindi ko naman sinabi na gumaya ka sa akin, kasi ako araw-araw at sana'y. Kaso ikaw bata pa kaya ingat-ingat lang para hindi ka agad malaspag." Natatawang sabi pa ni Shane habang nagre-retouch nang make-up.

"Ayoko ngang malaspag dahil sa pera lang at isa pa kung magpapalaspag man ako doon na ako sa lalaking mamahalin ko." Sagot ko na kinalingon ni, Shane.

"Ikaw ba 'yan Jesse? Akala ko wala pa sa isip mo ang magkaroon love-love na ganyan?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Oo sinabi ko 'yun pero syempre darating tayo doon. Kaso mukhang 'yung pangarap ko na lalaki sa isip ko hindi 'yun mangyayari dahil narito ako sa ganitong klase na lugar. Malamang walang magkakagusto sa akin dahil iisipin nila na marumi akong babae." Seryosong wika ko habang nakaupo at sinisimulan ko ng tanggalin ang make-up ko.

"Tama ka rin diyan, ako nga diba? Akala ko mahal ako ng gagong lalaki na 'yun. Noong mag-sawa sa akin ayun iniwan ako bigla." Inis na sabi ni Shane.

Natahimik na lang ako at naalala 'yung lalaki na kinasama niya nang wala pang isang buwan pero iniwan siya agad. Oo, hindi na ako virgin dahil 'yun sa nakaraan ko. Nagkaroon man ako ng ka-sex, pero bihira lang 'yun kapag trip ko  'yung lalaki.

Isa pa hindi ako nasisiyan sa huling naka-sex ko at iniwan ko ngayon sa hotel dahil pagpasok laging lumabas yun pala ang liit. Iniwan ko, gusto ko makatapat yung tipong may thrill talaga at excitement. Matapos yun hindi na ako nagpalabas pero hindi na ako sumasama kapag may gustong ilabas ako. Wala rin namang magawa yung manager namin dahil sabi ko aalis na lang ako dito kung sakaling pilitin niya akong ipalabas sa mga customer.

Malakas kita nila sa akin dahil sa pagsasayaw kaya rin dinadayo ang Club na ito. Dahil sa sayaw ko palang maninigas talaga sila.

"Jesse, halika muna."

Napaangat ang mukha ko ng marinig ko ang boses nang manager namin, nakangiti ito kaya naman nagtataka ako sa kanya. Nilingon ko pa si Shane at nagkibit balikat lang ito sa akin. Nagtakip ako ng jacket dahil halos lumuwa na ang lahat ng tinatago ko dahil sa manipis na suot ko.

"Bakit po sir?" Takang tanong ko at inakbayan niya ako kaya napalingon ako sa kanya.

"By the way Mr. Romulo ito ang star of the night namin dito sa StarNights Club. Meet, Jesse."

Naguguluhan man ako pero ayokong isipin na binibenta ako ni Sir dito sa may edad na lalaki. Kahit pa mukhang yayamanin ito, ayoko talaga.

"Hello, hindi ka lang pala magaling sumayaw napakaganda at ang napaka-sexy mo. Perpekto ka para sa akin." Matamis ang ngiting wika nitong lalaki.

Tiningnan ko muna sir at tiningnan niya ako na nagsasabi na bumati ako at pakiharapan ng maayos.

"Salamat po sa sinabi niyo." Pilit ang ngiting sabi ko.

"Bueno, alam niya na ba?" Muling sabi nitong lalaki

"Oo nga pala Jesse, iniimbitahan kang sumayaw sa Club ni Mr.Romulo, kahit isang gabi lang. Ngayon kung magkakasundo kayo maaari kang sumayaw na doon ng regular, malay mo mas malaki ang kitain mo doon." Paliwanag ng manager ko.

So, ibig sabihin hihiramin ako? Hindi kaya gusto lang ako palitan ng manager namin dahil sa hindi ako sumusunod sa kanya? Saka lagi ko siyang inaaway. Pero ganun pa man subukan ko wala namang mawawala baka nga mas malaki kitaain ko doon.

Pumayag ako sa kasunduan at tuwang-tuwa yung matandang lalaki akala ko pa naman gusto akong ilabas nako hindi talaga.

---------

REGAN

"Napasyal ka ata dito Regan? Anong sa atin?"

Nakipagkamay muna ako kay Mr. Romulo at sabay na naupo kami sa lamesa.

"Naalala ko lang itong lugar mo dahil marami ring magagandang alaala ako dito." Sagot ko at lumibot ang mata ko sa paligid. May mga ilang customer na dito, alas nuebe pasado pa lang ng gabi ngayon. Tumawa si Mr. Romulo.

"Tama ka diyan, lalo na ang mga babaeng mga narito." Malokong sabi ni Mr. Romulo, dahil karamihan sa mga babae niya dito sa Club ay naikama ko na lahat. "Siya nga pala nasaan na ang bodyguard mo na si Randy?"

Tiningnan ko muna si Mr. Romulo. "Si Randy? Kasalukuyang nagpapahinga na siya ngayon." Nakangising sagot ko.

"A-a, ganun ba? Ano bang alak ang gusto mo? Mabuti rin pala at nandito ka dahil may bisita ako dito na magaling sumayaw at maganda." Nakangiting sabi nito at tumayo na.

Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya, nagpunta ako dito para magliwaliw. Marami na akong napuntahan at gusto kong makalimot sa nakaraan na nangyari sa akin at doon sa babaeng unang-unang bumihag sa puso ko.

"Regan, ito. Pinaghanda rin kita ng masarap na pulutan, gusto mo ba na samahan muna kita dito?"

Tumango lang ako sa kanya at pinagsalin niya ako ng alak, agad na inabot ko 'yun at ininom agad. Tahimik lang ako habang nakaupo dito sa gitna na kung saan ay mga pribadong customer lang ang nauupo dito.

"Panoorin mo ito sigurado akong magugustuhan mo siya." Wika ni Mr. Romulo, napatingin ako sa ibabaw ng stage na hindi naman ganun kataas. Namatay ang ilaw at nagkaroon nang ilaw bilog sa may pinakagitna.

Tumutok ang mata ko ng may makita ako na babae dahil sa hubog nang katawan nito. Pumasok ang malamyos na tugtog at sinasabayan 'yun ng malambot na katawan ng babae. Hindi ko makita nang husto ang mukha nito dahil medyo natatakpan ng dilim, pero ang katawan nito ay kita ko dahil sa ganda ng hubog no'n.

Hanggang sa magkaroon ng konting ilaw at malaya ko nang nakita ang mukha ng babae. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na dumami na ang tao dito at mga tahimik sila habang tutok na tutok ang mata sa babaeng sumasayaw. Muli kong binaling ang tingin sa babae, mapula ang labi nito at ang buhok niya na haggang bewang na tuwid na tuwid.

Hindi ako sa pagsasayaw niya nakatingin kung hindi sa katawan niyang parang kumikinang. Ang dibdib nito na hindi naman ganun kalaki, ang bewang na maliit at flat na tiyan. Napababa ang tingin ko sa manipis na suot nito at bakat na bakat doon ang manipis na balahibo doon.

Napahawak ako sa baso at mabilis na tinungga ang baso nang maglakad na ito palapit sa harap ng lamesa namin, seryosong nakatitig ako sa pares ng mata niya. Hanggang sa papalapit na siya sa akin at dahan-dahan na umupo at kinapitan ang ibaba ko. Napapikit ako dahil sa marahan na paghimas niya sa pagkalalaki ko na biglang nabuhay at parang gusto ng kumawala.

"Regan?"

"Regan!"

Parang bigla akong natauhan at napalingon kay Mr. Romulo na nagtatakang nakatingin sa akin. Napaayos ako ng upo at napatingin sa ibaba ko, wala doon yung babae at katabi 'yun ni Mr. Rumulo ngayon.

"Ipapakilala ko lang sa'yo si Ms. Jesse, galing siya sa--"

"Jesse?" nabigkas ko dahil bigla ko naalala ang pangalan na sinabi ni Aria sa akin.

Nagtataka na napatingin itong babae sa akin.

"Kilala mo ako?" takang tanong nito at napangiti ako sa itsura niya.

"Hindi pa sa ngayon." seryosong sabi ko at pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Mas maganda siya sa malapitan at napaka-sexy ang lakas ng dating at siya lang nagpaisip sa akin na may ginagawa siya sa akin kahit wala naman.

Napangisi ako na kinataka nitong babae at napataas ang kilay sa akin..

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • He Doesn't Want To Share   chapter 9

    JESSETatlong araw na ang lumipas at umalis na sila tita ako na lang ang nandito at nag-aalala na ako kay Regan, dahil simula yung sa hotel pa kami nagkita hindi rin matawagan yung number niya na ginagamit.Nasaan ka ba Regan?Usal ko habang nakahiga rito sa sofa, balak kong mag-apply sa ibang trabaho dahil kailangan ko ng pagkakitaan. Kakagising ko lang at tinatamad pa akong kumilos.Ayoko ng magsayaw o pumasok sa club gusto ko ng desente na trabaho kahit ano basta hindi na nagsasayaw. Pero umaasa ako na magpapakita na lang bigla si Regan dahil sobrang miss na miss na ko na siya.Bumangon na ako dahil walang mangyayari kung nandito na lang ako nakahiga. Agad na naligo ako at binilisan ko lang, suot ang palda na hanggang tuhod syempre para mukhang desente at long sleeve na tinupi ko hanggang sa siko. Sandals na mababa lang ang takong at itim na shoulder bag at folder laman ng mga requirements ko. High school lang natapos ko dahil maagang namatay si papa nahirapan kami no'n, ayos lang

  • He Doesn't Want To Share   chapter 8

    JESSESa isang mamahalin na hotel ako dinala ni Regan, pagpasok sa loob ay hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa kama. Pinaupo ko siya doon at nginitian ko lang siya, seryosong nakatingin sa akin ng lumayo ako nang bahagya sa kaniya at doon ay dahan-dahan akong kumembot na para bang walang buto.Yung kamay ko na dahan-dahan na hinihimas ang buong katawan kasama ang maselan kong parte habang patuloy na gumigiling. Titig na titig lang siya sa akin hanggang sa unti-unti kong hinubad isa-isa ang damit ko at natira ang two piece na kulay itim. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya habang kumekembot ako at tumalikod ako na sabay sayaw ng twerk. Pero nagulat ako dahil niyapos niya ako at hiniga padapa. Inamoy ang buhok ko, hinawi niya at hinalik-halikan ako sa batok. Napapikit ako dahil sa mainit niyang hininga, lumipat ang halik niya sa balikat ko at naramdaman ko nalang ang pagkatanggal nang hook ng bra ko. Inikot naman niya ako paharap sa kaniya at kinapitan ako sa pisngi at do

  • He Doesn't Want To Share   chapter 7

    JESSE"REGAN! Buhay ka pa pala!" Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang bumati kay Regan na lalaki na balbas sarado at agad na inabutan nang tagapagsilbi si Regan ng alak."Hangga't hindi niyo nakikita ang malamig na bangkay ko, maniwala kayong patuloy akong mabubuhay." Sagot naman nito na kinatawa ng mga narito.Malamang matagal kang mamatay kasi masamang damo ka.Hindi ko mapigilan na hindi sambitin sa isipan ko."Regan, mabuti at nagkita tayo." Muli ay napalingon ako sa doon banda sa isang lalaki na nakasalamin na itim at may katabi itong sexy na babae. "Mr. Mijares" bati ni Regan.Natigilan ako dahil parang narinig ko ang pangalan na 'yun kanina doon sa unang lalaki na nakausap ni Regan. Siya nga ba 'yun? Natigilan ako ng tanggalin nito ang suot na salamin at pakiramdam ko sa akin siya nakatingin o tama talaga ako.Naramdaman ko ang paghawak ni Regan sa likod at inakay ako nito sa bakante na upuan katabi yung Mr. Mijares. Sa tingin ko nasa trenta na siya mahigit pero baka

  • He Doesn't Want To Share   chapter 6

    JESSEGrabe ba't ganun para akong inaatake sa puso kanina ang lakas ng tibok nang puso ko. Saka, baka mamaya dalhin niya talaga ako sa hotel, nasabi ko lang naman 'yun dahil sa mga kagaguhan na mga sinasabi niya."Hays! Kalma lang, Jesse." Mahinang sambit ko ng buksan ko na ang pinto, hindi ko na nilingon pa si Regan dahil naiilang ako kung paano niya ako tingnan sa mata.Pagpasok ko sa loob 'ay napangiwi ako dahil may nabangga ako dahil sa kaiisip ko kay Regan. Napahawak ako sa noo ko na natamaan. "Ano ba, bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" Inis na wika ko kahit alam kong ako ang may kasalanan dahil wala ako sa sarili. Pero bigla akong namutla dahil sa taong nakabunggo ko. "A-Andrew," hindi makapaniwalang bigkas ko. "Jesse, anong ginagawa mo dito? Huwag mo sabihing nagtatrabaho ka rin dito?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "H-hindi, sandali. May nakalimutan ako." Mabilis na sagot ko at binuksan ko ulit ang pinto, narinig ko na may tumawag kay Andrew kaya naman natuw

  • He Doesn't Want To Share   chapter 5

    JESSEHabang naglalakad ako papunta sa sakayan nang jeep para umuwi, malalim na nag-iisip ako kung tama ba na samahan ko si Regan, maiiwan ko sila tita ko baka kung ano ang mangyari sa kanila. Nakita ko ang jeep na papalapit agad na pinara ko ito, pagsakay ko ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa tumatawag sa akin walang iba kung hindi si Regan, dahil kinuha niya ang number ko at pinasave niya ang numero niya. Ayoko sana sagutin pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya."Regan, ibabalik ko na lang--" "Nasaan ka na?" Tanong niya at putol agad sa sasabihin ko, huminga mo na ako ng malalim."Regan, ibabalik ko na lang ang binigay mo." "Wala kang ibabalik sa akin." Natigilan ako sa tono ng boses niya at nawala ito sa kabilang linya. Natitigilan na napatingin ako sa screen ng phone ko.Bahala ka! Hindi kita pupuntahan diyan manigas ka! Ibabalik ko ang pera mo. Kailangan ako ng tita baka ano pa ang mangyari sa kanila dahil sa pagsama ko sa'yo, hindi pa kita lubos na ki

  • He Doesn't Want To Share   chapter 4

    JESSENaramdaman ko ang pagbitaw ni Regan sa kamay ko at akala ko muli siya ulit susuntukin ni Andrew, ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari. Binawian ng suntok nito si Andrew ng ubod lakas at napahiga ito sa semento, nagkagulo dito at umingay. Lumapit pa si Regan at muling sinuntok si Andrew. Ngunit naalarma ako ng makita na paparating ang dalawang body guard ni Andrew. "Regan!" Sigaw ko na kinalingon niya sa akin. Pero huli na dahil nakatutok na sa ulo niya ang dalawang baril nang bodyguard ni Andrew. "Ang tapang mong gago ka, baka hindi mo ako kilala? Ngayon mo ipakita ang tapang mo." Nakangisi pang sabi ni Andrew.Nakatingin naman ako kay Regan na unti-unting tumayo at bigla na lang kumilos si Regan at mabilis na naagaw niya ang baril doon sa isang bodyguard ni Andrew. Agad na pinaputukan nang dalawang beses ito ni Regan.Tulala ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. At hindi pa siya nakuntento binaril niya rin ang isa pang bodyguard ni Andrew, parehong tumba ito sa sahig

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status