공유

chapter 7

작가: BM_BLACK301
last update 최신 업데이트: 2025-10-22 07:47:01

JESSE

"REGAN! Buhay ka pa pala!"

Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang bumati kay Regan na lalaki na balbas sarado at agad na inabutan nang tagapagsilbi si Regan ng alak.

"Hangga't hindi niyo nakikita ang malamig na bangkay ko, maniwala kayong patuloy akong mabubuhay." Sagot naman nito na kinatawa ng mga narito.

Malamang matagal kang mamatay kasi masamang damo ka.

Hindi ko mapigilan na hindi sambitin sa isipan ko.

"Regan, mabuti at nagkita tayo."

Muli ay napalingon ako sa doon banda sa isang lalaki na nakasalamin na itim at may katabi itong sexy na babae.

"Mr. Mijares" bati ni Regan.

Natigilan ako dahil parang narinig ko ang pangalan na 'yun kanina doon sa unang lalaki na nakausap ni Regan. Siya nga ba 'yun? Natigilan ako ng tanggalin nito ang suot na salamin at pakiramdam ko sa akin siya nakatingin o tama talaga ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Regan sa likod at inakay ako nito sa bakante na upuan katabi yung Mr. Mijares. Sa tingin ko nasa trenta na siya mahigit pero bakas pa rin sa katawan ang tikas niya at isa pa may itsura rin siya pero mukhang seryoso lagi. Pero mas lamang na lamang pa rin talaga si Regan.

Pinupuri ko ang gago na yan pero ito ang ginagawa sa akin.

"Matagal na rin ang huling pagsasama natin dito, sana'y maging masaya ang araw na ito at swerte na rin sa'yo."

Napatingin ako dito kay Mr. Mijares, dahil sa sinabi niya kay Regan dahil sila ang magkatabi ang upuan.

"Sigurado akong na sa akin ang swerte ngayon." Sagot ni Regan at napatingin sa akin, pakiramdam ko may ibig sabihin itong Regan sa pagkakatingin niya sa akin.

"Kung ganun sino ang babae na 'yan? Mukhang ngayon ko lang siya nakita?"

Napatingin ako kay Regan dahil sa tanong ni Mr. Mijares.

So, pang-ilan na ba akong sinama mo dito Regan?

"Hindi na imporante 'yan Mr. Mijares, dahil mas gusto kong mag-focus tayo sa larong ito." Sagot naman ni Regan at simpleng ngumiti lang si Mr. Mijares, pero panay ang tingin sa akin habang umiinom ng alak.

"Regan, matagal kang hinintay ni Mr. Mijares, dahil ikaw ang gusto niyang kalaban dito."

Muli ay napalingon ako sa katabi ko na may tao na pala ngayon, may kasama rin itong babae at ang sama ng tingin sa akin.

Grabe makatingin akala mo naman aagawin ko sa kanya, hindi ko naman ipagpapalit sa Regan diyan. Mukhang hindi naliligo, hindi katulad ni Regan kahit ata hindi maligo mabango at gwapo pa rin. Pero demonyo lang.

Isip ko dahil hindi naman kagwapuhan ang lalaki na nagsalita kanina.

"Ako rin naman natutuwa na muli ay makakasama ko si Mr. Mijares," seryoso na sagot ni Regan.

Naagaw ang atensyon namin dahil sa boses na nagmumula sa mikropono, isang lalaki ang nasa loob at tinaas niya ang kamay ng isang lalaki na halos habol ang hininga at nagkalat ang dugo sa paligid nang mukha at sa katawan nito.

"Natapos na ang unang laban at ang nagwagi 'ay wala ng iba kung hindi si Bonzor."

Naghiyawan at ang lahat at ako naman nakatingin ako sa nakahandusay na lalaki na duguan at para bang wala na itong buhay.

Patay na?

"Re-Regan, b-buhay pa ba 'yung isa ta-tama ba ako?" Kinakabahan na tanong ko at seryosong tiningnan niya  muna ako.

"Patay na 'yan." Kaswal na sagot niya na para bang wala lang sa kanya ang salitang patay.

Hindi naman ako makapaniwala at muling napatingin doon hanggang sa may dalawang lalaki na pumasok sa loob at hinatak lang ang katawan ng lalaki at hindi man lang binuhat ito.

Grabe naman ano 'to parang hayop lang? Ito ba ang pinag-uusapan nila na pustahan? Pinagpupustahan nila ang buhay ng tao?

_____

Halos hindi ako makagalaw sa napapanood ko ngayon dahil nag-umpisa na ang sumunod na laban, hindi ko lubos maisip na may ganitong sugal at ang buhay nang tao ang sinusugal.

Nilingon ko ang mga kasama ko dito, kita sa mga mukha nila na natutuwa sila sa napapanood nilang lahat, si Regan na seryosong nanonood.

"May problema ba?"

Napakurap ako ng mata sa nagsalita si Mr. Mijares, titig na titig siya sa akin pero mas naagaw ng mata ko ang isa pang nakatingin sa akin si, Regan. Gusto kong magsalita o magtanong pero pinigilan ko na lang ang sarili ko, dahil wala naman akong magagawa.

"Baka pagod na siya."

Napatingin ako sa kamay ni Regan, hinawakan niya ang kamay ko at mahinang pinsil.

"Pinagod mo siguro." natatawang sabi nitong si, Mr. Mijares.

Ngumiti lang si Regan kay Mr. Mijares,  sinulyapan naman niya ako, lumapit ang mukha niya banda sa tenga ko.

"Mamaya ka na umuwi may gusto pa akong gawin sa'yo."

Mahinang bulong niya at naninibago na naman ako sa kaniya kanina lang para siyang may sapi ng demonyo. Napatitig lang ako sa kaniya at naghalo ang nasa isip ko ang takot at sabik? Takot dahil sa nasaksihan ko ngayon at sabik sa isipin na kung anong sinasabi niyang gagawin?

Sabik ka bang mamatay mamaya, Jesse?

Napailing ako sa naisip ko at naisip ko na tumayo, tiningnan pa ako ni Regan.

"Hindi ako aalis, saan ba ang c.r dito?" Tanong ko.

"Nasa kaliwa lang diretso at makikita mo na agad." walang buhay na turo niya.

Hindi na ako sumagot at naglakad na, dahil gusto kong sumagap nang hangin, hindi ko na kayang tagalan pa na tingnan ang paglalaban ng dalawang taong nagpapatayan. Pero lahat nang naroon ay mukhang tuwang-tuwa pa.

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad ko para hindi ako lumagpas dahil ayokong maghanap ng matagal. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil nakita ko agad ang sign ng c.r.

Pagpasok ko sa loob may babae doon at mukha na itong lasing dahil sa namumungay na mata niya. Medyo magulo na rin ang buhok niya, mapula ang mata.

"Hello, mukhang bago ka lang dito." Maarte ang boses na puna niya sa akin habang naglalagay ng lipstick.

Grabe, ako kapag alam kong lasing na ako hindi ko naiisip pa na maglagay ng lipstick. Tss!

"Niyaya lang ako dito." balewalang sagot ko at binuksan ko na ang gripo para maghugas ng kamay.

"Ni, Regan?"

Natigilan ako dahil kilala niya si Regan, pinatay ko ang gripo at hinarap ko itong babae na sobrang pula na ng labi.

"Oo, bakit?" Kuryos na tanong ko.

"Wala naman, pero gusto lang kitang batiin kasi nakasama mo si Regan, sabihin mo masarap ba siya sa kama?"

Napaangat ang isang kilay ko dahil sa huling sinabi niya, isa pa bakit ko naman sasagutin 'yon? Para na yon sa akin, walang puwedeng ibang makaalam.

"Wala akong sasabihin, sige mauna ako sa'yo at payo ko lang rin sa'yo huwag masiyadong magpakalasing." Nakangiting paalala ko.

Lumabas na ako kahit tinatawag niya pa akong teh! Hindi ko na siya pinansin nagmadali na akong lumabas. Pero napaigik ako dahil sa may nabanga ako.

"Mag-ingat ka."

Hindi ako agad nakapagsalita si Mr. Mijares, nakahawak siya sa likod ko at titig na titig siya sa akin.

"JESSE!"

Bigla akong napaayos at napabitaw si Mr. Mijares sa likod ko at lumayo ng kaunti sa akin. Si Regan, bakas sa gwapong mukha niya ang galit.

"Tapos na ako." sabi ko at naglakad ako papunta sa kanya, pansin ko na nakatingin siya kay, Mr. Mijares.

"Umuwi na tayo."

"Ha?" Takang sambit ko dahil akala ko matagal pa kami aalis dito, pero ngayon gusto niya ng umuwi kami.

"Hindi pa tapos ang laban, Regan."

"Panalo ka na." sagot agad ni, Regan.

Hinatak niya na ako at naglakad na kami, medyo naguluhan ako sa kinikilos niya pero natuwa ako dahil aalis na kami sa lugar na 'to. Nakarating na kami ulit sa club, tuloy-tuloy kaming lumabas.

Pumasok na ako sa loob nang kotse ni Regan,  umikot lang siya sa kabila at pumasok na rin sa loob. Tahimik lang ako habang nakaupo, pinakikiramdaman ko siya dahil hindi pa siya kumikilos para paandarin.

Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa unahan ng sasakyan, para bang may malalim siyang iniisip.

"Regan-"

"Ano'ng ginawa niyo ni, Mr. Mijares?"

Napakunot noo ako dahil sa tanong niya hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko dahil wala akong alam sa sinasabi niya.

"Hindi kita maintindihan." mahinang sabi ko.

"Pag-aari kita Jesse, hindi puwedeng may gumalaw sa'yo na iba."

Natigilan naman ako at saglit na nag-isip sa sinabi niya.

Iniisip niya na may ginawa kami ni Mr. Mijares? Grabe naman ang taong to, anong palagay niya sa akin makati ang kipay?

"Puwede ba, Regan? Huwag mo nga akong pag-isipan ng mga ganyan, ikaw nga 'tong maraming mga lihim at hindi ko nga alam kung anong klaseng tao ka."

Akala ko magre-react siya pero wala siyang sinabi, mabilis na hinawakan niya ako sa batok at lumapat ang mainit na labi niya sa akin at ang kamay niya dumapo sa pisngi ng p*wet ko at pinisil yun.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Putol niya sa halik sa akin at nakaramdam ako ng konting inis dahil nabitin ako, pero hindi ko pinahalata masiyado at isa pa mamaya dito pa siya may gawin sa akin. Umalis na kami sa lugar na yun kahit paanon ay nakahinga na ako pero itong kasama ko masiyadong malalim ang iniisip.

"Akala ko ba may gagawin tayo?" Mahinang sabi ko at sa bintana ako nakatingin.

Saglit na katahimikan ang namigatan sa aming dalawa.

"Sasama ka ba?"

Hinarap ko siya at imbis na sumagot sa tanong niya hinawakan ko siya sa magkabilaan na pisngi at ako na mismo ang humalik sa kanya at hindi ko alam kung bakit bigla ko yun ginawa.

Mukhang lonely ka kaya paliligayahin kita.

Malokong tumatakbo sa isipan ko at nakita ko na ngumisi kaya naman kahit walang salitang lumabas sa amin ay para bang alam na namin.

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • He Doesn't Want To Share   chapter 9

    JESSETatlong araw na ang lumipas at umalis na sila tita ako na lang ang nandito at nag-aalala na ako kay Regan, dahil simula yung sa hotel pa kami nagkita hindi rin matawagan yung number niya na ginagamit.Nasaan ka ba Regan?Usal ko habang nakahiga rito sa sofa, balak kong mag-apply sa ibang trabaho dahil kailangan ko ng pagkakitaan. Kakagising ko lang at tinatamad pa akong kumilos.Ayoko ng magsayaw o pumasok sa club gusto ko ng desente na trabaho kahit ano basta hindi na nagsasayaw. Pero umaasa ako na magpapakita na lang bigla si Regan dahil sobrang miss na miss na ko na siya.Bumangon na ako dahil walang mangyayari kung nandito na lang ako nakahiga. Agad na naligo ako at binilisan ko lang, suot ang palda na hanggang tuhod syempre para mukhang desente at long sleeve na tinupi ko hanggang sa siko. Sandals na mababa lang ang takong at itim na shoulder bag at folder laman ng mga requirements ko. High school lang natapos ko dahil maagang namatay si papa nahirapan kami no'n, ayos lang

  • He Doesn't Want To Share   chapter 8

    JESSESa isang mamahalin na hotel ako dinala ni Regan, pagpasok sa loob ay hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa kama. Pinaupo ko siya doon at nginitian ko lang siya, seryosong nakatingin sa akin ng lumayo ako nang bahagya sa kaniya at doon ay dahan-dahan akong kumembot na para bang walang buto.Yung kamay ko na dahan-dahan na hinihimas ang buong katawan kasama ang maselan kong parte habang patuloy na gumigiling. Titig na titig lang siya sa akin hanggang sa unti-unti kong hinubad isa-isa ang damit ko at natira ang two piece na kulay itim. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya habang kumekembot ako at tumalikod ako na sabay sayaw ng twerk. Pero nagulat ako dahil niyapos niya ako at hiniga padapa. Inamoy ang buhok ko, hinawi niya at hinalik-halikan ako sa batok. Napapikit ako dahil sa mainit niyang hininga, lumipat ang halik niya sa balikat ko at naramdaman ko nalang ang pagkatanggal nang hook ng bra ko. Inikot naman niya ako paharap sa kaniya at kinapitan ako sa pisngi at do

  • He Doesn't Want To Share   chapter 7

    JESSE"REGAN! Buhay ka pa pala!" Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang bumati kay Regan na lalaki na balbas sarado at agad na inabutan nang tagapagsilbi si Regan ng alak."Hangga't hindi niyo nakikita ang malamig na bangkay ko, maniwala kayong patuloy akong mabubuhay." Sagot naman nito na kinatawa ng mga narito.Malamang matagal kang mamatay kasi masamang damo ka.Hindi ko mapigilan na hindi sambitin sa isipan ko."Regan, mabuti at nagkita tayo." Muli ay napalingon ako sa doon banda sa isang lalaki na nakasalamin na itim at may katabi itong sexy na babae. "Mr. Mijares" bati ni Regan.Natigilan ako dahil parang narinig ko ang pangalan na 'yun kanina doon sa unang lalaki na nakausap ni Regan. Siya nga ba 'yun? Natigilan ako ng tanggalin nito ang suot na salamin at pakiramdam ko sa akin siya nakatingin o tama talaga ako.Naramdaman ko ang paghawak ni Regan sa likod at inakay ako nito sa bakante na upuan katabi yung Mr. Mijares. Sa tingin ko nasa trenta na siya mahigit pero baka

  • He Doesn't Want To Share   chapter 6

    JESSEGrabe ba't ganun para akong inaatake sa puso kanina ang lakas ng tibok nang puso ko. Saka, baka mamaya dalhin niya talaga ako sa hotel, nasabi ko lang naman 'yun dahil sa mga kagaguhan na mga sinasabi niya."Hays! Kalma lang, Jesse." Mahinang sambit ko ng buksan ko na ang pinto, hindi ko na nilingon pa si Regan dahil naiilang ako kung paano niya ako tingnan sa mata.Pagpasok ko sa loob 'ay napangiwi ako dahil may nabangga ako dahil sa kaiisip ko kay Regan. Napahawak ako sa noo ko na natamaan. "Ano ba, bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" Inis na wika ko kahit alam kong ako ang may kasalanan dahil wala ako sa sarili. Pero bigla akong namutla dahil sa taong nakabunggo ko. "A-Andrew," hindi makapaniwalang bigkas ko. "Jesse, anong ginagawa mo dito? Huwag mo sabihing nagtatrabaho ka rin dito?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "H-hindi, sandali. May nakalimutan ako." Mabilis na sagot ko at binuksan ko ulit ang pinto, narinig ko na may tumawag kay Andrew kaya naman natuw

  • He Doesn't Want To Share   chapter 5

    JESSEHabang naglalakad ako papunta sa sakayan nang jeep para umuwi, malalim na nag-iisip ako kung tama ba na samahan ko si Regan, maiiwan ko sila tita ko baka kung ano ang mangyari sa kanila. Nakita ko ang jeep na papalapit agad na pinara ko ito, pagsakay ko ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa tumatawag sa akin walang iba kung hindi si Regan, dahil kinuha niya ang number ko at pinasave niya ang numero niya. Ayoko sana sagutin pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya."Regan, ibabalik ko na lang--" "Nasaan ka na?" Tanong niya at putol agad sa sasabihin ko, huminga mo na ako ng malalim."Regan, ibabalik ko na lang ang binigay mo." "Wala kang ibabalik sa akin." Natigilan ako sa tono ng boses niya at nawala ito sa kabilang linya. Natitigilan na napatingin ako sa screen ng phone ko.Bahala ka! Hindi kita pupuntahan diyan manigas ka! Ibabalik ko ang pera mo. Kailangan ako ng tita baka ano pa ang mangyari sa kanila dahil sa pagsama ko sa'yo, hindi pa kita lubos na ki

  • He Doesn't Want To Share   chapter 4

    JESSENaramdaman ko ang pagbitaw ni Regan sa kamay ko at akala ko muli siya ulit susuntukin ni Andrew, ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari. Binawian ng suntok nito si Andrew ng ubod lakas at napahiga ito sa semento, nagkagulo dito at umingay. Lumapit pa si Regan at muling sinuntok si Andrew. Ngunit naalarma ako ng makita na paparating ang dalawang body guard ni Andrew. "Regan!" Sigaw ko na kinalingon niya sa akin. Pero huli na dahil nakatutok na sa ulo niya ang dalawang baril nang bodyguard ni Andrew. "Ang tapang mong gago ka, baka hindi mo ako kilala? Ngayon mo ipakita ang tapang mo." Nakangisi pang sabi ni Andrew.Nakatingin naman ako kay Regan na unti-unting tumayo at bigla na lang kumilos si Regan at mabilis na naagaw niya ang baril doon sa isang bodyguard ni Andrew. Agad na pinaputukan nang dalawang beses ito ni Regan.Tulala ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. At hindi pa siya nakuntento binaril niya rin ang isa pang bodyguard ni Andrew, parehong tumba ito sa sahig

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status