JESSE
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan nang jeep para umuwi, malalim na nag-iisip ako kung tama ba na samahan ko si Regan, maiiwan ko sila tita ko baka kung ano ang mangyari sa kanila. Nakita ko ang jeep na papalapit agad na pinara ko ito, pagsakay ko ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa tumatawag sa akin walang iba kung hindi si Regan, dahil kinuha niya ang number ko at pinasave niya ang numero niya. Ayoko sana sagutin pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya. "Regan, ibabalik ko na lang--" "Nasaan ka na?" Tanong niya at putol agad sa sasabihin ko, huminga mo na ako ng malalim. "Regan, ibabalik ko na lang ang binigay mo." "Wala kang ibabalik sa akin." Natigilan ako sa tono ng boses niya at nawala ito sa kabilang linya. Natitigilan na napatingin ako sa screen ng phone ko. Bahala ka! Hindi kita pupuntahan diyan manigas ka! Ibabalik ko ang pera mo. Kailangan ako ng tita baka ano pa ang mangyari sa kanila dahil sa pagsama ko sa'yo, hindi pa kita lubos na kilala Regan kahit inangkin mo na ako. "Jesse mabuti narito ka na narito si Andrew." Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni Tita pagkakita ko sa kanya na kalalabas lang nang pinto na may tinapon na basura. Tiningnan ko naman ang si tita mukhang wala namang nangyaring kung ano, dahan-dahan na naglakad ako papunta sa pinto at binuksan 'yun. "Jesse!" Hindi ako nakagalaw ng bigla na lang akong sunggaban nang yakap ni Andrew, naguguluhan ako. "Nag-alala ako ng sobra sa'yo, may ginawa ba sa'yo ang lalaki na 'yun? Sabihin mo Jesse, pinahahanap na siya ngayon nang tauhan ng papa ko." "S-Sandali, sinabi mo ba 'yan sa tita ko?" Mahinang tanong ko sa kanya dahil pumasok na si tita. "Wala akong sinabi Jesse, gusto kong malaman kung may ginawa ba sa'yo ang lalaki na 'yun. Sino ba ang lalaki na 'yon?" "Huwag na nating pag-usapan 'yan Andrew, maaari ba na sa ibang araw na lang tayo mag-usap?" Mahinang sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako ng mabuti. "Ipaghahanda ko kayo ng pagkain--" "Hindi na tita aalis na si Andrew, kailangan ko rin magpahinga muna masakit ang ulo ko." Pagdadahilan ko dahil parang ayoko muna pakipag-usap sa iba ngayon. Nagtataka na napatingin sa akin si tita at napatango na lang, hindi ko na sinulyapan pa si Andrew umakyat na ako sa itaas upang ipahinga ko muna ang isip ko. Pagpasok sa kuwarto ko ay agad na humiga ako at napatitig ako sa kisame. Hindi pa nagtatagal na nakahiga ako ng muling tumunog ang phone ko, pagtingin ko si Regan ang tumatawag. Hindi ko sinagot at hinayaan 'yun pero ayaw tumigil kaya napilitan akong sagutin. "Regan, puwede ba--" "Lumabas ka dito." "Ha? Ano ba ang sinasabi mo?" Takang tanong ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wawasakin ko 'tong pintuan niyo kapag hindi ka lumabas." Bigla akong napatayo dahil sa sinabi ni Regan, halos takbuhin ko ang hagdan pababa. Mabuti wala doon si tita at wala na rin si Andrew, hindi man ako makapaniwala na narito talaga si Regan sa amin 'ay naniniwala ako dahil sa trabaho ko nga nalaman niya. Pagbukas ko na g pinto nandoon nga siya at salubong ang kilay na nakatingin sa akin. "Secret agent ka ba? Bakit lahat na lang ng lugar na kung nasaan ako ay nalalaman mo at--" napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin at isampa sa balikat niya, ramdam ko naman ang pagtaas nang suot ko na bistida. "Hoy! Ano ba ibaba mo nga ako saan mo ba ako dadalhin?" Naiinis na utos ko sa kanya at napapatingin ako sa kalsada dahil baka mamaya may makakita sa amin, lalo na si tita. Pero wala siyang pakialam dahil malalaki ang hakbang niya at dinala ako sa kotse na nag-aabang. Pinasok niya ako doon, pilit na binubuksan ko naman ang pinto ngunit nakasara ito. "Palabasin mo nga dito! Saan mo ba ako dadalhin? Ibabalik ko na ang pera mo, tigilan mo lang ako. At isa pa may nangyari na sa atin tama na 'yun." Natigilan ako sa pagtatalak ko dahil nakatingin lang siya sa akin. "Huwag mo akong asarin Jesse." Bigla akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita niya at nakita ko sa tagiliran niya ang baril dahil natanggal sa pagkakabutones ang suot niyang suit na itim. Narinig ko na lang ang pag-andar nang makina hanggang sa tuluyan na itong umandar. Napapasulyap lang ako sa kanya minsan dahil tahimik lang ito habang nagmamaneho, binuksan ko ang cellphone ko at nag-message ako kay tita na may pinuntahan ako saglit pero alam kong magtataka 'yun dahil kanina lang sabi ko pagpapahinga ako. Mamaya'y may inabot ito sa akin na paper bag, nagtataka na tiningnan ko siya pero hindi ko 'yun inabot. Hinagis niya bigla sa hita ko ang paper bag kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Isuot mo 'yan." Sabi niya lang. Tiningnan ko naman ang laman damit at may sandals na kasama, balak ko sanang ilapag lang 'yun sa gilid ng tutukan ako niya ako nang baril. "Bingi ka ba? Isuot mo 'yan." "Bakit ba? Saka paano ko 'yan isusuot nandito tayo sa kotse." Inis na sagot ko pero may kaba akong nararamdaman dahil baka mamaya iputok niya 'yun sa akin. "Isuot mo 'yan huwag mong hintayin maasar ako sa'yo." May pagbabantang sabi niya habang hawak ang baril niya. "Nababaliw ka na talaga." Mahinang sabi ko at walang nagawa kung hindi hubarin ang suot ko para isuot ang damit na binigay niya. Ano naman kaya ang balak nito, malamang susunod ako sa gusto mo tinatakot mo ako sa baril na 'yan. Nababaliw ka na talaga. Isip ko habang sinusuot ko na ang damit na dala niya, ganun rin ang sandals. Matapos 'yun ay inayos ko ang sarili ko, tumingin ako sa salamin na narito inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko. Mabuti may mak-up pa ako dahil hindi ko pa ito inalis kanina pag-uwi. "Ano masaya ka na?" Inis na sagot ko at tiningnan ko siya dahil seryoso lang siyang napapatingin sa akin habang nagmamaneho. Hindi ko inaasahan ang paghatak niya sa kamay ko palapit sa kanya at nagdikit ang labi namin. ______ REGAN Nakatitig ako sa mata ni Jesse na tulala at hindi nagawang makapagsalita dahil sa biglang paghalik ko sa kanya. Habang nagmamaneho ako kanina hindi ko maiwasan na hindi panoorin ang pagbibihis niya kanina. Kanina matapos kong makausap si Jesse sa cellphone asar na asar ako dahil gusto niyang ibalik sa akin ang pera na binigay ko sa kanya kapalit ng pagsama niya sa akin. Umalis ako agad upang alamin kung saan nakatira si Jesse sa tulong ng isang kong malapit na kaibigan na kilala ang manager mismo sa club na kung saan nagtatrabaho si Jesse. "Saan ba tayo pupunta at kailangan may pa ganito ka pang suot sa akin?" Saglit na sinulyapan ko lang siya at inayos ko ang suot ko, binalik ko sa tagiliran ang baril. Hindi ako sumagot nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkainis niya na bagay na gusto ko kapag ganyan ang mukha niya. Hindi ko alam pero mas malakas lalo ang pagkakagusto at kasama na ang pagnanasa na angkinin siya ng paulit-ulit. Minsan lang ako magkagusto sa babae at inaamin ko na si Aria 'yun, kaya naman hindi ko rin matanggap na hindi siya napunta sa akin. Hindi ko na inalam ang balita sa kanila. Wala na akong pakialam sa kanila. Napalingon ako kay Jesse na nakasimangot na nakatanaw sa labas ng bintana. Kapag sawa na ako sa'yo saka kita bibitawan, sa ngayon magsasaya muna ako. "So, ano maglalasing tayo dito? Puwede ba uuwi na lang ako wala ako sa mood uminom ngayon." Mabilis na kumilos ang kamay ko at pahatak na hinawakan ko siya sa braso at sinandal sa pader. Kakababa lang namin dito sa harap nang bar kung saan ko siya dinala. Halos dumikit na ang labi ko sa kaniya nakatitig ako doon at umangat ang mata ko sa mata niya. "A-Ano ba Regan, may mga dumadaan." Mahinang wika niya at pilit na kumakawala sa kamay ko. "If I want to f*ck you now, wala silang pakialam." nangagalit ang bagang kong saad sa kanya na kinalaki ng mata niya. "Baliw! Siraulo ka talaga Regan! Huwag mo akong gawing kaladkarin na babae, may kahihiyan rin naman ako. May hotel naman, talagang dito? Ano tingin mo sa akin aso!?" Nakatitig lang ako sa kanya habang galit na galit siya sa akin, lalo na sa labi niya na bawat pagbuka no'n 'ay para bang ang sarap sa pakiramdam ko. "Hotel?" Sambit ko na kinatigil niya at napatitig sa akin. Bahagyang tinulak niya ako at umalis sa pagkakaharang ko sa kanya, sinundan ko siya ng tingin na biglang natahimik na kanina lang 'ay ang ingay niya. "T-tara na pumasok na tayo sa loob, kung talagang trip mo na maglasing sige sasamahan kita." Nakapamulsa lang ako habang pinagmamasda ang nakatalikod na si Jesse na naglalakad.JESSEGrabe ba't ganun para akong inaatake sa puso kanina ang lakas ng tibok nang puso ko. Saka, baka mamaya dalhin niya talaga ako sa hotel, nasabi ko lang naman 'yun dahil sa mga kagaguhan na mga sinasabi niya."Hays! Kalma lang, Jesse." Mahinang sambit ko ng buksan ko na ang pinto, hindi ko na nilingon pa si Regan dahil naiilang ako kung paano niya ako tingnan sa mata.Pagpasok ko sa loob 'ay napangiwi ako dahil may nabangga ako dahil sa kaiisip ko kay Regan. Napahawak ako sa noo ko na natamaan. "Ano ba, bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" Inis na wika ko kahit alam kong ako ang may kasalanan dahil wala ako sa sarili. Pero bigla akong namutla dahil sa taong nakabunggo ko. "A-Andrew," hindi makapaniwalang bigkas ko. "Jesse, anong ginagawa mo dito? Huwag mo sabihing nagtatrabaho ka rin dito?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "H-hindi, sandali. May nakalimutan ako." Mabilis na sagot ko at binuksan ko ulit ang pinto, narinig ko na may tumawag kay Andrew kaya naman natuw
JESSEHabang naglalakad ako papunta sa sakayan nang jeep para umuwi, malalim na nag-iisip ako kung tama ba na samahan ko si Regan, maiiwan ko sila tita ko baka kung ano ang mangyari sa kanila. Nakita ko ang jeep na papalapit agad na pinara ko ito, pagsakay ko ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa tumatawag sa akin walang iba kung hindi si Regan, dahil kinuha niya ang number ko at pinasave niya ang numero niya. Ayoko sana sagutin pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya."Regan, ibabalik ko na lang--" "Nasaan ka na?" Tanong niya at putol agad sa sasabihin ko, huminga mo na ako ng malalim."Regan, ibabalik ko na lang ang binigay mo." "Wala kang ibabalik sa akin." Natigilan ako sa tono ng boses niya at nawala ito sa kabilang linya. Natitigilan na napatingin ako sa screen ng phone ko.Bahala ka! Hindi kita pupuntahan diyan manigas ka! Ibabalik ko ang pera mo. Kailangan ako ng tita baka ano pa ang mangyari sa kanila dahil sa pagsama ko sa'yo, hindi pa kita lubos na ki
JESSENaramdaman ko ang pagbitaw ni Regan sa kamay ko at akala ko muli siya ulit susuntukin ni Andrew, ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari. Binawian ng suntok nito si Andrew ng ubod lakas at napahiga ito sa semento, nagkagulo dito at umingay. Lumapit pa si Regan at muling sinuntok si Andrew. Ngunit naalarma ako ng makita na paparating ang dalawang body guard ni Andrew. "Regan!" Sigaw ko na kinalingon niya sa akin. Pero huli na dahil nakatutok na sa ulo niya ang dalawang baril nang bodyguard ni Andrew. "Ang tapang mong gago ka, baka hindi mo ako kilala? Ngayon mo ipakita ang tapang mo." Nakangisi pang sabi ni Andrew.Nakatingin naman ako kay Regan na unti-unting tumayo at bigla na lang kumilos si Regan at mabilis na naagaw niya ang baril doon sa isang bodyguard ni Andrew. Agad na pinaputukan nang dalawang beses ito ni Regan.Tulala ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. At hindi pa siya nakuntento binaril niya rin ang isa pang bodyguard ni Andrew, parehong tumba ito sa sahig
JESSETulala ako habang nakaupo dito sa loob ng dressing room pagkapasok ko kanina. Pakiramdam ko yung labi ni Regan ay narito pa rin dahil damang-dama ko pa."Hoy! Ba't nandito ka?" Bigla akong natauhan dahil sa malakas na boses ni Shane kasama nito si Rhian ang isa sa mga entertainer rin dito sa Club. Marami na rin itong naging customer, ginagawa niya yun para sa pangangailangan ng anak niya. Single mom kasi siya."Ha? Dinaanan ko kayo dito alam kong aabutan ko pa kayo, gusto ko lang mang-treat. Kain tayo doon sa paborito nating kainan." Nakangiting aya ko sa kanila."Talaga lang ah? Mukhang malaki ata binigay sa'yo doon noh?" Nakangiting sabi ni, Rhian."Hindi naman gaano pero sapat na para malibre ko kayo." Tawang sagot ko at tumawa na rin sila, ibibigay ko agad itong perang buong sa mama ko dahil may pera pa naman ako dito.Masayang sabay na lumabas kami ni Shane at Rhian nang club, papunta kami ngayon sa kinakainan namin dito banda lang. "Alam mo Jesse, malamang kung natukso k
JESSE"Paano, maiwan ko muna kayo diyan at may aasikasuhin lang ako. Siya nga pala salamat Jesse sa pagpapainit ng gabi ngayon." Napatango ako kay Mr. Romulo na nagimbita sa akin na magsayaw dito sa Club niya. Pagdating ko dito humanga ako dahil ang sosyal nang Club na ito at ang linis-linis sobra, ang mga gamit talagang magaganda. Kinabahan pa ako kanina dahil sa may kadamihan ang tao dito. Pero dahil sa ibabayad sa akin lumakas ang loob ko at kinapalan ko na lalo ang mukha ko. Kanina habang nasa ibabaw ako ng stage at nagsasayaw naagaw ang atensyon ko dito sa lalaki na nasa pinakagitna nakapuwesto kasama si Mr. Romulo, may kung anong pagkailang rin akong naramdaman dahil dama ko ang matang nakamasid sa akin. Ngayon lang ako nailang ng ganito kapag nagsasayaw ako at yung lalaki na yun lang nagpailang sa akin."Jesse, right?"Napakurap ako ng mata at naalala na kaharap ko pala itong si Regan napatitig ako sa kanya lalo na sa mata niya na pakiramdam ko kapag nakatingin sa akin 'ay pa
JESSE"Wala ka talagang katulad sa pag-sasayaw mo Jesse, lahat ng mga customer natin mga nakanganga. Kulang na lang tumulo na laway nila, pero hindi ka nila matitikman." Napangiti ako kay Shena na kasama ko sa trabaho dito sa isang Club, dito ako nagtatrabaho bilang dancer tuwing gabi. Dahil hindi ako nakapagtapos ng high school ito ang trabahong napasok ko. Dito mabilis akong kumita at natutustusan ko ang pangangailangan ng kapatid at magulang na may maintance na sa gamot na nasa probinsiya."Sandali anong oras na ba?" Maya'y tanong ko kay Shane kasi nakadalawang sayaw na ako ngayon."One pm na ng madaling araw girl, umuwi ka na. Wala ka namang booking ngayon hindi ba?" Nakangising sagot ni Shane."Gaga! Booking ka diyan, wala naman talaga. Tama na 'tong pagsasayaw ko, may kinikita naman ako. Saka ang papanget ng customer natin tapos yung iba matatanda pa at ang babaho." Paarte na sagot ko na kinatawa ni Shane."Siraulo ka talaga, so kung may gwapo payag ka na? Alam mo mas malaki an