공유

chapter 3

작가: BM_BLACK301
last update 최신 업데이트: 2025-10-12 10:10:30

JESSE

Tulala ako habang nakaupo dito sa loob ng dressing room pagkapasok ko kanina. Pakiramdam ko yung labi ni Regan ay narito pa rin dahil damang-dama ko pa.

"Hoy! Ba't nandito ka?"

Bigla akong natauhan dahil sa malakas na boses ni Shane kasama nito si Rhian ang isa sa mga entertainer rin dito sa Club. Marami na rin itong naging customer, ginagawa niya yun para sa pangangailangan ng anak niya. Single mom kasi siya.

"Ha? Dinaanan ko kayo dito alam kong aabutan ko pa kayo, gusto ko lang mang-treat. Kain tayo doon sa paborito nating kainan." Nakangiting aya ko sa kanila.

"Talaga lang ah? Mukhang malaki ata binigay sa'yo doon noh?" Nakangiting sabi ni, Rhian.

"Hindi naman gaano pero sapat na para malibre ko kayo." Tawang sagot ko at tumawa na rin sila, ibibigay ko agad itong perang buong sa mama ko dahil may pera pa naman ako dito.

Masayang sabay na lumabas kami ni Shane at Rhian nang club, papunta kami ngayon sa kinakainan namin dito banda lang.

"Alam mo Jesse, malamang kung natukso ka na rin sigurado akong maraming pera ang mai-uuwi mo kada gabi. Pero tama naman si Shane sayang ka pa rin kung pagsasawaan ka lang ng mga customer."

Napatingin ako kay Rhian at ganun rin kay Shane, kasalukuyan na kumakain kami ng inorder namin na Tapsilog.

"Nako, Rhian. Huwag mo na demonyuhin pa si Jesse, pagsasayaw lang ang gusto niya. Saka sabi niya naman kapag may gwapo susunggaban niya na agad." Natatawang dag-dag pa ni Shane at nagtawanan silang dalawa pero ako biglang natigilan dahil sa may naalala ko.

I want to f*ck you

Regan...

"Hoy! Ayos ka lang ba?"

"Oo nga bakit natulala ka diyan?"

Napakurap ako ng mata dahil sa tanong nila at umayos ako nang upo.

"Wala may naisip lang ako bigla." Sagot ko at napatango sila.

"Siya nga pala ikuwento mo naman sa amin kung anong nangyari doon sa Club ni Mr. Romulo, balita ko kasi sosyal doon at maraming bigtime na customer." Tanong ni Shane.

"Oo tama ka, maganda nga doon saka mukhang mapepera ang mga nandoon na customer at..."

"At ano?" Takang tanong ni Rhian habang naghihintay rin si Shane sa sasabihin ko.

"At ano, ano ba?" Natatawang sabi ko dahil bigla akong nailang.

"May gwapo ka bang nakilala doon sa club kanina?" Nanlalaki ang matang sabi ni, Shane.

"Oo nga Jesse, may pogi ka bang nakilala doon tapos mayaman pa?"

Natigilan ako at pareho ko silang tiningnan, mabuti pang huwag ko nang sabihin. Sigurado naman ako na hindi na kami ulit magkikita ni Regan isa pa maraming babae diyan hindi siya mag-aaksaya ng oras para sa akin.

"Marami naman pero wala akong nakilala doon, kasi umalis rin ako agad doon." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Aw, sayang naman kung ganun."

Narinig ko na sabi ni Shane at tahimik na kumain na kami ulit.

____

Dalawang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan si Regan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para kalimutan siya iba talaga yung dating niya sa akin.

"Jesse kumain ka na ba?"

Napaangat ako ng mukha kay tita na nasa tabi ko na habang nakaupo ako dito kaharap ang pagkain ko.

"May problema ka ba?"

"Ha? Wala po, may iniisip lang po ako." Sagot ko kay tita at napansin ko ang dalawang pinsan ko na mga naka-uniform na.

"Nagpadala ka na ba sa mama mo? Baka wala na siyang gamot."

"Tapos na tita, kain na kayo." aya ko.

"Ate Jesse, papasok na kami." Paalam ni Aston at ganun rin si Erica.

"Sige na mag-iingat kayo." Sagot ko at lumabas na sila ng pinto.

"Hindi pa ako nagugutom, siya nga pala kamusta naman ang pagsasayaw mo doon?"

Tanong ni tita dahil alam niya kung ano ang trabaho ko pero sinabi ko naman na hindi ako nagpapalabas sa mga customer.

"Ayos lang naman po kahit paano naitatawid nito ang pangangailangan natin sa pang-araw araw at sa gamot ni mama." Nakangiting sagot ko kasi tumutlong rin ako kay tita dahil dito ako nakatira sa kaniya, wala na siyang asawa at hindi na nagbalak mag-asawa pa. Nagtitinda siya sa palingke ng gulay para sa may pangpa-aral sa anak ako naman ay kahit paano ay nag-aabot sa kaniya.

Natigilan naman ako ng may kumakatok at tinatawag ang pangalan ko.

"Jesse, magandang umaga."

Napatayo ako at sinino yung tumatawag sa akin.

"May bisita ka si Andrew."

Napasimangot naman ako dahil sa pangalan na sinabi ni tita ang isa sa masugid kong mangliligaw na hanggang sa trabaho ko ay pinupuntahan ako. Tumayo ako at iniwan ko ang pagkain.

"Ang aga mo namang nandito kumain ka na ba ng almusal mo? Kasi ako kakain pa lang." Walang ganang sabi ko, gwapo naman si Andrew at kilala ito sa lugar namin dahil anak ito ng mayor. Pero talagang hindi ko siya magustuhan dahil sobrang yabang at wala siyang apeal sa akin.

"Ayos lang Jesse, kumain ka na muna. Siya nga pala ito para sa'yo."

Napatingin ako sa likod niya dahil kasama na naman niya ang dalawang bodyguard niya. Ito ang may hawak ng mga dala niya para sa akin.

"Ang dami naman nito, pero salamat." Sagot ko at inabot ang mga pagkain at ilang paper bag.

"Ito rin,"

Napatingin ako sa bulaklak na hawak niya ang ganda no'n.

"Salamat din dito, sige maupo ka na muna." Aya ko sa kanya at naupo na siya.

Nakilala ko si Andrew noong panahon na may nilalakad ako sa cityhall namin at siya yung napagtanungan ko. Tapos nagulat na lang ako ng tumawag siya sa akin nakuha raw niya number ko doon sa mga papeles na dala ko. Hindi rin ako makapaniwala na anak siya nang mayor.

"Siya nga pala Jesse, maaari ba kitang bisitihan sa trabaho mo mamayang gabi?"

"Ha? Bakit naman pati sa trabaho ko pupunta ka?" Sagot ko kasi naiirita ako kapag nandoon siya dahil minsan laging nagkakagulo doon dahil nagseselos siya kapag may ibang lalaki na lumalapit sa akin. Feeling boyfriend ko naman siya.

"Gusto ko na ulit makita ang magaling mo na pagsasayaw, lalo ka kasing gumaganda doon at ang ganda pa ng katawan mo."

Hays! Alam ko naman na pinagnanasahan mo lang ako habang nagsasayaw dahil doon mo lang nakikita ang buong katawan ko.

"Bahala ka, pero ako alam mo naman na una pa lang sinabi ko na sa'yo na hindi kita gusto. Ibaling mo na lang sa iba 'yang nararamdaman mo dahil marami pa namang iba diyan." Seryosong wika ko sa kanya.

"Alam ko 'yun Jesse, pero ikaw ang gusto ko. Maghihintay ako hangga't wala ka pang asawa."

Gusto kong mailing dahil sa sinabi niya, pero kung tutuusin swerte ko na sabi ng iba lalo na ang mga kapitbahay naming mga chismosa.

Pagkaalis ni Andrew ay agad akong humiga para matulog dahil antok na antok na ako.

-----------

Kararating ko lang dito sa trabaho at nagsisimula na akong mag-ayos, mga nakahanda na rin ang iba dahil magsisimula na naman ang gabi namin ngayon.

Sana maraming mag tip sa akin para naman may pera ako.

"Jesse tawag ka na." Kalabit sa akin ni Rhian.

Tumango ako at muli kong sinulyapan ang sarili ko. Suot ang dalawang pares na kumikinang at napakasexy ko dito. Namimilog ang dibdib ko dahil push up na bra na suot, ang pangibaba ko naman ay bakat na bakat doon ang pagkababae ko dahil sa nipis na 'yun. Ito lang ang ginagawa ko para matuwa naman ang mga manonood.

Nasa ibabaw na ako nang stage at nagsisimula na akong sumayaw, tahimik ngayon dito. May ilang sipol akong naririnig kapag habang gumigiling ako pababa na dahan-dahan at hinihimas ko ang mga maseselan ko na parte. Napansin ko na narito na si Andrew at titig na titig sa akin habang nagsasayaw ako. Sa pag-ikot ko natigilan ako dahil nakita ko ang taong hanggang ngayon ay hindi nawawaglit sa isipan ko.

Regan?

Nagpatuloy ako sa pagsasayaw dahil biglang umingay dito, hindi nawala sa paningin ko ang paglakad ni Regan papunta sa gitna at pinatayo niya 'yung dalawang lalaki na nakaupo. Hindi ko na masiyadong nagawa nang maayos ang pagsasayaw ko dahil sa presensya ni Regan.

Matapos kong sumayaw nagmamadali akong nagpunta sa dressing room at napaupo ako.

"Jesse, may naghahanap sa'yo bilisan mo."

Narinig ko ang boses ni manager, napatingin ako sa itsura ko at inayos ko pa ulit. Kinuha ko lang blazer ko para ipangtakip kahit paano sa halos hubad ko ng katawan. Ang lakas ng tibok nang puso ko habang papalapit ako doon sa puwesto ni Regan.

Pagkalapit ko doon ay napansin ko ang pagtayo ni Andrew at nilapitan ako agad.

"Jesse,"

Napalingon ako kay Andrew at ganun rin si Regan habang nakaupo lang ito.

"Sino ang lalaki na 'yan? Huwag mo sabihin na nagpapa-table ka na ngayon?"

"Puwede ba, Andrew. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at isa pa huwag ka naman gumawa ng gulo ngayon--"

Natigilan ako ng hatakin ako ni Regan palapit sa kanya na nakatayo na pala ito.

"May problema ba?" kalmadong tanong ni Regan kay Andrew pero nanlaki ang mata ko ng bigla nalang niyang suntukin si Regan.

"Re-Regan!" bigkas ko pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • He Doesn't Want To Share   chapter 9

    JESSETatlong araw na ang lumipas at umalis na sila tita ako na lang ang nandito at nag-aalala na ako kay Regan, dahil simula yung sa hotel pa kami nagkita hindi rin matawagan yung number niya na ginagamit.Nasaan ka ba Regan?Usal ko habang nakahiga rito sa sofa, balak kong mag-apply sa ibang trabaho dahil kailangan ko ng pagkakitaan. Kakagising ko lang at tinatamad pa akong kumilos.Ayoko ng magsayaw o pumasok sa club gusto ko ng desente na trabaho kahit ano basta hindi na nagsasayaw. Pero umaasa ako na magpapakita na lang bigla si Regan dahil sobrang miss na miss na ko na siya.Bumangon na ako dahil walang mangyayari kung nandito na lang ako nakahiga. Agad na naligo ako at binilisan ko lang, suot ang palda na hanggang tuhod syempre para mukhang desente at long sleeve na tinupi ko hanggang sa siko. Sandals na mababa lang ang takong at itim na shoulder bag at folder laman ng mga requirements ko. High school lang natapos ko dahil maagang namatay si papa nahirapan kami no'n, ayos lang

  • He Doesn't Want To Share   chapter 8

    JESSESa isang mamahalin na hotel ako dinala ni Regan, pagpasok sa loob ay hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa kama. Pinaupo ko siya doon at nginitian ko lang siya, seryosong nakatingin sa akin ng lumayo ako nang bahagya sa kaniya at doon ay dahan-dahan akong kumembot na para bang walang buto.Yung kamay ko na dahan-dahan na hinihimas ang buong katawan kasama ang maselan kong parte habang patuloy na gumigiling. Titig na titig lang siya sa akin hanggang sa unti-unti kong hinubad isa-isa ang damit ko at natira ang two piece na kulay itim. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya habang kumekembot ako at tumalikod ako na sabay sayaw ng twerk. Pero nagulat ako dahil niyapos niya ako at hiniga padapa. Inamoy ang buhok ko, hinawi niya at hinalik-halikan ako sa batok. Napapikit ako dahil sa mainit niyang hininga, lumipat ang halik niya sa balikat ko at naramdaman ko nalang ang pagkatanggal nang hook ng bra ko. Inikot naman niya ako paharap sa kaniya at kinapitan ako sa pisngi at do

  • He Doesn't Want To Share   chapter 7

    JESSE"REGAN! Buhay ka pa pala!" Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang bumati kay Regan na lalaki na balbas sarado at agad na inabutan nang tagapagsilbi si Regan ng alak."Hangga't hindi niyo nakikita ang malamig na bangkay ko, maniwala kayong patuloy akong mabubuhay." Sagot naman nito na kinatawa ng mga narito.Malamang matagal kang mamatay kasi masamang damo ka.Hindi ko mapigilan na hindi sambitin sa isipan ko."Regan, mabuti at nagkita tayo." Muli ay napalingon ako sa doon banda sa isang lalaki na nakasalamin na itim at may katabi itong sexy na babae. "Mr. Mijares" bati ni Regan.Natigilan ako dahil parang narinig ko ang pangalan na 'yun kanina doon sa unang lalaki na nakausap ni Regan. Siya nga ba 'yun? Natigilan ako ng tanggalin nito ang suot na salamin at pakiramdam ko sa akin siya nakatingin o tama talaga ako.Naramdaman ko ang paghawak ni Regan sa likod at inakay ako nito sa bakante na upuan katabi yung Mr. Mijares. Sa tingin ko nasa trenta na siya mahigit pero baka

  • He Doesn't Want To Share   chapter 6

    JESSEGrabe ba't ganun para akong inaatake sa puso kanina ang lakas ng tibok nang puso ko. Saka, baka mamaya dalhin niya talaga ako sa hotel, nasabi ko lang naman 'yun dahil sa mga kagaguhan na mga sinasabi niya."Hays! Kalma lang, Jesse." Mahinang sambit ko ng buksan ko na ang pinto, hindi ko na nilingon pa si Regan dahil naiilang ako kung paano niya ako tingnan sa mata.Pagpasok ko sa loob 'ay napangiwi ako dahil may nabangga ako dahil sa kaiisip ko kay Regan. Napahawak ako sa noo ko na natamaan. "Ano ba, bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" Inis na wika ko kahit alam kong ako ang may kasalanan dahil wala ako sa sarili. Pero bigla akong namutla dahil sa taong nakabunggo ko. "A-Andrew," hindi makapaniwalang bigkas ko. "Jesse, anong ginagawa mo dito? Huwag mo sabihing nagtatrabaho ka rin dito?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "H-hindi, sandali. May nakalimutan ako." Mabilis na sagot ko at binuksan ko ulit ang pinto, narinig ko na may tumawag kay Andrew kaya naman natuw

  • He Doesn't Want To Share   chapter 5

    JESSEHabang naglalakad ako papunta sa sakayan nang jeep para umuwi, malalim na nag-iisip ako kung tama ba na samahan ko si Regan, maiiwan ko sila tita ko baka kung ano ang mangyari sa kanila. Nakita ko ang jeep na papalapit agad na pinara ko ito, pagsakay ko ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa tumatawag sa akin walang iba kung hindi si Regan, dahil kinuha niya ang number ko at pinasave niya ang numero niya. Ayoko sana sagutin pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa kanya."Regan, ibabalik ko na lang--" "Nasaan ka na?" Tanong niya at putol agad sa sasabihin ko, huminga mo na ako ng malalim."Regan, ibabalik ko na lang ang binigay mo." "Wala kang ibabalik sa akin." Natigilan ako sa tono ng boses niya at nawala ito sa kabilang linya. Natitigilan na napatingin ako sa screen ng phone ko.Bahala ka! Hindi kita pupuntahan diyan manigas ka! Ibabalik ko ang pera mo. Kailangan ako ng tita baka ano pa ang mangyari sa kanila dahil sa pagsama ko sa'yo, hindi pa kita lubos na ki

  • He Doesn't Want To Share   chapter 4

    JESSENaramdaman ko ang pagbitaw ni Regan sa kamay ko at akala ko muli siya ulit susuntukin ni Andrew, ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari. Binawian ng suntok nito si Andrew ng ubod lakas at napahiga ito sa semento, nagkagulo dito at umingay. Lumapit pa si Regan at muling sinuntok si Andrew. Ngunit naalarma ako ng makita na paparating ang dalawang body guard ni Andrew. "Regan!" Sigaw ko na kinalingon niya sa akin. Pero huli na dahil nakatutok na sa ulo niya ang dalawang baril nang bodyguard ni Andrew. "Ang tapang mong gago ka, baka hindi mo ako kilala? Ngayon mo ipakita ang tapang mo." Nakangisi pang sabi ni Andrew.Nakatingin naman ako kay Regan na unti-unting tumayo at bigla na lang kumilos si Regan at mabilis na naagaw niya ang baril doon sa isang bodyguard ni Andrew. Agad na pinaputukan nang dalawang beses ito ni Regan.Tulala ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko. At hindi pa siya nakuntento binaril niya rin ang isa pang bodyguard ni Andrew, parehong tumba ito sa sahig

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status