Share

He Hates Me But He Loves Me
He Hates Me But He Loves Me
Author: Zairalyah_dezai

Chapter 1

After 4 years

"Congratulation anak, hanga kami ng tatay mo na nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo. Ngayon magkokolehiyo ka na, sana pagbutihin mo pa para makamit mo ang iyong minimithi," ngiting sabi ni inay at itay.

Tipid akong ngumiti, "Salamat po inay itay, pagbubutihin ko pa po ang pag aaral ko para po sa atin, kayo po ang inspirasyon ko, tutuparin ko po lahat ng mga pangarap natin."

"Anak pagkatapos mo dito pumunta ka kina lolo at lola Fermina mo, may ibibigay daw siya sayong regalo."

"Naku kapag nalaman na naman ito ni Sebastian lalo ka na naman iinisin yun. Dalaga at binata na kayo at baka yung pang iinis niya sayo magkatuluyan kayong dalawa," biro ni tatay. 

"Tay, may gf na iyon at kahit kailan hindi magkakagusto yun sa akin."

"Tignan nga natin kung hindi siya mafall sayo sa gandang mong yan," dagdag pa ni tatay.

"Itay masyado mataas ang standard nun, isa pa isa pa rin akong nerd na kinaiinisan niya," giit ko.

"Oh anak ibigay mo na itong pinitas namin ng tatay mo. Mga sariwang prutas at gulay. Oh ito pa baka makalimutan mo itong bulaklak, ingatan mo yang mga dala mo," paalala ni inay.

"Sige po inay," nakangiting tugon ko saka maayos na nagpaalam na sa kanila.

Napakaganda ng mga ani nila dahil sa mga masisipag na trabahador dito sa hacienda. Sobrang bait kasi nila lolo at lola kabaliktaran naman sa ugali ni Sebastian.

Kamusta na kaya ang mokong na yun. Haist, bakit ko na naman siya iisipin, ang sama ng ugali. Nakauwi na kaya siya dito sa Pilipinas, tanong ng isip ko.

Bawat trabahador na makasalubong ko sa daan ay binabati ako. Nakakaproud din pala kapag ganito na nakapagtapos ako kahit nasa sekondarya pa lang ako.

"Hello Marina," bati ni Antony nang makasalubong ko ito na isa ring anak ng trabahador dito sa hacienda. Isang taon na lang, magtatapos na din ito ng kolehiyo. 

"Hi kuya Antony, ganda ng kabayo mo ha puwede pahawak."

"Oh sige huwag mo lang siyang titigan baka sipain ka niyan."

"Ha! bakit?"

"Kasi ayaw niya sa babae."

Napasinghap ako. "May ganun ba sa ngayon kuya o binibiro mo na naman ako" at tumawa siya. Ang cute ng dimple niya grabe. 

"Sabi na nga ba eh puro kalokohan ang alam mo," inis na sabi ko.

"Galit ka na naman. Pupunta ka ba sa mansion?"

"Ahm, oo eh."

"Akin na yang hawak mo tulungan na kita," sabay kuha nito sa akin ang isang basket.

"Salamat kuya," ngiting sabi ko.

Patungo na kami roon. Kalaunan, nasa may bukana na kami ng pintuan. Namataan kong nag uusap sina lolo at lola habang may iniinom itong kape. Pinag uusapan nila ang pagdating ng kanilang apo na si Sebastian. 

Nakita ako ni lola na papalapit sa kanila at nagmano sa kanilang dalawa. 

"Congratulation apo nakapagtapos ka na din sa wakas. Dalaga ka na at bawal bawal muna ang magpaligaw ha. Natutuwa kami at dinalaw mo kami ng lolo mo. Namiss kita agad. Sabi ko na kasi na dumito ka na lang total marami namang kuwarto dito. Kami na ang bahala sayo apo, napamahal ka na sa amin. Tinuring ka na naming parang sariling apo sana naman pumayag ka na sa gusto namin," mahabang turan nito.

"Ahm, pag iisipan ko pa po yan lola." Tuwang tuwa si lola nang iabot ko ang isang basket na may laman na sariwang gulay at prutas. Inabot lo na din ang mga bulaklak sa kan'ya.

"Salamat apo, nag abala ka pa. Alam na alam mo talaga ang mga paborito kong bulaklak," nakangiting sabi nito.

"Opo lola, at araw araw ko po kayong bibigyan ng mga bulaklak maganda po kasi ang panahon ngayon kaya maraming bulaklak yung mga pananim ko."

"Anthony ayos na ba ang pinapagawa ko sayo?" tanong ni lolo.

"Opo ok na po, ready na po siya at maayos na po lolo." Lolo na din tawag ni Antony sa lolo at lola ni Sebastian dahil ito ang gusto ng dalawang matanda na itawag sa kanila dahil na din siguro na nag iisa lang si Sebastian na apo nila.

"Halika na sa kuwadra Marina, may ibibigay kaming regalo sayo," ang pag aya ni lolo.

Nasa may kuwadra na kami at may inilabas na kabayo si Anthony. Ito yung magandang kabayo na hawak hawak ni Antony kanina ah. 

"Hindi ka ba natutuwa apo sa regalo namin ng lola mo Marina?"

"Masaya po ako lolo lola kasi po ahm," sabay kamot sa aking ulo.

"Hayaan mo ng si Anthony ang bahala sayo, tuturuan ka niyang mangabayo."

"Salamat po lolo lola, malaking bagay na po ito sa akin." Umiiyak ako habang yakap yakap ko silang pareho.

"Sshhh, tahan na apo at baka bahain tayo dito," ang pagbibiro ni lola. 

"Lola naman eh palabiro ka talaga," tinanggal ko muna ang salamin ko para punasan ang luha sa aking mga mata.

"Mas maganda ka pa lalo Marina kapag wala yang salamin sa mata mo," puna ni kuya Anthony.

"Oh Antony huwag mo munang ligawan si Marina at mag aaral pa siya sa kolehiyo," sabi ni lola.

"Ahm, hindi po lola magkaibigan lang po kami ni Marina," paliwanag nito.

"Sige na turuan mo na itong si Marina at maya maya darating na si Sebastian. May konting salo salong gaganapin bukas para sa pagtatapos nitong dalawa," sabi ni lolo.

Darating si Sebastian ngayon? Parang tumambol bigla ang puso ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam to, kung kinakabahan ba ako o maiinis dahil sa iinisin na naman niya ko.

"Sakay na Marina utos ni Antony."

"Ha! paano ba hindi ako marunong eh."

"Tapakan mo ito, tapos yung isa mong paa itaas mo aalalayan kita."

Hawak hawak ni Antony ang beywang ko habang inaalalayan niya kong maka akyat sa kabayo. Medyo natakot ako pero masarap sa pakiramdam kapag nakasakay ka na.

Sumakay na din si Antony sa kabayo at inayos ang tali nito. 

"Hawak ka ng mabuti Marina," itos nito.

"Saan ako hahawak?" 

"Kahit diyan na sa balikat ko o kung gusto mo naman diyan ka humawak sa beywang ko." 

"Ok na ba yan sa balikat mo na lang?"

"Ok bahala ka kung diyan mo gusto."

Napahawak tuloy ako bigla sa beywang ni Antony at napayakap ng mahigpit sa may likuran niya nang paluin niya ang kabayo. 

Tawa ng tawa si kuya Anthony habang sigaw ako ng sigaw. 

"Dahan dahan lang kuya Antony ang bilis mo naman magpatakbo. Kapag nakababa lang ako sasakalin kita," pananakot ko.

"Sarap na sarap ka nga sa pagyakap sa akin eh sasakalin mo pa ako," pagbibiro niya.

"Kainis ka talaga kung marunong lang akong mangabayo hindi na kita pasasakayin sa kabayo ko," naiinis na sabi ko.

Halos paikot ikot lang kami dito sa hacienda kaya nahilo ako. Hiniga ko ang ulo ko sa likod ni Antony na may makita akong isang taong nakatanaw sa amin at si Sebastian yun. Hindi ako nagkakamali dahil siya nga. 

Dumating na pala siya..

"Ayos ka lang ba Marina?"

"Nahihilo ako." Itinigil niya na ang kabayo at ng tinignan kong muli kung saan ko siya nakita ngunit wala na siya doon.

Ibinaba ako ni Antony sa kabayo at muntik na akong matumba dahil sa pagkahilo mabuti maagap akong inilalayan ni Antony.

Ibinalik na sa kuwadra ang kabayong sinakyan namin. Inaalalayan pa din ako ni Antony hanggang sa pagbalik ng mansion para makapag paalam. Nasa may terrace na kami ni Antony habang inaalalayan pa din niya ako. Naka dekwatro si Sebastian nang makita ko habang kausap siya ng lolo at lola niya. 

"Ok ka na ba," inismaran ko lang siya.

"Sorry ha kung napasarap ang pangangabayo ko. Ang sarap pala ng pakiramdam kapag may nakayakap sayo," biro pa nito.

Kaya binatukan ko siya, "aray naman Marina. Akala ko ba nahihilo ka?"

Nawala na ang hilo ko at napatakbo na lang ako bigla sa labas ng mansion nang maramdaman ko ang paghalukay sa aking sikmura.

Nakita ni lolo at lola na napatakbo ako palabas kaya sumunod sila maliban lang kay Sebastian.

"Anong nangyari sa kaniya Antony?" tanong ni lola na may pag aalala.

"Lola nahilo lang po siya sa pagsakay ng kabayo. Hindi pa po siya sanay." 

"Hay naku ganiyan din ako noong tinuturuan pa lang ako ng lolo niyo. Sumuka din ako ng sumuka. Hayaan mo Marina masasanay ka din pag nagtagal." 

"Ahm, lola lolo magpapaalam na po muna kami ni kuya Antony. Uuwi na po muna kami. Babalik na lang po kami bukas."

"Ikaw Antony umuwe ka na muna, kami ng bahala kay Marina," mahinahong sabi ni lola.

"Sige po lola alis na po ako, Marina bukas na lang ulit," paalam nito at Umumalis na si Antony. Nakaramdam ako ng lungkot nang siya'y makaalis na.

"Dumito ka na muna Marina, pinagpaalam na kita sa magulang mo at pumayag na silang dito ka na titira. Dalaw dalawin mo na lang sila doon. Gamitin mo ang kabayo mo para madalaw mo sila."

"Ah pumyag po sila nanay at tatay. Paano po yung mga gamit ko po lola?"

"May mga gamit ka na dito apo, matagal ko ng balak na dito ka patirahin kaso ayaw mo lang noon. Halika at dadalhin kita sa kuwarto mo."

Sabay na umakyat kami ng hagdan at tinungo ang ikalawang palapag. 

"Sa may dulo ang iyong magiging kuwarto sana'y magustuhan mo," ngiting sabi nito.

Binuksan ni lola ang pintuan at napahanga ako sa magandang disenyo nito. Malaki ang kama at kompleto sa gamit. Tinungo ko ang isang malaking bintana at binuksan ko ito. May maluwang din na terrace at kitang kita ang ganda ng tanawin at kitang kita din ang lahat ng pag aari nila Sebastian. Kakamangha at ang sarap lumanghap ng simoy ng hangin.

"Nagustuhan mo ba apo?"

"Opo sobrang ganda po dito." Niyakap ko si lola at umiyak sa may balikat niya. "Sobra sobra na po ang naibigay niyo po sa akin lola pati na din si lolo. Salamat po at napakabuti niyo sa amin."

"Ok lang iyon apo masaya kami ng lolo mo at napapasaya ka namin. 

Inaya niya ko sa kung saan at Smsumunod ako kay lola. Dumiretso kami sa may closet. Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang napakaraming mga damit. Napaawang ang ibabang labi ko.

"Kompleto lahat yan at kung may kulang pa sabihin mo lang."

"Lola hindi po ako sanay magsuot ng mga ganitong klaseng mga damit," tanggi ko. 

"Masasanay ka din apo at sana maisuot mo lahat ng yan ipangako mo. Dalaga ka na kailangan mong manamit ng disente para hindi ka inisin ni Sebastian."

Kahit magsuot pa ako ng magagandang damit na kagaya nito, hinding hindi ako papansinin ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang siya galit sa akin kahit hindi ko naman siya pinapansin. Mas masaya pa nga siya pag nakakagawa siya ng katarantaduhan sa akin kahit nakakasakit na siya masaya pa din siya. 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
your welcome Miss Author .........
goodnovel comment avatar
Zairalyah_dezai
thank you for reading po
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Way lang ni Sebastian na asarin ka Marina para mapansin mo Siya...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status