Compartilhar

Chapter 4

Autor: Okahel
Buti na lang at biglang tumunog ang cellphone ni Nevaeh, na siyang nakapagligtas sa kanya sa nakakailang na sitwasyon.

“Hello?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nagmamadali siyang sagutin ang tawag.

Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mapanuksong boses ng kaibigan at sikat na model na si Mira.

“Oy, Nevaeh! So, kumusta? My dear Miss Nevaeh, kahapon nagpakasal ka na. Don’t tell me hindi ka na nakapaghintay at may nangyari na agad kagabi?”

Medyo malakas ang boses ni Mira sa cellphone.

Naalala ni Nevaeh na nasa loob pa ng kwarto si Sven, kaya agad siyang lumingon sa direksyon nito.

Buti na lang at nasa may pintuan na ito at palabas na ng kwarto.

“I-I'm already married,” sagot ni Nevaeh habang bahagyang napabuntong-hininga. “Pero walang nangyari.”

“Ha?”

Hindi makapaniwala si Mira.

“Five years kayong nag-date. Ang pinaka ginawa n’yo lang ay konting halik, parang peck lang sa lips. Ni hindi nga kayo nagkaroon ng intimate na moment…”

Bigla itong napasigaw.

“Wait… don’t tell me na nung gabi ng kasal n’yo lang nalaman na may problema pala ang asawa mo? Like… hindi ‘iyon’ tumatayo?”

Dahil sa sobrang gulat at excitement ni Mira, lalo pang lumakas ang boses nito.

Sakto namang bumukas ulit ang kwarto Pumasok si Sven sa kwarto at eksaktong narinig niya ang huling sinabi ni Mira.

“…na may problema pala ang asawa mo? Hindi tumatayo?”

Biglang umangat ang dulo ng kilay ni Sven habang tumingin kay Nevaeh.

Hindi ‘iyon’ tumatayo?

Sa sandaling iyon, napalingon si Nevaeh sa may pintuan dahil sa tunog ng pagbukas nito.

Pagkakita niya kay Sven, biglang natigil ang paghinga niya.

Samantala, walang kaalam-alam si Mira sa nangyayari sa kabilang linya at tuloy pa rin sa pagbibigay ng payo.

“Naku, hindi ‘yan okay. Dapat ipa-check agad sa hospital.”

“Kung hindi maayos, you really have to think about it. Kaya mo ba ang ganung relasyon? Platonic marriage lang habang buhay…”

Nag-init ang ulo at mukha ni Nevaeh sa hiya. Agad niyang pinatay ang tawag. Bahagya niyang hinila ang gilid ng labi niya at pilit na ngumiti.

“Bakit bumalik ka?”

“Kukunin ko lang ang relo ko.” Diretsong sagot ni Sven. Mabilis siyang naglakad papunta sa walk-in closet at kumuha ng isang mechanical watch.

Habang isinusuot niya ito, naglakad siya pabalik sa harap ni Nevaeh. Pagkatapos niyang maisuot ang relo, iniunat niya ang braso sa harap ni Nevaeh at inabot ang isang bagay sa ibabaw ng vanity table.

Dahil doon, parang napalibutan si Nevaeh sa pagitan ng mesa at ng dibdib niya.

Bahagyang yumuko si Sven. Inilapit niya ang mukha sa harap ni Nevaeh. Ramdam ni Nevaeh ang mainit na hininga nito.

“Kung tumatayo ba o hindi…” mahina nitong bulong. “…malalaman naman natin mamayang gabi, right, my dear wife?”

Nanigas ang katawan ni Nevaeh habang nakaupo. Hindi siya makagalaw.

Bahagya siyang kumurap nang dalawang beses, halatang hindi komportable.

“Hindi ako ang nagsabi nun.”

Bahagyang ngumiti si Sven. “Mrs. Ferrer… hintayin mo akong makauwi mamaya.”

Huminto siya sandali bago dinugtungan.

“Then we’ll see kung tumatayo ba talaga o hindi.”

Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Nevaeh na magpaliwanag. Mabilis na lumabas si Sven ng kwarto, mahahaba ang hakbang.

Nang tuluyan siyang makaalis, saka lang nakahinga nang maluwag si Nevaeh. Agad niyang tinawagan ulit si Mira.

“May misunderstanding.”

“Anong misunderstanding?”

Saglit na tumigil si Mira bago nagsalita ulit.

“Oy, bigla mong pinatay yung tawag kanina. Galit ka ba?”

“Dahil ba sinabi ko na walang… capability si Jeston?”

Sunod-sunod ang tanong ni Mira, parang bumukas ang dam at tuloy-tuloy ang paglabas ng reklamo at curiosity nito.

Huminga nang malalim si Nevaeh.

“Hindi si Jeston.”

“Si Sven Antonius Ferrer.”

Para hindi na lalo pang magkamali ng intindi ang kaibigan niya, agad niyang dinagdagan.

“Kahapon… si Sven ang pinakasalan ko.”

“Ano?!”

Halos mapasigaw si Mira sa gulat.

Sampung minuto ang lumipas.

Pagkatapos marinig ang buong kwento ni Nevaeh, walang tigil na minura ni Mira sina Jeston at Neela. Talagang pinagmumura niya ang dalawa nang todo. Matapos maglabas ng sama ng loob, saka lang siya kumalma.

“Dapat lang ginawa mo ‘yan,” sabi niya. “Para magsisi si Jeston.”

“Kung ayaw niyang maging asawa mo, edi gawin mo siyang brother in law. Let him regret it for the rest of his life.”

“Pero Nevaeh, ang bilis ng improvement ng taste mo ah.”

“Si Sven Antonius Ferrer ang president ng Ferrer Corporation. Gwapo na, mayaman pa, tapos wala pang scandal. Honestly, mas lamang siya kay Jeston.”

Bahagyang tumigil si Mira bago nagsalita ulit.

“Pero…”

“Pinakasalan ka niya para lang hindi siya pilitin magpakasal, at tingin niya bagay ka para doon. Wala kayong emotional foundation, tapos dati pa kayong hindi magkasundo…”

Hindi na tinuloy ni Mira ang sasabihin. Pero naiintindihan na ni Nevaeh ang ibig niyang sabihin.

“Okay lang,” mahina niyang sagot habang nakayuko. “Pareho lang naman kaming may kailangan.”

Kahapon, dala lang ng galit kaya siya pumayag magpakasal.

Pero ngayon, mas malinaw na ang isip niya. Natupad na rin naman niya ang huling hiling ng kanyang ama. Kung maghiwalay man sila sa hinaharap, wala na siyang pakialam.

“Sige,” sabi ni Mira. “Kung ganyan ang desisyon mo, bibigyan kita ng wedding gift.”

“Hintayin mo na lang.”

Napakunot ang noo ni Nevaeh.

“Anong regalo?”

Pero hindi na sumagot si Mira.

Sa kabilang linya, may tumatawag na kay Mira para sa isang advertisement shoot, kaya agad niyang pinatay ang tawag.

Napabuntong-hininga si Nevaeh.

“Busy talaga…”

***

Samantala, sa headquarters ng Ferrer Corporation.

Sa top floor ng building, naroon ang opisina ng presidente.

Pagkatapos ng meeting, umupo si Sven sa likod ng malaking desk. Tuwid ang likod niya habang nakaupo.

Ang dark suit niya ay lalong nagpapakita ng kanyang eleganteng aura at awtoridad. May natural na pressure ang presensya niya kahit tahimik lang siya. Hindi man lang siya nag-angat ng ulo habang nagsasalita.

“Victor.”

“Pumili ka ng wedding rings para sa amin. Also, ihanda mo ang isang share transfer agreement.”

Magalang na tumango ang special assistant niyang si Victor.

“Yes, Mr. Ferrer.”

Pero hindi agad umalis si Victor. Napansin iyon ni Sven kaya itinaas niya ang ulo at tiningnan ito.

“May iba ka pang sasabihin?”

Si Victor ang unang nagsalita.

“Mr. Ferrer, nalaman ni Mr. Ferrer na bumalik na kayo sa Puerto City. Tumawag siya sa akin kanina. Pinapasabi niya na umuwi kayo sa ancestral house mamayang gabi para sabay-sabay kayong maghapunan.”

Bahagyang dumilim ang tingin ni Sven.

“Lumabas ka muna. Ako na ang bahala dito.”

“Yes, Mr. Ferrer.”

Magalang na tumango si Victor at tahimik na lumabas ng opisina.

Pagkasara ng pinto, agad na tumawag si Sven.

Hindi pa man siya nakakapagsalita, agad siyang pinagalitan mula sa kabilang linya.

“Lumakas na ang loob mo ah! Bumalik ka ng Puerto City pero hindi mo man lang sinabi sa akin. Hindi ka rin mahanap ng mga tao. Ngayon gusto kitang makita, kailangan ko pa bang magpa-appointment sa sarili kong apo?”

Mahinang kumatok ang mahahabang daliri ni Sven sa mesa habang nakikinig.

“Grandpa, calm down. Kakabalik ko lang kahapon at inaayos ko pa ang jet lag. Hindi ko lang agad nasabi.”

Malakas na suminghot si Lolo Joseph sa kabilang linya.

“Huwag mo akong lokohin.”

“Tatlong taon na kitang sinasabihan. Kapag bumalik ka sa Puerto City, kailangan mo nang mag-settle down. Humanap ka ng mapapangasawa, magpakasal, magkaroon ng anak…”

“Don’t you dare forget that.”

Habang nakikinig sa paalala ng matanda, may naalala si Sven. May dumaan na bahagyang lambing sa kanyang mga mata.

“Don’t worry, Grandpa. Hindi ko nakakalimutan.”

Bahagyang ngumiti ang manipis niyang labi.

“Sigurado akong matutuwa kayo sa malalaman n'yo…”

***

Sa kabilang banda, kakagising pa lang ni Jeston mula sa kalasingan.

Bahagyang nakapikit ang mga mata niya habang hinihimas ang kama sa tabi niya.

Matapos maghanap sandali, nakuha rin niya ang cellphone mula sa ilalim ng unan.

Pagtingin niya sa oras, halos magulat siya.

Hapon na. Agad siyang napaupo sa kama at tuluyang nawala ang antok.

May meeting siya kaninang umaga. Pero hindi man lang siya tinawagan ni Nevaeh para gisingin o paalalahanan.

Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok ang assistant niya.

Pagkakita na gising na si Jeston at nakaupo sa kama, agad itong yumuko.

“Mr. Jeston Stefan Ferrer…”

“Kaninang oras ka pa dapat nandito,” malamig na sabi ni Jeston.

Sa cellphone niya, may ilang missed calls. Lahat iyon mula sa assistant.

“Akala ko po may importante kayong ginagawa, kaya hindi ko na kayo ginambala,” paliwanag ng assistant.

Ang totoo, pumasok siya ngayon para sabihin kay Jeston na bumalik na sa Puerto City si Sven.

Pero bago pa siya makapagsalita, nauna nang nagtanong si Jeston.

“Nasaan si Nevaeh?”

Natigilan ang assistant.

Umiling siya.

“Hindi ko po alam.”

Sa loob ng limang taon, tuwing may mahalagang meeting, hindi na kailangang alalahanin ni Jeston iyon.

Si Nevaeh na mismo ang nag-aasikaso. Nakasanayan na iyon ni Jeston. Kahit anong mangyari, kahit may sakit si Nevaeh, lagi pa rin siyang tumatawag isang oras bago ang meeting para gisingin siya.

Sa maliliit na bagay na iyon, hindi siya kailanman binigo ni Nevaeh.

Pero ngayon, dahil lang hindi sila pumirma ng kasal kahapon, nagtatampo na siya at hindi man lang nagparamdam.

Siguro nasanay lang siya na palagi itong pinagbibigyan. Dahil doon, lalo itong nagiging parang prinsesa kung umasta.

Mabigat ang mukha ni Jeston habang tinatawagan ang number ni Nevaeh.

Tumunog ang cellphone. Pero matapos ang isang ring, kusa itong naputol.

Sinubukan niyang tumawag ulit. Ganun pa rin ang nangyari. Ibig sabihin, naka-block na ang number niya. Lalong sumama ang mukha ni Jeston.

Agad siyang nagpadala ng message sa Vîber. Pero lumabas sa screen na hindi naipadala ang mensahe. May pulang exclamation mark pa.

“Good. Very good.”

Lumamig ang mga mata ni Jeston habang pinipigilan ang galit.

Sa pagkakataong ito, hindi niya ito pagbibigyan.

Kung gusto ni Nevaeh na makipagbalikan, kailangan nitong baguhin ang ugali nitong arogante.

***

Habang unti-unting lumulubog ang araw, sa Copper Bay villa.

Sa loob ng kwarto, nakaupo si Nevaeh sa may bay window. Naka-cross ang mga paa niya habang nakapatong sa hita ang laptop.

Ang maputi at manipis niyang mga daliri ay mabilis na nagta-type sa keyboard. Maghapon siyang hindi lumabas ng bahay.

Abala siya sa pag-aayos ng script. Bilang isang screenwriter, dalawa na sa mga script niya ang naging web drama. Katamtaman lang ang naging resulta.

Hindi man naging sobrang sikat, pero hindi rin naman flop. Biglang tumunog ang cellphone niya.

Pagtingin niya sa caller ID, agad niyang sinagot ang tawag.

“Hello, Grandpa.”

“My little girl,” masayang boses ng matanda sa kabilang linya. “Matagal ka nang hindi bumibisita sa akin. Narinig ko na nagpakasal ka na kahapon. Pag may oras ka, bumisita ka naman dito sa bahay.”

“Isama mo na rin si Jeston.”

Sandaling natigilan si Nevaeh. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. “Grandpa… naghiwalay na kami ni Jeston.”

Narinig niya ang ilang mahinang tawa mula sa kabilang linya. Halatang sanay na ang matanda sa ganitong balita.

“Anong nangyari? Naging loko-loko na naman ba siya at nagalit ka?”

Ang simpleng reaksyon ng lolo niya ay nagpaalala kay Nevaeh ng maraming bagay mula sa nakaraan.

Biglang sumikip ang dibdib niya. May konting pait sa boses niya nang sumagot.

“Grandpa… this time seryoso na.”

Sandali siyang tumigil bago nagsalita ulit.

“Naghiwalay na kami ni Jeston.”

“...Si Sven ang pinakasalan ko.”

Sa labas ng pintuan ng kwarto. Nakatayo si Sven. Narinig niya ang sinabi ni Nevaeh.

Ang kamay niyang nakataas sana para kumatok sa pinto ay biglang natigil sa ere. Lalong lumalim ang tingin sa mga mata niya.
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 232

    Bahagyang kumunot ang noo ni Sven. “Hindi lang iyon ang dahilan,” mababa ang kanyang boses, ngunit hanggang doon na lamang siya at hindi na itinuloy ang sasabihin.Agad namang nainis si Sean. “Hey, don’t leave me hanging. What really happened? Tell me already!” Tumingin si Sven sa kanya nang malamig.“Wala kang kinalaman doon.”“You’re really impossible,” reklamo ni Sean habang napapailing. Pakiramdam niya ay sinadya talaga siyang bitinin. Sasagot pa sana siya nang biglang may marinig silang ingay mula sa loob ng conference room.“Everyone, leave first. May kailangan akong kausapin.”Malamig at puno ng awtoridad ang boses na iyon. Paglingon nila, nakita nila si Dahlia na kakapasok lamang. Maayos ang bihis nito at taglay ang elegante at marangal na tindig ng isang mayamang ginang, ngunit mabigat ang ekspresyon sa kanyang mukha.Wala ni isa sa mga staff ang nangahas sumuway. Bilang asawa ng dating pinuno ng Ferrer family, natural na may bigat pa rin ang bawat salita niya. Isa-isang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 231

    “Little fool.”Mahinang natawa si Sven habang nakatingin kay Nevaeh. May lambing at init sa kanyang mga mata na tila hindi niya na itinago pa.“You haven't changed a bit,” dagdag niya. “You're still the same. Still as stubborn... and sometimes, still a little slow.”Napakurap si Nevaeh.Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang komentong iyon kaya napasinghal na lamang siya.“Whatever.”Kahit ganoon ang sagot niya, hindi niya maikakaila ang kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Parang may matamis na bagay na dahan-dahang kumakalat sa kanyang puso, nag-iiwan ng init na hindi niya maipaliwanag.Simple lamang ang usapan nila, ngunit puno iyon ng gaan at kasiyahang matagal na niyang hindi naramdaman.Habang iniisip niya iyon, bigla niyang napagtanto ang isang bagay.Sa limang taon niyang kasama si Jeston noon, hindi niya kailanman naranasan ang ganitong uri ng kaligayahan.Hindi siya madalas ngumiti. Hindi siya madaling kiligin. At mas lalong hindi niya naranasang maging

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 230

    “If you want, we can just register our marriage on my birthday instead. It would be more meaningful, don't you think?”Nang mabanggit ni Jeston ang birthday niya, saka lamang may naalala si Nevaeh.Ang araw pagkatapos ng birthday ni Sven ay birthday naman ni Jeston.Dati, kabisadong-kabisado niya ang bawat importanteng petsang may kinalaman sa lalaki. Mula sa kaarawan nito hanggang sa maliliit na anibersaryong siya lamang ang nakakaalala. Ngunit ngayon, kung hindi pa ito mismo ang nagbanggit, muntik na niya talagang makalimutan ang birthday nito.Marahil dahil matagal nang namatay ang damdaming minsan niyang inalagaan nang buong puso.“Not necessary,” kalmadong sagot ni Nevaeh.Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita.“And besides, I'm not that desperate to marry you. After all, I'm already married.”Tahimik ang kabilang linya sa loob ng ilang segundo.Pagkatapos ay napatawa si Jeston, ngunit ang tawang iyon ay mapakla at puno ng paniniwalang hindi siya nagsasabi ng totoo

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 229

    “Next month, on my birthday.”Walang pag-aalinlangang sagot ni Sven.Bahagyang natigilan si Nevaeh nang maalala ang petsang nakita niya sa kanilang marriage certificate. Wala pang dalawampung araw ang natitira bago dumating ang araw na iyon.Hindi niya inakalang ganoon kabilis kikilos si Sven.Lalo na nang mapagtanto niyang pinili nito ang isang napakaespesyal na araw para sa kanilang pag-aanunsyo. Para bang gusto nitong sabihin sa buong mundo kung gaano kahalaga ang taong nasa tabi niya.Si Sven ay isa sa mga pinakakilalang tagapagmana sa Pilipinas... makapangyarihan, maimpluwensiya, at kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan.Dahil dito, napakaraming negosyante, celebrity, at kilalang personalidad ang naghihintay ng pagkakataong makadalo sa kanyang mga pagtitipon. Halos lahat ng event na may kaugnayan sa kanya ay nagiging sentro ng usapan sa kanilang social circle.Kaya naman sigurado si Nevaeh na ang birthday party nito ay magiging engrande.At sa gabing iyon, siya ang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 228

    Bahagyang nagulat si Sven at napatigil habang nakayuko at nakatingin kay Nevaeh. May kakaibang kislap na dumaan sa kanyang madidilim na mga mata bago bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi.“Hmm?” mahina niyang tanong. “Are you worried that other people will find out?”Umiling si Nevaeh habang nakasandal pa rin sa dibdib ng lalaki. Nang bahagya siyang tumingala, ang kanyang malambot na paghinga ay dumampi sa baba ni Sven.“Not really,” mahinahon niyang sagot. “Iniisip ko lang kung kailan natin balak mag-public.”Kaswal man ang kanyang tono, maingat niyang inoobserbahan ang reaksyon ng lalaki. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman nito tungkol sa bagay na iyon.Sandaling natahimik si Sven.Pagkatapos ay bahagya siyang umatras upang makita nang malinaw ang mukha ni Nevaeh. Nagtagpo ang kanilang mga mata... malalim, tahimik, at puno ng mga damdaming hindi na kailangang sabihin pa.“You want to go public now?” mababa niyang tanong.Halos hindi mabasa ang ekspres

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 227

    Lumapit si Nevaeh at bahagyang naamoy ang alak na kumapit sa katawan ni Sven. Dahil dito, kusang napakunot ang kanyang noo. Kahit hindi naman gaanong malakas ang amoy, sapat na iyon upang malaman niyang hindi kakaunti ang nainom ng lalaki.“Sa guest room ka na lang matutulog ngayong gabi,” seryoso niyang sabi.Tatalikod na sana siya, ngunit bago pa man siya makalayo, biglang hinawakan ni Sven ang kanyang pulso. Sa isang mabilis ngunit maingat na galaw, nahila siya nito papalapit hanggang sa napasandal siya sa malapad at mainit nitong dibdib.Napasinghap si Nevaeh.Agad siyang binalot ng amoy ng red wine na humalo sa pamilyar na mint scent ni Sven... isang samyong nakakabighani, nakakalito, at higit sa lahat, nakakapagpabilis ng tibok ng puso.“Okay lang naman sa guest room,” bulong ni Sven.Bumaba ang malalim at bahagyang mapaglarong boses nito mula sa itaas ng kanyang ulo. Bahagya pa itong yumuko upang mapalapit sa kanya.“As long as you'll stay with me.” Bahagyang sumilay ang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 200

    Magaan ang ngiti ni Nevaeh habang nagsasalita, pero bawat salita niya ay parang kayang mang-inis hanggang mamatay ang kausap.“Oh right,” dagdag pa niya na parang may biglang naalala. “Habang nasa ospital kayo, tanungin mo na rin siya kung ano pa bang mga kalokohan ang ginawa niya aside from wantin

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 192

    Mababa at bahagyang paos ang boses ni Jeston nang magsalita, halatang may bigat ang nararamdaman nito.“You know naman na wala akong kulang.”Huminga muna ito nang malalim bago muling nagsalita.“The only thing I want… is you. Gusto kitang makabalikan.”Walang emosyon sa mukha ni Nevaeh, at wala

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 191

    Kahit magulo ang isip ni Nevaeh, hindi niya kayang kalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya noon. Malamig niyang tiningnan si Jeston habang puno ng lamig ang boses niya.“Hindi ba nakalimutan mo na lahat ng ipinangako mo sa ama ko? Tapos ngayon, bigla kang magpapanggap na parang sobrang mah

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 190

    “Nevaeh.”Pagdaan niya sa tabi ni Jeston, bigla nitong hinawakan ang pulso niya.“Mag-usap tayo, please?”Halos nahinto ang galaw ng mga tao sa elevator area dahil hindi makalabas ang mga nasa loob, at hindi rin makapasok ang mga nasa labas.“N-Nevaeh…”Mahinang tawag ni Janine mula sa loob ng

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status