Nang marinig ito ni Sean, naging malamig ang ekspresyon nito.
Ang malalim niyang mga mata ay titig na titig kay Bona. "Sinabihan na kita, ayokong magpakasal. Kung hindi mo pala kaya, hindi ka na sana pumayag sa simula pa lang."
Medyo namumula ang mga mata ni Bona, "Dati, tayong dalawa lang, pero ngayon naging tatlo na."
"Hindi siya threat sayo.”
Ngumiti ng pilit si Bona. "Tinawagan ka niya at inutusan kang iwanan ako at huwag mag-alala kung mabubuhay pa ako o hindi. Sean, sabihin mo nga, ano ang ibig mong sabihin sa hindi ‘threat’?"
Napuno ng galit ang mga mata ni Sean. "Bona, sapat na ba ang ilang linggong sakit para gumanito ka?"
"Paano kung buntis ako?"
"Huwag mong gawing dahilan ang bata. Lagi kong sinisiguradong protektado ang lahat!" Malupit at malamig ang tono ng lalaki, walang kahit anong pag-aatubili ang pagsigaw.
Kung nandoon pa ang bata, baka pilitin niyang ipalaglag ito sa kanya. Dahil dito, ang huling pag-asa na naiwan sa puso ni Bona ay tuluyang nabasag.
Pinisil niya ang kanyang mga kamao ng napakatigas, hindi alintana ang damdamin ang sakit kahit na sumiksik ang mga kuko niya sa kanyang balat.
Itinaas niya ang kanyang baba at ngumiti ng mapait. "Sabi mo dati, pag-uusapan lang natin ang nararamdaman ng isa’t isa ngunit hindi ang kasal. Na kung dumating man ang isang araw na pagod na tayo, pwede tayong maghiwalay ng maayos." Bumuga siya ng hangin. "Sean, pagod na ako sayo. Maghiwalay na tayo.” Diretso at walang pag-aalinlangan niyang sinabi.
Ngunit walang nakakaalam na sa mga sandaling iyon, sobrang nasaktan ang puso niya.
Ang mga ugat sa likod ng kamay ni Sean ay nagpoproseso ng galit habang pinapanood niya si Bona na may matalim na titig.
"Alam mo ba ang magiging resulta ng sinasabi mong yan?"
"Alam kong galit ka, pero Sean, pagod na ako. Ayoko sa isang relasyon na may kahati."
Nitong mga nakaraang taon, masyado siyang idealista at iniisip niyang hangga't nagmamahalan ang dalawang tao, hindi mahalaga kung magpakasal sila o hindi.
Pero nagkamali siya. Dahil ang puso ni Sean ay hindi kailanman naging para sa kanya.
Hinawakan ni Sean ang baba ni Bona. "Gusto mo bang pilitin akong magpakasal sa'yo ng ganito? Bona, mababaw ba ang tingin ko sayo, o baka naman ikaw lang ang mataas ang tingin sa sarili?"
Tinitigan siya ni Bona ng may matinding pagkabigo. "Anuman ang iniisip mo, aalis na ako.”
Pagkasabi nun, tumayo siya mula sa kama at papalabas na sana nang hilahin siya ni Sean at niyakap.
Ang basa at mainit na mga labi nito ay agad na tumama sa mga labi ni Bona.
Ang malalim at nakakaakit na boses ay may halong lamig. "Pag nawala ka sa akin, hindi ka ba natatakot na bumalik ang pamilya Sobrevega sa dati nilang kalagayan? Ito ang kapalit ng tatlong taon mong kabataan."
Hindi makapaniwala si Bona sa narinig.
"Paki-explain nga, ano ang ibig mong sabihin sa 'tatlong taon ng kabataan'?"
Mabilis na pinindot ni Sean ang marka sa labi ni Bona at may kasamang pang-aasar sa gilid ng labi.
"Sinet up mo ko para sagipin ka, at kahit na hindi tayo nagpakasal, sumama ka pa rin sa akin. Kung hindi dahil sa pagtulong mo sa ama mo para iligtas ang mga Sobrevega, meron ka pa bang ibang dahilan na magpapaniwala sa akin?"
Tatlong taon ang nakalipas mula nung naharap ang pamilya nila sa isang malupit na krisis sa ekonomiya.
Matapos magsimula si Sean na makipag-date kay Bona, nagdala siya ng maraming negosyo sa pamilya Sobrevega at natulungan silang lampasan ang mga krisis.
Akala ni Bona noon na mahal siya ni Sean kaya't handa siyang tulungan nito.
Nanginginig ang mga labi ni Bona: "So lahat ng kabutihang pinakita mo sa akin sa loob ng tatlong taon, purong laro lang, walang emosyon?"
Nagpantig ang tenga ni Sean sa sinabi ni Bona, kaya't kumunot ang kanyang noo.
Pinagtagis niya ang kanyang mga ngipin at sinabing, "Akala mo ba seseryosohin ko ang laro na ito, na supposed-to-be, puro kasiyahan lang?"
Ang mga salitang ito ay tumusok sa puso ni Bona. Binigay niya ang tatlong taon ng pagmamahal sa kanya, pero para pala kay Sean, isa lang itong transaksyon ng pera at katawan.
Siya lang ang nagpanggap na minahal siya nito.
Habang naiisip ito, parang ang bawat parte ng balat niya ay nginangatngat ng isang mabagsik na aso.
Ang lungkot sa kanyang mga mata ay unti-unting napalitan ng malamig.
"Tingin ko, sapat na ang tatlong taon ng kabataan ko para bayaran ang kabutihan mo, Mr. Fernandez. Ngayon, pantay na tayo. Mula ngayon, maghiwalay tayo at mamuhay ng tahimik!"
Tinitigan ni Sean si Bona ng matalim at galit na galit siyang tinanaw. "Bona, bI will give you one night to think more bago mo ako bigyan ng sagot!"
Umalis ang lalaki na kalakip ang malamig at matigas na aura. Iniwan si Bona na nag-iisa at nakayakap sa kama. Ang mga luhang matagal niyang pinigilan ay hindi na niya napigilan at dumaloy mula sa kanyang mga mata.
Nalaman niyang sa mga mata ni Sean, ang pitong taon niyang pagmamahal at tatlong taon ng pag-aalaga ay naging isang kahiya-hiyang negosyo.
Sa isang relasyon ng dalawang tao, ang unang umibig ay natatalo. Lalo na't siya ang unang nagmahal kay Sean ng apat na taon. Siya ang talunan, ito ay isang nakakatakot na katotohanan.
Matapos magluksa, inimpake ni Bona ang kanyang gamit at umalis sa pamamahay nito ng walang lingon-lingon.
---
Sa kabilang banda, ang itim na Ferrari ay dumaan sa tahimik na kalye na parang kidlat.
Iniisip niya ang matinding ekspresyon ni Bona nang sabihin niyang "maghiwalay na tayo".
Dahil lang sa hindi siya nag spend ng birthday ni Bona at dahil lang sa selos nito, maghihiwalay na sila? Mukhang kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon.
Galit na galit na hinablot niya ang kanyang tie at inihagis ito sa tabi. Narinig niyang tumunog ang telepono ng ilang beses bago niya ito sagutin. "Ano?"
Isang malikot na boses ang narinig mula sa kabilang linya. "Anong ginagawa mo? Ang tagal mong sumagot."
"Nagmamaneho!"
Tumawa ng maloko si Werner. "Anong kotse ang gamit mo? Yung kay Secretary Bona? Nakakaistorbo ba ako?"
"Free ka ba?"
"Wala, tinatanong ko lang. Gusto mo bang pumunta sa Revel? Si Felix ang manlilibre sayo."
Ilang minuto ang nakalipas nang makarating siya sa Revel.
Inabot ni Werner kay Sean ang isang baso ng alak at nakangiti siyang tiningnan.
"Parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa. Anong nangyari? Naghiwalay ba kayo ni Bona?"
Tiningnan siya ni Sean ng may lamig sa mga mata, "Hindi mo ba alam na may mga magkasintahang nag-aaway para mas mag-improve pa yung relasyon nila?"
"Oh! So, nahulog ka na nga kay Bona?" Binigyang-diin ni Werner ang ilang mga salita, may ngiti sa mukha.
Sinipa siya ni Sean: "Umalis ka na!"
"Sige, aalis ako, pero huwag mo akong sisihin dahil pinaalalahanan naman kita. Kung mahal mo si Bona, dapat maging malinaw ka na kay Elena. Huwag mong hayaan na yung girlfriend mo ang tumawag sayo tas hindi mo siya pinapansin. Huwag mong pagsisihan pag nawala siya sayo."
Kumunot ang noo ni Sean. "Sinabi ko na hindi magiging banta si Elena, pero ayaw niya naniwala."
"Walang babaeng maniniwala diyan. Si Elena ang childhood sweetheart mo. Matagal na kayong engaged, may nakita ka na bang babae na makaka-tolerate na palaging kasama ang childhood sweetheart ng partner niya?"
Humugot si Sean ng sigarilyo mula sa kahon, ibinaba ang ulo at sinindihan ito, sabay hugot ng mahabang hininga.
Naging mas madilim ang kanyang mga mata.
"Si Bona..."
Bago pa siya makapagpatuloy, bumukas ng pinto ang kwarto.
Pumasok si Felix na akay-akay si Elena.
“Pasensya na, wala sa mood ngayon si Elena kaya sana ayos lang sa inyong dinala ko siya dito."
Tiningnan siya ni Werner at awkward na nginitian.
"Syempre, wala yun. Ang kapatid mo ay kapatid ko din. Elena, umupo ka dito sa tabi ko,” salo ni Werner.
Ang ngiti ni Elena ay malumanay at inosente na hindi mo malaman kung anong tumatakbo sa isip niya. "Ang lamig ng hangin sa aircon, dito na lang ako."
Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Sean.
Inilabas ni Elena ang isang maliit na kahon mula sa bag at inilagay ito sa harap ng lalaki.
"Last time na-miss mo ang birthday ng girlfriend mo dahil pinuntahan mo ako, hindi ba siya nagalit sayo?"
Tahimik na sumagot si Sean: "Hindi."
"Okay lang. Binili ko pala ‘tong lipstick bilang apology. Kung may mga hindi kayo pagkakaintindihan, ipapaliwanag ko sa kanya."
Hindi pa siya tinitignan ni Sean, tinanggihan niya ito agad.
"Hindi na kailangan."
Nang marinig ito, biglang pumula ang mga mata ni Elena.
"Galit ka ba sa akin dahil palagi akong nagpapasakit sayo? Hindi ko naman kasi kayang hindi ka tawagan ‘pag nasasaktan ako."
Pagkatapos, pumatak ang mga luha mula sa kanyang mata. Tiningnan siya ni Sean, nakakunot ang kanyang noo.
Inilagay niya ang lipstick sa kanyang bulsa at sinabing, "Ibibigay ko sa kanya."
Naging magaan ang mood ni Elena dahil doon at bumalik ang kanyang ngiti.
"Tikman mo ‘tong alak na ‘to. Binili ito ng kapatid ko sa auction sa ibang bansa."
Nang inabot niya ang baso ng alak kay Sean, aksidenteng nahawakan ng mga daliri niya ang kanyang pulso.
Dahil dito, mabilis siyang umatras at inupos ang sigarilyo sa ashtray.
Tahimik niyang sinabi, "Iwan mo na lang dyan."
Nakita ni Elena ang pagtanggi sa kanya, may pailanlang na malamig na tingin na dumaan sa kanyang mga mata.
Pero mabilis siyang bumalik sa pagiging magalang at maingat.
Iniinom ni Felix ang alak na magka-kopla sila ni Sean, "Hindi ko pa nakikita ang girlfriend mo, sana dalhin mo siya minsan para magsama-sama tayo."
Tumawa si Werner, "Baka hindi ngayon, magkaaway daw sila."
Tumingin si Felix sa matamlay na mukha ni Sean, "Kung magkaaway kayo, pag-usapan niyo. Huwag kang tumulad dun sa asawa ng sinagip ko nung nakaraan. Nagkakaroon siya ng miscarriage at lumala yung pagdurugo niya. Sinubukan kong tawagan yung asawa niya, pero, hindi man lang sumagot. Ang pagkakaalam ko, may kasama raw ibang babae.”
Naalala niyang malinaw na malinaw—may guhit ng kwintas na iyon sa drawer ng kanyang ina.Mula sa disenyo, hugis, at dami ng diamante, eksaktong-eksakto.Noon, humanga siya sa kwintas.“Ang ganda nito. Bagay na bagay kay Bona,” naisip niya.Nakita ng kanyang ina ang pagkabilib niya, kaya hinaplos nito ang kanyang ulo at ngumiti.“Para ito sa anak ni Aunt Mei. Isang regalo mula sa’yo. Gusto mo ba?”Nahihiya man, tumango siya.Pero pagkatapos ng aksidente ni Aunt Mei, hindi na ito muling nabanggit.
Nakatali ng mga pampasabog sina Arthur at Xia.Si Xia, itinago ang buong katawan sa likod ni Arthur, kaya’t imposibleng barilin siya nang hindi tinatamaan si Arthur.Ang planong ito—masyadong perpekto para kay Xia lang.Naisip ni Sean, "Hindi siya ang utak nito."Kung kaya niyang makapang-impluwensya sa loob ng kulungan, at gumawa ng ganitong matinding plano ng pagtakas, hindi siya ordinaryong kriminal.May mas malaki pang taong nasa likod niya.Habang lumalalim ang hinala ni Sean, mas lalong lumalim ang kanyang mga mata—puno ng panganib.Nang makita
Sa mismong utos ni Sean, bumukas ang pinto ng silid.Pumasok si Secretary Robbie, kasama ang ilang dayuhang eksperto.Nakatingin siya kay Elena nang may magalang na ngiti:“Miss Alvarez, ito ang mga eksperto mula sa ibang bansa na dinala ni Mr. Fernandez. Hindi nila hahayaang mawala ka—pero kailangan muna nilang magsagawa ng pagsusuri bago ka gamutin.”Nabigla ang lahat sa loob ng silid.Agad na sumigaw si Leo:“Ano’ng balak n’yong gawin? Ganyan na nga ang kalagayan ni Elena—anong pagsusuri pa ang kailangan?”Ngunit kalmado pa rin si Secretary Robbie.
Biglang lumubog ang dibdib ni Sean.Ang ginang na ito…Pakiramdam niya, nakita na niya ito dati.Lalo na ang mga mata—maganda, kalmado, at may ngiting banayad. Parang isang alaala mula sa napakatagal na panahon.Isang alaala na hindi niya matukoy kung kailan o saan niya nakita.Agad niyang inayos ang sarili. Tila nawalan siya ng kontrol sa sarili kahit isang saglit.“Kung hindi po kayo komportable, lilipat na lang ako sa ibang mesa.”Ngunit mabilis ding nagsalita si Mrs. Fu, pinipigilan ang sariling pagtataka.&ld
Sa kabilang panig.Akmang kukunin na sana ni Sean ang telepono para tawagan si Bona at tanungin kung bakit hindi pa ito bumabalik, nang bumukas ang pintuan ng ward.Pumasok si Elena habang itinutulak si Lin sa wheelchair.Wala ni katiting na bakas ng kahihiyang napaalis sila kagabi—nakangiti pa rin si Elena na parang walang nangyari."Kuya Sean, inutusan ako ni Mama na dalhin siya rito para dalawin ka."Biglang nawala ang magandang mood ni Sean nang makita silang dalawa.Napakunot ang noo niya. "Kakagising mo lang, bakit hindi ka nagpapahinga? Bakit palakad-lakad ka pa?"Mukhang masama ang lagay ni Lin, pero matigas pa rin ang boses nito habang nakatingin sa sugat ni Sean."Sean, mamamatay ka na lang ba para lang kay Bona? Gulo lang ang dinadala ng babaeng ‘yan sa buhay mo. Bakit mo pa siya iniisip nang ganyan?"Biglang lumamig ang mga mata ni Sean."Siya ang babae ko. Karapatan kong mahalin siya, kahit ikamatay ko pa. Walang sinuman ang puwedeng magdikta sa akin.""Sean, ako ang nana
Tinitigan ni Bona si Sean na balot ng dugo, at hindi na niya mawari kung luha ba o tubig mula sa gripo ang bumabagsak sa mukha nito.Sa sandaling iyon, lumitaw ang bodyguard na palihim na nagbabantay kay Bona.Dali-daling isinakay si Sean sa ambulansya papuntang ospital.Makalipas ang kalahating oras.Isinugod si Sean sa emergency room para sa operasyon.Si Bona, basang-basa pa rin, ay nakatayo sa labas ng operating room.Lumapit si Secretary Robbie at agad siyang pinayapa."Atty. Sobrevega, nasugatan ka rin sa likod. Kailangan mong magpagamot agad. Kung hindi, baka lumala pa ang sugat mo."Umiling si Bona."Hindi. Hihintayin ko siyang matapos."Pero nagpumilit si Secretary Robbie."Atty. Sobrevega, kahit sa sitwasyong iyon, inuna pa rin ni Mr. Fernandez ang sugat mo. Ayaw niyang magtamo ka ng mas malalang pinsala. Kung hindi ka magpagagamot agad at lumala ito, mawawalan ng saysay ang ginawa niya."Alam ni Secretary Robbie kung paano kumilos para sa interes ng kanyang boss.Sa wakas,