Matapos ang matinding p********k, ang katawan ni Bona ay natakpan ng manipis na kumot.
Nagmumuni-muni si Sean habang niyayakap siya, ang mga bonyong daliri ay dahan-dahang humahaplos sa kanyang mga pisngi.
Ang mga mata ng lalaki, na may malalim na kulay peach blossom, ay puno ng mas matinding pagmamahal kaysa kailanman. Kahit labis ang pinagdadaanan ni Bona, sa mga sandaling iyon, ramdam niya ang labis na pagmamahal.
Ngunit bago pa man magsimulang humupa ang init ng kanyang katawan, tumunog ang cellphone ni Sean.
Nang makita ni Bona ang tumatawag, para siyang tinamaan ng takot. Hinapit niya ang katawan ni Sean at tinitigan siya. "Hindi ba pwedeng hindi mo sagutin?"
Si Elena ang tumatawag, ang "childhood sweetheart" ni Sean.
Hindi pa man isang buwan mula nang bumalik siya sa bansa, ilang beses na itong nagtangkang magpakamatay. Paano nga ba hindi malalaman ni Bona na ginagawa ito ni Elena ng sadya?
Ngunit hindi alintana ni Sean ang nararamdaman ni Bona. Wala ni isang patak ng lambing sa mga galaw nito habang itinutulak siya palayo at agad na pinindot ang sagot sa tawag.
Hindi alam ni Bona kung ano ang napag-usapan sa telepono, ang tanging nakita niya ay ang malalim na mata ni Sean, na puno ng mga emosyon na mas madilim pa kaysa sa gabi sa labas ng bintana.
Pagkatapos ng tawag, agad na nagsuot ng damit si Sean at nagsalita, "Nagtangkang magpakamatay si Elena. Kailangan ko siyang puntahan at tingnan."
Bumangon si Bona sa kama, ang kanyang maputing balat ay puno ng mga marka ng halik.
Tinitigan niya ang lalaking may labis na pagnanasa sa mata. "Pero birthday ko ngayon, at saka you promised that you’ll be with me today. May mahalaga akong sasabihin sa'yo."
Maayos na ang pananamit ni Sean, ang kanyang kilay ay matalim at ang malamig niyang mga mata ay nakatitig sa kanya. "Kailan ka naging ganito ka-ignorante? Nasa alanganin ang buhay ni Elena."
Bago pa man makasagot si Bona, ang pinto ng silid ay bumangga sa lakas ng pagsara. Maya-maya, narinig ang tunog ng makina ng sasakyan mula sa ibaba.
Hinugot ni Bona ang isang maliit na kahon mula sa ilalim ng unan at tinitigan ang dalawang singsing na nasa loob nito, ang mga mata niya ay basang-basa ng mga luha.
Tatlong taon na ang nakalipas nung naharang siya ng mga masasamang tao sa harap ng isang eskinita, at nasugatan si Sean sa kanyang hita habang sinusubukan siyang iligtas.
Kaya nag-volunteer siyang mag-alaga sa kanya.
May nangyari sa kanilang dalawsa matapos nilang mag-inuman. Tinanong siya ni Sean kung nais ba niyang maging girlfriend, ngunit ang kondisyon nito ay hindi niya mabibigyan si Bona ng kasal.
Agad na sumang-ayon si Bona nang hindi nag-iisip.
Dahil si Sean ang lalaking lihim niyang iniibig ng apat na taon. Mula noon, naging maganda at maabilidad na sekretarya siya ni Sean sa araw, at isang malambing at masunuring girlfriend sa gabi.
Inisip niyang mahal siya ni Sean. Ang dahilan kung bakit hindi siya nito mapakasalan ay dahil sa impluwensya ng kanyang pamilya.
Naglaan siya ng isang buong araw upang maghanda ng eksena ng proposal, gusto niyang tulungan si Sean na malampasan ang kanyang mga problema. Ngunit ang presensya ni Elena sa buhay nila ang nagmulat sa kanya.
Marahil hindi lang ayaw magpakasal ni Sean, kundi wala talagang puwang sa kanyang buhay si Bona.
Tahimik na ngumiti si Bona at inilagay ang singsing. Inalis ang lahat ng palamuti nagmaneho papalayo. Ngunit hindi nagtagal, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang tiyan.
Tumingin siya at nakita ang pamumuo ng dugo sa kanyang puting leather seat. Nagkaroon siya ng masamang pakiramdam at agad niyang tinawagan si Sean.
"Sean, masakit ang tiyan ko, pwede mo ba akong sunduin?"
Medyo inis na sumagot si Sean, "Bona, pwede kang mawalan ng pasensya, pero matuto ka ring alamin kung kelan mo ito dapat gawin!"
Tinitigan ni Bona ang patuloy na pag-agos ng dugo, at nanginginig na nagsalita, "Sean, hindi kita niloloko, masakit talaga, at..."
Bago siya makapagsalita ng buo, narinig niyang malamig at matigas ang boses ni Sean sa telepono.
"Bona, buhay ni Elena ang nakataya, sino ka para gumawa ng eksena?!”
Napanganga si Bona sa sinabi ni Sean. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw.
Tahimik siyang ngumiti ng mapait. "Akala mo ba nagsisinungaling ako?"
"Oo," sagot ni Sean, may matinding lamig sa tono niya, na tipong tinusok si Bona sa puso.
Hinaplos ni Bona ang labi niya’t nang sinubukan niya magsalita ay muling naramdaman niya ang sakit.
"Hudas ka, Sean!"
Napaluhod siya sa sakit at pawis, gusto niyang magtawag ng tulong, ngunit hindi siya makagalaw, hanggang dumilim ang paligid niya.
***
Nang magising siya, nasa hospital na siya. Nasa tabi niya ang matalik na kaibigan niyang si Luna.
Pagkakita ni Luna na gising na siya ay agad siyang tumayo at nag-alalang lumapit sa kanya. "Bona, anong nangyari sa'yo? Masakit pa ba?"
Tumingin si Bona ng malalim kay Luna. "Anong nangyari sa akin?"
Nag-atubili si Luna at sinabing, "Buntis ka, Bona. Sabi ng doktor, manipis na ang uterine wall mo, at sa matinding pakikipagtalik mo kay Sean, nag-miscarriage ka at malubha ang pagdurugo."
Nanlaki ang mga mata ni Bona. Isang malaking suntok sa puso ang naramdaman niya.
Ang anak nila ni Sean, na siya sanang unang nilang anak, ay wala na..
Hindi makapaniwala si Bona. Hindi niya napigilan, pumatak ang kanyang mga luha.
Nang makita ni Luna na nasasaktan si Bona, agad siyang niyakap nito’t pinakalma.
"Be strong, Bona, bawal kang umiyak pero wag kang mag-alala. Pag magaling ka na, ipakikilala kita sa mga bagong kaibigan ko, na pwede mong gamitin para gumanti!" anitong may gigil. "Muntik ka ng patayin ng gagong Sean na ‘yon! Tapos, may gana pa siyang mag-cheat sayo ng harap-harapan? Hindi ba siya natatakot na mabasag ang itlog niya?" dagdag niya pa.
Mas lalo siyang nakaramdam ng sakit na parang tinusok siya ng libu-libong mga palaso.
Puno ng sakit sa puso, niyakap ni Bona si Luna. Hindi siya makapagsalita ng maayos sa sobrang hapdi ng nararamdaman niya. Pinipilit niyang intindihin ang pagkawala ng anak at ang sakit na dulot ng lalaki na kanyang minahal ng apat na taon.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita si Bona.
"Nakita mo siya."
Tumango si Luna. "Oo, andiyan siya sa 4th floor, kasama si Elena. Noong inoperahan ka, ginamit ko ang phone mo para tawagan siya, pero hindi man lang siya sumagot."
Pumikit si Bona sa sakit. "Luna, gusto ko siyang makita."
"Pero, Luna, bagong opera ka lang. Wag ka munang magalit."
"Merong mga bagay na hindi ko malalaman maliban na lang kung makikita ko ng sarili ko."
Hindi na nakapagsalita si Luna at dinala si Bona sa 4th floor.
Nakatingin si Bona sa labas ng pinto at nakita si Sean na tinutulungan si Elena na mag-inom ng gamot.
Ang kabaitan at lambing ng tono ni Sean habang tinutulungan si Elena ay naging matinding sugat sa puso ni Bona. Pero nang makita niyang may pagkakapareho ng hitsura ni Elena sa kanya, tila lahat ng tanong ay natugunan.
Ngumisi siya ng mapait.
Hinarap niya si Luna at nagsalita, "Puwede mo na akong ibalik."
Dalawang araw ang lumipas bago makita muli ni Bona si Sean. Nakahiga siya sa kama, tahimik na tinitingnan ang lalaking minsang minahal niya.
Nang dumating ang oras ng pagdedesisyon, ang puso niya ay muling sumabog sa sakit.
Napansin ni Sean na mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Bona, kaya't nagtanong siya sa malamig na tono. "Dalawang araw na. Bakit ang tagal naman ng sakit?"
Inisip ni Sean na normal lang ang regla niya, na agad namang lumilipas ng isang araw.
Ngunit tinitigan siya ni Bona ng tahimik. At nang magsalita, halos pumutok ang kanyang puso.
"I want to marry you.”
Naalala niyang malinaw na malinaw—may guhit ng kwintas na iyon sa drawer ng kanyang ina.Mula sa disenyo, hugis, at dami ng diamante, eksaktong-eksakto.Noon, humanga siya sa kwintas.“Ang ganda nito. Bagay na bagay kay Bona,” naisip niya.Nakita ng kanyang ina ang pagkabilib niya, kaya hinaplos nito ang kanyang ulo at ngumiti.“Para ito sa anak ni Aunt Mei. Isang regalo mula sa’yo. Gusto mo ba?”Nahihiya man, tumango siya.Pero pagkatapos ng aksidente ni Aunt Mei, hindi na ito muling nabanggit.
Nakatali ng mga pampasabog sina Arthur at Xia.Si Xia, itinago ang buong katawan sa likod ni Arthur, kaya’t imposibleng barilin siya nang hindi tinatamaan si Arthur.Ang planong ito—masyadong perpekto para kay Xia lang.Naisip ni Sean, "Hindi siya ang utak nito."Kung kaya niyang makapang-impluwensya sa loob ng kulungan, at gumawa ng ganitong matinding plano ng pagtakas, hindi siya ordinaryong kriminal.May mas malaki pang taong nasa likod niya.Habang lumalalim ang hinala ni Sean, mas lalong lumalim ang kanyang mga mata—puno ng panganib.Nang makita
Sa mismong utos ni Sean, bumukas ang pinto ng silid.Pumasok si Secretary Robbie, kasama ang ilang dayuhang eksperto.Nakatingin siya kay Elena nang may magalang na ngiti:“Miss Alvarez, ito ang mga eksperto mula sa ibang bansa na dinala ni Mr. Fernandez. Hindi nila hahayaang mawala ka—pero kailangan muna nilang magsagawa ng pagsusuri bago ka gamutin.”Nabigla ang lahat sa loob ng silid.Agad na sumigaw si Leo:“Ano’ng balak n’yong gawin? Ganyan na nga ang kalagayan ni Elena—anong pagsusuri pa ang kailangan?”Ngunit kalmado pa rin si Secretary Robbie.
Biglang lumubog ang dibdib ni Sean.Ang ginang na ito…Pakiramdam niya, nakita na niya ito dati.Lalo na ang mga mata—maganda, kalmado, at may ngiting banayad. Parang isang alaala mula sa napakatagal na panahon.Isang alaala na hindi niya matukoy kung kailan o saan niya nakita.Agad niyang inayos ang sarili. Tila nawalan siya ng kontrol sa sarili kahit isang saglit.“Kung hindi po kayo komportable, lilipat na lang ako sa ibang mesa.”Ngunit mabilis ding nagsalita si Mrs. Fu, pinipigilan ang sariling pagtataka.&ld
Sa kabilang panig.Akmang kukunin na sana ni Sean ang telepono para tawagan si Bona at tanungin kung bakit hindi pa ito bumabalik, nang bumukas ang pintuan ng ward.Pumasok si Elena habang itinutulak si Lin sa wheelchair.Wala ni katiting na bakas ng kahihiyang napaalis sila kagabi—nakangiti pa rin si Elena na parang walang nangyari."Kuya Sean, inutusan ako ni Mama na dalhin siya rito para dalawin ka."Biglang nawala ang magandang mood ni Sean nang makita silang dalawa.Napakunot ang noo niya. "Kakagising mo lang, bakit hindi ka nagpapahinga? Bakit palakad-lakad ka pa?"Mukhang masama ang lagay ni Lin, pero matigas pa rin ang boses nito habang nakatingin sa sugat ni Sean."Sean, mamamatay ka na lang ba para lang kay Bona? Gulo lang ang dinadala ng babaeng ‘yan sa buhay mo. Bakit mo pa siya iniisip nang ganyan?"Biglang lumamig ang mga mata ni Sean."Siya ang babae ko. Karapatan kong mahalin siya, kahit ikamatay ko pa. Walang sinuman ang puwedeng magdikta sa akin.""Sean, ako ang nana
Tinitigan ni Bona si Sean na balot ng dugo, at hindi na niya mawari kung luha ba o tubig mula sa gripo ang bumabagsak sa mukha nito.Sa sandaling iyon, lumitaw ang bodyguard na palihim na nagbabantay kay Bona.Dali-daling isinakay si Sean sa ambulansya papuntang ospital.Makalipas ang kalahating oras.Isinugod si Sean sa emergency room para sa operasyon.Si Bona, basang-basa pa rin, ay nakatayo sa labas ng operating room.Lumapit si Secretary Robbie at agad siyang pinayapa."Atty. Sobrevega, nasugatan ka rin sa likod. Kailangan mong magpagamot agad. Kung hindi, baka lumala pa ang sugat mo."Umiling si Bona."Hindi. Hihintayin ko siyang matapos."Pero nagpumilit si Secretary Robbie."Atty. Sobrevega, kahit sa sitwasyong iyon, inuna pa rin ni Mr. Fernandez ang sugat mo. Ayaw niyang magtamo ka ng mas malalang pinsala. Kung hindi ka magpagagamot agad at lumala ito, mawawalan ng saysay ang ginawa niya."Alam ni Secretary Robbie kung paano kumilos para sa interes ng kanyang boss.Sa wakas,