Share

Chapter 5- No Prejudice

"Gusto ko maging malinaw sa'yo lahat Meldy. Ang trabaho mo ay bantayan at alagaan si Elise. Sa ngayon, may banta na naman ng panganib sa buhay ng anak ko so I want you to stay alert and be with her all the time."

Mariing tumango si Meldy, naiintindihan ang lahat ng sinasabi ni Eliot sa kaniya.

"Paano po yung utang ko, sir?"

"You'll get compensated enough for your hardwork kapag natapos na ang trabaho mo. Pati utang mo ay bayad na agad."

Nanlaki ang mata ni Meldy and she's really hopeful na matapos ang trabaho niya agad bilang radar sa kidnappers ni Elise ng sa ganoon, makabalik siya sa dating buhay niya.

"Your allowance and insurance will stay. Saka lang mababawasan ang utang mo sa bawat kidnappers na madakip natin sa tulong mo. That's the new contract na pinaasikaso ko na kay Marcelo."

Si Marcelo ay si Mr. Sy na laging emotionless ang mukha habang nakatingin kay Meldy.

"For now, bumalik ka na muna sa chamber mo at abangan mo nalang ang kontrata."

Tumango si Meldy at tuluyang umalis sa harapan ni Eliot.

Habang nagpapahinga si Meldy sa chamber niya, panay naman ang send niya ng message sa ate niya na ilang taon ng hindi nagpaparamdam sa kaniya.

Meldy: Ate, kamusta? Sana naalala mo pa ako. Miss na kita.

Matapos e send yun ni Meldy, binalikan niya ang text messages niya sa ate niya na wala man lang kahit na isang reply.

Ibababa na sana niya ang phone niya ng biglang dumating ang message ni Butchoy. Ang kaibigan niyang coach ng Taekwondo.

Butchoy: Nasaan ka Melds? Wala ka sa apartment mo.

Nakagat ni Meldy ang pang ibabang labi niya. Wala pa nga pala siyang nasasabihan sa kamalasan na sinapit ng buhay niya.

Kung sa iba nangyari ang sinapit niya, baka nagbunyi na ang mga ito na nagta-trabaho sila kay Eliot Santisas, pero para kay Meldy, isa itong matinding kamalasan.

"Kainis naman!" reklamo niya sabay upo sa kama para tawagan si Butchoy.

"Hello Butch-"

"Ugh! Sige pa! Ganiyan nga.. Ugh! Ipasok mo. Yes!"

Nailayo ni Meldy ang cellphone niya sa tenga ng marinig ang ungol ng babae sa kabilang linya. Halos nalaglag ang panga niya bago niya narealize ang ginagawa ni Butchoy sa kabilang linya.

Nagpupuyos siya sa galit. "Bwesit ka Butchoy!" sigaw niya at pinatay ang tawag. Nagtalukbong siya sa kumot at inisip na kung malas siya sa sinapit niya sa buhay niya, mas malas siya na may dalawa siyang kaibigan na abnormal.

Una si Pacio na siya namang nagnakaw ng wine. Tapos sunod ay si Butchoy na halos minu-minuto ay may kinakalantari.

Kinabukasan, maagang nagising si Meldy para ihanda ang kakainin ni Elise. Ngunit hindi pa man sumisikat ang araw ay bumangon na siya at pumunta ng kusina.

Akala niya ay walang tao doon, nagulat siya ng makita si Eliot na nakapants lang at walang damit pang itaas.

"S-Sir, G-Good Morning!" nautal pa nga siya. Napalunok siya ng maraming beses dahil sa kakisigan ni Eliot. Kita ang abs at halos pumuputok pa ang dibdib niya.

Napapunas siya sa bibig niya, takot na may laway bang tumulo.

"Why are you wiping your mouth?" kunot noong tanong ni Eliot.

"May laway kasi sir." Nanlaki ang mata ni Meldy dahil sinabi niya ang sinasabi ng utak niya.

"Laway mula sa pagkakatulog o laway dahil sa katawan ko?"

Nanlaki ang mata ni Meldy, hindi magawang unawain kung joke ba ang sinabi ni Eliot o hindi.

"Anyway, why are you so early today?" sumandal si Eliot sa sink, may hawak itong isang basong tubig at nakatitig ng mariin kay Meldy.

Si Meldy ang naaasiwa at hindi mapigilang hindi mapalunok sa kakisigan at paninitig ni Eliot.

"M-Magluluto po ako ng breakfast ni Miss Elise sir,"

Tumango si Eliot at hindi na nagsalita pero ganoon pa rin ang position niya kaya nakatunganga lang din si Meldy sa kaniya.

"What are you waiting for? Go and don't mind me."

Parang maiiyak si Meldy sa don't mind me niya lalo't alam niyang tinitignan siya ni Eliot. Gusto niya itong palayasin sa kusina pero naaalala niya na nanny lang siya at pagkaminalas siya lalo ay sa bilangguan ang bagsak niya.

Pero kumilos pa rin si Meldy. Ramdam niyang wala na yung mga mapanghusgang tingin ni Eliot sa kaniya gaya no'ng una, but still, naiilang pa rin siya.

"So Meldy,"

"Sir!" Napatalon siya sa gulat.

'Ano ba naman ito si sir. Bigla nalang nagsasalita!' aniya sa isipan niya.

"Anong natatandaan mo sa tatlong lalaki na napatumba mo? Baka we can use it to track them down. May narinig ka pang palayaw nila?"

Umaliwalas ang mukha ni Meldy ng maalala ang itsura no'ng tatlo.

"Yes sir. Pwede ko sila ilarawan sa'yo."

Eliot is very hopeful to the information she can provide pero agad nawala ang ngiti sa labi niya matapos magsalita ni Meldy.

"Ang isa sir ay kalbo, mayroon ring mahaba ang bigote, at ang isa ay may peklat sa mata." Confident na pagkakasabi niya na para bang malaking tulong yung sinabi niya.

"Isang kalbo, mahaba bigote, at may peklat sa mata?"

Inosenteng tumango si Meldy. Napabuntong hininga nalang si Eliot sabay sabing, "I'm leaving." As if naman, nag-iisa lang ang kalbo, may bigote at peklat sa mata sa mundo.

Napatanga naman si Meldy, hindi alam bakit umalis si Eliot. Kaya ang ginawa niya ay nagluto nalang din siya ng makakain ni Elise.

Nang matapos, agad na dinala ni Meldy ang pagkain sa kwarto ni Elise tapos nakita niya si Eliot sa kwarto ng alaga niya.

"Papa, ayoko sa kaniya. She's not my mother!" Mariing sabi ni Elise.

"She's my girlfriend, Elise. And soon, I will marry her. You should address her as your mother."

Para ng maiiyak si Elise sa harapan ni Eliot. Nang napatingin ito kay Meldy, agad itong umalis sa kama at tumakbo palapit sa kaniya.

"No, papa. I already have a mama. I don't need another one."

Hilaw na napangiti si Meldy, kinakabahan at hindi alam paano magri-react sa sinabi ni Elise. Tumitig sa kaniya si Eliot, dahilan kung bakit napatingin siya sa pader para lang maiwasan niya ang mata ni Eliot na kung makatitig ay para bang tumatagos hanggang kaluluwa niya.

"Mama," umiiyak na tawag ni Elise sa kaniya.

Naaawa si Meldy sa bata pero hindi niya magawang ibuka ang bibig niya para aluin ito, takot na baka may masabi siyang kasinungalingan just to please Elise.

"Mama, can you tell papa not to marry his girlfriend? Ayoko maging mama ang girlfriend niya, mama."

Gusto nalang mawala ni Meldy sa kinatatayuan niya lalo na ng makita na mas tumindi pa ang mga titig ni Eliot sa kaniya.

"Mama, please say it."

'Miss Elise, gusto ko pa mabuhay.' Naiiyak na aniya sa utak niya.

"S-Sir," yun pa lang ang nababanggit ni Meldy, pero pakiramdam niya ay nilulunod na siya ni Eliot sa pamamagitan ng pagtitig.

Tumingin si Elise sa papa niya. "If you want someone to be my mama then marry my mama, papa!" Nanlaki ang mata ni Meldy sa sinabi ni Elise at parang gusto niya ng mamatay ora-mismo!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hahaha ganyan nga elise irito mo ng irito ang mama meldy mo sa papa mo elise
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status