Hi Leesters! Thank-you for supporting my novel. don't forget to share your comments and feedbacks! Godbless!
NASA kalagitnaan si Ehra nang pagbabasa sa romance novel na sinulat ng paborito niyang author na si Nicholas Sparks nang mag-ring ang phone na nakapatong sa bed-side table. Linggo nang araw na iyon at walang trabaho ang mga trabahador sa beach. Kaya nasa bahay lang siya buong maghapon pagkatapos niyang magsimba kaninang umaga. Si Tyrone ang tumatawag. Nagtatakang sinagot niya ang tawag. "Good-afternoon. Napatawag ka?" simple niyang sagot. Animo'y ganoon na talaga sila ka-close ni Tyrone sa paraan ng pananalita niya. "Itatanong ko lang sana kung gusto mong magliwaliw sa bayan. Actually, fiesta ngayon sa Abuor. Baka gusto mong manuod ng palabas para ma-enjoy mo naman ang stay mo rito," ani Tyrone. "Anyways, may importante ka bang lakad o kaya gagawin?" Kunwa'y nag-isip siya. Timing na timing dahil simula noong dumating siya sa Ilocos ay hindi pa siya nakakapamasyal sa karatig-barangay. Sa bahay at sa beach lang umiinog ang
LALO siyang nagitla nang makumpirmang sa kinauupuan nila ni Tyrone ang puntirya ni Dwight at kasama nito na marahil ay nobya nito. At nang makalapit ang mga ito, halos mapugto na ang kanyang hininga. Pasimple niyang tiningnan si Dwight na kalmado pa rin. Habang mahigpit pa rin itong nakahawak sa nobya nito. Aminado si Ehra na maganda nga talaga ang babaeng kasama nito, lalo na sa malapitan. "Ehra, meet Felicity and her boyfriend, Dwight!" mayamaya'y pakilala ni Tyrone sa mga dumating na lalo niyang kinagulat. Magkakakilala pala ang mga ito. Small world! Hindi niya alam kung sino ang una niyang babatiin sa dalawa. She tried to stay relax and focus! "Nice to meet you, Ehra," Si Felicity ang unang nagsalita, sabay lahad sa palad nito. "I'm Tyrone's closest friend. Magkaibigan ang mga grandparents namin since childhood. And he is a very nice person!" Ngumiti siya. "N-Nice to meet you, too," ganti niya pagkatapos niyang kamayan
AWTOMATIKONG nagsalubong ang mga kilay ni Ehra nang mamataan niya sa di-kalayuan si Dwight habang kausap si Tyrone. Naka-short at sando lang ito saka tsinelas. Bago pa man kumulo ang dugo niya ay naalala rin niya agad na beach nga pala ito at malamang ay nandito ngayon ang mokong na 'to para mag-swimming. This is a public beach, anyway. At hindi niya ito pagmamay-ari para ipagdamot sa kahit sino. "Kung alam ko lang na pupunta ngayon ang heredos na 'to dito, nag stay na lang sana ako sa Mansiyon!" animo'y may kausap na maktol niya. Bago pa man siya makalayo para sana iwasan si Dwight nang biglang kumaway si Tyrone. Sumenyas ito na lapitan niya ito at si Dwight sa kinaroroonan nila. Kung mamalasin ka nga naman! Wala siyang choice kundi lumapit sa dalawa habang abala ang mga trabahador ng mga oras na iyon. "Ehra, si Dwight, remember? First time niya pumunta rito. Although this is his third time here in Ilocos," mayamaya'y
HINDI nagtagal ay tinutugpa na ng mga paa nila ni Dwight ang pampang. Para siyang robot na sunod-sunuran lang dito. Hindi pa rin sila nagkikibuan. Kapwa nagpapakiramdaman. Pero habang naglalakad, ewan kung anong espirito ang pumasok sa kukote niya dahil pasimple niyang tinatapunan ito ng sulyap. Lalo na sa mamasel nitong mga braso at flat na tiyan. Naisip din niya kung ano kaya ang hitsura ng 6-pack abs nito? Aminado siyang noong sila pa ni Dwight ay hindi pa ganito katikas ang katawan nito. He changed a lot. Pero teka, bakit pa ba niya pag-iinteresan ang mga maskels nito? "Kung may balak kang maligo, hindi na kita masasamahan. Dito na lang ako," lakas-loob niyang sabi nang dere-deretso pa rin ito sa may dalampasigan. Naaabot na rin ng maliliit na alon ang mga paa nila. "Hindi mo ako sasamahan maligo?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Wala akong maalalang sinabi ko na pati pagligo mo ay sasamahan pa kita. Ang sabi ko lang
MASUYO AT BUONG pagmamahal na hinalikan ni Dwight sa mga labi ang nobyang si Felicity. Malalim na ang gabi at dahil medyo nakainom ang binata, nangungulit ito sa nobya na mapagbigyan sa kanyang gusto. Bagama't normal na sa magkasintahan ang magtalik, ngayon tila nag-aalab ng husto ang pagnanasa ng binata. Hindi nagtagal ay ginawaran ni Dwight ng halik sa leeg pababa sa dibdib ang nobya na hindi na rin tumutol sa huli. "I love you, honey..." paanas na bulong niya sa nobya. At pagkatapos ay unti-unti niyang tinanggal ang suot na damit nito na hindi na rin nakontrol ang emosyon. Nagpaubaya ito hanggang sa kapwa na sila walang suot na saplot. Lalong naging mapangahas ang mga sumunod na pagkilos ni Dwight nang tumambad sa kanya ang kahubdan ng kasintahan. Mula sa mumunting liwanag na galing sa poste na tumatagos sa bintana papasok sa kanilang maluwang na silid ay kitang-kita niya ang kabuuan ni Felicity. Mula sa malusog nitong dibdib hanggang
NASA harap na ng restaurant si Ehra kung saan pumasok sina Dwight at Felicity nang bigla siyang kabahan. Parang gusto na niyang umatras sa binabalak, pero nandito na siya. It's now or never! Huminga siya nang malalim. "Kaya mo 'yan, Monang. Saka hindi ka naman papatay ng tao para matakot. You just have to play some trick. After all, ito naman talaga ang gusto mo diba? Ang makita mong manggalaiti sa galit si Dwight at umiyak sa harap mo mismo. Kaya mo 'yan, Monang! Go girl!" pagpapalakas-loob niya sa sarili. At hindi nagtagal ay nagtuloy-tuloy na siya sa loob ng restaurant. Nang makapasok, iginala agad niya ang aking paningin. Hinanap ang kinaroroonan ni Dwight at nobya nito. "Nasa'n na kaya ang mokong na 'yun?" paanas na bulong niya. Pagkuwa'y naglibot siya sa loob ng restaurant. Marami-rami na ring mga costumer. At abala ang lahat ng crew. Mula sa counter hanggang sa kinaroroonan niya ngayon. Katunayan, nilapitan siya ng isang waitr
BAHAGYA siyang napaurong mula sa kinatatayuan nang mapagbuksan ni Ehra ng gate si Dwight. Siya pala ang kanina pa kumakatok at halos sirain na nito ang gate sa lakas ng pagkatok nito. Mabuti na lang at sila lang ni Darla ang tao sa Mansiyon nang hapong iyon. Lumabas kasi sina tito Manuel at tita Isabel para bumisita sa isa nilang kaibigan sa kabilang bayan. Paano nalaman ng mokong na 'to ang bahay? sabi niya sa isip-isip. "A-Anong ginagawa mo dito?" pagsusuplada niya. "Pumunta ako dito para kaladkarin ka papunta kay Felicity. Alam mo ba na galit na galit sa akin ang girlfriend ko dahil sa'yo? Kaya kailangan mong sumama sa akin!" tiim-bagang na sagot nito. Halos mamula na ang mukha nito at magsalubong ang mga kilay sa galit. "Umalis ka na, Dwight!" pagtataboy niya. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ko, diba? Inumpisahan mo ito, kaya tatapusin ko. Hindi mo pa ako lubos na kilala, Ehra!" Napaurong siya sa pagkabigkas
SAGLIT na katahimikan ang namayani sa pagitan nila ni Dwight. Kapwa nagpapakiramdaman at nag-iisip ng paraan kung paano sila makakaalis sa lugar na iyon. Habang palinga-linga siya sa paligid. Nagbabakasakaling may paparating na sasakyan o kaya taong naglalakad. Pero wala pa rin. She took a deep sighed. "Hindi mo ba kabisado ang daan na ito? Diba taga-rito ka?" mayamaya'y basag ni Dwight sa katahimikan. Kahit hindi niya nakikita ang pagmumukha nito, alam niyang sambakol na naman ang mukha nito. "Hindi. At teka nga, hindi ba't ikaw 'tong nagmamagaling na dumaan dito? Di dapat alam mo 'tong daan na 'to!" pagsusuplada niya. Humarap ito sa kanya na salubong ang mga kilay. Even in his tiger look, there's no doubt that this jerk is ruggedly handsome! "Sige sisihin mo pa ako. Kapag ako hindi nakapagpigil sa kabubunganga mo, baka kung ano magawa ko sa'yo!" anito. "At hindi ba puwedeng kahit ngayon lang ay maki-cooperate ka naman. Im