Share

CHAPTER 25

HALOS paliparin ni Dwight ang kotse habang binabaybay niya ang kahabaan ng Mc Arthur highway. Wala siyang eksaktong patutunguhan, basta gusto lang niya makalayo sa lugar na iyon o mas mainam sigurong maglaho na lang siya sa mundong ito.

Magkakahalong emosyon ngayon ang nararamdaman ng binata. Galit, poot, sama ng loob at higit sa lahat---sakit sa dibdib dahil sa mga natuklasan niya tungkol sa nobyang si Felicity.

Bakit nito nagawang lokohin siya at paglaruan? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na pinapakita at pinaparamdam niya sa nobya para pagtaksilan siya nito? At bakit naatim nitong itago sa kanya ng mahabang panahon ang mga kataksilan nito? Pinagmukha siya nitong tanga at gago!

Lalong binilisan ni Dwight ang pagpapatakbo sa kanyang Revo habang namamalisbis ang gabutil na luha sa kanyang mga mata. Wala na siyang pakialam kung saan man siya mapadpad o kung anuman ang mangyari sa kanya ng mga oras na iyon.

This is the most painful thing ever happened in hi
Lee Jacobs

Hi Lessters! Please comment below your reaction with this chapter. Thank-you!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status