Share

Chapter 20

Hindi nakasagot si Mia sa narinig mula sa sinabi sa kanya ni Dijoon. Hindi niya alam kung dahil ba sa kabog ng kanyang dibdib kung bakit parang 'di na niya ito narinig sa mga sumunod pa nitong sinabi o lumilipad na ang utak niya dahil bumaba na agad siya sa kotse nang tumigil iyon sa dapat ng bahay nila.

"Mia! Sandali!"

Nabigla naman siya nang hinawakan nito ang kanyang braso at doon lang bumalik ang kanyang isipan sa realidad. Bumaba pala si Dijoon para habulin siyang parang wala sa sarili na naglalakad.

Hindi niya namalayan na para na siyang timang na naglalakad papasok sa gate nila.

"Ano ba?! B-Bitawan mo nga ako..." Halos pabulong na lang ang huling naging mga salita ni Mia dahil sa ilang na nararamdaman niya kay Dijoon.

Tinitigan siya nito ng ilang segundo at bumuntong-hininga.

"Sorry kung nabigla kita sa sinabi ko. Hindi ko sinasadya," paghingi nito ng paumanhin kahi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status