Share

Chapter 2

KABANATA 2

••••••

“Masarap?” tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Parang patay gutom kumain. 

“Aray!” Balahura talaga

"Yahhhh, Totemo geretsu!" sigaw ni Kiyoshi nang matalsikan siya ng kinakain ni Ryan.

[Totemo geretsu- So gross]

"Umupo ka na, Ouen. Waiter, pwede ka bang kumuha ulit ng bago" 

"Yoshi" sabi ng waiter at nag bow

[Yoshi- Alright]

Umupo ako sa tabi ni Ryan at tinignan si Koshiro na malalim ang iniisip. Gwapo rin naman siya laging mainit lang ang ulo. Ibinaling ko nalang ang tingin kay Ryan at sinamaan siya nang tingin.

"Nagawa mo 'kong iwan para sa pagkain" 

"Nagugutom na kasi ako kaya nakalimutan kita" 

"Paano kung may mang rape na mga bakla o babae saken?" Naiinis kong tanong sa kaniya na sumusundot sundot sa pagkaing tinalsikan niya.

"Asa ka namang may mang rerape sayo ang pangjt mo kaya, HAHAHAHA" 

"Tarantula ka talaga!" 

"Aray! Punyaw---" napatigil kami ni Ryan nang sumigaw si Koshiro.

"Nē, yamete! I mean stop it! We're in a restaurant!" 

"Daijōbu, masutā!" sigaw ni Ryan at nag saludo pa, ba't ba ako nagkaroon ng bobong kaibigan.

[Daijōbu masutā- Okay, Master]

"Marunong kayo mag japanese?" 

"Oo naman" sabi ni Ryan, nilapit niya ang mukha niya sa kanila at may binulong

"Alagang hentai e', HAHAHA" 

"Anong sinabi mo sa kanila?" 

"Sabi ko, alagang lolo kasi tayo" bulong sa akin ni Ryan.

"Oo, tama siya" pag sang ayon ko.

"Uhm, I think, I just heard an err, nothing. Please excuse me." paalam ni Akhira, pupunta ata siyang banyo.

"Dōzo omeshia gari kudasai" nakangiting pagkakasabi ng waiter, binaba niya na ang mga pagkain at kinuha ang mga nadumihan na pagkain.

[Dōzo omeshia gari kudasai- Enjoy your meal]

"Salamat" 

"Ansarap, grabeee" pagkatapos kong uminom ay nag burp ako sa harap nila.

"Balahura, antagal mo naman kumain" inis kong tinignan si Ryan dahil sa unang salita sinabi njya. Aba't lumalakas na loob nito.

"Tara na, para makarating na tayo agad" sumunod na kami sa kaniya at pumasok sa kotse.

"Matulog na kayo, ako na ang mag mamaneho. Koshiro pumunta ka na sa likod. Ikaw naman Kiyoshi dito ka na sa tabi ko para makatulog ang kuya mo." utos ni Akhira sa kanilang dalawa kaya naman ang katabi ko na ngayon ay si Ryan at Koshiro. Sumandal na sa balikat ko si Ryan at natulog. Nakita ko naman si Koshiro na hindi mapakali kung sa'n ilalagay ang ulo n'ya.

"Pre" pagtawag ko sa kaniya pero hindi naman lumingon.

"Koshiro" pagtawag ko ulit pero 'di naman lumingon kaya pinabayaan ko nalang at sinandal ang ulo ko sa ulo ni Ryan. Zzzzzzz

_____

"A-aray!" sigaw ko nang madapa ako. Teka, nadapa ako? Minulat ko ang mata ko at tanging tiles lang ang nakikita ko.

"Ouen, gising na. Pumunta na tayo sa silid natin" antok na pagkakasabi ni Ryan at sinipa-sipa ako.

"Ano baaaaaa" hinila ko nalang siya at pinatabi sa akin.

"Tulog na tayo" mahina kong pagkakasabi at nakatulog na ulit. Zzzzz

"Fire in the hole!" agad akong napatayo at ginawang baril ang kamay ko. Tinignan ko ang paligid, nasaan ako?

"HAHAHAHAHAHA"

"LAPTRIP YUNG BRIEF, BWHAHAHAHA" 

Ibinaba ko na ang kamay kong nakapormang baril at hinanap si Ryan. Lumingon-lingon ako at nakita ko siyang may hawak na brief at nakaambang may papanain. 

Inis kong tinignan si Ryan na hanggang ngayon ay 'di pa rin natinag. Sinipa ko ang pwet niya na dahilan nang pagbagsak niya. Nilingon ko ang buong paligid puro lalaki lang ang nakikita ko na nakasuot ng uniporme. Ito na siguro ang paaralan.

Pero, bakit walang babae??? 

Hindi kaya all boys school 'too????? 

"What's happening here!" sigaw ng matandang hukluban sa likod ng mga boys. Biglang nahawi ang daan at luminya sila ng maayos. 

"Sino kayo?!" sigaw na naman ng matandang hukluban na 'to. Ang tinis ng boses ang sakit sa tainga. 

"New student po" magalang kong pagkakasabi sa kaniya. Kahit naman na masakit siya sa mata, kailangan ko pa rin siyang respetuhin dahil' yun ang turo ni lolo.

"Kung ganon, bakit dito kayo natutulog sa labas?!" dudugo ata tainga ko dito.

"Di---" naputol ang sasabihin ko nang dumating si Koshiro kasama si Kiyoshi na nakauniporme na. Pagkakita sa akin ni Kiyoshi ay agad siyang lumapit sa akin.

"Kuya, anong nangyari sa mukha mo?" 

"Bakit? Mas lalo bang gumwap--- aray! Bakit nagkaroon ako ng gasgas sa mukha!" 

"Kami na ang bahala dito, pinapatawag ka ni lolo" sabi ni Koshiro kay matandang hukluban. Tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa bago umalis. Maka head to toe naman 'to parang ang ganda niya.

"Saan ba kayo nagsisisuot at mukha kayong b****a ngayon?" natawa naman ang mga kasama niya.

Marunong din pala 'to magtagalog paingles ingles pang nalalaman. .

"Boys, let's go" bored na utos niya. Ano na naman ba pakulo ng epal na 'to.

"Hoy, teka! Gisingin ko lang si Ryan para makasama siya" ginising ko na si Ryan at pinatayo nang maayos, hinintay ko muna siyang makarecover bago ko senyasan si Koshiro na simulan na ang gagawin nila.

"Tss" nagsimula silang tanggalin ang mga butones sa suot nilang uniform. 

"H-hoy! Ano 'yan?!" 

"Ouen, irereyp ata nila tayo!" 

"Tss, isuot niyo na" utos ni Koshiro at binutones ulit ang uniporme niya.

"Anong katarantulahan 'yon?!" 

"Nakasanayan lang, 'di kasi kami tumatanggap ng bakla dito, HAHAHA" 

"Nyenye, wala akong pake. Saan na ba 'yung kwarto namin ni Ryan nang makapagpahinga kami" 

"Sa 2nd building 5th floor, room A. Here's the key. Dalian nyo may exam ngayon at hindi kayo exempted" 

"What the?" 

"Hell" dugtong ni Ryan sa sinabi ko.

"It's already 7am. The examination will be start on 8 o'clock. Don't be late" may panunukso sa naging boses niya at tunalikod na para magsimulang maglakad

"Hey, miss are you okay?" 

"Tara na, Ryan. Samahan mo muna ako sa clinic na bwisit ka! Kaya pala nagkanda galos ang mukha ko dahil 'di mo ko mabuhat-buhat!" inis kong sigaw sa kaniya at hinila para hanapin ang clinic. Humarap ako sa likod ko ng may nagsalita.

"Hey, I'm asking you. Are you okay?" mahinahon niyang tanong sa akin. 

"Do I look like I'm okay?!" 

"Follow me, miss" 

"Tara na nga Ryan, may nakikita ata 'tong iba eh" bulong ko kay Ryan.

"Hula ko nga rin 'yan eh, kanina pa s'ya nagtatawag ng miss, Sige tara na" 

"I said follow me" sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Ako ba?"

"Yes"

"Eh? Hindi naman kasi ako miss, lalaki ako boplaks"

"I thought you're a nevermind, follow me" utos niya kaya naman sinundan ko siya, umupo s'ya sa upuan kaya umupo ako sa tabi niya. May kinuha siyang box at kumuha ng cotton buds at alcohol.

"What happened?" Tanong niya at may kinuhang tubig at pinahilamos sa akin. 

"Natisod lan--aray!" May sugat nga pala ako.

"What's your name?" Tanong n'ya ulit at nilinisan ang galos ko, pagkatapos ay nilagyan na ng band-aid ang mga may galos.

"Ouen Preston Callanta"

"Callanta? Ohh, you came from Callanta Clan. Callanta Clan is astounding, they are all successful" manghang tanong niya sa akin. Mukhang sikat na sikat clan namin.

"Uh? Yes, Thanks for this" pagpapasalamat ko sa kanya.

"You sure, that you're not a girl?" 

"No, I'm not" 

"Let me take you to your dorm"

"Okay, isa talaga akong malaking cactus dito" singit ni Ryan habang nag memake face, abnormal ampopo.

"And also you.."

"Hey, you don't englishining, me not understand" nahihirapang pagsalita ni Ryan.

"Sige, pagpatuloy mo 'yan nang matuluyan ka" ansakit pa naman sa tainga kapag nagkukunwari 'yan, ang bobo pa umakting.

"Building?"

"2nd building, 5fth floor room A"

"Only 30 minutes left. We'll be late for the exam if your dorm is too distant. Sit in the bench and review. You should be done in 20 minutes, I'll just get your uniforms" sabi niya at binigay sa amin ang bag niya. Kinuha ko na ang mga notebook at naghati kami ni Ryan. 

"Guys, let's go to the Comfort room. Take a bath and put on your uniforms" 

"Teka, wala pang 10 minutes nung nakaalis ka ah"

"We don't have enough time, faster" nagmamadali niyang utos at tinulak kami ni Ryan papunta sa Cr at binigay ang mga susuotin namin. Pumasok na ako sa isang cubicle at naligo ng mabilisan. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform at lumabas.

"Where's Ryan?"

"Naliligo pa, pasukin ko na antagal eh" bumalik ulit ako sa cr at hinanap kung saan pumasok si Ryan. 

"Binalewalaaa niya akoooo dahilll sayoooo~ WOOOHHH" kaya naman pala ang tagal kasi nagcoconcert pa.

"Hoy! Dalian mong maligo, may pasok pa tayo aba!" 

"Palabas na!" Sigaw niya mula sa loob. Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya at naka uniform na rin. Sabay kaming lumabas at sumama na kay, ano ba 'yan bakit hindi ko tinanong pangalan niya kanina.

"Pre, pangalan mo pala?" Tanong ko sa kanya at inakbayan.

"Marshall Sullivan"

"Ahh, malapit na ba tayo sa room?"

"No, we need to run!" sabi n'ya at biglang tumakbo, tumakbo na rin kami ni Ryan hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang room.

"Ano pang ginagawa niyo dito sa labas? Pasok na kayo" tumingin ako sa babaeng nagsalita at tila tumigil ang mundo ko sa aking nakita. 

"Wag ka nga manghila!" Sigaw ko kay Ryan na hinihila ako papasok sa room.

"Nakakita ka na naman ng babae kaya natigil ka na naman diyan! Pumasok na raw tayo!"

"Oo na! Oo na! Bitawan mo nga ako! Baka masira pa uniform ko" binitawan naman niya ang damit ko at pumasok na sa room. Pinauna ko muna ang teacher bago ako pumasok. Hindi na ako nahirapang maghanap ng upuan at tumabi na kay Ryan.

"Here's your test paper, no cheating or else you will have punishment" pinamigay na ni ma'am ang mga test paper sa amin. Nagmuni-muni pa naman ako kanina kaya hindi ko nabasa yung binigay na notebook ni Marshall. Math pa naman daw yung I eexam ngayon. 

Nang nakuha ko na ang test paper ko ay nagulat ako sa nakita ko at napatayo. Tinignan ko si Ryan na kasabay ko sa pagtayo at...

"Ang dali! HAHAHAHA" Sigaw namin ni Ryan at biglang nag macho dance kagaya nang tinuro samin ni lolo.

"Anong ginagawa niyo? Umupo kayo at sumagot ng tahimik" nakangiwing utos sa'min ng guro namin.

"Saan ba galing ang mga yan, HAHAHA"

"Lt pala 'tong mga transferee, HAHAHA"

"Unbelievable"

"HAHAHAHAHA" tawanan nila, nadala lang naman ako ng sobrang kasiyahan. Akala ko kasi mahihirapan ako. Sumagot nalang ako ng tahimik at tinapos ng mabilis ang exam. Pinag-aralan ko 'to last year, buti nalang talaga naalala ko agad.

Pagkatapos kong sagutan ang napakadaling exam ay ibinigay ko na agad kay ma'am ang test paper.

"Wait, you're the new transfer student. Am I right?"

"Yes, Ms. Beautiful" feeling ko may hart hart sa mata ko nang makita ko siyang ngumiti.

"Hindi na kayo mag eexam ng kasama mo sa ibang subject. Hindi ko nga alam kung bakit kayo nag exam, hahaha"

"Okay lang naman pong mag exam ma'am, madali lang naman....."

"Btw, ma'am can I get your number? nahihiya kong tanong sa kanya habang hinihimas ang batok ko.

"Hahaha, anong gagawin mo sa number ko? Wala ka namang cellphone, hahaha" agad kong kinapa ang bulsa ko at wala nga ang cellphone ko rito.

"Pasensya na, ma'am. Nawawala po kasi" 

"Hindi 'yan nawawala, kinuha 'yan ng principal. Dahil hindi pwedeng humawak ng gadgets ang mga estudyante rito"

"Ahh, ganoon po ba? Sige salamat po" lumapit na sa amin si Ryan. Binigay niya ang test paper n'ya kay ma'am kaya sabay na kaming lumabas sa room.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status